Chapter 5: Long time no see...

Penelope Steele

"IF I WERE you, girl? Hiwalayan mo na iyang dyowa mo. Like hello? Ni hindi man lang tumawag sa iyo kagabi kung nasaan na siya o 'di kaya kung buhay pa ba?" isang malalim na buntung hininga ang lumabas mula sa kanyang bibig habang pinakikinggan ang mga suhestyon ni Natalie Montes— a world class ballerina dancer.

"Just because he didn't text me? Will I break up with him? What a nonsense reason, Nat," tugon niya sa dalaga while sipping her Fruit Frappe.

"Oo nga naman, Nat. Napaka-unreasonable na solusyon naman iyang pinagsasasabi mo." Pagsang-ayon ng isa pang babaeng kasama nila ni Natalie. Si Thea Phillips—isa sa mga magagaling na Ophthalmologist sa Pilipinas.

"At ano naman ang nonsense at unreasonable sa mga sinabi ko?" tanong sa kanila ni Natalie at biglang humarap sa kanya. "Baka nakalilimutan mo na minsan ka na niyang pinagtaksilan, Penelope. He fucked a supermodel, and you witnessed it in his condo!"

Hindi niya napigilang pagtagisan ng panga dahil sa mga sinabi ni Natalie. "You don't have to bring it up again, Natalie. It was a total mistake."

"Oh, please! Mistake? Kaya pala, you heard him moaned like he's enjoying fucking that girl. Mistake, huh?"

"Nat, stop na." Pagpigil din ni Thea. Habang siya'y nagtitimpi pa sa mga naririnig sa kaibigan.

"And why would I? Totoo naman right? Ang sabi niya, he was drunk kaya nangyari iyon. That's a bullshit, you know. Wala na bang ibang alibi para hindi mahuling nangbababae? Puro I was drunk, I was drunk? Nakakaumay na pakinggan. And besides, kahit lasing ang isang lalaki kung kilala niya ang nakikipaglampungan sa kanila at makilalang hindi ikaw iyon ay iiwas at iiwas iyon sa tukso—"

"I said, enough!" she blurted out. Ramdam niyang natahimik ang mga tao sa kanyang restaurant dahil sa kanyang sigaw. But she doesn't mind them at all. Tiningnan niya nang nanlilisik si Natalie.

"He said sorry, Natalie. Bumawi siya sa naging pagkakamali niya. Oo nagkamali siya. Oo nagpaanod siya sa tukso. Pero as long as ako ang mahal niya at pinangakong hindi na mauulit iyon... iyon ang panghahawakan ko sa kanya. Tama lang na bigyan ko siya ng second chance. H'wag na h'wag mong ihahalintulad ang nangyari sa inyo ni Caiden sa pagmamahalan namin ni Nathaniel. He was a jerk and Nathaniel is not!"

After that ay mabilis siyang nagtungo sa kanyang office at doon nagkulong, leaving all of them speechless.

Nilamukos niya sa kanyang mukha ang dalawang kamay at napasubsob sa kanyang lamesa. Hindi niya mapigilan ang 'di maiyak nang muling maalala ang mga tagpong inutas ni Natalie kanina.

That was one of the most heartbreaking scene before. Sino ang hindi masasaktan kung makikita mo ang iyong nobyo na may nakapatong na babae sa ibabaw nito at tila kinakabayo ang katawan? And hearing her boyfriend moaning like he's enjoying almost killed her. Pero no'ng mga panahong iyon ay hindi siya tumulad sa ibang babae na hindi marunong makinig ng paliwanag. She let Nathaniel explained his side bago gumawa ng isang desisyon. Para sa kanya, iyon ang isa sa mga mature action na ginawa niya sa buong buhay. Nang marinig ang paliwanag nito at sinabing he was drunk that time at hindi nito gustong mangyari iyon ay binigyan niya ito ng second chance.

But of course, giving him a chance probably the last time. Kung mauulit pa iyon ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili at mapatay na niya ang binata at ang magiging babae nito. And because of her decision to forgive him made her really happy, ngunit lahat ng pag-aalala niya at ang senaryong iyon ay tila nagpaparamdam na naman sa kanya.

