Chapter 3: Inspector

Theodore Suarez

"ANG LAYO NA naman ng tingin mo, pare." Napamulagat ang binata nang marinig niya ang utas ng isa niyang kasamahan dito sa PNP Police Station.

"Baka yung minamanmanan niyan ang iniisip," panggagatong ng isa pang pulis sa kabilang lamesa.

"Sino? Yung chicks? Ganda no'n pre, ba't 'di mo ligawan?" utas nung unang nagsalita.

Mabilis siyang kumuha ng pencil eraser sa may table niya at inisa isa ang pambabato sa dalawa.

"Mga utak niyo, alam ko kung saan dadapo ang usapan na 'to." Pagnanasahan kasi nitong dalawang may katandaan nang pulis ang sinasabi ng mga ito na minamanmanan niya.

"Ang seksi naman kasi no'n tutoy. Ang seksi na't ang ganda pa!" sabi ng unang pulis na si Mang Leroy.

"Oo nga, Theodore, kahit walang make-up ang ganda ganda pa rin. Kung hindi ko lang talaga mahal ang asawa kong e, liligawan ko 'yon." Parehas silang napatingin kay Mang Leroy dahil sa tinuran nito.

"Seryoso ka ba d'yan, Mang Julio? Gwapo niyo ho ano?" pang-aasar niya sa pinakamatanda sa kanilang tatlo. Halos na singkwenta'y uno na ang pulis na 'to kung kaya't gano'n na lamang ang pang-aasar niya sa tinuran nito.

"Baka bigla kang bawiin ni Lord, Julio, sa imahinasyon mong 'yan. 'Di ba ano, Theo?" nag-apir silang dalawa ni Mang Leroy.

"Kayo talagang dalawa kung makaasar kayo akala niyo ang gagwapo ninyo."

Kapwa silang napatawa ni Mang Leroy.

"At bakit, Julio? Sinasabi mo bang gwapo ka at mas gwapo ka rito sa ating bata?" utas ni Leroy.

"Aba'y oo, pare!"

Magsasalita na sana muli siya at makikisali sa asaran ng dalawa nang bigla silang makarinig ng tatlong katok sa pintuan ng kanilang opisina.

"Oh, mukhang nagkakatuwaan kayo rito ah," utas ng kanilang Chief sa police station na ito.

Napatayo silang tatlo at mabilis na sumaludo sa kanilang boss.

"Good Morning, Chief!" sabay sabay nilang usal. Tinanguhan naman sila nito at sabay sabay ring binaba ang kanilang kamay mula sa pagkakasaludo.

"Hindi naman, boss. Medyo nagkakaasaran lang." Untag ni Mang Julio.

"Ah gano'n ba? Oh sige, mamaya na lamang iyan at may assignment akong ipapagawa sa inyong dalawa— Julio at Leroy. Sumama ka na rin Inspector Suarez upang makatulong sa imbestigasyon."

"Sige ho, Chief." Pag-sang-ayon niya rito.

Iniabot sa kanilang tatlo ang tig-iisang folder. Binasa nila ang nilalaman doon at masusing pinag-aralan.

"May tumimbre sa atin na informat na magkakaroon diumano ng pagpapalitan ng mga ilegal na armas sa isang party na nakalagay d'yan."

Hinawakan niya ang invitation letter na kasama sa mga papel sa may folder.

Altamirano-Gardner Wedding Reception. Iyon ang nakalagay sa imbitasyon.

"Sir, kung hindi ho ako nagkakamali... Si Eliza Altamirano ho ba ang ikakasal?"

"No other than Suarez. Ang may-ari ng Altamirano Fashion Gala na si Lady Eliza ang ikakasal sa boyfriend nitong si Andrei Gardner."

"Paano ho magkakaroon ng palitan ng ilegal na armas sa isang espesyal na okasyon na kagaya nito?" tanong ni Mang Leroy.

"Iyon ang kailangan niyong alamin, kasama si Suarez."

"7 PM. Manila Hotel. Eksaktong detalye ng event," saad ni Mang Julio.

Tahimik siyang nakatingin sa imbitasyon at matiim na nagtataka sa assignment na napunta sa kanila.

