Chapter 2: Oasis

Evo Montreal

"BIGTIME KA NA, pare!" bati ni Kristoff kay Evo nang dumating ito na may kasamang dalawang babae at akbay-akbay pa ito sa bar kung saan siya nag-ce-celebrate.

"You're late," malamig niyang tugon sa kaibigan habang tinutungga niya ang hawak na alak.

"Parang hindi ka naman nasanay d'yan, brad. Alam mo namang daig pa niyan ang pagong," utas ni Caiden na kanina pa nilalaklak ang ilang bote ng mamahaling alak sa lugar na ito.

"Gago, anong pagong 'yang pinagsasasabi mo? 'E tumawag kaya kayo kung kailan nasa kalagitnaan ako ng pagbabawi ko sa tatlong buwan na walang sex," tugon ni Kristoff.

Napangiwi naman silang dalawa ni Caiden.

"Libog mo," usal ni Caiden kay Kristoff.

"Well, at least ako, nag-eenjoy lang sa buhay. Hindi tulad mo na namomroblema kung paano susuyuin ang Ex." Sinimangutan naman ni Caiden si Kristoff nang mapunto nito ang dahilan kung bakit ito naglalasing.

"That's below the belt, Kris," malamig na utas niya sa kaibigan.

"Below the belt agad? Sabagay, below the belt din naman ang rason kung ba't ako late."

Napailing iling na lamang siya sa tinuran nitong gagong 'to.

"Below the belt nga," napagawi ang kanyang tingin kay Caiden na nakangisi kay Kristoff sabay baling nito sa dalawang dalagang nakalingkis sa kaibigan. "Don't you know na may taning na buhay niyan?"

Napangisi siya sa balak nitong si Caiden. Tiningnan naman niya si Kristoff na nakataas ang kilay at nakakunot ang noo at tila nagsasabing what the hell are you talking about?

"Huh? May taning na ang buhay?" tanong nung isa sa mga babae.

Tumango naman si Caiden bago nagpatuloy. "May sakit kasi 'yan na nakakahawa. Ayaw niya lang ipaalam. And he wants to live his life to the fullest."

"What the!"

"Is it true?"

"My god! Nag-threesome pa tayo kanina."

"Hey, hindi totoo—"

Hindi natapos ang pagtatanggi ni Kristoff nang sumingit muli si Caiden. "Girls, but of course tatanggi 'yan. Sino ba naman ang tatanggi sa isang malupit na katotohanan 'di ba?"

Biglang kumalas ang dalawang dalaga kay Kristoff at tumayong bigla. At sabay rin silang tumayo at lumisan sa pwesto nila.

"What the hell, man?! Anong problema mo?!" singhal ni Kristoff kay Caiden.

Iniangat lang ni Caiden ang hawak nitong baso, nginisian ang kaibigan bago muling uminom.

"Don't make a scene, bro," he ordered him.

"S'ya kasi e!"

"Umupo ka. May pag-uusapan tayong tatlo."

Muling umupo si Kristoff at nakabusangot ang mukha.

"Alam kong hindi celebration 'to, Evo. May problema ba?"

Nilagok niya ang huling baso ng alak bago kinuha ang isang ancient type of knife. It is designed in a greek style na may kakaibang ahas na nakapaligid sa hawakan. Naka-embose iyon at ramdam na ramdam mo ang mismong gaspang ng totoong ahas. Isinaksak niya iyon sa kanilang lamesa at muling sumandal sa sofa.

"Ano 'yan?" tanong ni Kristoff.

"Baka kustilyo pare," pamimilosopo ni Caiden na sinimangutan naman ng binata.

"Tigilan niyo na nga 'yang mga walang kwenta niyong bangayan!" singhal niya sa dalawa.

Anak ng, paano ba siya nagkaroon ng ganitong klase ng mga kaibigan? Yung isa gago, yung isa tarantado.

"Bigay sa 'kin ng Chief Death Commander," simpleng sagot niya sa mga ito at muling isinandal ang likuran sa sofa.

Halata naman sa dalawa ang pagtataka.

"Pare, ba't ka binigyan niyan?'

