20


CHAPTER TWENTY

Blossom

MUKHA akong zombie na bumangon sa kama at lumabas ng kwarto.

Natuwa ako nang makita ko si Manang na naglulutong almusal at sina Momsie at Dade na umiinom ng kape.

Oh, my God! They're back!

Tumakbo agad ako papunta sa kanila at niyakap ko sila.

"I missed you both so much!" masayang sabi ko.

"Kumusta ka naman, baby kong Blossom? Ayos ka naman ba no'ng wala kami?" tanong ni Dade.

"Bakit parang hindi ka yata nakatulog, Blossom? Nangingitim 'yong paligid ng mata mo. Para kang sinapak, baby! Sino'ng sumapak sa 'yo?! Reresbakan ko!" Makapanlait 'tong si Dade.

Mukha bang black eye 'tong eyebags ko? Tch."Ay, Momsie, Dade! May swimming competition kami sa first Friday of July! Nood kayo, ah?" nakangiting sabi ko at nag-approve naman si Dade kaagad.

Jusko, alam n'yo ba kung bakit 'di ako nakatulog? Dahil doon sa sinabi ni Tulog kagabi! Grabe. Parang sinapian yata siya kagabi ng kung anong espiritu. Kung ano-anong himala lumabas sa bibig no'n kagabi. Ang hahaba ng mga sinasabi 'tapos—'tapos, tss! Fall in love niya mukha niya.

Lumabas na ako ng gate at na-disappoint ako no'ng hindi ko nakita si Sleep na nakasandal sa gate nila. Himala yata at hindi niya ako hinintay ngayon? Mukha tuloy talaga akong zombie na naglakad papasok ng school.

May napansin na naman ako, hindi na naman si Mang August 'yong guard.

Pagpasok ko ng classroom ay nalaman ko na lang na excused pala kaming mga Student Council dahil aasikasuhin daw namin 'yong Acquaintance Party para bukas.

Hinanap ng paningin ko si Sleep at nakita ko naman siya na bored na nakatingin sa hangin. Problema no'n?

"'Oy, guys, tara na, tara na!" tawag ni Jessan sa lahat ng SC. Lumabas na kami ng classroom at tiningnan ko naman si Tulogna nakakunot ang noo habang naglalakad. Napapaano 'yon? Tsk.

"'Oy, bro, wala ka yata sa mood?" sabi ni Red sabay akbay kay Tulog.

"Ha?" wala sa sariling sabi ni Tulog.

"Woah, bro! Bakit ganyan mata mo? Natulog ka ba?" gulat natanong ni Red at saka siya humalakhak.

Huwag mong sabihing puyat din siya?

Nagpunta kami sa dance studio at nagsimula nang magpractice ng sayaw namin.

Napapasimangot na lang ako sa mgatinuturo ni Ulan na steps kasi masyadong sexy 'yong mga galaw. Ikot ng katawan, pitik ng ulo. Ikot ng baywang, pitik ngkatawan. Pitik ng paa, ikot ng ulo. Angas na sipa, pitik ng ulo.

Pitikin ko na lang kaya si Ulan 'tapos sipain ko na rin sa ulo? Tch.

Mabilis lang kaming naturuan ni Ulan. Sipa rito, hila sa gilid. Sexy na maangas ang sayaw namin. Napatitig ako nang pasimple kay Tulog sa gilid ko.

Aba, angangas niya sumayaw. Oh, my God lang. Ang sexy niya sumayaw!

"I think dapat may solo part 'yong muse and escort n'yo para exciting," nilingon namin ang nagsalita at nakita namin si Rade. Oh, my God. Dancer nga pala siya.

"I agree! Pero Kuya Rade, hindi kasi ako marunong magturong partnering. Ikaw na lang magturo sa kanilang dalawa!" maarteng sabi ni Ulan kay Rade. Pabebe ka, ghorl?

"Sure," nakangiting sabi ni Rade at nginisian niya si Tulog. Tiningnan naman siya nang masama ni Tulog at mas lalong napangisi si Rade. WTF was that?