Simula kasi nang mapatawad niya ang binata ay talaga namang bumawi ito ng husto sa kanya. Na maging ang mga lakad nito ay itinatawag pa sa kanya o kung nasaan ito ngayon. Tila natakot na itong mag-isip siya ng kung anu-ano at talagang iniiwasan na muli itong magkamali. Pero... iba ang nangyayari ngayon. Para silang bumabalik muli sa dati na naglilihim na naman sa kanya ang binata. At naiisip pa lang niya ito na naglilihim ay para na siyang sinasaksak ng maraming kutsilyo sa puso. Hindi na niya mapigilan ang sarili na mapaluha.

Natigilan siya nang makarinig ng katok mula sa kanyang office. Pinahid niya muna ang kanyang luha at inayos ang lamesa bago muling nagsalita. "Come in."

"Morning, Hon." Nagulat siya nang ang kanyang nobyo pala ito.

Hinila siya nito patayo at yinakap ng mahigpit. "I miss you," utas nito sabay siil sa kanya ng halik sa labi.

Hinayaan niya munang mahalikan ang nobyo tutal na-miss niya rin ito ng sobra. Kahit na kagabi lang sila hindi nagkasamang matagal.

"Hindi mo ba 'ko na-miss?" sweet nitong tanong sa kanya.

She tried not to show any affection dahil gusto niyang magpaliwanag ito sa kanya ngayon.

"Kumusta lakad mo?" she asked instead of answering his question. Bumitaw rin siya sa yakap nito at muling bumalik sa kanyang office table.

"Hon, alam ko iyang iniisip mo."

"Then, sagutin mo ang tanong ko."

"Lakad ko? Not good, honey."

Napakunot noo siya sa naging tugon nito sa kanya. Bakit taliwas ang sagot ni Nathaniel sa inaasahan niyang magiging tugon nito?

"What do you mean?" she asked back.

"So, hindi mo pa pala napapanuod sa TV." Pabuntunghininga nitong saad at nanghihinang umupo sa malapit na sofa.

"Ano'ng hindi ko pa napapanuod, Nathan? Diretsyahin mo nga ako," she sounded like she doesn't care about him at all. At tila gusto niyang bawiin ang kanyang naging katanungan. Nagtutunog siyang immature girlfriend.

Tiningnan lang siya ni Nathaniel. Tila binabasa nito ang kanyang iniisip sa paraan ng pagtitig nito.

"Nasa ospital si Dad."

Natigilan siya sa naging sagot nito at saglit na napatulala. Ang ama nito? Hindi ba...?

Mukhang nabasa ng binata ang pagkunot niya ng noo.

"Nung pumunta ako sa office niya ay may tumawag sa akin na wala siya roon at nasa isang hotel may kalayuan sa party kagabi."

Napatayo na siya at mabilis na nilapitan ang nobyo. Nang makalapit ay mahigpit niya itong yinakap. Ramdam na ramdam niya ang pagkayakap din sa kanya ng binata na mas nagpatunaw ng kanyang hinala rito.

Ang isang bagay lang na masasabi niyang kahinaan ng nobyo ay walang iba kung 'di ang ama nito. Mahal na mahal ni Nathaniel ang kanyang ama na to the point gusto na nitong ipabantay sa bodyguard ang ginoo. May katandaan na rin kasi iyon.

"Alam na ba 'to ng kuya mo?" tanong niya rito habang nakayakap. She asked his brother because of all people na may galit sa ama, ang kuya nito ang galit na galit at muhi na muhi.

"Oo," napabitaw siya sa kanilang yakap at tiningnan ng may pagtataka ang nobyo. "Siya muna ang bantay roon ngayon dahil gusto kitang puntahan. Gusto man kita makontak ay hindi ko magawa dahil nasira iyon noong pinuntahan ko si Dad sa engkwentro."

"What?! Pumunta ka sa crime scene? May nangyari bang masama sa 'yo? Nasaktan ka ba? Ano? Saan? May galos ka ba?"

Narinig niya na napatawa ng bahagya si Nathaniel. Marahil ay natawa ito sa kanyang reaksyon. Yinakap siyang muli ng binata at tinugon ang kanyang katanungan.

