/4/ Queer
'Be yourself', they say
but they will mock you
judge you, criticize your ways
society, full of hypocrites
well, we don't
care
/4/ Queer
[MOLLY'S POV]
3:15 PM
I nearly cringed when I saw him standing near the Balete tree, for all places bakit ba dito pa niya piniling makipagkita? At hindi ko inaasahang nandito na siya 'agad, kadalasan kasi kapag sinabing three pm ay magiging three thirty, kaya akala ko maaga pa 'ko nito. Well, Filipino time.
"You're fifteen minutes late," puna ni weirdo sa'kin habang nakatingin pa relos niya. "Kanina pa ako rito."
"Sorry," sabi ko na lang para wala na siyang masabi. He began to move and I just followed his pace. "Where are we going?"
"Just follow me, 'kay?" hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lang sa kanya.
Namalayan ko na lang na pumasok kami sa premises ng College of Liberal Arts. Medyo pinagtitinginan ang agaw pansin na si Cole the weirdo dahil sa kanyang kulay lumot at gulu-gulong buhok. Naiisip siguro nila kung ano'ng ginagawa ng isang Education student at Engineering student dito.
Nasa ground floor pa lang kami nang huminto kami sa harapan ng J.P. Rizal Theatre, ang teatro sa buong university.
"What are we doing here?" medyo nag-aalalang tanong ko dahil ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to. Hinila ko pa 'yung laylayan ng manggas ng uniform niya para pigilan siya dahil basta-basta na lang siyang papasok sa loob.
"Molly, cool ka lang," tinapik niya pa ako sa balikat at tinulak niya ang pinto.
Pumasok kami at bumungad ang madilim na teatro, ang tanging ilaw lamang sa entablado ang may mga liwanag May mga iilang tao na nanunuod subalit namumukod tangi ang isang lalaki sa gitna kung saan nakatutok sa kanya ang spotlight. Mukhang nagpa-practice sila.
Umupo si weirdo at wala naman akong ibang nagawa kundi umupo na rin, pumwesto ako sa likuran niya.
Binaling ko ulit 'yung tingin ko sa lalaki sa stage, he's reciting something, it's like a poetry. Nandito ba kami para manuod o ano? But I didn't speak for a while.
"To be, or not to be: that is the question:
Whether 'tis nobler in the mind to suffer
The slings and arrows of outrageous fortune,
Or to take arms against a sea of troubles,
And by opposing end them? To die: to sleep;
No more; and, by a sleep to say we end
The heart-ache and the thousand natural shocks
That flesh is heir to, 'tis a consummation
Devoutly to be wish'd. To die, to sleep;
To sleep: perchance to dream: ay, there's the rub."
It's familiar... Ah! It's from William Shakespeare's Hamlet! Nang matapos ang actor ay nagpalakpakan ang mga manunuod, maging ako ay napapalakpak, he delivered his lines perfectly, and he got a charming aura that captivates the audience kahit na pawisan at nakasuot lang ng white shirt at maong pants.
Kumaway pa ang actor bago umexit.
Si Cole the weirdo naman ay tumayo at naglakad papuntang stage. Napatayo rin ako at sumunod ulit sa kanya. Seriously, am I his tail?
"Hey, saan ka pupunta?" I asked but he didn't answer. Hanggang sa napadpad kami sa backstage area, walang pakundangang pumasok si weirdo at nagtinginan sa amin ang mga tao roon. Ako naman ay hindi malaman ang gagawin so I just smiled...awkwardly.
"May I help you?" tanong ng isang babae na lumapit sa amin.
"Can we talk to him?" Turo niya sa actor kanina sa stage at nanlaki naman ang mga mata ko. Don't tell me...
"Jasper, kakausapin ka raw," umalis ang babae at naiwan kami ni weirdo. Tumingin sa amin ang actor na ang pangalan ay Jasper, he smiled beautifully at us, chinito siya at may brown curly hair.
Nang maglakad siya papalapit sa amin ay natulala ako, paano ba naman, kada hakbang ay pumipitik ang kanyang bewang. Akala mo ay rumarampa sa runway.
"Yes? Hi, hello!" masigla nitong bati sa amin. Napanganga ako lalo nang marinig ang matinis niyang boses .Malayung malayo sa lalaking lalaki niyang aura kanina. He's gay.
"Jasper Tupas, right?" sabi ni weirdo at tumingin sa akin. "We're your classmates from Art App, I'm Cole and she's Molly."
"Ay I see, huhulaan ko," pumanewang pa si Jasper at nilagay ang daliri sa baba. "Nandito kayo para yayain akong maging ka-grupo niyo, ano?"
"Y-yes." Sagot ko.
"Bongga! Keri boom lang, wala pa akong ka-group."
"Thanks, are you available later five pm para sa meeting?" tanong ni weirdo at napatingin naman ako sa kanya. Ngayon ko lang nalaman na may meeting mamaya!
"Surebels! Five pm din ang tapos ng practice namin."
