Chapter 4: Protect
Nathaniel Suarez
"SAAN KA PUPUNTA? 'Di pa tapos ang pagdiriwang." Siya'y napabalik ng tingin sa kanyang nobya. He was about to leave faster kung hindi lang siya tinawag ni Penelope Steele—a well-known chef in Europe and his long—time girlfriend.
"D-dad called me," he answered back at her.
"He's not yet here? I thought that he was here a while ago?"
"Yeah, he's here, but he called me to go to his office... immediately."
"Really? Parang hindi naman kita nakitang may katawagan kanina," nakakunot noo ito at sa pagkakataong iyon ay alam na niya 'agad ang tumatakbo sa utak nito.
Mabilis niya itong nilapitan at sinunggaban ng halik. "Wala 'kong babae, Hon. Alam ko 'yang iniisip mo."
Penelope hugged him tightly. "H-hindi kaya 'yon ang iniisip ko. Alam ko namang ako lang ang babae mo."
Napangiti siya sa tinuran nito ngunit ikinunuot niya ang kanyang noo at hinawakan niya ang pisngi ng dalaga. "But of course, it's only you. Wala nang iba," then bigla niyang naalala ang biglang gagawin. "I really need to go."
"Want some company?" tanong nito sa kanya but he smiled at her sweetly.
"No need, Hon. Just stay here and text me if you're going home. A'right?"
Penelope smiled wryly and kissed him torridly. He deepened the kiss and broke it. "I gotta go," then he walked faster than usual.
He angrily answered the phone call when his cellular phone vibrated in his pocket.
"Where the hell is he?" bungad niya sa tumawag.
"Don't come near on your, Dad," for some reason, his heart skipped a beat when he heard a continuous changing of bullets in the other line.
"Does my Dad, alright? Answer me?!"
"Damn you, idiot! Ang daming dada, 'pag ako natamaan rito kokonyatan kita! Basta bilisan mo!" then the caller hangs it up.
Nangagalaiti niyang itinapon ang kanyang telepono sa passenger seat at pinaharurot ang kotseng sinakyan. Kinakailangan na niyang bilisan dahil kapag hindi'y mamatay ang kanyang ama.
May pinindot siya sa kanyang kotse at nagwika, "Manila Hotel—Heritage Hotel, estimated kilometer."
"20.5km," sagot na kanyang narinig mula sa speaker ng kanyang gadget.
"View the shortest route."
Pagkasabi niyang iyon ay kusang pinakita sa kanya ng computer ang kanyang hinihinging ruta. Nang matapos ay mabilis niyang pinaharurot ang kanyang kotse.
Damn! Sana umabot siya. Utang na loob. He needs to save his Dad's life.
Sana lang ay umabot siya sa tamang oras na itinakda ng kausap niya kanina sa telepono. Hindi niya maatim na mabigo gayong ang buhay ng kanyang ama ang nakasalalay rito.
Natanaw ng kanyang mata na nasa four intersection way na ang kanyang kinalulugaran. Ito yung may ruta papuntang Aseana City, MOA at papunta sa LRT at MRT.
Napahampas siya dahil maiipit siya sa trapik. Kinakailangan niyang gumawa ng paraan upang hindi siya mas lalong matagalan.
Sobrang lapit na niya sa intersection way nang makitang ten seconds na lamang ang green light at malapit nang maging red ang traffic light. He gets gripped on his steering wheel and drifted his shift on the sidewalk. Doon siya dumaan at pilit hinabol ang patapos nang green light—five seconds greenlight to be exact.
He did it, but the Police Officers nearby noticed him. Napatiimbagang siyang napahampas sa manibela. Kung suswertehin ka nga naman oo. But on the second thought, mukhang mas okay nang may sumunod sa kanya hanggang sa Heritage Hotel. Much better to rescue him, Dad.
Nagpahabol siya sa dalawang mobile police car habang sinisinerahan siya ng mga ito. Malapit na siya sa lugar at kitang kita niya ang isang eksenang nagpayanig sa kanya. He saw his brother helping their father to reach his car. But hell no! He shouldn't have ridden in his car again!
May bomba iyon! Napapamura na siya nang magsimula nang umalis ang kotse ng kanyang ama. Nakita niya ring hindi na siya sinusundan ng mga Police dahil marahil ay napansin din sa wakas na may putukan sa may entrada ng naturang hotel.
Minaniobra niyang muli ang kanyang sasakyan at binabalak na sundan ang kotse ng ama. He needs to save him before the bomb explodes.
Tinapakan niya ng sobrang diin ang accelerator dahilan upang mag—usok ang gulong sa likuran. Then he released it at mabilis na tumakbo sa daanan.