"Yes, pinuntahan ko. Pero andoon na ang mga pulis noong dumating ako. And nope, hindi ako nasaktan at nasugatan. Kasi kapag hinayaan ko ang sarili ko na magalusan man lang ay may magagalit sa akin ng sobra."

Kinurot niya ito sa tagiliran at kinilig sa mga sinabi nito. "Buti alam mong magagalit ako sa 'yo."

"Syempre, ba't ko naman gagalitin ang boss ko?" he was about to kiss her, nang biglang bumukas ang pintuan.

"Hello, guys! Oh! Love birds!" sigaw ni Kristoff.

"Nandito ka pala, Suarez." Mahinang impit ngunit may bakas na diin na saad ni Caiden kay Nathaniel.

"Bakit kayo nandito? At saka nakabalik na kayo? Teka, nasaan si Kuya Evo?" tanong niya sa dalawang mokong na ito at kumalas sa yakap ng nobyo.

"Ako ba ang hinahanap mo?" narinig niyang saad ng lalaking hinahanap.

"Kuya!" hiyaw niya at tumakbo upang yakapin ang kanyang pinsang si Evo Montreal.

"You really missed me that much, Lope." Hinampas niya ang balikat si Evo dahil sa tinuran nito.

"Halos tatlong buwan kaya kayo nawala," tugon niya sa pangbata na tono.

"Ehem..." napabitaw siya ng mabilis kay Evo nang marinig na tumikhim si Nathaniel.

Tiningnan niya ito sa mukha nito at mukhang tama nga ang kanyang hinala. Mukhang nagseselos ito. Napangiwi siya sa isiping iyon.

Napalunok siya ng laway nang walang anu-ano'y lumapit sa kanya ang nobyo at hinila siya mula kay Evo.

"Dumating lang siya.. nakalimutan mo na kaagad ako," bulong nito sa kanya.

Napangisi siya nang tumama ang kanyang hula. Kinurot niya ito at nakangising tumugon. "Seloso..."

"Nandirito ka pala, Nathaniel." Kapwa silang napatingin ng nobyo kay Evo. "Akala ko si Penelope lang ang maabutan ko rito."

"Sinusundo ko siya, pare."

"Ah! Oo nga pala, sinusundo mo siya dahil dadalhin mo siya sa tatay mong nakaratay na?" nakangising utas ni Evo kay Nathaniel.

Ramdam naman niya na napahigpit ng hawak ng kamay sa kanya ang nobyo. Hudyat na hindi nito nagustuhan ang tabas ng dila ni Evo.

"Kuya Evo," tawag niya sa kanyang pinsan at sinenyasan na tumigil na.

"May masama ba 'kong nasabi, Lope?" mas sinamaan niya ito ng tingin nang marinig na naman ng kanyang tainga ang mabahong nickname nito sa kanya.

"Isa..." banta pa niya.

"Okay, okay," pagsuko ni Evo na may kasama pang pag-angat ng dalawang braso bago muling tumingin kay Nathaniel. "Hindi mo naman siguro minamasama ang sinabi ko hindi ba, pare?"

She rolled her eyes. Isa talaga itong si Evo na kilala niyang napakasamang tao sa lahat ng lalaking kilala niya. Lahat kasi ng lalaking naugnay sa kanya noon bago sila maging magsyota ni Nathaniel ay inaalaska nito. Iyong tipong hindi yata ito natutuwa na hindi nakakapangbwisit ng tao. Mabuti na lamang at hindi sumuko sa kanya si Nathaniel noon at pilit na iniintindi ang katopakan ng kanyang pinsan.

"Just be careful on your words, bro," utas ng kanyang nobyo at ramdam niyang may halong pagbabanta iyon.

"Oh! I smell war here. Una na kami ni Caiden doon. And I think yung chix naman ni Caiden ang kailangan niyang asikasuhin. Una na kami."

"Hoy! Ano iyang sinasabi mo—" utas ni Caidens ngunit hindi na ito nakaumang nang pandilatan ni Kristoff. "Ah, oo n-nga. Sige, do'n na kami sa labas. Hintayin na lang namin kayo pre."

