11
CHAPTER ELEVEN
Blossom
PAGKALABAS ko ng bahay ay nag-unat-unat ako. Bad trip pa rin ako dahil sineen ako ni Tulog kagabi.
Maya-maya lang ay bumukas ang gate ng bahay nila at lumabas mula doon si Tulog.
"Si Ziehl? 'Di natin isasabay?" tanong ko.
"Tulog pa 'yon." Ay. Oo nga pala. Late palagi 'yon. Tsk.
"Bakit sineen mo ako kagabi? Tinanong ko lang kung crush mo ako, ah! Silence means yes!"
"Wala akong makitang dahilan para magka-crush sa 'yo," masungit na sabi niya at saka naunang maglakad. Attitude talaga.
Binilisan ko ang paglalakad dahil 'pag binagalan ko pa ay maiiwanan niya ako. Ang lalaki kasi ng hakbang niya. Lalaking lalaki maglakad.
"Pero bakit nga kasi gusto mo akong kasabay pumasok bigla."
"Masama ba?" kibit-balikat niyang tanong.
"Hindi naman. Kailan nga pala start ng practice n'yo sa banda?"
"Ask your suitor."
"Sungit mo, Tulog!"
"Tigilan mo ako sa Tulog na 'yan, Prim."
"At tigilan mo rin ako sa Prim na 'yan, Tulog!" Kumunot ang noo niya at hindi ako pinansin hanggang sa makarating kami sa klase. Pagpasok namin sa classroom ay busy na agad sina Sofia dahil bumubuo na sila ng partido kung sino ang mga tatakbo sa amin.
Umupo ako sa upuan ko dahil wala naman akong maitutulong kina Sofia lalo na't muse lang naman ako. Buwisit.
"Hoy."
"Oh, Asul?"
"Hindi ako ang tatakbong escort mo. Si Sleep ang nilista nila sa partido natin bilang escort. Campaign manager n'yo kasi ako. Baka lang ma-disappoint ka na hindi ako ang escort mo."
"Naks, guwapo naman ng campaign manager."
Napansin ko namang busy siya magsulat sa pad paper niya kaya bahagya kong sinilip kung ano 'yong sinusulat niya. "Ano 'yan?"
"Ah, gumagawa ako ng flow ng campaign natin." Hinayaan ko lang siyang magsulat at nanatili akong nakatitig sa kanya.
"Titigan mo lang para matunaw," biglang sulpot ni Red sa harap namin.
"Ano na ang balita d'yan sa ginagawa mong flow, Blue? Huwag mong kalimutan mamaya, may gagawin ka pang kanta, ha," paalala ni Red.
"Ay, oo nga pala. Dami ko palang gagawin."
"Eh? Ano pa'ng gagawin mo?" tanong ko.
"Itong campaign, 'tapos 'yong lyrics ng bagong kanta ng banda, 'tapos 'yong tono at notes ng kanta. 'Tapos aasikasuhin ko pa 'yong registration ng competition na sasalihan namin sa interschool band competition."
Napasimangot ako. Mukhang magiging busy nga siya.
"'Oy, Asul, wait lang, ah? CR lang ako."
"Samahan kita?"
"Hindi, huwag na. Tapusin mo na 'yong ginagawa mo," nakangiting sabi ko.
"Sige. Balik ka agad." Tumayo na ako at naglakad palabas ng classroom. Sa totoo lang, ayaw ko nang bumalik sa classroom. Lahat sila may ginagawa, eh. Ako, petiks lang. Nakakahiya naman, 'di ba?
Pagkatapos kong mag-CR ay napatalon ako sa gulat nang makita ko si Tulog na nakasandal sa pader.
"Bakit naman nand'yan ka? Jusko. Aatakihin ako sa puso,eh!"
"Binabantayan ka." Natigilan naman ako.
Ano raw?
Nagkibit-balikat siya at saka umayos ng tayo. "Tara," pagaaya niya sa akin. Kaya sinabayan ko na lang siyang maglakad pabalik ng classroom. Ang weird niya.
Blue
SUMAPIT ang 5 p.m. at ramdam ko na talaga ang pagod sa preparations kanina para sa campaign.
Sa sobrang busy ko kanina, nakalimutan ko na tumawa. Joke. Napailing na lang si Sleep dahil sa kakulitan ni Black. Kahit kaming magkakaibigan, lagi na lang din napapailing dahil kay Black.
Napahinto kami sa paglalakad nang may makasalubong kami. Tsk, sila na naman.
"Woah. Look who's here," nakangising sabi ni Stair.
