10
CHAPTER TEN
Blossom
MABUTI na lang at mabagal maglakad si Tulog. Nasabayan ko siya sa paglalakad sa hallway.
Wala nang gaanong taosa mga classroom dahil kanina pa nag-uwian, 6 p.m. na rin kasi.
"Hoy, Tulog, ang galing mo kanina, ah. Congrats."
"Salamat."
"Libre ka naman. Nagugutom ako, eh."
"Katamad. Doon ka na lang sa bahay n'yo kumain."
"Grabe ka talaga kahit kailan," reklamo ko. Pagkalabas namin ng campus, bumungad sa amin si Mang August.
"Gabi na, Blossom, ah. Ginabi ka yata?"
"Mang August, atupagin mo 'yong pangalan mo kung paano magiging June, huwag mong atupagin ang oras ng pag-uwi ko," tatawa-tawang sabi ko.
"Hay nako kang bata ka."
Nakalabas na kami ng gate ng campus ni Tulog at hindi ko rin alam kung ano ang sumapi sa akin, pero kating-kati talaga ako purihin siya sa performance niya kanina.
"Pero Tulog, 'di talaga ako maka-move on sa ginawa mo kanina. Ikaw na yata ang pinakamagaling na gitaristang nakilalako."
"Huwag kang masyadong mabilib sa 'kin."
"Humble! 'Di ba 'yon 'yong pinupukpok? Tambol!"
"Tss. Araw-araw yata, 'di ka nauubusan ng joke."
Kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Pero sana hindi na lang agad kami dumating dahil . . . Sh*t. Lagot.
"Blossom? Boyfriend mo ba 'yan at lagi mong kasama?" tanong sa akin ni Dade. Nakataas ang kilay niya habang nakatayo sa harapan ng gate ng bahay namin.
"H-Ha? Hindi, ah! Dade naman! Kaklase ko lang 'yan."
"Bakit ginabi kayo ng uwi? Ano ang ginawa n'yo?" kunotnoong tanong sa 'kin ni Dade. Umiiral na naman ang pagkaoverprotective niya.
Nagulat ako nang biglang magsalita si Tulog. Hindi ko inaasahan 'yon dahil akala ko tulog siya! Joke. Waley!
"Ginabi ho kami ng uwi kasi pinanood ako ni Prim kanina sa audition ko. Supportive classmate," nakangising nilingon ako ni Tulog kaya lalo akong napasimangot. Letse, supportive classmate niya mukha niya. Feeling niya talaga kahit kailan!
"Prim? Sino si Pr—ay, oo nga pala, Blossom Prim 'yon. Tsk. Pero talaga? Pinanood ka niya kanina? Saan ka ba nag audition?" tanong ni Dade pero mukhang alam niya na dahil napatingin siya sa gitara na nakasukbit sa likod ni Tulog.
"Ah, gitarista ka pala? Ano nga pala'ng pangalan mo?"
"Sleep po." Aba, kahit lumaki siya sa London, he still have this Filipino values tulad ng pagsasabi ng 'po'.
"Sleep? As in Tulog?" nanlalaking matang tanong ni Dade. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang humagalpak ng tawa si Dade. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kapag may kasama akong lalaki. What the?
"Naghapunan ka na ba, Sleep?"
"Hindi pa po, eh."
"Sakto. Pumasok kayong dalawa sa loob, nagluto ang mommy ni Blossom ng hapunan. Sa amin ka na lang muna kumain dahil nagustuhan ko ang pangalan mo," tatawa-tawang sabi ni Dade sabay pasok sa gate namin. What the hell was that?
"Hoy, Tulog, doon ka na lang sa bahay n'yo kumain. Sige na, bye na."
"Nah, gutom na ako. Paniguradong mamaya pang 8 p.m. magluluto si Mama." Napanganga ako dahil cool siyang naglakad papasok ng bahay namin. Wala akong choice kung hindi ang sumunod.
Grabe, siya ang pinakaunang lalaking pinapasok ni Dade sabahay namin. Ang unfair ni Dade! Bakit si Asul, kahit kailan hindi niya pinapasok sa bahay namin?
Padabog akong pumasok ng bahay at nakita ko naman si Momsie na ine-examine ang mukha ni Sleep habang nakaupo sasofa si Sleep.
"Hmm, guwapo ka," seryosong sabi ni Momsie. Si Tulog naman ay seryosong nakatingin lang din kay Momsie. Nawiwirdohan siguro siya kay Momsie. Well, 'di ko siya masisisi. Weird talaga ang nanay ko.
"Mas guwapo ka sa asawa ko," seryosong sabi ulit ni Momsie kaya hinila siya ni Dade palayo kay Tulog.