"Ayusin mo, bro," inis na sabi sa kanya ni Tulog at humalakhak naman si Rade.

"Chill lang. Trust me," nakangising sabi ni Rade. Hanep. Magbest friend talaga sila.

"'Pag-exit ng mga ibang dancer, matitira kayong dalawa ni Blossom sa center," panimula ni Rade. 'Tapos tinuruan niya ng step si Tulog. Pati ako, tinuruan niya.

Naka-dekuwatro raw ako sa monoblock 'tapos nasa harapan ko siTulog. And then, aakyat ako sa likod ni Tulog at marahan akong mag-i-slide sa balikat niya papunta sa harapan niya. 'Tapos marahan akong ita-tumbling ni Tulog pero nakaalalay siya sa legs ko. 'Tapos pupunta ko sa harap ni Tulog at—"Kailangan pa ba talagang yakapin ko siya? Palitan mo 'yong step!" reklamo ni Sleep kay Rade pero tumawa lang si Rade.

"Arte mo. Sundin mo na lang ako," maangas na sabi ni Rade atwala kaming choice ni Tulog.

Niyakap niya ako mula sa likuran ko at sabay naming iginiling ang katawan namin. Hinawakan niya ang mga daliri ko papunta sa braso ko hanggang sa makarating sa balikat ko ang kamay niya at inikot niya ako saka niya ako sinalo.

"Pagkatapos saluhin ni Sleep si Blossom, babalik kayong lahat sa center at sasayaw na ulit kayong lahat," sabi ni Rade.

Pinagpatuloy na ni Ulan ang pagtuturo sa amin hanggang sa matapos namin 'yong sayaw.

Hindi ako makahinga kanina dahil sa kaba. Aish! Pero bakit ganoon?! Hindi niya ako pinapansin kahit na magkasama kaming sumasayaw kanina! Letse.Nagpunas ako ng pawis ko gamit ang face towel ko saka ako umupo sa sulok ng dance studio.

Umupo naman bigla sa tabi kosi Ziehl kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Problema ni Kuya? Kagabi, para siyang tangang palakadlakad sa bahay dahil hindi siya makatulog. Baka sakaling alam mo kung ano'ng dahilan?" concerned na tanong ni Ziehl. Nagtaka naman ako.

"Aba, malay ko sa kuya mong abnormal."

"Isa ka pa, eh. Mukhang wala ka ring tulog," nakangising sabi niya saka siya tumayo at lumabas ng dance studio.

"Bloss!"

Nilingon ko naman si Ulan. Hanep, bakit sinisigaw no'n pangalan ko?

"Bloss, may sinabi si Sleep!" sigaw ulit ni Ulan.

Pinagti-tripan na naman ako ni Ulan. P*cha.

Nakita ko namang tinakpan ni Tulog 'yong bibig ni Ulan.

"Pinagti-trip-an ka lang nito," kunot-noong sabi ni Tulog at si Ulan naman, pilit na nag-iingay at tinatanggal ang kamay ni Tulog sa bibig niya.

"Shut the f*ck up, Rain," inis na sabi sa kanya ni Tulog.

Inirapan ko lang silang dalawa.

Nababaliw na sila.

Lumabas na lang ako ng dance studio at pumunta sa rooftop. Dito na lang muna ako magpapahinga. Kainis. Ang sakit-sakit ng katawan ko. Nakakapagod kasi 'yong training kahapon, 'tapos sumayaw pa kami kanina. Mas lalong sumakit katawan ko.

Basa na sa pawis 'tong uniform ko.

Nakita kong bumukas angpinto ng rooftop at nakita ko si Asul na naglalakad papalapit sa'kin. Siya pala.

"Stalker ka talaga, Asul," pagbibiro ko.

"Hindi naman. Nakita lang kita na nagpunta rito."

"Kumusta pala 'yong banda n'yo? Malapit na band competition n'yo, ah."

"Ayos naman, nag-e-enjoy kaming tumugtog. Pero kailangan namin manalo. Si Black kasi, ayaw niya raw mapahiya sa papa niya."