"May bago silang miyembro. Mukha namang walang ibubuga," maangas na sabi ni Stone. Napangisi na lang ako. Wala silang idea kung gaano kagaling 'tong si Sleep. Mga tanga. Nagsasalita agad sila nang hindi muna nakikita kung gaano kagaling ang minamaliit nila.
Magsasalita na sana ako pero natigilan ako nang makaramdam ako ng pagkahilo at pagkirot ng ulo ko. Halos mapapikit ako sa sakit, pero pinilit kong 'wag pansinin ito.
"Balita ko mag-e-entry daw kayo sa upcoming interschool band competition," taas-kilay na sabi ni Stair.
"Oo, may problema ba?" bored na sabi ko. Ayaw ko talagang nakakaharap 'tong mga 'to, eh.
"Sasali rin kami sa competition na 'yon. Kung ako sa inyo, mag-quit na agad kayo. 'Pag natalo kayo, baka ipahiya n'yo lang ang campus natin," nakangising sabi ni Stair kaya nagtiimbagang ako.
"Kaya nga. Wala na si Yellow, wala na kayong pambato,"gatong ni Stone.
"'Oy, Stone, manahimik ka. Baka gusto mong ikaw ang ibato ko?!" asar na sabi ni Black kaya sabay-sabay kaming tumawa ng mga kaibigan ko. Hindi nga lang ako makatawa nang maayos dahil iniinda ko pa ang sakit ng ulo ko.
Napatingin naman akokay Sleep na seryoso pa rin ang mukha.
"'Oy, ikaw," sabi ni Hell kay Sleep. Psh, ano na namang ipaglalaban nitong buwisit na 'to? Kaya siguro Hell pangalan niya,baka nasunog siya doon.
Lumakad siya papalapit kay Sleep atsaka niya binangga si Sleep. Nanatiling seryoso ang mukha ni Sleep. Woah, angas niya.
"Nakakatawa ka. Ang lakas ng loob mong sumali sa bandanila. Mukha ka namang walang ibubuga," sabi ni Hell kay Sleep.
Napangisi si Sleep bago nagsalita. "Oo, wala na talaga akong ibubuga dahil nabuga ko na sa'yo lahat ng hininga ko," nakangising sabi ni Sleep at hagalpak na naman kami sa tawa nina Triangle.
K*ngina, hindi ko kinayaattitude ni Sleep.
"T*ngina. Sleep, 'di mo naman kami in-inform! Ang lakas pala ng sense of humor mo!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Triangle. Inis na humakbang palayo si Hell kay Sleep.
"Ano'ng nakakatawa?!" reklamo ni Hell sa mga kabandaniya.
"Sorry na, Hell. Nakakatawa lang talaga 'yong sinabi niya,"pigil tawa ni Smart. Siya 'yong nerd na lalaki sa banda nila. Napatingin naman kami kay Bright na kadarating lang at saka niya tiningnan si Sleep mula ulo hanggang paa.
"Naks. New member," nakangising sabi niya.
Bigla namang sumingit si Black. "O ano? May sasabihin ka rin? Tss. Matulog ka na lang sabahay! Puro ka salita, 'di ka naman magaling!" sermon ni Black sa kapatid niya. Oo, kapatid niya si Bright. Sila ang Jewel brothers. Black Jewel at Bright Jewel. Ang mortal na magkaaway.
"Tara na. Wala tayong mapapala sa kanila," nakangising sabini Stair saka sumunod sa kanya ang mga alagad niya at sabay-sabay silang umalis.
Anyway, sina Stair, Hell, Smart, Stone, Bright ay ang banda mula sa Section 2 ng Grade 10. Galing sila sa section na Black Heads. Ang pangalan ng banda nila ay The Garden.
One year nanamin silang kalaban sa mga band competitions at palagi silang champion. Oo, magaling sila, eh. Kami naman, 2nd placer lang kami palagi or 1st runner up. Siyempre, nagpe-perform lang naman kami para makapagpasaya ng mga tao at hindi para mag-compete. Si Stair ang vocalist nila. Si Stone naman ang lead guitarist. Si Hell ang drummer. Si Smart ang bass guitarist/bassist nila. Si Bright naman ang pianist. Ginagaya niya talaga si Black.
Nagsimulang tumugtog ng kung ano-ano sina Red pagkarating namin sa studio. Nag-ja-jamming lang sila habang ako ay busysa pag-iisip ng puwedeng isulat na kanta. Lyrics muna ang aatupagin ko bago ang mga nota. Mukhang mahihirapan akong gumawa ng kanta. Hindi talaga ako makakilos o makapag-isip nang maayos dala ng sakitng ulo ko.