"Wifey naman, huwag kang ganyan. Huwag mong agawan si Blossom."P*cha.
"Tara na sa dining, nakahanda na ang pagkain," seryosong sabi ulit ni Momsie.
Sabay kaming pumunta ni Tulog sa dining area saka siya umupo sa tabi ko. Okay, bakit kailangan sa akin tumabi? Si Dade dapat ang tabihan niya tutal siya ang nag-invite sa kanya rito. Tsk.
"'Di ka naman gutom niyan?" pang-aasar ko sa kanya habang pinagmamasdan siyang maglagay ng pagkain sa plato niya.
Ang dami kasi niyang nilagay sa plato niya kaya natatawa ako. "Guwapo pa rin," masungit na sabi niya sa akin kaya nabilaukan si Dade at saka tumatawang nagsalita.
"Tama ka d'yan. Dapat ganyang klase ng tao ang maging boyfriend mo, Blossom. Malakas ang sense of humor." Seriously? Si Asul ang malakas ang sense of humor at hindi 'tong si Tulog.
"Sleep, nililigawan mo ba ang baby ko?" tanong ni Dade kaya nabilaukan si Tulog at agad na uminom ng tubig. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto ko kung bakit siya nabilaukan.
"Hindi ko po nililigawan ang baby n'yo," natatawang sabi niTulog. P*cha. Gusto ko manakit!
"Franzen, tigil-tigilan mo 'yang mga pagtatanong mo na naman, ah. Nagiging isip-bata ka na naman! Hayaan mong matapos si Sleep sa kinakain niya. Huwag mo muna siyang daldalin," inis na sabi ni Momsie kay Dade.
Ano ka ngayon, Dade? Humaba ang nguso ni Dade at saka nakasimangot na kumain.
Tahimik kaming kumain lahat dahil kay Momsie. Na-badtrip kay Dade, eh. Ayaw kasing paawat. Napakadaldal kasi ng tatay ko.
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam na si Tulog nakailangan niya na raw umuwi.
"Next time ulit, Sleep, ah! Kung gusto mo, dito ka na rin mag-sleep," natatawang sabi ni Dade. My God. Crush yata ni Dade si Tulog.
Sleep
"BALITA?" tanong niya sa kabilang linya.
"I just had dinner with them."
"Mmm, do you have any idea if they're still searching for me?"
"Hindi ko alam. Walang nababanggit sa akin si Prim."
"Are they alright?"
"Oo. Ayos naman sila—wait. I'll call you again later," kunotnoong sabi ko at saka pinatay ang tawag. May kaluskos akong narinig mula sa puno ng narra sa tapat ng bahay namin. Muli kong binuksan ang phone ko at tinawagan 'siya'.
"Bakit mo ako binabaan kanina?" Mas lalong kumunot ang noo ko nang may makita akong lalaking sumakay sa van at pinaandar ito paalis.
"Sa tingin ko, alam na nila kung saan nakatira ang pamilya mo," seryosong sabi ko. Natigilan siya sa kabilang linya.
"F*ck. Please, Sleep, huwag mong pababayaan ang pamilya ko. Naiintindihan mo naman kung bakit hindi ko magawang umuwi sa kanila, 'di ba? Naiintindihan mo naman kung bakit hindi ako makapunta d'yan."
"Naiintindihan ko."
"Salamat." Binaba ko na ang tawag at pumasok na ako sa bahay namin. Pagkapasok ko pa lang sa pinto, nakita ko na si Ziehl nanakasandal sa pader at seryosong nakatingin sa akin.
"Nakita mo?" seryosong tanong niya sa akin."Oo. Kakaalis lang nila."
"Kanina ko pa sila nakikita d'yan sa tapat noong umuwi ako kaninang hapon. Nagmamasid sila sa bahay ng mga Sasaki," kunot-noong sabi niya.
"Huwag mong iaalis ang paningin mo kay Blossom. Hangga't maaari, dumikit ka sa kanya at huwag kang lalayo," seryosong dagdag niya pa bago siya umakyat sa kwarto niya. Napahawak na lang ako sa sentido ko at saka naupo sa sofa.
May dahilan ang lahat. May dahilan kung bakit dito tumira si Ziehl. May dahilan kung bakit hindi ko siya nakasama sa London. May dahilan kung bakit nag-aral si Ziehl sa BMPS, at may dahilan kung bakit kaibigan ni Prim si Ziehl. At lalong may dahilan kung bakit dito kami nakatira, katabi ang bahay nila.
Alam kong hindi kaya ni Ziehl mag-isa na protektahan si Prim. That's why I'm here.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top