"A-add ka na lang namin sa GC," iyon na lang ang nasabi ko dahil sa pagka-speechless. Si weirdo naman ang napatingin sa akin dahil hindi niya naman kasi alam na may GC, actually thought ko lang 'yon nang yayain ko si Garnet.
"Oh, just search me, darling. Jasper Tupas, at kapag may nakita kang sexy papi, that's me," kumindat pa sa'kin si Jasper. Kumaway ito sa amin atsaka bumalik sa mga kasama.
Pagkalabas namin ni weirdo sa J.P.Rizal theatre ay nagharapan kaming dalawa.
"What GC?"
"What meeting?"
Halos sabay pa kaming nagtanong sa isa't isa. Ugh. I rolled my eyes on him.
"GC as in group chat. Hindi mo ba alam 'yon?" pang-aasar ko sa kanya at humalukipkip lang siya.
"Well, okay, add mo na lang din ako diyan sa GC niyo ni Garnet," at ginantihan niya ako ng pang-aasar. Kainis. "Now we'll move forward."
"Teka, hindi mo sinagot 'yung tanong ko. Ano'ng meeting?"
"Meeting, as in group meeting."
"Mamayang five pm?"
"Oo, bakit may klase ka pa ba?"
"W-wala."
"Wala naman pala eh," naglakad siya at heto ako sumunod lang ulit. This guy is getting on my nerves.
Tumahimik na lang ako at naglakad patungo kung saan man kami pupunta. I can't believe that I'm following him. Parang kanina lang ay payapa ang buhay ko sa library, heto ngayon at nakasunod ako sa isang stranger weirdo.
Narito pa rin kami sa College of Liberal Arts, umakyat lang kami ng second floor at huminto sa harapan ng isang... music room?
Nasa labas kami pero naririnig na mula sa loob ng silid ang musika na nililikha ng piano. Nanlaki na naman mata ko nang makita ko si weirdo na akmang bubuksan ang pinto.
"H-hoy!" pipigilan ko sana siya pero nabuksan na niya 'yung pinto. Wala 'ata talagang hiya 'tong taong 'to. Siyempre no choice ako kundi pumasok din. Hindi naman namin naabala 'yung choir at isang pianista. Tumayo lang sa gilid si weirdo at sumandal sa pader, ako naman ay nanuod na lang sa mga kumakanta.
"Five hundred twenty-five thousand six hundred minutes
Five hundred twenty-five thousand moments so dear
Five hundred twenty-five thousand six hundred minutes
How do you measure, measure a year?
In daylights, in sunsets
In midnights, in cups of coffee
In inches, in miles
In laughter, in strife
In five hundred twenty-five thousand six hundred minutes
How do you measure a year-
Sa kalagitnaan ng kanta ay biglang huminto ang pianista. Why? Kaunti na lang ay sasabay na ako sa pagkanta eh.
"You are fucking out of tune!" sigaw ng pianistang babae at bigla nitong hinagis ang maliit na notebook na nasa ibabaw ng piano sa isang lalaki sa choir.
Gulat na gulat naman ako at natameme lang ang mga choir members.
"S-sorry, A-ate Alexa!" kaagad na humingi ng sorry ang natamaan ng notebook.
Medyo napabilib ako, paano niya nafigure out kung sino sa kanilang pito ang wala sa tono? I don't know, only musically inclined people do.
Napabuga ng hangin ang pianista at hinilot ang sintido marahil sa sakit ng ulo.
"Lumabas muna nga kayo at baka mabalibag ko sa inyo 'tong piano," at parang mga dagang takot na kumilos ang pitong choir member at lumabas. Naiwan kami ni weirdo at kaagad kaming napansin ng pianista.
Napakunot ito nang makita kami at si weirdo ay naglakad palapit dito, sumunod lang ako.
"Who the fuck are you?" the lady asked in a very unwelcome tone.
"I'm Cole, and she's Molly," nakangiti pang sagot ni weirdo.
"Ano'ng kailangan niyo sa'kin?" iritadong tanong nito. Kung ikukumpara kanina kay Jasper, kabaligtaran ng babaeng 'to ang pagiging friendly ni Jasper. Nakasimangot siya at napansin ko ang kanyang itsura. Raven hair, may full bangs at hanggang balikat na buhok, naka white long sleeve polo, black pants at high heels.
"Well, classmate mo kami sa Art App, gusto lang naming sumama ka sa grupo namin," mabuti na lang at si weirdo ang nagsasalita palagi. Kahit intimidating at masungit 'tong babae ay kaya niya pa ring makipag-usap. I can't do that.
Saglit na nag-isip ang babae, kung hindi ba siya papayag ay pipilitin siya ni weirdo?
"Sige."
"That's great. Molly, add her to our GC," napatingin naman ako kay weirdo, talagang siya pa nagsabi non.
"S-sige," napatingin naman ako sa babae. "Y-your name?"
"Alexandrite Montes, just search Alexa Montes."
*****
MG created a group chat
MG named the group "HUM2: Art App"
MG added Cole, Garnet, Jasper, and Alexa
MG: Hi, guys, May meeting daw mamayang 5pm sa Hema's Coffee. Thanks.
*seen by Garnet, Jasper, and Alexa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top