17
CHAPTER SEVENTEEN
PAGMULAT ko ng mga mata ko, bumungad sa akin ang puting kwarto.
Nakita ko ring may inhaler at suwero ako. Mas lalo akong nagulat nang makita ko sina Tita Beth na nasa tabi ko pati si Ziehl at—Sleep.
"Buti naman gising ka na," nag-aalalang sabi ni Tita Beth.
"Tita, salamat po. Pero paano po ako napunta rito?"
"Ewan ko d'yan kay Sleep. Dumating na lang siya bigla sa bahay namin habang buhat-buhat kang walang malay."
Inatake nga pala ako ng sakit ko.
Agad kong iginalaw ang katawan ko at natuwa naman ako dahil nakagagalaw na ako ulit. Pero paano ako nakita ni Tulog kanina? Pinaalis ko na siya sa bahay namin kanina, hindi ba?
"Okay ka na ba? Sabi ng doktor mo ay tumaas ang acid ng katawan mo kasabay ng pagbagsak ng potassium sa katawan mo."
"Okay lang po ako, Tita."
"Anong okay lang? You passed out on the stairs, buti na lang nasalo kita. Hindi mo ako makita kanina na para bang bulag kaat hindi kita makausap kasi hindi mo ako naririnig at nakikita. Paano mo nasabing okay ka lang? Ha?" iritableng tanong sa akin ni Tulog.
"S-Sinalo mo 'ko? N-Nandoon ka kanina?"
"Obviously. Hindi ako umuwi kanina noong pinauwi mo ako. Palabas na dapat ako ng gate n'yo kanina kaso nagbago isip ko dahil pinapabantayan ka nga sa 'kin ng daddy mo kaya binalikan kita sa loob. Pero namumutla ka kanina habang hinang-hina nanaglalakad pababa ng hagdan."
"S-Salamat."
"Don't thank me. Hindi ako tumatanggap n'yan," masungit na sabi niya.
"Blossom, sa susunod nga, mag-ingat ka," masungit din nasabi ni Ziehl. Hanep 'tong magkapatid na 'to. Nasa ospital na ko't lahat-lahat, sinusungitan pa rin ako!
"Ihahatid ka na namin sa bahay n'yo, hija. Sabi ng doktor, puwede ka na raw namin iuwi agad kapag nagising ka na. May mga nireseta rin siyang gamot sa 'yo, binilin ko kay Sleep ang gamot mo. At oo nga pala, sa ayaw at sa gusto mo, hija, sa bahay n'yo muna matutulog si Sleep. Sasamahan ka niya hangga't wala ka pang kasama. Baka kasi may mangyari ulit sa 'yo."
"Po? Puwede po bang si Ziehl na lang ang magbantay sa 'kin?"
"What? Why me? Hindi kita kayang buhatin 'pag hinimatayka," masungit na sabi ni Ziehl. Psh. Kaibigan ko ba talaga siya? Maygad.
Tumayo na ako at naramdaman kong medyo mahina pa rin ako. Pero okay na, nakagagalaw naman na ako.
Na-discharge na ako at lumabas na kami ng ospital. Sobrang lakas pa rin ng ulan kahit gabi na.
"Anong oras na?" tanong ko kay Tulog.
"8 p.m."
Nanatili akong tahimik at sumakay na kami sa kotse nila. Ang mama nila ang nagda-drive ng kotse habang si Sleep namanay nakaupo sa tabi ng mama niya. Ako at si Ziehl ang nakaupo sa likod.
"Salamat po, Tita," sincere kong sabi nang makauwi kami.
"No problem, hija. Basta ikaw," nakangiting sabi niya.
Binuksan ko ang TV pero wala palang cable dahil walang signal, dahil siguro sa bagyo. Putspa. Wala ring internet! Pesteng buhay 'to, oo. Napakaswerte. Ito ang ayaw ko 'pag may bagyo, nawawalan ng internet. Psh.
Wala akong nagawa kaya naman naghanap na lang ako ng mga DVD. Pero walang magandang panoorin kaya humiga nalang ako sa sofa at hinintay si Tulog. Nasa kusina kasi siya at nagluluto. Akalain n'yo 'yon? Marunong pala siyang magluto.
"'Oy." Napatingin ako kay Sleep nang tawagin niya ako.
"Bakit?"
"Luto na 'yong sopas. Kain ka na lang, may kukunin muna ako saglit sa bahay," paalam niya at lumabas siya ng bahay. Ako naman, dumiretso agad sa kusina dahil kanina pa talaga ako nagugutom.Nagsalin na ako sa mangkok ng sopas at nilantakan ko agad 'yon sa mesa. In fairness, ha! Ang sarap niya magluto! Ang sarap. Hindi ako makapaniwalang ang sarap niya magluto! Puwede nang pakasalan! Char!