Nahirapan sundan ito dahil sa mga sasakyang nakaharang ngunit mas binigyang tuon niya ang pagligtas sa kanyang ama. Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo hanggang sa maabutan niya nga ito. Hinarangan niya ang kotse at parehas silang tumigil.
Mabilis siyang bumaba sa kotse at tinakbo ang kotseng sinasakyang ng kanyang ama. Lumabas ang driver nito at sinigawan niya ito.
"Get out of the car! The car will explode!"
Nang marinig iyon ng driver ay mabilis nitong nilapitan ang pintuan sa likurang bahagi ng kotse. Nakuha niya ang gusto nitong sabihin kung kaya't sabay nilang kinatok ang bintana ng kotse. But the door is lock. Pumunta siyang muli sa driver seat at doon pumasok.
Doon niya nakitang naghihingalo ang kanyang ama at kitang kita na hinang hina na. Mabilis niya itong nilabas ng sasakyan.
"Nathaniel... Anak,"
"Shut up, Dad. You're bleeding. We'll help you."
Nang mailabas nila ito ay roon niya narinig ang isang pamilyar na tunog. Mabilis siyang sumilip sa ilalim ng back seat at nanlalaki ang matang nakita ang bomba.
"Takbo!" he shouted.
Then the bomb explode habang inaalalayan nila ang kanyang ama. Napasubsob silang tatlo sa daan at hindi naiwasang naapektuhan sila ng pagsabog.
He saw his dad's companion dead habang nakaibabaw ito sa kanyang ama. Ito ang nakatanggap ng malalang pagsabog dahil bakat sa likuran nito ang sunog at mga bugbog mula sa salamin ng sasakyan.
Mabilis na nagdatingan sa kanilang kinaroroonan ang isang ambulansya. Nilapitan niya ang kanyang ama na kasalukuyang sinasakay sa isang stretcher.
"How's my Dad?!" he asked nervously. Walang malay kasi ito na nakahiga lamang.
"He's okay, Sir. Kailangan lang namin siyang dalhin sa ospital."
Hinayaan niya lamang ang mga ito na dalhin ang kanyang ama sa ospital. Nang makaalis ang ambulansya'y mabilis siyang tumakbo dahil paparating na ang ilang alagad ng pulis. Wala siyang panahon upang magbigay ng statement sa mga ito.
May kailangan pa siyang puntahan at kausapin.
Muli niyang minaniobra ang kanyang sasakyan at muling bumalik sa naturang Hotel. Kinuha niya ang kanyang baril bago lumabas at dumiretso sa may basement area.
Naabutan niya ang kanyang kuya na nakaluhod sa sahig at tila pinaglugmukan ng langit. Habang nakatayo lang ng tahimik ang babaeng kanina pa niya kausap mula sa party...
"Kuya..." he called his brother.
Nag-angat naman ng tingin ang kanyang kapatid sa kanya at doon ito tila natauhan. Mabilis itong nakalapit sa kanya at kapagkuwa'y kinausap.
"Bakit ka narito? 'Di ba dapat nasa kabilang Hotel ka? You shouldn't be here."
Tiningnan niya ng seryoso ang kanyang kapatid sabay sabing... "You shouldn't be here," utas niya rito na may halong diin.
Kunot noo naman ang ibinigay sa kanya ng binata. "Ano?"
Sinilip niya mula sa likod ng kanyang kapatid ang babaeng kasama nito.
"Bakit siya ang pinapunta mo para tulungan ang ama ko? Dapat ako na lang."
Hindi makapaniwala ang mukha ni Theodore sa kanyang sinambit. "You know her?!"
Sa halip na sagutin ang kapatid ay nilapitan niya si Virus at hinawakan sa balikat nito.
"Sumagot ka, Virus," utos niya sa dalaga.
Bahagya siyang tiningnan ng dalaga at nagsalita. "Nailigtas mo ba ang ama mo?"
Napatiim bagang siya sa sagot sa kanya ng dalaga. This is really getting to his nerves. Bakit ba sa t'wing tinatanong niya ito ay saka naman ito nagtatanong? Upang mailihis ang topic? That's insane!
"Sagutin mo ang tanong ko—" hindi na siya nakatapos ng sasabihin nang hablutin siya sa kwelyo ng kanyang kapatid.
"Anong nangyari kay Dad? Anong kinalaman mo sa babaeng ito? Sagutin mo 'ko!"
Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at hinablot din ang kwelyo ni Theo. "Ikaw ang may dahilan kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon si Dad, Theodore! Kaya wala kang karapatang alamin kung ano'ng nangyari sa kanya. Hindi ba tinakwil mo kami? Kaya wala ka nang karapatan magtanong ng tungkol sa kanya!" tinulak niya ang kapatid ng malakas dahilan upang ito'y mapaupo sa sahig.
"Oo. Alam ko. Kasalanan ko." Narinig niyang usal ng kapatid. "Pero kahit itinakwil na namin ang isa't isa. Hindi pa rin mabubura na ama ko siya at anak niya rin ako, Nathaniel."
"But what you did to him is heartless, Theo. Wanna know why?"
Muli siyang tiningnan nito. Nang siya'y muling magsasalita na ay biglang nagsalita si Virus.
"This is not the right place to kill each other, Idiots. Move out. Now."
Pagkasabing iyon ng dalaga'y narinig nilang tatlo ang mga sirena ng mga Pulis sa lugar. Papalit na sa kanila ang mga ito.
He was about to move when his brother stopped him. "Hindi pa tayo tapos—"
Hindi na nito natapos ang sasabihin nnang mabilis lumapit si Virus at binatukan si Theo. Dahilan upang ito'y mawalan ng malay.
"Parehas kayong dalawa. Napakadaldal. Bitbitin mo 'yan."
Mabilis siyang tumalima. Knowing this girl, alam niyang hinding hindi ito mangingiming patayin ang kanyang kapatid. Lalo pa't nadamay ito.
Sa may back seat niya inilagay ang kapatid habang doon siya sa shotgun seat umupo. Nakapwesto na kasi ang dalaga sa driver seat at pahiwatig iyon na ito na ang magmamaneho.
"This is one hell of a ride!" utas ng dalaga bago pinaharurot ang kotse.
Mabilis nilang binabagtas ang kahabaan ng EDSA habang nakikipaghabulan sa kanila ang mga pulisya.
"Ano ang pinakamadaling ruta, Nathaniel?" napapitlag siya sa naging bulalas nito. Kinuha niya ang kanyang tablet na nakalagay sa dashboard ng kotse at tinipa ang mapa.
"The cockroaches were coming, jerk. Make it fast," paalala ng dalaga sa kanya. Cockroach na ang tawag nito sa mga pulis. Ibig sabihin malapit na ang mga ito sa kanila.
"55°N, 45°E. 100kph. 3 minutes," he gave the complete coordinates and the exact speed and time to turn.
Nginisian siya nito. "Right away."
After three minutes, natanaw nila ang isang masikip na kalye. Virus drifted the car to that place and drove faster. Sa dulo ng kalye ay may three—way intersection. She drifted again to the right.
Napatingin siya sa rear mirror ng sasakyan at unti-unti niyang natatanaw na palayo na nang palayo ang pulis sa kanila.
"I can see an endpoint here." Napatingin siyang muli sa harap at tama nga ang sabi ng dalaga. Isang mataas na pader ang nakaharang.
"Ipasok mo ro'n sa isang truck yung kotse and kill the engine," saad niya nang matanaw ang isang delivery truck ng sofa.
Ginawa iyon ng dalaga at pinatay ang makina. Alam niyang alam na nito ang kanyang naiisip na plano para matakasan ng tuluyan ang mga pulis.
Ilang sandali pa'y natanaw na nila na lumagpas na ang mga police mobile car sa kanilang kinaroroonan.
She revved up again the car and drove out. Bumalik muli sila sa lahat ng eskinitang pinasukan nila at muling lumabas sa main road.
"HINDI pa rin ako makapaniwalang nakikipagkampihan ka sa mamamatay taong ito," utas ng kanyang kapatid habang sumusubo siya ng cookies dito sa apartment ni Vera Cox.
"Napaka—OA mo," komento ng dalaga sa kanyang kuya.
"At isa ka pa, sabi na nga ba't tama ako ng hinala na ikaw ang pumapatay sa mga negosyanteng lalaki."
"Oh, tapos? Ba't 'di mo 'ko hinuli? May hinala ka pala eh."
"Because I don't have enough evidence to sue you."
"Then that explains everything."
"Explains what?"
"That you're weak. You're a useless investigator."
Nakita niya kung paano nagtagis ang bagang ng kanyang kapatid. Bago pa man din magpatayan ang dalawang ito ay siya na mismo ang pumigil sa kanila.
"Will the both of you shut the fuck up?!" he blurted.
Tiningnan siya ng dalawa. Inirapan siya ni Vera habang nakatingin naman ng matalim sa kanya si Theo.
"You still need to convince me that you're innocent, para sa pakikipagtulungan sa babaeng ito, Nathaniel."