"Oo nga, may ginawa kang masama ano?"

Hindi niya sinagot ang mga naging utas ng dalawa, bagkus ay nakatingin lang siya ng matiim sa disenyong ahas ng patalim. At sa kanyang pagtingin dito ay saka muling sumagi sa utak niya ang naging usapan nila ng Chief Death Commander ng GVA.

     

NAKARINIG siya ng dalawang taong nag-uusap sa loob ng mismong kwarto ng Chief Death Commander ng GVA nang makalapit siya sa pintuan upang puntahan ang nagpatawag sa kanya.

Hindi niya naging gawain ang mapang-usisa kung kaya't walang katok katok niyang binuksan ang pintuan.

Isang lalaking may kaedaran na ang bumungad sa kanya habang naabutan niya ang dalawa na nagtatalo.

"I'm not going to say sorry for being rude but I just can't accept the fact that I'll be knocking on your door, Giordon," utas niya nang mapansing natigilan na ng matagal ang dalawa sa pagkagulat.

"I gotta go," malalim ngunit malamig na usal ng kausap ni Giordon. At sa paraan ng pag-utas nito'y nahimigan niya ang ibig sabihin nito na hindi pa tayo tapos.

"It is not good for anyone especially to you ang maging bastos, Trojan."

He mentally rolled his eyes. "And just like what I've said earlier, Giordon, I'm not going to say sorry for that."

"Such a stubborn, kid." Mahinang usal nito na umabot pa rin sa kanyang pangrinig.

"And a jerk... If you may add. But before anything else, why did you call me in the first place? I'm still at my victory party in the Battle Arena—" he didn't finish his talk when Giordon threw something sharp on him.

Mabilis niya iyong nasambot na muntikan nang sumugat sa kanyang pisngi. "What the fuck, man?!"

"That's the reason why I called you, Trojan."

Napataas ang kanyang tingin rito at pinasadahan ang patalim na hawak.

What about this thing?

A simple knife with an ancient design na tingin niya'y unang itsura ng kutsilyo noong mga panahon ng mga griyego. But the thing that caught his attention was the silver snake embossed on the handle. Ang ulo ng ahas ay may kagat sa mismong patalim ngunit ang dila nito'y nakalapat naman sa magkabilang phase ng talim.

Nilingon niya si Giordon—the current Chief Death Commander ng GVA Battle this year. He's one of the trusted people of Villareal's. Ang naalala pa niya'y ito ang madalas na pumunta as the representative ng Villareal sa bawat parties, and meet gatherings that's why he's indeed one of the trusted shareholders.

"What am I gonna do with this? Is this your congratulatory present to me? How sweet,"

"No. Of course not,"

"Then why did you give me this?"

Umupo muna ito sa trono nito. At nagsalin ng alak sa baso.

"I'm going to give you a mission in order for you to be the Official winner in this battle year."

Biglang nagtagis ang kanyang bagang. What the hell is this old hag talking about?

"What do you mean by that? Are you saying that I'm not yet promulgated as the God of Death? That's ridiculous! I did my best to win this title, Giordon, I sacrificed a lot just to win this battle and now that I've gotten it, you're going to tell me that I'm not yet declared?"

"Huminahon ka nga, hindi ko sinabing hindi ka nanalo sa laro, Trojan, will you just fuckin' wait for me to finish?!"

He did what he said. He calmed himself and waited for him to talk.

"Again, I'll gonna explain this to you clearly, so fuckin' listen first before you react."

May magagawa pa ba siya?

"Yes, you're indeed the winner in this battle year. At bilang nanalo ay kinakailangan mong gawin ang isang misyon na nakaatang sa posisyon mo ngayon. This is true, Trojan, hindi lang namin sinabi sa pagpapakilala sa inyo sa kadahilanang maaaring mawalang saysay ang bawat stage ng battle. Baka gumawa ng paraan ang iba... Lalo ka na upang malaman kung ano ang special assignment ng isang God of Death. And if I say the assignment of God of Death, it is way more deadly and dangerous... And special. Nadagdag 'to sa rule book ng Organization. Sabihin na nating, kung nanalo ka, we will give you all the credits to be part of the Underground Society. As the payment, you'll gonna give us a favor by means of doing a special task."