Supposedly, hindi dapat niya tanggapin ito sa kadahilanang may krimen pa siyang kailangang lutasin sa mga oras na ito.

And that idea made sense to him. He faced his Chief and asked...

"Sir, may kinalaman ba rito yung krimen na nilulutas ko? Hindi mo 'ko isasama sa assignment na hindi kaugnay sa tinatrabaho ko. Pupunta ba siya roon?"

Seryoso lamang na nakatingin ang Chief sa kanya. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito, but he has a point in all of his view points.

"Apparently, yes. Maraming mayayamang tao ang naroroon sa party na 'yon at gaya ng ni-report mo sa amin noong huli, pinupuntirya nito ang mga mayayamang negosyante. And maybe you're right about the gender. She's a girl dahil ayon sa medico-legal na report nila..." nilabas nito ang isa pang folder at inabot sa kanya. "Yung semen na na-detect sa dila ng mga biktima ay galing sa isang babae. Hindi naman maaaring mula sa lalaki iyon, well, unless kung parte ng LGBT yung mga biktima."

"At pupunta siya roon para makabiktima muli?"

"Precisely, ibig sabihin lang nito na dalawa ang kailangan niyong pigilan. Una ay ang napipintong palitan ng mga armas at ang isa ay pigilan at hulihin ang babaeng pumapatay ng mga mayayamang tao."

At some point, may napansin siyang kakaiba sa awra ngayon ng kanilang Chief but he ignored it at muling sumaludo rito.

     

HE WORE SOMETHING formal. Naka-tuxedo si Theordore habang inaayos niya ang necktie na kulay dilaw na bumagay sa suot niyang all-black suit.

Napatigil siya sa kanyang ginagawang pag-aayos ng sarili nang marinig niyang may nag-doorbell.

Naalerto siya dahil wala siyang inaasahang bisita. At lalong lalo naman na wala siyang kaibigang nakakaalam kung saan siya nakatira.

Anak siya ng isang mayamang businessman-politician sa isang rehiyon sa Visayas. Kilalang kilala ang negosyo nila dahil sa planta ng kanyang ama kinukuha ang mga native and raw materials na hinahanap ng mga suppliers. Ang pamilya nila ang isa sa pinakapinagkukunan ng mga ganoong supplies sa buong Pilipinas. Ngunit mas pinili niyang maging inspector, na trabaho niya ngayon. Dahil ito ang kanyang pangarap noong bata pa lang.

Kinuha niya ang madalas niyang gamit na baril at minuwestra ang sarili sa aspetong handa ang sariling sumabak sa kahit na anong laban. Binuksan niya ang pintuan. Nang pumasok ang 'di imbitadong tao ay mabilis niyang itinutok ang hawak na baril sa sentido nito.

"H-hey! I come in peace! World peace!" napamulagat siya nang makilala ang taong bumisita sa kanya.

"What the hell are you doing here, Nathaniel?!" he asked loudly.

"I'll tell you why...j-just drop your gun down, bro," nanginginig nitong tugon.

Ibinaba niya ang baril nang mapansing hindi pa nga niya ito naibababa. Nang maibaba ay mabilis niyang tinulak ang kanyang kapatid papunta sa malapit na sofa.

"Damn it, brother! Napakabrutal mo," anito habang hawak ang nasaktang likuran.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Nakasalampak sa sahig kagagawan mo—"

"Nathan, hindi ako nakikipagbiruan! Anong ginagawa mo rito sa Maynila?"

Kapatid niya itong si Nathaniel Suarez. A graduating college business student. Ang ikalawang anak ng kanyang amang si Ricardo Suarez.

"Father wants you to take this—"

"I don't need anything from him,"

"Bro, basahin mo muna kasi bago ka magsalita. This is not money. This is a formal invitation from tonight's wedding reception."

Natigilan siya sa tinuran nito at tiningnan ang hawak nito. It is true, katulad ito ng imbitasyong binigay sa kanya ni Chief. But he highly doubts its content.

"Our family has been invited by them kung nagtataka ka."

"I'm not already part of your family, so cut the crap."

"Kuya, don't act like a freakin' kid! Father wants you back to our family."