Napabuga na siya ng hangin sa naging turan ng kanyang kapatid.
Hindi kasi ito makapaniwala na nakikipagtulungan siya kay Vera or Virus. Yes it is true. Tinutulungan niya nga ang babaeng ito sa lahat ng aspetong gusto nito. Sa pag-aaral nito, sa apartment nito, sa lahat ng necessities na kailangan ng dalaga. Kung sakaling may asawa siya ay kabit ang magiging right term for her. But their situation is different.
Sa loob ng dalawang taon na magkakilala sila ng dalaga ay tanging pagkakaibigan lamang ang naging turingan nila sa isa't isa. No strings attached, ika nga. Nakilala niya ang dalaga noong first year college sila. And after a year ay saka naman niya lamang nalaman na isa itong Assassin.
Noong unang malaman niya iyon ay pinagtangkaan siya ng dalaga na papatayin. But since he's smart enough to die, ay nakaisip siya ng paraan upang makaligtas.
"Bakit ba hindi mo maipasok d'yan sa kokote mo, Theo, na kaya ako nakikipagtulungan sa kanya sa kadahilanang... She's the personal protector of our Dad?"
"Naintindihan ko 'yon, Nathaniel,"
"Iyon naman pala—"
"But the mere fact that she killed a lot of people with brutality, the more she's dangerous and needs to be in jail!"
"I don't care about her being immoral and a criminal as long as she's doing her job to protect, Dad."
"Then, I'm glad to let you know that she failed, and I need to put her in jail. End of conversation." His brother stood up. Ngunit natigilan ito nang nakatutok na sa sentido nito ang baril ni Vera.
"You better watch out your words, big guy. You're still in my territory, and I can do anything to you... Especially, killing you."
Nang bumalik sa pagkakaupo ang kanyang kapatid ay sa kanya naman ito tumingin. "Convince him, Nathe, or I'll kill the both of you."
He nodded.
"I'll be just in the kitchen and get some cookies, boys. Be right back."
Nang umalis ang dalaga at nagpatiuna sa kusina'y tiningnan niya muli ang kanyang kapatid.
"Hinahayaan mo lang siyang utus utusan ka? I'm dissapointed," utas ng kapatid.
"Really? Eh bakit ka sumunod nang pinaupo ka niya? Wow, now I'm disappointed too," he sarcastically said.
"That's not the point, Nathaniel,"
"No, I get your point kuya. At masasabi kong masyado kang makitid sa mga pinagsasasabi mo."
"What? At ako pa ang makitid? Kriminal 'yang binabayaran mo! Pumapatay siya ng tao. Tapos nakikipagtulungan ka pa? Alam mong maaari kang madamay sa lahat ng krimen na ginawa niya!"
"What do you want me to do then?" he asked him. More likely, challenging him.
"Tumestigo ka laban sa kanya at hindi ka madadamay."
Napatawa siya ng pagak habang sinasagot ng binata ang kanyang tanong.
"Kung gusto mo ng magbabantay kay, Dad, we could hire some authority—"
"Kita mo na?! Ikaw ngayon ang hindi nag-iisip, Kuya. Alam mong kasapi si Dad sa isang illegal organization tapos sasabihan mo 'ko na ipabantay siya, kanino? Sa pulis?"
Natigilan ito sa kanyang sinabi.
"Saka kuya, masyado ka nang hibang kung minsan d'yan sa trabaho mo. Pilit mong sinasabing ikulong ang lahat ng may sala pero bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinusuplong si Dad sa pulisya?"
"Iba si Dad, at iba ang babaeng iyan."
"What's the difference, Theo? Nagkasala sa batas si Vera. Nagkasala si Dad sa batas."
"Hindi 'yan ang topic dito, Nathaniel—"
"Oh, please, Kuya. Kahit ano namang topic ang mapag-usapan natin ay hinding hindi nawawala ang isyu ni Dad hindi ba?"
Natahimik na nang tuluyan ang kanyang kapatid.
Ilang minuto pa ang nagdaan at si Vera na ang bumasag sa kanilang katahimikan.
"Wow, Cold War. Tapos na ba ang bangayan? Oh, ayan, kumain muna kayo," sabi nito sabay lapag ng isang malaking plato na may cookies.
"No thanks, baka mamaya may lason pa 'yan," malamig na sabi ni Theo na agad namang sinegundahan ng dalaga.
"Don't worry, big guy. Kung pagpaplanuhan man kitang patayin sisiguraduhin ko munang malalasap mo ang langit bago ka mag-baboo sa Planet Earth." Kinindatan ng dalaga si Theo habang ito'y umuupo na halos may halong pang-aakit.