"But still, it's unfair!"

"Trojan, nothing's fair in this world."

Sa ilang segundo ay hindi siya nakapagsalita. Anak ng tupa naman kasi, bakit may gano'n pa? Hindi ba pwedeng pag nanalo ka, nanalo ka na lang? At wala nang ibang dahilan pa upang mawalang saysay lahat ng pinaghirapan mo?

He did his very best upang manalo. He used every single tactic that he had to win this battle. Nagawa pa nga niyang manggamit ng tao para lang manalo.

"What will happen if I'm not going to accept the task?"

"The organization will kill your beloved sister."

Napaatras siya dahil sa narinig.

What? Just because of rejection, they will kill her sister?! Hell no!

"Are you freakin' sure?" Giordon nods as the sign of his answer.

Napabuga siya ng hangin at muling napatingin sa patalim. Then he faced Giordon.

"Spill first the task."

"No. Decide first, and we're going to discuss it—" naihampas niya bigla ang kanyang kamay sa lamesa nito and said...

"Do you really think that I have any other choice?!" he blurted out.

Ngumisi ang ginoo. "Buti alam mong wala ka nang pagpipilian."

"Spill it," he said while gritting his teeth.

"Find, Virus."

      

"NAGAWA talaga nila sa 'yo 'yon pare?" 'di makapaniwalang utas ni Kristoff.

"They really indeed one of a heck dangerous in the Underground Society." Pag-sang-ayon ni Caiden.

"So, who is this Virus?" Kristoff asked him.

"According to him, Virus is one of the Most Wanted Thief Assassin in the world. She's here in the Philippines as her next target country. She's a scoundrel that causes most of the Underground Society's transactions to halt because of her members' victims. And the only thing that I need to do is find and take her to GVA. That's it."

"Hey, wait, you mean? That's it? Hindi ba sinabi sa 'yong kailangan nila iyon ng buhay? O patay?" tanong ni Kristoff.

"Minsan pala may kwenta ka ring magtanong," utas ni Caiden na kinangisi niya.

"Shut up, man."

"Oh please,"

"Kristoff," Evo said. "They need her alive, of course. But if that girl will be such a pain in the ass, then we might kill her rather than killing ourselves just to get her."

"Wait, us? What do you mean by that?" tanong ni Caiden.

Napangisi siya sa mga ito at muling nagtagay ng alak at ininom. "You'll be part of this mission, idiots. I will never call you for an emergency for nothing."

"Seryoso ka ba d'yan?!" they blurted out.

The heck man, ang sakit sa tainga.

"Don't need to shout, motherfuckers."

"But why, dude? Hindi pa ba sapat na dinamay mo kami sa GVA na 'yan?" histerikal na utas ni Kristoff. "You don't know how much I killed myself of not having sex with anyone because of your goddamn orders as Oasis' Leader?"

This man is indeed a sex maniac. Being a friend of this guy— Kristoff Wright— a medical doctor of his own hospital in New York and the Philippines. He's one of a heck bachelor in town and the only son of a well-known scientist and a doctor. And also, a part of their gang group named...

"So, magiging busy pala ang Oasis sa isang misyon. Sounds interesting." said Caiden.

Oasis... A rookie group of gangsters, na gumagawa ng pangalan sa mabilis nilang pamamayagpag. They were like an oasis in the desert, mahirap hanapin. They are indeed a rare group in the making. One of them has the capability to know what will the opponent's next move and dodge it easily. A very rare ability na iilan lang ang nakakagawa para sa isang pangkaraniwang tao.

"No, I'm not going to join, man," utas ni Kristoff.

"Oh please, dude! 'Di ka ba naeenganyo? This adventure is hella exciting, you know."

Napapailing na lamang siya sa naging biglaang hyper ni Caiden Richards— a well-known pastry chef and a businessman like anybody else. May girlfriend ito ngayon ngunit nagkaroon lamang ng lamat nang nagdecide ang loko na makipaghiwalay because of GVA. And now the GVA Battle is over, nahihirapan naman ito ngayon kung paano makikipagbalikan.