"For what? To inherit all his treasures and business ventures? Hell no."

"You're really such a jerk."

"Shut up. Ito lang ba ang ipinunta mo? Sana ipinaabot mo na lang sa gwardya para siya na ang nag-abot."

"Talaga bang ang laki ng galit mo sa 'min, Kuya?" natigilan siya sa biglaang pagbabago ng ekspresyon nito sa mukha. From being rough to soft.

Hindi niya tiningnan ito bagkus ay itinuro niya ang pintuan. "Leave. And don't ever come back."

A moment of silence filled his condo. Nakatingin pa rin sa kanya ang kapatid ngunit ngayon ay may halo nang disappointment.

"I can't believe na itinapon mo ang sarili mo palayo sa 'min. At kahit na magtanong ako kung bakit? At kung anong dahilan? Katahimikan lang ang tanging maisasagot mo," turan nito at lumabas na ng pintuan ng kanyang condo.

Nanghihina siyang napaupo sa sofa. Inihilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha.

"If only you could know, Nathe. You will hate our father just like how you hated me," he muttered to himself.

Napadaop ang kanyang paningin sa imbitasyong naiwan ng kapatid. Kinuha niya iyon at kinuha rin ang imbitasyong binigay ni Chief. Pinagtabi niya iyon at matiim na pinagmasdan ng mabuti. It was really indeed the same. Maliban lamang sa name of place. Napakunot ang kanyang noo dahil rito.

Bakit magkaiba?

Then an idea popped into his mind.

"Tangina!" he blurted.

     

LOCATION: Heritage Hotel

Time: 6:58 PM

HE WAS RUNNING out of his breath habang binabagtas ang lugar patungo sa ICT area ng buong establishment. If his assumptions are right, this event will turn into a big mess soon.

Huling liko na lang sa malapit sa nasabing room. He needs to save his partners in this operation, but the moment he opened the room door, he told himself that he failed to save them.

Naliligo na sa sariling dugo sina Mang Leroy at Mang Julio. Warak ang dibdib nito at katabi lamang ng mga ito ang kanilang mga mata.

Napatakip siya ng bibig sa klase ng pagpatay sa dalawa. Hindi niya kayang tingnan pa ang mga ito dahil pakiramdam niya'y babaliktad ang kanyang sikmura.

He is now sure in his assumption.

Lumabas siya ng kwarto at dinukot ang cellphone upang tumawag ng kukuha sa mga labi ng tao sa loob ng tao.

Ngunit hindi pa man din siya nakakapindot nang maramdaman niyang may nakatutok nang baril sa kanyang sentido. Binitiwan niya ang kanyang telepono sa sahig at itinaas ang magkabila niyang kamay at nilagay iyon sa likod ng kanyang batok.

"Who are you?" he asked.

Alam niyang ito na ang killer ng mga mayayamang negosyante.

"Why do I need to answer you if you already know who I am?" she said, matter of fact.

"Akala ko ba mayayaman lang ang puntirya mo? Bakit pati ang mga kasamahan ko ay pinagplanuhan mong patayin just to get me?"

"In your dreams, Inspector. Hindi ko sila dinamay para lang makuha ka. And yes, mayayaman nga puntirya ko at ako naman ang puntirya mo... But in this situation, I need your fuckin' help."

Napatawa siya ng pagak. "You're expecting me to help you? Nagpapatawa ka ba? Isang kampon ng batas at isang kampon ng demonyo, magtutulungan? Hell no."

"Hindi ko kailangan ngayon ang mga putak mo, ginoo. For a guy like you... napakadaldal mo 'ata?"

"Huhulihin kita."

"Shut up. Kung gusto mong mabuhay pa ang tatay mo sa lugar na'to... makikipagtulungan ka sa 'kin." Doon napatuon ang kanyang atensyon.

"Anong sabi mo?"

"Your father is in danger. Makikipagtulungan ka pa ba ngayong alam mong nasa panganib ang tatay mo?"

"Why are you doing this?" tanong niya na talaga namang nagpagulo sa kanyang isipan. Sino ba naman kasi ang makikipagtulungan sa isang kalaban at sasabihing kailangan nito ng tulong mula sa kanya?

