24
CHAPTER TWENTY-FOUR
"BLOSSOM, gising na, baby."
"Hmmm . . ."
"Blossom, gising ka na, baby ko."
"Hmmmm . . ."
"Blossom, si Sleep kanina ka pa hinihintay sa baba!"
Agad-agad akong napabangon at napabalikwas sa kama ko.
"Sabihin mo, Dade, may lagnat ako. Hindi kamo ako makakapasok! Mauna na kamo siya!" sigaw ko.
"'Nak ng! Baho ng hininga mo, Blossom. Magmumog ka nga muna! Naman, oh. Aga-aga, pinapaliguan mo 'ko ng ganyang amoy," reklamo ni Dade. Napa-poker face na lang ako dahil kay Dade.
Dali-dali tuloy akong pumunta sa banyo para magmumog at lumabas ng banyo.
Bumaba na ako sa sala at napalunok na lang ako nang makita ko si Tulog na nakaupo sa sofa namin habang nagkakape.
Wow, ha. Talagang pinagkape pa siya ni Dade.
"Blossom, baby! Hindi mo naman sinabi agad sa akin na nanliligaw na pala sa 'yo 'tong si Sleep! Jusko, dalaga na ang Blossom ko!" parang bata na sabi ni Dade.
Si Tulog, hindi malaman kung matatawa ba siya sa tatay ko o hindi, eh.
"'Oy, Tulog, mauna ka na pumasok. Maliligo pa 'ko saka kakain," sabi ko kaya napatingin siya sa akin.
"Hintayin na kita."
Ay, p*cha. Sarap pakinggan. Aga-aga, naglalandi ako. Hays.
"Okay," sabi ko na lang at pumunta na sa kusina.
Sungit sungitan lang ang drama ko para kunwari pa-hard to get. Aba, hindi porket nililigawan niya ako ay ipapakita ko na agad sa kanya na may pag-asa siya sa akin. Siyempre, te-testingin ko kung hanggang saan 'yong kaya niya.
Nang matapos ko nang ayusin ang sarili ko, bumaba na ako sa sala. Wala na raw si Dade sabi ni Manang. Pumasok na raw si Dade kaya si Tulog na lang ang nasa sala.
Ugh. Awkward.
"'Oy, tara na, Tulog," pagbasag ko sa katahimikan at tumayo naman agad siya.
Lumabas na kami ng bahay at siyempre pating gate.
Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa magsalita siya.
"If you're expecting me na buhatin 'yang bag mo, hindi ko ugali 'yon."
WTF?
Hindi ko na lang siya pinansin. Lintek na, walang kuwentang suitor, eh. Magrereklamo sana ako sa kanya kaso bigla ulit siyang nagsalita kaya natigilan ako.
"Pero puwede kitang buhatin hanggang school. Pili ka. Bag mo bubuhatin ko o ikaw?"
Napanganga ako sa sinabi niya. "Hindi bale na lang! Kaya kong buhatin 'tong bag ko! Letse. Ginawa mo pa akong baldado kung bubuhatin mo 'ko!"
Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa campus. At tuwang-tuwa ako nang makita ko si Mang Augustsa guard house!
"Good morning, Mang August!"
"Good morning, Blossom," nakangiting bati niya.
"Bakit nawala ka yata nang ilang araw?" tanong ko.
"Umuwi kasi akong Maynila, pinagamot ko 'yong nanay ko. Nagkasakit kasi, eh."
"A-Ah, ganoon po ba? Ano po'ng balita? Okay naman po basiya?"
"Hindi nga, eh. Malala na kasi ang cancer niya. Stage 3 na pala. Pero kailangan kong umuwi rito para magtrabaho."
"Gano'n po ba? Ah, Mang August, may ibibigay po ako sa 'yo bukas. Baka sakaling makatulong," nakangiting sabi ko.
"Ha? Nako, Blossom, huwag na."
"Mang August naman, nahiya ka pa. Siyempre kailangan kong bumawi sa 'yo kasi lagi mo akong pinapalusot kapag late ako or walang I.D. Love naman kita kaya huwag mo na akong tanggihan."
"Ikaw talagang bata ka. Salamat."
Pumasok na kami ng campus at habang naglalakad kami, nagbubulungan 'yong mga student. Tsk. Kasama siguro sila roonsa mga nag-like ng comments namin ni Tulog kagabi.
Mainggit kayo! Ako 'yong gusto ni Tulog!
Pagpasok namin ng classroom, naghiyawan na agad ang mga tao sa paligid.
"Kinilig ako sa lampungan nila kagabi sa Facebook!" tumatawang sabi ni Ulan.
"Oo nga! Kainggit si Blossom!" nakangusong sabi ni Jessan.
Si Sofia naman, nakangiti lang at si Ziehl naman as usual, wala pa sa classroom. Baka late ulit 'yon. 'Yong The Pastel naman, naghihiyawan din sila.
Si Asul, nakangiti lang.
Cool na umupo si Tulog sa upuan niya na para bang wala siyang naririnig sa paligid niya.
"Ziehl Topaz, late ka na naman. Lagi ka na lang late!" sigaw ni Mrs. Norie kay Ziehl na kapapasok lang ng classroom. Dedma lang si Ziehl at cool na naglakad papunta sa upuan niya.
