Kabanata 5

"PAPA, hurry!"

"Wait." Habol-habol ni Xibel ang hininga dahil kaninang umaga pa siya tumatakbo. Ngayo'y malapit nang magtanghali subalit hindi pa rin napapagod si Imris. Sa kanilang dalawa, siya ang hindi tao pero bakit siya pa ang parang mababawian na ng buhay sa sobrang hingal?

He shouldn't have agreed with this game.

"Can you slow down?" sita niya nang patalon-talon itong bumaba ng hagdan. Nasa ikalawang palapag sila ngayon na ilang beses na rin nilang nalibot sa kakatakbo. "Why do you have so much energy?"

Imris chuckled and pointed in his direction. "Papa can't run!"

"Curse you, chid." Hindi na niya napigilan ang sarili at piniling lumipad. Tagaktak na ang pawis sa kaniyang noo at namumutla na rin ang maputla na niyang mukha. Hindi na niya kaya pang tumakbo.

Nakita niya si Imris sa pinakahuling hagdan. Tumalon ito pero bago pa man makaapak ang mga paa sa marmol na sahig, sinilid niya ito sa kaniyang mga braso. "Got 'ya."

"Wah! Papa, you cheated!" reklamo nito nang makaupo sila sa sofa. Hindi niya pinansin ang pangungulit nito at isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan. He never ran that long in his entire life. And because of that, he realized how idle he was.

What a shame as an immortal. Hindi man lang kayang talunin ang isang bata sa isang habulan na hindi gumagamit ng Coriar.

"Papa, let's play again!"

"No. You'll send me to my death." Tinulak niya ang mukha nito palayo nang subukan na naman nitong mamitis ng bulaklak sa kaniyang pisngi.

"What's that Papa?"

Sinulyapan niya ito. "What?"

Tinuro nito ang nasa ilalim ng kaniyang kaliwang mata.

"It's my bone." The left side of his face looked like a portion of the dead nature. There were no flesh but roots and stems of dead flowers, all rooted on his bones as if it was their life source.

Napanganga naman si Imris dahil sa kaniyang sagot. "I want that too, Papa. I want bones too!"

Ngumiwi naman siya at hinilamos ang kamay sa mukha nito. "No one will like you if you will have what I have, Imris."

"Bakit po?" She tilted her head.

"Because this face." Tinuro niya ang mukha. "Is a face of a monster. Never desire to have like mine or else everyone will leave you."

He knew for he experienced it first-hand. All the humans he blessed, cared for, and bestowed good fortune turned their back as he lost the beauty they admired from him. He was supposed to be ready to accept it if only he wasn't betrayed.

If only Celestialiana didn't push him away and be with the male lead of the story.

It was her fault that he lost everything. And he would never going to forgive her. He would forever loath her and her kind.

"Will you leave me too, Papa?"

Napabalik ang atensyon niya kay Imris nang magsalita ito. "What do you mean?"

"If Imris were to become a monster, will you leave me?"

His forehead creased. Hindi siya nakasagot. Ang maingay niyang isip ay biglang natahimik dahil sa tanong nito. Hindi niya inaasahang lalabas iyon sa bibig ng bata dahilan upang pagmasdan niya ang nagtatanong nitong mukha. Ang ilang hibla ng mahaba nitong buhok ay dumikit sa pisngi at noo nito dulot ng pawis sa katatakbo kanina.

He let out a chuckle while looking at her messed-up face. "What do you mean 'if'? You look like a monster now."

"Huh?!" Mabilis nitong hinawakan ang mukha. Kinurot nito ang kabilang pisngi, nagbabakasaling may makuhang bulaklak pero napadaing lang ito. Sinamaan siya nito ng tingin.

"What?" natatawa niyang sabi.

"Papa is a liar. I don't look like a monster."

"Yes, you are."

"No, I don't!" Patalon itong tumayo sa sofa. "Imris doesn't have the pretty flowers just like yours!"

"Monsters don't have pretty flowers." Pinagkrus niya ang mga paa. Tatawagin na niya sana si Stone subalit biglang niyakap ni Imris ang kaniyang braso. Sumiksik ito sa kaniya kaya napakunot ang kaniyang noo. "What now?"

"Papa, don't leave me if I will become a monster, okay? I will not leave you too. Promise!"

He sighed and let out a small smile. Nilapat niya ang kamay sa ulo nito. "You will never become a monster, Imris. I will never let you become like me."

As the lord of the deceased, Xibel could see what kind of soul Imris had. It was gentle and cheerful. A soul who loved the oddest things; one that would search for anything good from something worst. And from all the souls he had seen, this was the most fragile one--a soul that once torn, it would never be alive again. It would never believe that there was anything good from the world and would forever cursed the people who had wronged them. They were the soul that would turn into a vengeful one.