"Just don't ask me why idiot! Inuubos mo ang oras!"

Mabilis siyang nag-isip kung tutulong o hindi. If it is right to help her to save his father. Kahit naman kasi na magkaaway sila ng kanyang ama'y hindi niya pa rin hahayaang may masamang mangyari rito.

"The clock is ticking too fast. Make it quick!"

"Fine."

"Finally!" utas nito sabay baba ng baril nito na nakatutok sa kanyang sentido.

Mabilis siyang bumaling rito and he pinned her in the wall and said...

"Malaman ko lang na pinaglololoko mo 'ko—"

"I'll make you taste my body if that's the punishment that you want from me."

Nabitawan niya ito. 'Di makapaniwala na sa ganitong sitwasyon ay magbibigay pa ito ng ganitong klase ng proposal.

"No. Sasama ka sa 'kin sa police station kapag—"

"Fine. Dami mong kuda."

Nagtagis ang kanyang bagang sa kagaspangan ng ugali ng babaeng ito. Ni hindi man lang siya hinahayaang tapusin ang sasabihin niya.

Binitiwan na niya ito at mabilis itong kumilos. "Follow me," utas nito sabay hila sa kanya papasok sa kwartong pinasukan niya kanina. Lugar kung saan napatay ang mga kaibigan niya.

"You really did this to them? Napakabrutal mo pala talagang mamamatay tao," komento niya habang may nilalabas itong gamit sa bag nito.

"If that's a compliment, then, thank you very much," sagot nito sabay nilabas ang isang di-assemble na baril.

"Nagkasya 'yan sa bag mo?"

Tiningnan siya nito ng masama. "Alam mo? Napakadaldal mo," turan nito sabay hagis sa kanya ng isang Desert Eagle na baril.

"Defend yourself."

"Ano bang plano mo?"

Tiningnan siya ng dalaga. "Kapag sinabi ko kung bakit ko 'to ginagawa, naniniwala akong magbabago ang tingin mo sa tatay mo. And my plan? Just follow me and don't get killed."

Kumunot ang kanyang noo. "Paano mo nalaman na hindi kami magkasundo ng tatay ko?"

Saktong tapos na ang dalaga sa pag-assemble ng baril nang tanungin niya ito. Hinarap s'yang muli ng dalaga at ito'y ngumisi sa kanya. "I know everything, Mr. Suarez."

Then with that, ay pumwesto na ang dalaga sa isa sa mga screen ng security room. Kitang kita nila mula rito ang view sa loob ng venue ng hotel. Siya'y napatda nang ma-realize ang isang bagay habang patuloy siyang nanunuod.

"Hindi rito ang reception venue ng kinasal, tama ba?"

Nilingon niya ang kausap. Nakita niya itong abalang abala sa pag-aayos ng mga bomba at nilalagyan ng oras kung kailan ito dapat pumutok. "Yes, at sinadya kong ibigay sa 'yo at sa dalawa mo pang kasama na ito ang lugar na ito. Almost twenty kilometers ang layo ng mismong venue ng event doon sa Manila Hotel."

"Nasa totoong venue ang tatay ko," saad niya sabay pakita ng invitation na bigay ng kanyang kapatid na si Nathaniel.

Ang lugar mismo ang unang napansin niya simula nang umalis ang kapatid niya kanina. According to the invitation na bigay ng kapatid, nasa Heritage Hotel naka-address ang event. Habang ang unang card na nakuha niya ay sa Manila Hotel.

"You managed to switch the invitation card," anas niya nang ma-realize kung bakit iba ang address na binigay sa kanila ng Chief.

Nilingon muli siya ng dalaga.

"May isa pang event na magaganap kasabay ng event ng mga Altamirano. The media and police will cover the Manila Hotel. At dahil doon mas maganda ang pagkakataon na iyon upang magkaroon ng illegal transaction dito sa lugar na 'to, sa magkaibang lugar. Malayo sa media at police."

"And my Dad will be part of it."

"Yes. But watch them first." Pagkasabi nito ay ngumuso ang dalaga sa isa sa mga LED screen.