"Sabihin mo nang duwag pero may mga bagay pa 'kong kailangang tapusin sa ospital. Halos naubusan na 'ko ng mga pasyente nung nawala tayo ng ilang buwan e."

"I'll give you all the willing girls that you like, and you can bang them like hell while we're on the move. How does it sound to you?" nakangisi niyang alok kay Kristoff. Mukhang tumbok pa rin niya ang kahinaan nito.

"No," tugon ni Kristoff kapagkuwa'y nilagok ang huling alak at tumayo na upang umuwi. Ngunit nakakaisang hakbang pa lamang ito nang ito'y natigilan.

"Hello, yes, this is Evo Montreal. Is this the talent coordinator of Altamirano Fashion Gala? Ahuh, I am a friend of Ms. Eliza Altamirano. Would you mind if you could send me all your models' numbers? I know, I know it's against your data privacy, but please don't mind your Boss. She owes me a lot... Yes. Really? Okay, just email it to me, and thank you very much."

Napalingon sa kanya si Kristoff.

"Altamirano Fashion Gala has a hundred plus female models, Mr. Wright. And oh, the email is here. Interested now?"

Napalunok si Kristoff at biglang naupo. "Sus naman 'tol, syempre madali ako kausap. 'Kaw talaga, 'di ka na mabiro kanina. Exciting kaya brad, 'di ba, Pareng Caiden?"

Parehas sila ni Caiden na napahagikgik sa inasal ni Kristoff. A manwhore always a manwhore.

"What will be the plan now, Evo Montreal?"

Ang pagiging si Evo Montreal ay ang isa sa hindi madaling buhay. He's the first son of Lea and Gustavo Montreal. The heir of Montreal Real Estate holdings—katunggali ng Villareal-Coltrane Group of Companies. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakasabik sa kapangyarihan. Dala ng kakaiba niyang abilidad ay naghahangad pa siya ng mas mataas. Isang trono na kung saan titingalain siya ng lahat. Sinimulan na niya ang pagtalo noon sa mga Villareal, at up until now ay nakikipagsagupa pa rin siya sa mga ito.

Halos nagpapantay lamang kasi ang percentage nila pagdating sa pinakamaimpluwensiyang kompanya. Ngunit mukha naging dehado siya simula nang makipag-merge ang Coltrane sa Villareal. A reality hit him bigtime. Hindi na niya kayang talunin ang mga ito. Lalo na kung ang isa sa pinakamatalinong tao ang nagpapatakbo noon ngayon. When he heard about GVA? Doon siya nagkaroon ng mithiin. Isang trono na mag-aabot sa kanya sa taas. Isang trono na miski ang isa sa pinakamataas na pinuno ng Underground City ay kailangan siyang kilalanin. In that way, he could be more powerful and dominate the world on his own.

"As I said, we will find Virus."

"But how? Wala tayong lead."

Sabay sabay silang napatingin sa isang nahulog na dyaryo mula sa isang taong nakasuot ng malaking coat at sunglasses. Sunglasses? Sa loob ng bar?

Pinulot iyon ni Caiden. Nakuha ng atensyon niya ang headline ng dyaryo.

"Grabe, kakaiba 'yon ah, nagbabasa ng dyaryo na naka-sunglasses tapos nasa loob pa ng bar na ito. Astig!" manghang turan ni Kristoff.

"Can I have that?"

Binigay ng kaibigan ang dyaryo sa kanya.

"I think we have now a lead where she is," utas niya sabay pakita ng headline sa dalawa.

Headline: Businessman, brutal na pinatay... Ninakawan pa!

"The Thief Assassin is here..."

"You mean," mahinang usal ng dalawa at sumagi muli sa isipan nila ang taong nakahulog ng dyaryo.

A suspicious person who's wearing a coat, tapos naka-sunglasses pa at nasa loob ng isang bar?

"But now she's gone," untag ni Kristoff.

"Let's go, fuckers! We needto fuckin' chase her. Damn it! She heard everything that we said a while ago."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top