"Sino pala'ng ka-date mo bukas? Naks, first time mo kong hindi ka-date, ah. Kada taon yata, ikaw ka-date ko lagi."

"Baliw. Hindi ko pa alam kung sino'ng date ko bukas. Si Rain na lang siguro. Siya pinaka-close ko sa mga kaibigan mo, eh."

"Jusko, naghahabol pa rin 'yon kay Itim. 'Oy, Asul, balik ka nakaya sa classroom? May klase kayo ngayon, ah? Hindi ka naman excused!"

"Oo nga, 'no? Nakalimutan ko. Sige, bye, Blossom," sabi niya at naglakad na siya paalis ng rooftop. Umupo naman ako sa edge ng rooftop at tinanaw ko 'yong mini park ng campus namin.

Napakunot ang noo ko nang makita ko si Tulog na pinagkakaguluhan ng mga babae doon sa park.

Siya na guwapo. P*cha, palibhasa magaling maggitara.

"Selos, Blossom. Halata ka." Nagulat naman ako dahil sa biglaang presensya ni Ziehl sa tabi ko. Jusko, bigla-bigla na lang lumilitaw 'tong si Ziehl, eh.

"Manhid-manhid ng kapatid mo, kainis!"

"Hindi 'yon manhid. Alam niya. Ayaw ka lang talaga niyang pansinin."

"Aray ko, 'teh, ha."

Humalakhak siya. "Corny mo raw kasi. Ayaw niya sa 'yo."

"Isa pa, Ziehl, sisipain na kita!"

***

INAYOS na namin 'yong 3rd floor. Bumili sina Ulan ng mga balloons na white and black 'tapos dinesenyohan namin ang buong 3rd floor.

'Tapos 'yong stage, nilagyan namin ng mga maskara as design.

Sinet up na rin namin ang mga tables and chairs.

"Bloss! Alam kong keribels mo 'to! Ikaw na muna magsabit ng mga maskara rito sa stage. CR lang ako," bilin sa akin ni Ulan.

Umakyat naman ako ng stage at tumungtong doon sa ladder para maabot ko 'yong pagsasabitan. Mga dalawang minuto siguro akong nagkakabit doon at ang sakit na ng batok ko dahil nangangalay na ako. Kaya naman tinigil ko na ang pagsasabit ko dahil tapos naman na 'ko.

Bumaba ako ng ladder pero—namali ako ng tapak kaya—Sh*t!Na-out of balance ako at napabitiw sa ladder.

Napapikit nalang ako at hinihintay kong bumagsak ako sa sahig pero . . . sa katawan ako bumagsak.

Katawan ng lalaki!

Napadilat tuloy ako at natigilan ako nang makita ko si Tulog na nakatitig sa 'kin habang buhat-buhat ako.

"Mag-ingat ka nga," masungit na sabi niya at saka niya ako marahan na ibinaba.

"S-Salamat."

"Ehem, ehem! Tanghaling-tapat naglalandian, ah!" Sasapakin ko na 'tong si Ulan, eh.

Umalis tuloy si Tulog 'tapos lumipat siya roon sa may mga table na inaayos nina Red.

"Alam mo, Ulan, panira ka ng moment, 'no?!"

"Panira raw. Excuse me, Bloss, may narinig ako kanina. Pero secret ko na 'yon."

"Ano na naman, Ulan?"

"Secret ko nga, 'di ba? Inaaway mo ko lagi, eh! Hindi mo deserve marinig, okay?!"

"Bahala ka sa buhay mo, Ulan! Wala ka talagang silbi!"


Rain

NAGSILABASAN na ng dance studio 'yong iba. Lalabas na rin sana ako kaso napatingin ako kay Sleep na seryosong nakatingin kung saan.

"Damn. Pansinin ko na lang kaya? Hindi ko siya matiis," parang shunga na sabi niya sa sarili niya.

