Voice Record
NOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK :)
~
VOICE RECORD
Written by Aly Almario
Hello? Hello Mark? Ayun. Kamusta? Ayaw mong sagutin ang mga tawag ko, eh. Nag iwan na lang tuloy ako ng voice record dito sa email mo. Sana mag online ka para mapakinggan mo agad.
So... paano ba? *clears throat* Hindi ko alam ang sasabihin ko. *nervous laugh* Kamusta? ... Ay, naitanong ko na nga pala yan.
Uhmm... dalawang araw na ah? Di ka pa rin nagpaparamdam sa akin. Kung sabagay naiintindihan kita. Nagluluksa ka ngayon sa pagkamatay ng mga magulang mo. Sorry ah? 'Di kita mapuntahan diyan. Alam ko naman kasi na ayaw mo rin akong makita, eh.
Pero Mark...ayaw mo na ba talaga sa'kin? Suko ka na ba talaga? Kasi ako hindi pa. Mark, sabi mo mahal mo pa 'ko. Nung nag hiwalay tayo, sabi mo may nararamdaman ka pa rin sa akin pero ayaw mo na kasi nagbago na 'ko.
Bakit? Ba't hindi mo tanggap ang bagong ako?
...
...
...
...
Kung sabagay, naiintindihan ko. Ayan din naman ang sabi sa akin ng mga magulang ko, eh.
"Hindi ka ganyan, Celine! Hindi ikaw yan. Hindi ka ganyan! HINDI IKAW SI CHANA!!"
Madalas ko kasi siyang gayahin.
...
...
...
...
...
Hindi ako si Chana...
Oo, Mark. Hindi ako si Chana. Hindi ako ang girlfriend mo.
Kakambal niya ako.
Naalala ko nung college pa tayo, ako ang unang nakakilala sa'yo. Madalas kang nandoon sa coffee shop kung saan ako madalas nag stay para mag aral.
Tago yung coffee shop na 'yun. Onti lang ang tao. Wala halos pumupunta.
Dun pa lang may gusto na 'ko sa'yo, Mark. Kada tinitignan kita. Kada naririnig ko ang boses mo kapag o-order ka, kumpleto na araw ko. Sa university, kapag nakikipagtawanan ka sa mga kaklase mo, ang saya mong panuorin.
Kaso alam mo ba? Halos atakihin ako sa puso nang makita kitang umuwi sa amin kasama ni Chana. Ipinakilala ka niya kina mommy at daddy. Sabi niya bagong kasamahan sa org at may project kayong dalawa.
Tinatawag ako ni Chana pero hindi ako makalabas ng kwarto ko. Ayokong magpakita. Nahihiya ako sa'yo.
Nung gabi naabutan ko kayo sa may kusina namin, umiinom ng kape. Narinig ko ang pinagusapan niyo nun.
Tinanong mo siya, Mark. Tinanong mo si Chana kung madalas ba siya sa coffee shop na palagi nating pinupuntahan. Sinabi mo sa kanya na matagal mo na siyang napapansin. Na matagal mo na siyang gustong lapitan kada nandoon kayo sa coffee shop na yun.
Hindi niya itinanggi, Mark. Sabi niya oo, nandoon siya. Na napapansin ka rin niya. Na noon pa lang, gusto ka na rin niyang lapitan.
Putang ina 'di ba? Ako kasi yun, eh. Ako yung nasa coffee shop at hindi si Chana. Ako yun, Mark! Ako yung napapansin mo mula una pa lang!
Pero inangkin ka ni Chana katulad nang pag angkin niya sa lahat ng bagay.
Atensyon nina mama at papa. Pati ba naman ikaw?
Nakiusap siya sa akin nun na wag na ulit akong pupunta sa coffee shop na yun. Umiyak siya. Tinanggihan ko siya pero nagpanggap na naman siyang inaatake sa puso.
Ginamit na naman niya ang sakit at kahinaan niya laban sa akin kaya wala na naman akong nagawa.
Naging kayo ni Chana. Ni hindi nila binabanggit sa'yo na may kakambal siya. Kahit sina mama at papa hindi ginagawa.
Bakit? Kasi kahilingan ng mahal nilang anak. Bawal ma depress si Chana. Bawal sumama ang loob. Kaya naman lahat ng gusto niya, ibinibigay nila.
Paano naman ako?
Laging nasa anino niya. Nakatingin sa malayo at pinapanuod kayo.
Oo nga pala Mark, may aaminin ako sa'yo.
Ako ang nag lagay ng camera sa kwarto ni Chana.
Ako ang nag record nung gabing may nangyari sa inyong dalawa.
Ako ang nagpakalat sa internet nun.
Akala ko aatakihin na siya sa puso. Sayang hindi! Higad kasi. Mukhang tuwang tuwa pa na may sex scandal kayo.
Oo nga pala, alam ko rin ang pang t-two time mo sa kapatid ko, Mark. Yung about kay Sandra? Nakita ko ang make-out session niyo sa likod ng university.