Nakita niya roon ang kanyang ama. Dressed up in formal and acting like he owns the world. May mga kasabay itong mga limang guard sa likuran nito.

"Halika na," tawag sa kanya ng dalaga.

Sumunod siya rito at sabay silang lumabas ng kwarto. They are really walking faster at alertong binabantayan ang paligid.

Huminto at nagtago sila sa isang gilid nang makatanaw ng mga armadong tao. Pigil ang kanilang hininga habang halos magkadikit ang kanilang mga mukha ng dalaga.

Hindi niya matanaw ang buong mukha ng dalaga dahil may kulay ang bandang mata nito ng itim. He bet that it is a make up. Mukhang kinulayan nito ang bandang mata na korte ng isang horizontal line mula sa magkabilang dulo ng tainga nito hanggang sa kabila. Kaya kung titingnan mo ang dalaga sa malayo ay parang may tela ang bandang mata niya at aakalain mo talagang costume ito.

"You do smell good," napalunok siya nang mariin sa biglaang utas ng dalaga. Bakit ba lahat ng gawin nitong babae ay may halong pang-aakit?

"T-tara na." utas niya sabay layo ng katawan sa dalaga.

Nakita niya kung paano sumilay sa dalaga ang ngisi nito. Oh, damn, h'wag kang magpapaapekto, Theodore.

"May nakikita akong tent, hindi ko sasabihin."

Napatigil siya sa paglalakad sa tono ng liriko na kinanta ng dalaga. Tent? Then binaba niya ang kanyang tingin.

Nilagpasan siya ng dalaga at bakas pa rin sa mukha nito ang kakaibang ngiti na tila nang-aasar. "Masakit sa puson niyan," mahinang utas nito sa kanya bago tuluyan siyang nilagpasan.

Napailing iling na lamang siya habang hininahon ang sarili. This girl is a leaving tease. Mukhang mahihirapan siyang makisama rito. Lalo na kung lagi itong nang-aakit. Damn, lalaki lang siya. Kahit anong tanggi niya, ang katawan na niya ang sumasang-ayon sa darang na dala ng dalaga.

"This will be hard. Really really hard," he muttered to himself and followed her.

Sa ikalawang pagkakataon ay napahinto silang dalawa. Natanaw nila mula sa 'di kalayuan ang dalawang armadong lalaki. Nagkatinginan sila ng dalaga at kapwa nagtanguhan. This means one thing, maaaring patungo na ito sa lugar ng mismong trading ng mga illegal na armas.

Sinundan na nila ang dalawang iyon. Mukhang tama pala ang dinadaanan nila kanina ngunit maliban na lamang ng huminto ang dalawang ito sa dalawang magkasalungat na intersection. Lumapit ang mga ito sa mismong pader sa pagitan ng dalawang daanan. May inikot ang dalawang ito at nakita nila ang isang maliit na scanner.

Akmang itatapat na ng isa sa kanila ang hawak na card upang itapat iyon sa isang maliit na lense nang maramdaman niya ang mabilis na pagkilos ng kanyang kasama.

Mabilis nitong ginilitan ang lalaking may hawak ng card. Sinipa naman nito ang kamay ng isa pang lalaki upang mabitawan nito ang hawak na baril na ipuputok sana sa kanya. Tumalon muli ito at sa pagkakataong iyon at inipit ng dalaga ang paa sa leeg ng lalaki. Binigatan nito ang sarili at kapwa bumagsak sa sahig.

"Kunin mo na yung card! Ano? Nganga?!" napaigtad siya sa sigaw ng dalaga sa kanya. Agad niyang kinuha ang card sa unang lalaking pinatay ng dalaga. Nang makuha ay napatingin s'yang muli sa dalaga na ngayo'y pinihit ang leeg ng lalaking pinatumba sa pamamagitan ng paa nito.

Muli siyang napabalik sa scanner. Mabilis niyang itinapat ang card na hawak at doon umilaw ang dating blue light sa yellow.

Access Granted

Gumalaw ang dingding. Bumukas at lumitaw sa kanila ang isang pababang daanan na nagkukuminang ang ilaw at natanaw ang isang pintuan.