Pumunta na ako sa sala at bored akong umupo. Wala akong magawa, walang internet, walang cable. Tsk, what to do? Malakas pa rin ang ulan, kumusta na kaya sina Momsie, Dadeat Manang?
Natigilan ako sa pag-iisip dahil biglang pumasok si Sleep dala-dala ang electric guitar niya. May dala rin siyang amplifier'tapos inayos niya 'yon at umupo siya sa katapat kong sofa.
"Ano'ng gagawin mo?"
"Baka kakainin ko 'tong gitara," iritang sagot niya.
"Letse ka, Tulog."
"Tss, tutugtog ako. Nag-text sina Red, eh. Mag-practice daw muna kahit hindi kami magkakasama. Two weeks and 3 days nalang time namin para mag-practice."
"Ah, naks. Sabi na, crush mo ako, eh. Talagang dito ka pa sa harap ko magpa-practice. Hindi mo naman na kailangan magpa-cute sa 'kin or magpapansin. Papansinin naman kita, eh."
Tinaasan niya ako ng kilay. Sungit.
"Huwag kang assuming, Prim. I don't have a crush on you. You're not even my type."
Sumimangot lang ako at hindi na umimik. Nagsimula na siyang tumugtog ng gitara. 'Yon na siguro 'yong sinulat ni Asul.
Napatingin ako sa kanya, ang guwapo niya sobra. Mas lalo siyang gumaguwapo 'pag naggigitara siya.'Tapos 'yong mata niya, ngayon ko lang napansin na green pala ang kulay nito. Astig, may lahi ba siya? Bakit green ang mataniya? Bagay na bagay sa kanya.
Napalunok ako. Bakit ang guwapo mo, Sleep?
Naisip ko tuloy,ang swerte ko dahil ka-close kita at madalas kitang kasama. Paano kapag nagka-girlfriend ka na? Baka hindi na tayo madalas magsama nang ganito. Baka hindi mo na ako samahan lagi.
Ay, sh*t. Ano ba 'tong sinasabi ko? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Para bang ayaw ko nangpaalisin si Sleep. Para bang gusto ko lagi siyang nasa tabi ko.
Mas lalo akong napalunok nang bigla siyang mag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata namin.
Those eyes . . .
Dali-dali akong tumakbo paakyat ng kwarto at nag-lock ng pinto.
"Ugh! Why am I feeling this way?!" sigaw ko. Nagulat naman ako nang bigla siyang kumatok nang kumatok sa pinto.
"Hey, okay ka lang ba? Ano'ng nararamdaman mo?! Openthis damn door, Prim!" sigaw niya doon sa labas pero hindi ako sumagot. Humiga ako sa kama at nagtaklob ng kumot.
Bakit ba kasi ganyan ka sa 'kin, Tulog? Masyado kang concern sa 'kin lagi! 'Tapos palagi ka pang nakasunod sa akin saka nakabuntot! 'Tapos ang galing mo pa maggitara. 'Tapos niyaya mo pa akong panoorin ka sa gig n'yo. 'Yan tuloy, ito ang nangyayari sa akin.
Nagulat ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumapit sa akin si Sleep. "Huy, okay ka lang?" Kinalabit niya ako pero hindi ko siya pinapansin.
"'Oy, ano ba kasi'ng nangyayari sa 'yo?" Inis kong inalis ang kumot na nakataklob sa akin at saka ako umayos ng upo.
"Tulog ka lang naman pero bakit ganito?! Matulog ka na nga lang para tahimik ang buhay ko!" reklamo ko.
Kumunot naman ang noo niya.
"What?" iritang tanong niya.
"Wala! Sabi ko, peste ka kahit kailan! Ginugulo mo buhay ko! Kainis!"
"What the hell? Ano na namang ginawa ko sa 'yo? Inaano kita?"
"Wala! Ugh. Nakakainis ka!"
"Bakit ba?"
"Wala nga! Kulit!"
"Bakit nga?"
"Wala, huwag ka lumapit sa akin! Mas nahuhulog ako!"
"Ha?"Agad akong natigilan.
"A-Ah ano, huwag ka kakong lumapit sa akin dahil mas nahuhulog ako! Malapit na akong mahulog sa sahig kaiiwas sa 'yo, oh!" palusot ko.
"Eh 'di sasaluhin kita kapag nahulog ka," simpleng sabi niya.
Pero—pero bakit parang double meaning para sa akin ang sinabi niya?
Alam ko namang sasaluhin niya lang ako kapag nahulog ako sa sahig . . . hindi sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top