Tinanguhan ni Evo ang dalawa. At nang makaalis ang mga iyon ay muling nagtama ang masamang tingin ng dalawang binata sa isa't isa.

"You're threatening me by the way you said those words."

"Am I?"

Kitang kita niya sa dalawang binata ang namumuong tensyon. Damn! Bakit ba kasi mapagpatol 'tong pinsan niya? Nakakainis na!

Pumagitna na siya sa dalawa. "Pwede ba? Tumigil kayong dalawa?"

"Anong ititigil, Couz? Wala naman kaming ginagawa." Evo said while grinning.

At iyong pagngisi nito ang pinakaayaw niya sa pinsan niya. Damn him!

"Just stop? Okay?" tiningnan niya si Nathaniel. "Let's go, honey? I wanna see your Dad."

Bumuntung-hininga ang kanyang nobyo at muli siyang nginitian. Ngunit hindi iyon umabot sa tainga nito. "Yeah, sure. Ang tanong... Gusto mo bang sumama? Or sa pinsan mo na lang na mukhang sinusundo ka rin?"

Tiningnan niya si Evo at nagtanong. "Is it okay—" hindi pa man din siya tapos magsalita nang mabilis na tumugon ang kanyang pinsan.

"Oh yeah, yayain ka sana namin samahan kami sa office ng Dad mo since may kailangan ako sa kanya. Alam mo namang may hinanakit sa akin si Tito kaya isasama kita. But it's okay kung sa kanya ka muna sumama. Maaga pa naman. But in case you wanna hang out with us... Puntahan mo lang kami sa bar. And besides makakapaghintay pa naman ang appointment with your Dad."

"You sure? It seems important."

"No! It's really okay, Couz. His Dad needs your sympathy more than mine," tugon nito habang muling nakangisi kay Nathaniel.

"Evo Montreal!" she said out loud.

"I mean, he needs your support to fight against his comatose. That's it. Relax, Penelope Steele." Muli nitong tiningnan si Nathan. "... I'm harmless."

"Harmless your ass, Couz. Gotta go!" hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Nathaniel. "Don't mind him... tara na?"

Nginitian siya nito bilang tugon at sila'y umalis na patungo sa ospital.

     

LOCATION: Wright Medical Hospital

TIME: 15:27:09PM

Evo Montreal

"BAKIT ba natin sila kailangang sundan ng ganito, Evo?" naiinip na tanong ni Kristoff sa kanya habang tinitingnan nila mula rito sa parking lot ng ospital na pagmamay-ari ng nagtanong sa kanya. "Pwede naman natin sila tingnan sa control room. At saka ospital ko naman ito."

"Manahimik ka na lang d'yan, 'tol. Nakadadagdag sa boredom ko iyang bunganga mo." Pang-aalaska ni Caiden kay Kristoff.

"Ulul! Gago ka! Ikaw ang manahimik. Nanahimik ang katawang lupa ko rito."

"Amoy lupa ka pala."

"Pakyu."

"Sorry, brad. Babae lang ang pwede kong i-fuck."

"Gago, libog mo pare—"

"Pwede ba?! Manahimik nga kayong dalawa?!" bulanghit niya sa dalawang ugok na maingay na 'to.

"Ano ba kasing plano mo? H'wag mong sabihin pati pinsan mo pinaghihinalaan mo na si Virus iyon?" tanong sa kanya ni Kristoff na kaagad naman niya binigyan ng masamang tingin.

"Hindi si Penelope si Virus, gago! At saka tamang tama lang pala ang pagpunta natin sa office ni Lope kanina at nakasalubong si Nathaniel."

"Bakit naman?"

"Dahil malakas ang kutob ko na nakaharap na ni Nathaniel si Virus," tugon niya.

"Paano mo nasabi?"

"Simple lang," inilabas niya ang kanyang cellphone at pinanuod sa dalawa ang video na nakuha niya sa nangyari kagabi sa Heritage Hotel.

"Teka, kay Nathaniel itong sasakyan na ito hindi ba?"