"Kausap kita, Ziehl! Bakit ba lagi kang late?! Gusto mo bang ibagsak kita?"
"Eh 'di ibagsak mo 'ko. Para next year 'pag naging repeater ako, may estudyante ka na namang laging late," nakangising sabi ni Ziehl at saka siya umupo. Napasapo na lang sa noo siMrs. Norie. Mukhang nauubusan na siya ng pasensya pero wala siyang magawa. Si Ziehl naman kasi, abuso.
***
"HOY. Nanliligaw ka ba talaga?" tanong ko.
"Bakit?"
"Aba. Eh, para kasing uto-uto ang tingin mo sa akin kaya ito ako, sunod nang sunod sa sinasabi mo saka kung saan ka pupunta. Saka hindi ko ramdam na nanliligaw ka sa 'ki—"
"Don't think that way. Hindi pa naman ako nagsisimula," sabi niya sabay kindat.
"Oh, my G! Kinindatan ako ni Sleep!"
"Ako kaya ang kinindatan niya!"
"Ako kaya!"
"Ako sabi, eh!"
Nasira ang kilig ko dahil sa mga hinayupak na feeling-erang babae sa tabi-tabi. Feeling naman nila, sila 'yong kinindatan niTulog?! Utut n'yo, mga tsong!
"Tss," singhal ni Tulog dahil mukhang narinig niya ang mga babae sa paligid. Ehem, sungit.
Pumasok na kami sa cafeteria at nag-order saka kumain. Habang kumakain kami, napapansin ko 'yong mga lalaking may crush sa akin na nakatingin sa akin ngayon. P*cha. Tusukin ko mga mata nila, eh.
Nakita ko namang kapapasok lang ng The Garden sa cafeteria at nahagip agad ako ng mata ni Stair. Maangas silang naglakad papunta sa puwesto namin at huminto sa harapan ko.
"Hi, Blossom," bati niya sa 'kin.
"Hi, brad," bati ko pabalik. Tch! Si Hagdan! Isa siya sa mga suitor ko! Pero hindi ko naman siya ine-entertain, 'no! Mga trying hard manligaw. Kaya hindi ko siya pinapansin dahil sa ugali niya.
"Nood kang gig namin mamaya, may gig kami. Are youavailable?" malambing na tanong niya at napansin ko na namang masama ang tingin sa akin ng mga babae sa paligid. Mga fans sila ni Stair.
"Manonood lang ba? Okay, sig—"
"She's not available," biglang singit ni Tulog habang bored siyang nakatingin kay Hagdan.
"'Oy, grabe ka naman. Available naman ako mamaya, eh. Manonood lang naman ng gig ni Hagdan, nakakahiyang tumanggi. Bakit mo naman ginawa 'yon?" nakasimangot na sabi ko kay Tulog pagkaalis nina Hagdan.
"'Di ba sabi ko ako lang papanoorin mo?" inis na sabi niya kaya napangiti ako bigla.
"Possessive suitor ka pala, Tulog."
"Possessive na ba 'yon?"
***
PAGPASOK ko ng classroom, niyugyog ko agad ang balikat niUlan.
"Kinikilig ako!"
"Aray ko, Bloss! Teka ng—aray! Bloss, kumalma ka! Bakit ka kinikilig? Bruha ka!"
"Eh, kasi! Basta kinikilig ako!"
"Kayo na?!" singit ni Jessan.
"'Oy, hindi pa!" sagot ko agad.
"Hay nako, Bloss, itutulad mo ba si Sleep kay Blue? Paghihintayin mo nang matagal 'tapos paaasahin mo lang sa huli? Bloss, huwag mong patagalin ang panliligaw. Baka ikaw naman ang maiwan this time," seryosong sabi ni Ulan kaya natahimik ako bigla.
"Ano ba'ng sinasabi mo? Hindi ko naman siya paaasahin. Sasagutin ko naman siya, eh."
"Sasagutin mo naman pala, eh. Bakit pinapatagal mo pa 'yong ligawan stage kung alam mo naman na pala ang sagot mo?" taas-kilay na tanong sa akin ni Ulan.
"E-Eh kasi, hindi pa naman siya nagtatanong, eh," nakasimangot na sabi ko.
"So 'pag tinanong ka niya, sasagutin mo na agad?" singit niZiehl.
"Oo naman."
"Bakit? Ano ba'ng nagustuhan mo sa kuya ko?"
"Basta. Lahat!"
"Siguraduhin mo lang na hindi mo papaasahin kuya ko, ha," seryosong sabi ni Ziehl.
"Opo, boss," nakangiting sagot ko.Natigilan naman kami nang biglang huminto sa harap namin si Tulog at hinila ako palabas ng classroom. Dinala niya ako sa may hagdan kung saan walang tao.
"Huwag mong madaliin sarili mo. Take your time and fall in love with me. Kapag mahal mo na ako, that's the right time para sagutin mo ako. Not now, Prim."
"B-Bakit papatagalin mo pa? Bakit hindi pa ngayon?"
Natigilan ako nang bigla siyang lumapit sa akin at tinitigan ako sa mata.
Napalunok ako nang ilapit niya sa tainga ko ang bibig niya.
"I want you to fall in love with me first. That's the reason why I decided to court you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top