Mayroong Minahal at Pinili

Tumayo ang balahibo ko at marahan ang pagtayo noon nang mapadaan ako sa isang kantahan malapit sa labasan dito sa lugar namin. Ang boses na yon...

Kahit pabaliktad nya pa kantahin 'yon ay kilalang kilala ko ang lamig ng boses nya dahil minsan na syang kumanta sa harap ko.

" Habang tumutunog ang gitara sa 'kin, makinig ka sana.
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana...
Sa awit na aking isinulat ko kagabi
'Wag sanang magmadali at 'wag kang mag-atubili dahil... "

Tila bagyo ang nangyari bago ako makalagpas at tuluyang mawala ang boses ng kumakanta sa pandinig ko.

" Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago..
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako.... Simpleng tao..
Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo
Sa pag-ibig mo " Hindi ko alam pero bigla ko nalang namalayan na kumakanta na pala ako habang naglalakad, at pinagpapapatuloy ko ang kantang inaawit nya.

Ang puso ko.....

Imbis na paabante ang paglalakad ko ay mabilis iyong bumabalik kung saan ko narinig ang kantahan. Mabilis ang pag takbo ko para maabutan kung ano ang susunod na kakantahin nya. Sa puso ko ay labis ang pananalangin ko na kantahin nya iyon. Kahit isang beses lang, Kahit ngayon lang, Kahit hindi na nya ko kasama basta huwag nya lang makalimutan ang kanta naming dalawa.

" Ang kantang ito. " Malaking boses na sabi nya sa mikropono. Kasabay nang pagsalita nya ang pag tahimik ng kaninang maingay na lugar.

Nagtago ako sa dilim para hindi nya ko makita, Para mas madama nya ang bawat lirikong kakantahin nya.

" Inaalay ko ang kanta na ito sa babaeng minahal ko, Hindi ko alam kung mahal nya pa ba 'ko pero ako? Mahal na Mahal ko pa rin sya. Kahit pag gising ay gusto ko sya ang kasama ko, Kayakap ko. Kumusta na kaya sya? " Isang malungkot na daing ang ginawa ng mga tao habang ako ay unti unting pumapatak ang mga luha habang nakatingin sa kanya sa malayo.

Sabi ko na nga ba, Ito ang kakantahin mo.

Malakas na panimula ng gitara ang binitawan nya kadugsong ng malungkot na intro.

" Jopay..... kamusta ka na?
Palagi kitang pinapanood, nakikita
Jopay...... pasensiya ka na
Wala rin kasi akong makausap at kasama." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kinakanta nya. Para sa akin ba talaga yan? O kapangalan ko lang ang babaeng ginawan ng kanta.

Pero sa dami ng kanta bakit yan pa ang napili nya? Hindi ko maiwasan mag isip ng kung ano ano habang nasa malayo ay dinadama ang kanta nya.

" 'Wag ka nang mawala ('wag ka nang mawala)
'Wag ka nang mawala ('wag ka nang mawala)
Ngayon
Dadalhin kita sa aming bahay
'Di tayo mag-aaway
Aalis tayo sa tunay na mundo
Dadalhin kita sa aming bahay
'Di tayo mag-aaway
Aalis tayo sa tunay na mundo " Umingay lalo ang lugar dahil masaya at malungkot nilang kinakanta ang kanta ng banda. O ang kinakanta nya. 

Natapos ang kanta na maraming umiiyak at nagyayakapan. Naiwan naman akong mag isa at hindi alam kung anong gagawin. Uuwi nalang ba ko? At kakalimutan ang lahat?

Napasinghay pa ako bago mapagdesisyunan na lumabas na sa lugar na ito pero lalabas palang sana ako ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko.

" Jopay! " Namula ako dahil akala ko ay makakatakas ako pero hindi, Nakaturo sa akin ang kaninang lalaking kumakanta at ngayon naman ay nakatingin saakin ang lahat ng tao rito.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatakbo ba ko? Hindi ako makagalaw. Natauhan nalang ako ng nasa harapan na nya ako at malalim na halik ang binungad nya sakin.

" Na miss kita, Mahal." Mahina nyang bulong na nagpa kilig saakin kaya napahampas ako sa balikat nya sa pamumula ng mukha.

Hinila nya ang kamay ko papuntang stage at nakangiti lang ako na nagpapadala sa kanya.

" Kung si Mayonnaise may Jopay, Aba may Jopay din ako! " Malakas na tili ang nangyari na nag echo sa buong lugar. Hindi ko alam kung anong meron pero nang makita ko kung anong nangyayari ay mabilis na luha ang bumagsak sa pisngi kong namumula.

" Mateo.. " Naiiyak kong sabi ng lumuhod sya sa harapan ko.

Pero napalitan iyon ng kunot noo dahil tumayo ito at natatawang humarap sa lahat.

" Joke lang, Wala pa kong sing sing na hawak. " Halakhak nya pero binigyan sya ng sarkastiko na tawa ng lahat.

Asar akong bumaba ng stage dahil sa ginawa nya at ramdam ko na sinundan nya ko dahil sumigaw sya na susundan muna ako.

Siraulo to. Araw na Araw ng puso bubwisitin ako.

" Mahal ko!" Biglang yakap nya sa akin habang nakatalikod.

" Bwiset ka, Alam mo ba?" Galit galitan kong sabi.

" Biro nga lang e, syaka kung mag po propose ako hindi sa harap nila kundi sa harap ng mga magulang mo." Nawala tuloy ang galit sa puso ko pero bumalik din ng maalala ang sinabi nya kanina.

" Anong sinasabi mo na Mahal mo ako pero hindi mo alam kung Mahal pa ba kita? Taas kilay kong sagot na kinatawa nya.

Napahawak pa sya sa tiyan habang tumatawa.

" Sagutin mo ako. " Pero imbis na sagutin ay tumawa muna ito ng tumawa bago mahimasmasan.

" Akala ko kasi hindi ka makakapunta syaka para narin umingay yung tao. Malaki nga kinita ko sa kantang Jopay e. Alam mo yon mahal? Strategy ba. " Mayabang na sabi nya pero napailing nalang ako. Hindi parin sya nagbabago, Ayan parin ang Mateo na minahal at pinili ko.

" Gutom na ko!" Singit ko na kinangiti nya. Nilagay nya ang kamay ko sa kamay nya at masaya kaming naglalakad sa daan na hindi ko alam kung saan papunta.

" Malapit na matapos ang araw na to, Bilisan na natin Mahal. " Nagmamadali nyang sabi kaya napatingin ako sa orasan. Alas onse na ng gabi at ilang minuto na lang ay alas dose na. Malapit na matabunan ulit ang araw ng mga puso. Pero kahit naman hindi araw ng puso ay kampante ako.

Dahil mayroon akong minahal at pinili at pipiliin araw araw at sya yon. Dahil ganon din sya sa akin na sobrang ikinatutuwa ng puso ko.

#WattpadAThonChallenge2023

#WattpadFebruaryEntry

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top