He saw how his brother blushed. Napailing iling na lamang siya nang mapagtantong mukhang pati ito'y hindi nakaligtas sa alindog ng dalaga.
"So, what's the plan now? Am I gonna kill the both of you or what?" untag ng dalaga habang ngumingisi sa kanilang dalawa.
"No, Vera. Tuloy pa rin ang serbisyo mo sa 'kin," tugon niya rito. Nakita niya pang pinanlakihan siya ng mata ng kapatid ngunit binawi na nito ang tingin lalo pa't mukhang hindi na siya makakatanggi pa.
"Talaga? Eh 'di ayos. Nga pala, you have to increase your payment, Nathaniel." Napalingon siya dalaga sa naging utas nito.
"Napakaabusado mo naman 'ata? Hindi ka pa ba nasasayahan sa yaman ng mga napapatay mo at nananakawan? Napakaganid mo."
Kung siya siguro iyong babae at narinig ang matalas na utas ng kanyang kapatid ay malamang sa malamang ay nasaktan na siya ng sobra. But knowing, Vera— he mean, Virus. Alam niyang pasok sa kanang tainga labas lang sa kabila ang gagawin ng dalaga.
Napailing iling ang dalaga. "Bakla ka ba? Napakadaldal mo. Sobra!"
Napatiim bagang si Theo. Hindi nito nagustuhan ang insultong natanggap mula sa isang babae.
"Don't let me prove my masculinity to you, Miss."
"Oh my gosh? Really? Sige nga, show me baby! Show me what you've got!"
And if you're going to ask him, kung ano ang ugali ng dalaga na gustong gusto niya? Her green—minded brain. Such a perv, for a girl like her.
Hindi maipinta ang mukha ni Theo sa naging tugon ni Vera sa kanya. "You're impossible," naibulalas ng kanyang kapatid.
"Oh please, big guy. Should I rape you now?"
The redness of his brother's face was now evidently showing. Halatang naapektuhan talaga kay Vera.
"But for now, we need to discuss a few things," dugtong ng dalaga.
Napatingin silang pareho ni Theo sa dalaga.
"About what?" he asked.
"About, Arevalo."
"What about him?"
"He's dangerous. At ngayong ligtas ang ama niyo, hindi iyon titigil na hindi napapatay ang taong tumiwalag sa kanila. Oh, mali. Hindi pala kayo napapatay."
"Kasama kami?" he asked again.
"Ang sabi ni Arevalo, pinapatay daw talaga ang buong angkan ng isa nilang kamiyembrong titiwalag," tugon ng kanyang kapatid.
"Then, what are we doing here? Kailangan na nating puntahan si Dad." Aniya.
"No, I won't let you." Napalingon sila ni Theo kay Vera muli. "That's my job, right? Kaya pinadadagdagan ko sa 'yo ang pondo ko para maprotektahan kayong tatlo."
Mabilis na nagsalita si Theo. "I won't let you too, Vera. Hindi ko matatanggap na babae pa ang poprotekta sa akin. No! I can take care of myself."
"Me either," pagsang-ayon din niya.
Masakit sa ego nila na babae pa ang magtatanggol sa kanila. No. Dapat sila ang pumoprotekta sa babae.
"E 'di hindi. OA niyo ah. Bawal mag-assume na kailangan niyo?" tugon nito sa kanila at sila'y inirapan at kumain ng cookie.
"Pero sige, dadagdagan ko ang ibibigay ko sa 'yo." Pagsang-ayon niya sa bagay na iyon.
"Nathaniel!" suway sa kanya ni Theodore.
"Talaga? Mabuti naman—"
"But I want you to protect, my girl— Penelope Steele."
Nanahimik silang sandali matapos niyon.
"Deal." Pagsagot ni Vera matapos nitong makainom ng juice na ito rin mismo ang may gawa.
"Good," pagsang-ayon niya.
"Teka, Penelope Steele? Siya yung European Chef na pinsan ng mga Montreal? Tama ba 'ko? At lagi silang magkakasama?" tanong sa kanila ng dalaga.
"At bakit mo natanong? Sila naman ang bibiktimahin mo? No. Hindi kita hahayaan." Untag ni Theodore.
Nginisian ng dalaga ang kanyang kapatid. "Masyado kang paranoid, big guy. Syempre, hindi... Hinding hindi."
Bakit tila, hindi niya gusto ang ngisi ng dalaga nang mabanggit nito ang mga Montreal? Anong iniisip mo, Vera?
"Mukhang hindi ko talaga maiiwasang hindi siya makita, ah." mahinang bulong ng dalaga na narinig naman nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top