/1/ Shattered


I want to be something 
but the world
won't
 allow me

/1/ Shattered

[MOLLY'S POV]


NES 116 – Differential Equation - DROPPED
NES 118 – Statics of Rigid Bodies - 5.00 (FAILED)

That was the surprise when I opened my account on the student portal. One drop and one failing grade in two subjects. Actually, hindi na ako nagulat sa surpresa. Oh, the irony.

Expected ko na kasi na kasama ako sa hinatulan ng terror prof namin. And I was right. I'm quite good at predicting disastrous events in my life ever since I stepped in college.

"Next." Napatingin ako sa bumukas na pinto, sumungaw mula roon ang secretary ng Office of the Student Affairs Director.

I don't exactly know why I am here in this fancy but not so comfy waiting area of OSA, waiting my name to be called. Gusto ko nang umuwi sa bahay, magkulong at matulog.

Isa ako sa mga estudyanteng pinatawag dahil sa academic standing ko. Nakikinikinita ko na ang sasabihin sa akin ng director, mas lalo lang niyang isasampal sa akin na failure akong estudyante at kapag hindi ako nag-ingat next sem ay maaaring matanggal ako sa prestihiyosong unibersidad na 'to.

Napabuga na lang ako ng hangin at muling sinilip ang karumal-dumal kong rating slip.

Lima na lang kaming natitira sa waiting area, at base sa mga lanyard na suot nila ay mga tiga-ibang college sila ng university—maliban sa isa na kaparehas ko. Bakit nandito siya?

Naramdaman niya 'atang nakatingin ako sa kanya kaya bigla siyang napatingin sa akin at bigla naman akong nag-iwas ng tingin. Kunwari binabasa ko ulit 'yung rating slip ko at pinakiramdaman ko siya.

I know him because I'm a fan of his works and I even followed him on Instagram because of his paintings. John Garnet Sucgang, the artist from Architecture department. Until now wala pa rin akong lakas ng loob na mag-send sa kanya ng friend request sa Facebook, kaya hanggang view lang ako ng IG story niya.

"Civil Engineering, huh?" napapitlag ako sa biglang nagsalita sa gilid ko. I realized that he's too close kaya umurong ako. Tinupi ko ulit 'yung rating slip ko dahil nasilip niya, tsk.

The guy beside me has a messy green hair, parang lumot lang. Ang dami niyang burloloy sa braso at parang rakista ang aura. Nakita ko ang lanyard niya, he's from Collage of Education, seriously? Ang isang tulad niya na mukhang hindi matino ay magiging teacher balang araw? No way.

"Don't be shy, buti ka nga isang singko at isang drop eh. Ako dalawang singko, isa na lang sana kick out na ako." Wika niya ulit at tumawa pa. I don't know how he can laugh at his situation. Kung ako siguro 'yon ay baka hindi na ako makauwi sa amin ng buhay.

Lumabas na ang tinawag kanina sa office ng director at muling sumungaw ang secretary.

"Next. Mr. Manzano."

"That's me!" Tumayo na ang lalaking katabi ko at pumasok sa loob ng office. Thank god. Extroverts like him creeps me.

*****

NASA labas pa lang ako ng bahay namin ay naririnig ko na ang ingay mula sa loob nito. Muntik ko nang makalimutan na birthday pala ni papa ngayon. I'm not in the mood to socialize but it seems like I got no choice.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay tumambad sa akin ang mga kamag-anak namin sa sala, kaagad silang tumingin sa akin.

"Molly! You're home finally!" bati sa akin ng tita ko at kaagad naman akong lumapit sa kanila para mag-bless. Hindi ko pa naibababa 'yung bag ko pero ang dami na nilang mga tanong na sinalubong sa akin.

"Molly Grace, may boyfriend ka na ba?"

"Molly, tumataba ka 'ata! Kaka-aral 'yan!"

"Kumusta ang soon to be Engineer namin?"

Strange. There is actually a feeling of lost in your own home. It's like I'm drowning but no one can save me. And the sad thing, even your family can't see your own suffering.