Tiningnan ko tuloy ang direksyon na tinitingnan niya at nakita ko si Bloss na nagpupunas ng pawis habang nakaupo sa sulok.

Oh, my God!Kinikilig ako para sa kaibigan ko! Haba ng buhok sa ilong, Bloss!

"Bloss!" sigaw ko. Nilingon naman ako ni Bloss at aba,lumingon din sa akin si Sleep. Tsk.

Nakahahalata na talaga ako. Basta pagdating kay Bloss, matalas pandinig nitong Sleep na 'to, eh.

"Bloss, may sinabi si Sleep!" sigaw ko ulit kaya agad na tumakbo si Sleep papunta sa akin at saka tinakpan ang bibig ko! Ay, letse. My pretty lips! Si Black lang ang may karapatang magtakip sa bibig ko!

Lumapit naman sa amin si Bloss at nagtatakang tumingin sa akin. Pilit kong sinisigaw 'yong sinabi ni Sleep kanina pero hindi ko magawa dahil nga nakatakip sa bibig ko 'yong kamay ng hinayupak na 'to!

"Pinagti-trip-an ka lang nito," kunot-noong sabi ni Sleep at pilit ko pa ring sinisigaw ang sinabi niya.

"Shut the f*ck up, Rain," inis na sabi sa akin ni Sleep at inirapan naman kami ni Bloss. Aruy, huwag mo ko irapan, 'teh. Kinikilig akosa inyo!

Nag-walk out si Bloss at naiwan kami ni Sleep sa dance studio.

"Alam mo ikaw, ang torpe mo!" sigaw ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako nang masama.

"Aba, kung gusto mo siya, kumilos-kilos ka na. Mamaya balikan siya ni Blue, bahala ka. Ikaw din." Nakangising sabi ko kay Sleep pero nanatiling nakakunot ang noo niya.

"I don't know what you're talking about. Hindi ko siya gusto."

"Hindi raw gusto. Puwit mo, Sleep! Damn. Pansinin ko na lang kaya? Hindi ko siya matiis," panggagaya ko sa kanya sa sinabi niya kanina.

Kumunot ang noo niya at mas lalong sumama ang tingin sa akin saka siya lumabas ng dance studio.

Hays, kawawang Bloss. Hindi niya alam may gusto rin sa kanya si Sleep.

Si Torpe at si Manhid.


Sleep

PINAINGAY ko ang electric guitar ko. Nagpa-practice kami ngayon ng tutugtugin namin bukas sa party.

Green Light ng 5SOSang tinutugtog namin.

Kinalabit ko ang bawat string at natawa ako nang lingunin ko si Red, todo rin siya sa pagtugtog.

"Okay na. Bukas wala tayong practice dahil gabi 'yong acquaintance party bukas," bilin ni Blue.

Sinabit ko naman agad ang gitara ko sa likod ko at lumabas na ng campus. Nagulat naman ako nang makita ko si Prim nanaglalakad.

8 p.m. na, ah? Bakit ngayon lang siya uuwi?

Binilisan ko ang lakad ko at sinabayan siya sa paglalakad kaya napatingin siya sa akin.

"Ano na naman?" reklamo niya.

"Bakit ngayon ka lang uuwi?" tanong ko.

"Ah, eh, kailangan namin ng puspusan na training. Lapit na kasi swimming competition namin."

"Ah, gan—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil biglang may motor na huminto sa gilid namin.

"'Oy, Asul! Ikaw pala!" nakangiting sabi ni Prim.

"May gagawin ka ba? Samahan mo ako saglit sa bahay, may papakita ako sa 'yo."

"Eh? Wala naman akong gagawin pero ano, sige, sige!" nakangiti ulit na sabi ni Prim saka umangkas sa motor ni Blue.

"Uy, bro, ikaw pala. Pahiram muna nitong si Blossom saglit, ah?" nakangising sabi niya sa akin saka niya pinaandar paalis ang motor niya.

Napakunot ang noo ko.

"The f*ck," inis na sabi ko at saka ko sinipa 'yong bato na nakaharang sa dadaanan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top