Nginisian niya ang dalawa. "Exactly. Pansinin niyo iyong way ng pagpapatakbo niya papunta sa hotel. May hinarangan siyang isang kotse hindi ba? At lulan no'n ang kanyang ama at isang bodyguard. Nang maharangan niya ay mabilis niyang inilabas ang dalawang sakay at do'n sumabog ang kotseng sinakyan ng ama nito."

"Oo, tama ka. Iyon nga ang nangyari rito."

"Ngayon, pansinin niyo yung sumunod na nangyari. Bumalik ang kotse ni Nathan sa hotel nang makaalis na ang ambulansya na lulan ng kanyang ama. Nang makabalik... halos labing limang minuto ang inabot bago muli nakita sa CCTV na umalis ang kotse nito."

"And then..."

"And then try to observe the maneuver of his car."

Muling tiningnan ng dalawa ang video. Napasinghap si Caiden. "It's way different from his usual speed."

"Exactly. The driver's way of revving up the car was different from what Nathaniel did in the first part of the video."

"You mean to say..." Kristoff trailed.

"Dalawa lang ang naiisip ko na hypothesis. It's either, nabantaan ni Virus si Nathan at ginawang hostage upang makaalis sa lugar na iyan o..."

"Or what?"

"Magkakilala ng personal silang dalawa."

Natahimik ang dalawa sa naging dahilan niya kung bakit nila sinusundan sina Nathaniel at Penelope.

"Ang ibig sabihin, si Nathaniel ang sagot natin upang mahanap si Virus?"

"Oo," tugon niya.

"Pero brad," utas ni Caiden. "Paano mo nakuha itong video na ito?"

Natigilan siya sa naging tanong ng kaibigan.

"Someone sent me that file. And I don't know whoever might he or she is. He or she somewhat helping me... helping us to find her," tugon niya rito.

Totoong nakuha niya lamang iyan sa kanyang email. May nag-sent sa kanya niyan kagabi. Nang sinubukan niyang alamin kung sino ang nagpadala'y napagtanto niyang bogus account lang iyon at wala gaanong information. Even the details of the email address, incomplete lahat. Suspicious iyon para sa kanya at kaya lamang niya pinagkainteresan na panuorin ay sa kadahilanang na-curious siya sa subject ng mismong mail.

To see is to believe...

Iyan ang nakalagay sa subject area ng mail kung kaya't nalaman niya ang video na iyan.

"Bakit hindi na lang tayo magpatulong sa pinsan mo?" tanong ni Kristoff.

"No, hindi siya pwedeng madamay rito. Even her. Nakuha niyo?"

"Teka, pabalik na siya ng Pilipinas hindi ba? Ba't hindi mo napigilang umuwi?" utas ni Caiden.

"Sinubukan ko, pare. But you know her. She's exactly the same as me. My girl version."

"Yeah right, so tara na? Nakapasok na sila sa elevator," untag ni Kristoff na sinang-ayunan niya.

Imbes na sundan ang dalawa ng lantaran ay napagpasiyahan nilang sa control room dumiretso. Tutal aalamin lang ni Kristoff kung saan naka-confine ang tatay ni Nathaniel ay maaari na silang manuod sa CCTV camera na naka-install sa loob ng kwarto. Bawat kwarto kasi rito'y may kanya-kanyang CCTV.

"Sino iyon?" tanong niya nang makita sa monitor ang isang binatilyo na mas matangkad ng kaunti kay Nathaniel at nakabantay sa pasyente.

"He's Theodore Suarez. Anak na panganay ng pasyente na itinakwil dahil sa pagiging rebelde nito. Isang inspector at detective," tugon ni Caiden habang hawak ang iPad nito.

"I never heard him before," utas niya habang pinapanuod na nag-uusap ang tatlo—Theodore, Nathaniel, at Penelope.

Ilang minuto pa ang nagdaan ngunit wala silang nakitang kahina-hinala na mag-uugnay kay Virus. Nagkamali ba siya sa kanyang assumption?

"I think she's familiar." Napatingin siya kay Caiden nang magsalita ito. Nakatingin ito sa monitor na kaagad naman niya sinundan.

Oo nga, may pumasok na isang babae. Nakasalamin ito at nakasuot ng isang ladyguard attire. May dala itong pagkain.