Ayos ka rin talaga. Doon pa sa best friend niya? I took a picture of you naisip kong ipadala sa kapatid ko baka tuluyan na rin siyang atakihin sa puso. Kaso mababaw ata na pang shock yun sa kanya dahil nakikipag sex din naman siya sa kuya mo.
Opps! Nadulas ako doon. Hindi ka nga pala aware about doon.
Oh, itetext mo kuya mo? Mamaya na 'yan. Makinig ka muna. Tsaka hindi ka marereplyan ngayon niyan.
Nasaan na nga ba ako? Ah, about kay Sandra.
Si Sandra na sexy at may pagka slut.
Kawawa naman ang nangyari sa kanya. Saan nga ba ulit natagpuan ang bangkay niya? Ah! Doon sa may septic tank. Naliligo sa mga tae.
Bobita naman kasi. Nagpanggap akong si Chana at niyaya ko siyang lumabas. Boba talaga. Ni hindi niya napansin na hindi si Chana ang kasama niya kundi ako.
Sinabi ko may ipapakilala akong gwapo sa kanya. Sama naman agad siya sa akin. Go na go pa rin kahit na liblib na lugar na ang dinaraanan namin.
Nang tagung-tago na kami, doon ko tinawag yung adik na naglalagi doon sa lugar na yun. Ang saya niya nang makakita ng babaeng sexy at lasing. Ang sarap daw ng dessert niya.
Pinanuod ko yung adik kung paano gahasain si Sandra. Iniisip ko, may nangyari rin ba sa inyo? Malamang. Kung nagalaw mo nga ang kapatid ko, eh.
Ang lupit nung adik. Hindi nakuntento sa pang gagahasa. Grabe pa chinop-chop ang katawan ni Sandra. Tinapyas pa ang dibdib nito at isinilid sa bag. Souvenir daw.
Buti na lang kinaibigan ko yun kaya di ako ginagalaw. Hindi niya ako magagalaw dahil ako ang nagbibigay ng droga sa kanya.
At kung nagtataka ka kung saan ko nakuha yun? Sa tatay kong drug dealer malamang.
Pero at least ngayon, nalinawan ka na kung ano ang nangyari sa ka two time mo.
Back to Chana.
Ah...si Chana. Nasaan na nga ba si Chana?
Ay oo, patay na siya. HAHAHAHAHA. OOPPS! DI KA RIN AWARE?!
Pinatay ko siya, Mark. Isang saksak lang sa dibdib niya, wala na siyang buhay agad.
Ang tagal kong nagaantay na atakihin siya sa puso, eh. Nainip na 'ko.
Habang nasa Palawan kami at masayang nagbabakasyon sa rest house namin doon, pinasok ko ang kwarto ni Chana at sinaksak ko siya.
Matapos nun ay pumunta ako sa kwarto ng mga magulang ko at pareho ko silang ginilitan sa leeg.
Panigurado hanggang ngayon hindi pa rin nila natatagpuan ang bangkay ni Chana at ng mga magulang ko. Wala naman kasi kaming mga katiwala doon. At sinabi naming isang buwan kaming mawawala.
Makikita na lang nila ang bangkay kapag naagnas na 'to.
Tapos ako? Bumalik ako ng Maynila. Yung isang linggo na yun, ako na ang kasama mo at hindi si Chana.
At doon mo pa talaga naisipan na makipag break ah?
Sus. Dahil hindi mo na kilala si Chana ganun?
Sus.
Mga palusot mo.
Dahil lang yan kay Aubrey, eh. Yung bago mong babae na siguro, habang pinapakinggan mo 'to ngayon, eh ginagahasa na rin siya nung adik kong kaibigan.
Oh, oh! Wag kang aalis! Sumbong agad sa pulis? Ayaw mo malaman kung paano namatay ang mga magulang mo?
Ah... sinira ko ang break ng kotse nila. Sakto ang pagkaka salpok nila sa ten wheeler truck 'no? Balita ko nahati pa sa dalawa ang katawan ng tatay mo at pugot naman ang ulo ng nanay mo. Tsk tsk.
At yung kuya mo?
Kasama ko ngayon.
Kaya tawagan mo na 'ko.
I love you.
= END OF VOICE RECORD =
*A PHONE RINGS*
"TANG INA MO! TANG INA!!! PUTA KA! ANONG GINAWA MO HA?! LECHE KA! HAYOP! DEMONYO! SUMAGOT KA!"
"M-Mark?"
"KUYA?! IKAW BA YAN?! NASAAN KA?!"
"MARK! W-wag mong inumin yung juice! May lason! Nilagyan niya ng lason. Nakainom din ako..."
...
...
...
"TANG INA!"
"Mark? Ininom mo?!"
"PUTA! DEMONYO SIYA!! DE----"
"Mark?! Mark?! Hello?! MARK!"
End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top