Bumaba sila roon at muling hinanda ang sarili. Hawak ang mga baril ay bumilang ang dalaga ng tatlo. Pagkabilang ng tatlo ay muli niyang itinapat ang card sa isa pang scanner. But this time ay nakatago siya sa gilid. May isa pa kasing lense sa ibabaw ng scanner. Sa kanyang pakiwari ay isa iyong maliit na camera mula sa tagabantay sa loob.

"Sino 'yan?" narinig nilang boses sa isang speaker.

May binato sa kanya ang dalaga. ID iyon at mukhang gusto ng dalagang itapat niya iyon sa camera. Nang masalo ay ginawa niya ang nais nito.

"Ikaw pala 'yan, Parker," utas ng lalaking may baritonong boses.

Bumukas ang pinto. Dahan-dahan iyon kung bumukas kung kaya't nagamit ng dalaga ang pagkakataong iyon upang mabilis na mailusot ang braso sa nagsisimula nang lumaking siwang at tatlong beses na kinalabit ang gatilyo.

Nang sila'y makapasok ay hindi na niya napigilan pa ang magtanong.

"Anong lugar ba talaga ang pupuntahan natin?"

"Sa lugar kung saan magaganap ang transaction."

"'E ano yung sinasabi mong mag-iiba ang tingin ko sa tatay ko kapag sinabi mo ang dahilan kung bakit mo 'ko sinet-up na mapapunta rito?"

Sa halip na sagutin siya ng dalaga ay nagpatuloy lamang ang kanilang lakad at hindi man lang siya pinansin.

"Mas magandang ikaw ang makapanuod sa sagot na hinahanap mo."

For the first time in his life, ngayon lang siya nahirapang basahin ang takbo ng iniisip ng babaeng ito. He's an inspector, at madalas niyang gamitan ng psychological techniques ang lahat ng mga kriminal na gusto niyang paaminin sa katotohanan. At doon siya magaling sa larangang kanyang pinasok.

Nahinto sila nang makarinig ng mga boses na tila nagtatalo. Pinakinggan nilang dalawa ang naging usapan.

"This will be the last time na gagawin ko 'to. Titiwalag na ako pagkatapos nito—" sa puntong iyon ay alam niyang tatay niya ang nagsalita na iyon. Pero ano yung narinig niya? Titiwalag na ang kanyang ama?

"Mukhang nakalilimutan mo ang absolute law ng Underground Society, Governor Suarez?"

Sinundan niya ng tingin ang kanyang kasama. Mukhang may nakita itong butas na maaari nilang mapagsilipan sa nagaganap na diskusyon.

"I know. Pero ako na lang ang patayin niyo, h'wag niyo nang idamay ang dalawa kong anak."

Napatigil sa pagtingin ng mga hinatid na armas yung kausap ng kanyang ama at napadako ang tingin nito rito.

"Do you really think na papayagan kita at ng mga anak mo na makawala sa puder ng organization nang gano'n gano'n lang?" utas nito sa mababang tono ngunit puno ng diin sa bawat salitang binanggit.

"You will let me go, Arevalo." 'Di niya aakalaing makikita niya ang kanyang ama sa ganoong klase ng itsura. He's earnest and he will do anything just to get what he wants.

Umupo ang taong sinabihan ng kanyang ama na Arevalo sa isang office chair doon at nagwika.

"Sa tono ng pananalita mo, mukhang may nakuha kang kakampi upang sagut—sagutin mo ako ng ganyang katapang, Suarez." Dumukwang ito sa lamesa at nakangising nagpatuloy. "Nasa panig mo na ang isa kanila ano?"

Hindi sumagot ang kanyang ama bagkus ay sinalubong niya ang tinging ginagawad sa kanya ng kausap.

"Alam kong hindi niyo 'ko basta basta mapapalaya hangga't hindi ako nakikipagtulungan sa kanila."

Narinig nila ang malademonyong tawa ni Arevalo. Tawa na halos kung pakikinggan mo ay puno ng pang-uuyam, puno na pagyurak sa taong inaalipusta. Tawang kaya kang panghinaan ng loob.

"Hindi ko aakalaing gagawin mo 'yan, Suarez. Hindi ka lang pala duwag. Tanga ka pa."