Pinagmasdan niya ang mukha. Bakit nga tila pamilyar ito sa kanya?

"They're having sexy time bro! Ayos 'to! Live show!" natutuwang utas ni Kristoff. Inaakit kasi noong babae yung Theodore Suarez.

"Anak ng! Paasa!" hiyaw ng kanyang kaibigan nang hindi pala natuloy ang inaasahan nito dahil ang inumin ng binata pala ang pakay ng babae kung kaya't inakit.

Nagitla sila nang pasimpleng tumingin ang naturang dalaga sa gawi nila. Talagang titig na titig ito sa camera habang patuloy itong umiinom ng softdrink.

And it's like a sharp lightning bolt when he finally knew who this girl is.

The girl he used in order for him to win.

The girl he used to bed with.

The girl he never knew will be this different.

At lahat ng iyon ay nakompirma niya nang ngumisi ito and mouthed random words.

      

Vera Cox

"DUMIRETSO sila ng control room," sabi niya habang nakahawak sa kanyang earpiece. Kausap niya si Nathaniel na ngayo'y nasa kwarto na ng ama nito.

"Got it," he replied.

Napangisi siya habang pinagmamasdan niya mula sa parking entrance ng hospital sina Evo Montreal, Kristoff Wright, at Caiden Richards.

"Talaga pa lang magkikita't kita tayo, Evo. What a pleasant surprise."

Hindi na niya inabala pa ang sarili na sundan ang mga ito hanggang sa kwartong nais nilang pasukin. Bagkus ay muli niyang hinawakan ng mahigpit ang dalang mga pagkain at inayos ang kanyang costume bilang ladyguard. Remember? Siya ang magiging gwardiya ng girlfriend ng kanyang bossing—Nathaniel.

Kumatok siya sa kwarto na kinalulugaran ng ama ni Nathaniel. May dalawang pulis pa ang kwarto ng ama ni Nathan sa kadahilanang alam nilang babalikan pa nila ito ngayong buhay pa ang pulitikong iyon at naibalita pa sa TV.

Nang makapasok. "Hi guys, foods?" she said while smiling, na akala mo tropa tropa lang.

"Who is she?" tanong ng nobya ni Nathaniel... eyeing her from head to toe.

She smiled at her... "I'm Mr. Suarez, the personal bodyguard."

Nakita niyang kumunot noo nito. Maging ang nanlilisik na mata ng magkapatid.

"Ano nga uli? And hey, tatlo silang Suarez rito."

Mas naging matamis ang kanyang ngiti sa dalaga. "Sorry po, Ma'am. Ang ibig ko pong sabihin. Ako po ang personal bodyguard ni Mr. Suarez. Yung tatay nilang dalawa."

Hindi niya maaaring sabihin na itong dalaga ang kanyang babantayan. Gaya na rin ng request sa kanya ng nagpapasweldo sa kaniya.

"Ganoon ba? Sige, pakidala nga itong mga pinamili naming pagkain at pakihain. And oh, sorry about your foods, mas gusto kasi ni Honey na iyong pinamili namin ang kakainin and not yours. Hindi ka naman nagpasabi."

Lihim siyang napapangisi sa ugaling pinapakita sa kanya ng nobya nitong si Nathaniel. A possessive girlfriend, huh! Halatang halata dahil mukhang na-intimidate ito sa kanyang tangkad. Lalo pa siyang mas naging matangkad dahil sa suot niyang simpleng three inches black heels. Ito kasi ang mas bagay sa slacks ng attire niya ngayon.

"Oh, sure. Sige po," she said sweetly at kinuha ang dala ng dalawa.

"Ako na," utas ni Nathaniel nang tangka niyang kukunin ang hawak ng kanyang bossing.

"Ok, sige," simple niyang saad, but Penelope stopped her when she was about to sit and take a rest.

"Wait. Honey, let her do that. She's a bodyguard."

"Penelope." May banta sa tonong saad ni Nathaniel sa nobya. Marahil ay hindi nagustuhan ang inasta nito sa kanya.

"What? Did I say something?" tanong nito sa nobyo at kapagkuwa'y sa kanya naman tumingin. "Na-offend ba kita?"

