04


CHAPTER FOUR


PAGKAPASOK ko ng bahay, nakita ko si Momsie na umiiyak habang tinitingnan ang mga picture ni Kuya Kian.

Napabuntonghininga ako. Palagi siyang ganyan. Araw-araw, gabi-gabi, umiiyak siya. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya.

"Momsie, huwag ka nang umiyak. Mahahanap din natin siya, okay?"

"Pero paano kung hindi na? Blossom, paano kung patay na pala siya 'tapos hindi natin alam?"

"Momsie, huwag ka kasing negative mag-isip. Buhay siya, nararamdaman kong buhay siya."

"Blossom, miss na miss ko na si Kian. Ano na kaya'ng itsura niya ngayon?"

"Momsie . . ." Bumuntonghininga ako.

"Momsie, anong dagat ang nakakadiri?"

"A-Ano?"

"Seapon!" Bahagya akong natawa sa joke ko.

"Huwag ka nang umiyak, baka tumulo seapon mo, sige ka."

"Hay nako, Blossom."

"Huwag ka nang umiyak, ha? 'Di bagay, eh. Akyat na ako sa kwarto."

Pagkaakyat ko sa kwarto ay naramdaman ko ang lungkot.

Simula noong mawala si Kuya Kian, never na kaming nagkaro'n nina Momsie at Dade ng family time. Never na kaming lumabas nang kaming tatlo, kaming pamilya. Ginawa nilang busy ang sarili nila sa trabaho nila. Ni hindi nga sila nakaa-attend ng family day sa school namin noong elementary ako. Noong grumaduate ako noong kinder garten ako at noong grade 6 ako, hindi sila naka-attend ng graduation ko. Si Manang Asseng ang um-attend noong graduation ko.

Nakalulungkot lang isipin na nawalan na sila ng oras para sa akin. Dahil nawala si Kuya Kian, nakalimutan na nilang may isa pa silang anak, at ako 'yon.

***

PAGKAGISING ko ay balik na ulit sa normal ang mood ko. No more drama.

Tiningnan ko ang wall clock ko at 6 p.m. na pala. Bumaba na ako sa sala at nakita ko naman si Dade na nakaharap sa laptop. Busy siyang mag-autocad. Panigurado may bago na naman siyang project.

"Blossom, may family day bukas sa Enchanted Kingdom 'yong company namin. Sama ka, ha?"

"Ano namang gagawin ko doon? Boring, Dade. Ayaw ko."

"Eh, sige na. Please, baby."

"Okay, sige. Sasama ako, Dade. Kasama si Momsie?"

"Hindi, eh. May book signing siya bukas sa Davao."

"Ah. Dade, anong sabon sa katawan ang lugar na puwedeng puntahan?"

"Ano?"

"Eh 'di Dove. Doveao." Humalakhak si Dade at naningkit pa ang mga mata.

"Benta 'yon, ah!"

***

BUMABA na kami ng kotse ni Dade at iniwan niya 'yong kotse niya doon sa parking area sa tapat ng building nila. Nakita ko naang limang tour bus na gagamitin papuntang EK.

"Excited ka na, baby?"

"Yes, Dade."Kahit na 'di talaga 'ko excited. Tsk. Wala naman kasi akong gagawin doon.

Sa kalagitnaan ng pagiging bored ko, nanlaki ang mga matako nang makita ko sina Ziehl, Sleep at Tita Beth doon sa tapat ng bus #3. Oo nga pala. Bakit ko ba nakalimutan na magkatrabaho ang dade ko at ang mama nina Ziehl?

"Hi, Tita," bati ko kay Tita Beth.

"Hello, hija."

"Sir Franzen, pinapatawag po kayo ni Engineer Albert. Tabi raw po kayo sa bus dahil may pag-uusapan daw kayosa mga plano," biglang sabi ng babaeng officemate ni Dade.

Humarap sa akin si Dade at napasimangot ako. "Blossom, hindi kita matatabihan sa bus, ah? 'Yong client ko, kailangan naming kausapin ni Engineer Albert."

Hindi ko pinahalata ang pagkadismaya ko. Ngumiti ako nang malapad. "Okay lang, Dade. Naiintindihan ko naman."

"Thank you, Blossom. See you later." Bumaling ako kay Ziehl at hinampas ko siya sa braso. "Hindi mo man lang ako sinabihan na sasama ka pala rito safamily day, ah!"

"Kagabi ko lang naman nalaman."

"Tabi tayo sa bus!"

"Katabi ko si Mama."

"Ay. Ganoon ba?" Sino'ng katabi ko? Dapat pala, 'di na 'ko sumama.

"Tayo na lang." Napaharap ako kay Tulog dahil sa sinabi niya.

"Ha?"

"I said, tayo na lang ang magtabi," pag-uulit niya. Ngumiti ako dahil sa pag-aalok niya at sumakay na kami ng bus.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top