Umuwi rin kaagad ang mga bisita nang gumabi na. Pero mas lalo lang akong hindi makahinga ng sumapit ang hapunan. Kumpleto kaming lahat dahil birthday ni papa. Ang ate at kuya ko ay umuwi sa amin, nakabukod na kasi sila magmula nang magtrabaho pero wala pa namang mga sariling pamilya. Ako ang pangatlo sa apat na magkakapatid, 'yung bunso ay nasa elementary pa lang.

Tahimik lang ako habang kumakain at nakikinig sa kanila. Pinag-uuspan kasi nila ay puro tungkol sa trabaho. Pamilya kami ng mga inhinyero, ang papa namin ay Mechanical Engineer, si ate naman ay Electrical Engineer, si kuya naman ay Chemical Engineer. At ako? Nasa third year na ng Civil Engineering.

Tradisyon ng pamilya. Kailangan maging inhinyero kaming mga anak nila mama at papa. Hindi ko alam kung bakit.

"So, Molly," natigilan ako nang magsalita si Kuya. "How's school?" That's the last question that I want to answer. Ngayon pa talaga.

Tumigil ako sa pagkain nang tumahimik ang lahat. Nakatingin sila sa akin at hinihintay na magsalita ako. They know that I am the quiet type that's why most of the time they'll leave me alone. But why now?

Should I tell them the truth? But... They will still find out. Sila ang nag-papaaral sa akin kaya may karapatan silang malaman at wala akong karapatang magreklamo.

"K-kinausap po ako ng OSA director kanina," mahina kong sagot at nagkatinginan sila.

"Bakit?" tanong ni papa.

"Pa, I'm sorry," tumingin ako kay papa at sinalubong ang nakakunot niyang titig. "M-magdadagdag ako ng isang taon. B-bumagsak po ako."

And then there was a long silence. Inihanda ko na 'yung sarili ko na mapapagalitan pero biglang tumawa si Kuya, binasag ang awkward air.

"Pa, alam mo that's normal lang sa mga Civil Engineering, 'di ba, Molly?" I know that he's trying to keep it cool para hindi magalit si papa. I'm thankful pero parang sasabog pa rin 'yung pakiramdam ko.

"That's right. Tsaka, Molly, don't rush it, siguro need mo lang mag-aral ng mabuti next time," sinundan 'yon ni Ate.

"Would that be okay, Molly?" si mama. "Dadagdag ka ng taon?"

"Well, Molly," hindi ko matimpla ang mood ni papa pero mukhang hindi siya galit, thanks to my siblings. "Magpaturo ka sa Ate at Kuya mo, noong college sila, never silang bumagsak." May tunog ng pagkadismaya ang himig niya na parang sinasabi na bakit hindi ako maging katulad ng mga kapatid ko.

I can't be like them.

"Pa, ma," muli akong nagsalita at natigilan ulit sila. "I'm sorry, hindi ko po talaga gusto maging engineer. Hindi ko po talaga gusto, hindi ko na po kaya. Gusto ko nang mag-quit." Sunud-sunod kong sabi. I can feel my hands trembling.

Again. Another long awkward silence.

"Gusto ko pong maging writer."

What I'm doing now is standing up for myself. For the first time in my life, I told them what I really wanted. All along I wanted to be a writer but they never allowed me to be.

My father hits the table and his voice suddenly roared like a tiger.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na walang kwenta 'yang sulat sulat na 'yan?!"

"Pa—"

"Kung ayaw mong mag engineering huwag ka nang mag-aral, naiintindihan mo ako?"

Tumayo ako at kaagad ko silang nilayasan. Bastos na kung bastos pero hindi ko na kaya. Kaagad akong nagkulong sa kwarto, sumubsob sa kama at umiyak. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Bakit ganon? They're my family but why can't they support me? Simple lang naman ang gusto ko pero bakit kailangan nilang ipilit sa'kin ang isang bagay na ayaw ko para lang sa tinatawag na 'pride'?

Wala pa rin namang magagawa kung iiyak ako, lumuha man ako ng dugo hindi ako papayagan ng ama ko na sundin kung anong nasa puso ko.

Bumangon ako at pumunta sa study desk, binuksan ko ang lampshade at binuklat ang isang journal.

I'm the only one who believes in my dream. I will still continue even if I'm alone.

And this day, I decided to be my own hero

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top