Instead of building up rage against her, ay mas naging matamis ang kanyang ngiti rito. Hindi naman talaga siya affected. Si Virus? Matitibag ng isang pipityuging babae? Never!

"Hindi naman po," tugon niya at tumingin kay Nathaniel. Sinimplihan niya ito ng senyas upang maiparating na ayos lang sa kanya.

"Okay, fine," utas ng binata at ibinigay sa kanya ang supot na may lamang pagkain at lumapit na ito sa ama nito.

Habang nag-aayos ay naramdaman niyang lumapit sa kanya si Theodore at siya'y tinulungan.

"What are you doing?" she said in a deep low voice.

"Helping you," he answered simply.

"Ako na rito," utos niya rito pero umalis nga ito ngunit dala naman ang pagkaing binili niya. "Sir, ito pong binili nina Ma'am ang kainin niyo at hindi iyan."

Naramdaman niyang napatingin sa kanilang dalawa ang magsyota.

"I prefer eating burgers na binili mo sa may kanto kesa naman sa mamahaling pagkain nga, hindi naman nakakabusog. Nakakawala lang ng gana."

"Kuya!"

"What? Don't disturb me while I'm eating, brother."

Nakatitig lang siya kay Theodore habang nginangata nito ang binili nga niyang burger sa may kanto sa labas.

"But, uhm... Hindi po iyan malinis. Baka magkasakit ka." Mahinhin na turan ni Penelope.

"You will lost half of your life, girlfriend of my brother kung hindi ka makakatikim ng mga pagkaing hindi mo pa nakakain sa tanang buhay. And as I've said, don't disturb me while I'm eating."

Natahimik naman si Penelope.

"Kuya, enough." May halong pagbabanta ni Nathaniel sa kapatid na ipinagkibit balikat lang ni Theodore.

Mas lalo siyang napatulala rito. Is he taking revenge for what Penelope did to her? At sa paraang ignoring her and being mean to her?

"Excuse me," pagpapaalam ni Penelope at kaagad na tumakbo palabas ng kwarto.

"Penelope!" Nathaniel shouted. "Kuya, be nice to her. She's my life."

"Then tell her to act normal in front of us... She's jealous by the way she looked at Vera, and that's childish. Pakilugar ng pagiging selosa kamo. Walang ginagawa sa kanya itong babaeng 'to. And if she's your life, then she needs to deal with my shits, brother."

"Ugh! You suck, dude!"

"I know. Now, go get her."

Pagkaalis ni Nathaniel ay tumabi siya kay Theodore na kasalukuyan pa ring lumalamon.

"What?" he asked her. Iba kasi ang tinging kanyang pinupukol rito. Kasi maging siya'y nagtataka sa kinilos nito kanina. He's really getting even with that girl on her behalf. And she finds it, really, really manly.

"I want to suck you," she said seductively.

Napanganga naman ng literal ang binata mula sa kanyang tinuran. Sino ba naman ang hindi magugulat hindi ba?

"A-ano?" tanong nito sa kanya na halatang biglang hindi mapakali.

"Matigas na ba iyan? Sige na... I really want to suck you," sabi niya habang lumalapit ng dahan dahan kay Theo na umuurong din palayo sa kanya sa sofa.

"T-tumigil ka nga, V-Vera."

Hinawakan niya ang hita nito at nginisian niya ang binata. Hinimas himas niya ang hita habang patuloy siyang lumalapit rito.

"Ayoko ko nga..." then napasinghap ang binata sa sunod niyang ginawa.

"Hmmm! Sarap talaga! Grabe! Sarap talaga ng Mountain Dew."

Napangiti siya ng labis nang matigilan at mapatulala ang binata sa kanya.

"I wanna suck your drink, Theodore. At talagang matigas ang straw kasi hindi mo naman pinaglaruan. H'wag kang malisyoso. Alam ko iyang kaberdehang pumapasok sa isip mo," saad niya at tuluyan nang inagaw ang bote ng softdrink na hawak nito at siya na ang umubos.

"They're watching us, Theodore," she said while sipping her drink.

Tiningnan niya ang camera at doon ngumisi ng pagkatamis tamis. And she mouthed...

"Long time no see..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top