Pinilit kong tumayo para sana lapitan sila pero muli akong napaupo nang manlabo bigla ang paningin ko at para bang umiikot ang paligid ko.
Ano ba'ng nangyayari sa 'kin?
Bigla namang huminto sa pagtugtog sina Red. Napatingin tuloy ako sa kanila. Lahat sila nakatingin kay Black na seryosong nakatingin sa sahig.
"Huy, brad, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Triangle kay Black.
"Mga brad, puwede ba akong humingi ng pabor sa inyo?" seryosong tanong ni Black.
"Siyempre naman. Ikaw pa," sagot ko.
"Darating kasi 'yong papa ko galing America. In-invite ko siyang manood sa band competition natin."
"Oh, ano'ng sabi ng papa mo?"
"Sabi niya, huwag ko raw siyang ipapahiya kay Mama. Alam n'yo naman 'yong sitwasyon namin. Alaga ni Mama si Bright. Alaga naman ako ni Papa. Ayaw ni Papa na mas umaangat sa akin si Bright at si Mama. Kaya gusto ko sanang gawin natin ang lahat-lahat para manalo doon sa competition. Para matalo ang banda ng kapatid ko. Ayaw kong ipahiya ang papa ko."
Napangiti naman ako at tumayo. "I guess we have a better reason to compete," nakangiting sabi ko, pilit na tinatago ang iniinda kong sakit ng ulo.
Blossom
NAGULAT ako nang makita ko si Tulog na nakatayo sa harap ng gate namin.
"Problema mo, Tulog?"
"Tagal mo. Kanina pa 'ko nandito," reklamo niya.
"Aba, malay ko bang nand'yan ka. At bakit mo ako hinihintay, aber?"
"Sabay ulit tayo."
"Ah, okay."
Nagtaka naman ako nang mapansin kong lumilingon-lingon siya sa paligid namin at saka bigla-biglang kumukunot ang noo niya.Panay lang ang banat ko ng jokes sa kanya hanggang sa makarating kami sa campus. Dumiretso ako sa 4th floor at nakita kong nakaupo ang mga swimmer doon sa bleachers. Late yata ako.
"'Uy, nasaan 'yong bagong instructor?" tanong ko kay Sam.
"Wala pa, Ate Blossom, eh. Kadarating lang din namin. Mayamaya siguro, darating na 'yon."
Nakahinga naman ako nang maluwag, knowing that I wasn't late. Umupo na lang din ako sa bleacher at pare-pareho kaming naghintay.
"Iyon na siya! Oh, my G!"
"Hala, ang guwapo niya, grabe!"
Napatingin naman agad ako sa direksyon na tinuturo ng mga katabi ko, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko 'yong lalaking sumasayaw sa Enchanted Kingdom dati! 'Yong sinasabi ko sa inyong guwapong lalaki na astig sumayaw!
What a small world?
Seryoso siyang naglakad papalapit sa 'min at saka siya ngumiti.
"Good morning, everyone. I'm Rade Ames Savedra, your new swimming instructor," pormal na pagpapakilala niya. Hala, ang guwapo. Hala grabe, ang guwapo ng boses! Pero teka, ang talented niya naman yata masyado? Dancer na nga siya 'tapos swimmer pa siya? Woah. Pero bakit gano'n? Ang dark ng aura niya.
Nakuha ng atensyon ko ang lalaking nakatayo mula sa 'di kalayuan. Nakatayo siya at seryosong nakatingin sa amin. Na-curious tuloy ako kaya tumayo ako at naglakad papunta roon.
Ito 'yong hagdan pababa doon sa 3rd floor. Wala naman akong nakitang tao kaya naman nagtaka ako. Sino 'yong lalaking nakita ko rito kanina?
Babalik na sana ako sa pool area pero laking gulat ko nang may biglang humila sa akin kaya napasandal ako sa pader.
"Jusko. Tinakot mo ako Tulog, akala ko kung sino," kinakabahang sabi ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko gawa ng pagkagulat. Natakot talaga ako. Akala ko kung sino na. Psh. Seryoso siyang tumitig sa mga mata ko.
"Kahit saan ka magpunta, siguraduhin mong may kasama ka," seryosong sabi niya. Nagtaka na naman ako. Iyan na naman siya.
Problema niya ba? Magsasalita pa sana ako kaso bigla siyang nagsalita ulit.
"Kung wala kang kasama, tawagin mo agad ako. Sasamahan kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top