"Hindi kaduwagan, Arevalo, ang pagpili sa pagtiwalag sa grupong ito. Mas gugustuhin kong makasama ang mga anak ko kesa kamuhian nila ako habang buhay."

For some point, ang galit niya sa kanyang ama ay tila nabawasan. Lalo na sa puno ng sinseridad nitong tinuran ngayon lang.

"Love for your sons make you weak, Suarez, at dahil sa pagmamahal mo sa pamilyang mo... 'yan ang papatay sa inyo. Mali ka ng grupong kinampihan, tandaan mo 'yan."

Tumalikod na ang kanyang ama at akmang aalis na nang muli itong tumigil at lumingon kay Arevalo.

"Mali ka, when I'm with them, I'm strong, stronger than anyone else. Ikaw pala ang duwag... kasi takot kang magmahal."

Kitang kita niya ang paglisan ng kanyang ama at ang pagtagis ng bagang ni Arevalo.

Kinutuban na siya nang biglang may binulong yung Arevalo sa isa sa mga guard nito. At mukhang tumama ang kanyang hinuha nang tanguhan naman ng guard na binulungan ang isa pang guard at sila'y lumisan.

"Save your father, Theodore. Now." Rinig niyang utas ng dalaga sa kanya at sinumulan na ang pagbabaril sa mga tauhan nung Arevalo.

Hindi na rin siya nagpatumpik tumpik pa. Sinimulan na niyang habulin ang kanyang ama upang iligtas sa mga tauhan ng lalaking iyon.

Kinasa niya ang hawak na baril at sinimulang pagbabarilin ang mga pasugod sa kanyang ama. Naabutan niya ang mga ito sa labas na mismo ng Heritage Hotel. Ginamit niya ang lahat ng nalalaman niya sa pakikipaglaban at inubos ang mga sumusugod sa kanyang ama.

"Sir!" napatigil siya nang marinig niya ang sigaw ng isa sa mga tauhan ng kanyang ama. Nilingon niya ito at doon nakita niya ang kanyang ama natamaan sa kanang braso. Tinakbo niya palapit ang kanyang amain.

"D-dad, are you okay?"

"Theo? Anak?"

"Yes, Dad."

"Bakit ka narito? You shouldn't be here."

Pinatahimik niya ang kanyang ama at lumingon sa malapit na tauhan nila.

"Dalhin niyo siya sa ospital."

"Pero paano po kayo?"

"I can take care of myself. Basta dalhin niyo na siya roon. Bilis!"

Mabilis na tumalima ang tauhan at binuhat ang kanyang ama papasok sa kotseng lulan nito kanina.

"Call, Nathaniel and let him know this." Huling utos niya sa tauhan nila bago sinara ang pintuan ng kotse.

Muli niyang binalikan ang dalagang kasama niya. Hindi niya dapat iyon hinayaan na iwan.

Dumiretso siya sa basement area. At doon niya nakitang magkatapat ang babae at yung Arevalo. Kapwa nakatutok sa bawat isa ang baril at handang kalabitin ang gatilyo.

"Ihanda mo ang sarili mo para sa kamatayan mo, Virus."

"Ikaw dapat ang maghanda, Arevalo. Hindi ako. Alam mong hindi mo 'ko kaya."

"Talaga? Paano ba 'yan? I have this?" sabay pakita nito ang isang lagayan. "It is designed to destroy you."

Nakita niyang hindi nakaumang ang dalaga sa huling sinabi ni Arevalo.

Designed to destroy her?

Mas lalong hindi na napigilan ng dalaga ang Arevalo na 'yon nang makasakay na ito sa kotse nito at tumakas.

Mabilis niyang nilapitan ang dalaga at binulyawan.

"Bakit mo hinayaang makatakas ang kriminal na 'yon, huh?!"

Hindi siya tiningnan ng dalaga waring apektado ito sa nalaman niya dun sa Arevalo. Maya maya pa'y may binigkas itong labis niyang pinagsisihan.

"Hindi mo dapat hinayaang makasakay muli ang ama mo sa kotse niya..."

At isang pagsabog ang kanilang narinig mula sa kanilang tinatayuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top