He would never going to let that happen to Imris for he knew how painful it was, and how time would never heal any wounds.

"Papa, I'm hungry."

Gamit ang kapangyarihan, gumawa siya ng mansanas. Inabot niya iyon kay Imris pero umiling lang ito.

"Don't you want this?"

Muli itong umiling. "Walang lasa. Imris don't want that anymore."

Right. He had been feeding her of his coriar since yesterday. Hindi na siya magtataka kung ayaw na nitong kumain. Pero ano naman ang gagawin niya? Bukod sa wala siyang alam sa mga putahi na kinakain ng mga tao, wala rin siyang ideya kung paano magluto.

What should I do?

Sumagi naman sa isipan niya ang isa niyang tagasunod. Hindi siya nagdalawang-isip na gamitin ang kapangyarihan upang ilabas ito sa Cage of Spirits. A large mound appeared in front of them, spitting out a man with an all-black outfit. Hanggang balikat ang tuwid nitong buhok at may pulang ribbon na nakatali sa iilang hibla.

Ito ay si Arator, isang bulag subalit higit pa sa mga nakakakita ang kaya nitong gawin sa buhay.

"My lord, what can I do--oh!" Bigla itong napatigil sa pagyuko at mabilis na inangat ang ulo. Umikot ito na para bang pinapakiramdam ang paligid. "Tama nga si Stone. Nasa ibang mundo na tayo. Wow! Ang ganda-ganda."

Napangiwi siya. "You're inside my mansion, idiot. Walang maganda rito."

"Oh, Lord Xibel, hindi ba isang magandang nilalang ang iyong katabi?" Nakangiti itong naglakad patungo sa kanila. Wala itong kahit anong dalang tungkod pero hindi man lang ito natatakot na baka mabunggo o mapatid. Lumuhod ito sa kanilang harapan at inilahad ang kamay kay Imris. "What's your name, little woman?"

"Imris po." Imris giggled. Gamit ang dalawang kamay, inabot nito ang palad ni Arator at nakipag-shake hands.

Natawa naman si Arator sa ginawa nito. "Ang lakas ng pangalan mo, Imris. Welcome to the family!"

"Silence, Arator. I didn't summon you to chitchat with her."

"Bugnutin ka na naman, my lord," bulong nito pero narinig niya.

"Do you want to die?" salubong ang mga kilay niyang sagot.

Napakamot naman ito sa ulo. "Ayoko na pong mamatay ulit. Hindi nakakatuwang mamatay kaya siguro sa susunod ko na lang tatanggapin ang iyong imbitasyon."

He rolled his eyes. Kaya minsan lang niya ito tinatawag dahil palagi nitong inuubos ang pasensya niya. His sarcasm was what he hated the most. No wonder he died because of his attitude.

He clicked his tongue. "Anyway, I want you to cook for her. Give her a good meal."

"Masusunod, my lord." Bahagya itong yumuko. Tumalikod na at nagtungo sa kusina kahit hindi niya sinabi kung nasaan.

Napailing na lang siya. Minsan na ring pumasok sa isip niya na baka hindi talaga bulag si Arator at nagpapanggap lang. Hindi pa rin siya makapaniwala na hanggang ngayon kaya nitong gumalaw nang komportable at walang kahit na anong gabay.

Ilang sandali pa, bumalik ito at lumapit sa kaniya.

"What?" taka niyang tanong.

"Ah, my lord, I'm sorry to say this pero paano ako magluluto kung walang laman ang kusina?"

Natigilan naman siya. Nais niyang ibaon ang sarili sa ilalim ng lupa dahil hindi sumagi sa kaniyang isip ang mga kakailanganin sa pagluluto--mga sangkap. Pero ano bang alam niya sa bagay na iyan? Hindi naman siya nagluluto at kahit isang beses hindi pa siya nakakapasok sa isang kusina na may laman. Ang kusinang mayroon sila sa Holy Heavens noong siya pa'y isang santo ay walang kahit anong pagkain at hindi rin ginagamit. Hindi niya nga mawari kung bakit may kusina pa sila.

Tatanungin na niya sana ito sa mga kakailangan subalit hindi niya tinuloy nang mapagtantong wala ring magiging lasa ang pagkain kung galing sa kaniyang Coriar ang mga sangkap. They had to get the ingredients somewhere. If he couldn't be mistaken, humans buy their food from this place they called market.

"Go buy some in the market."

"Wala akong pera, my lord." Nilahad nito ang kamay. "Pahingi po."

Natigilan siya sa pangalawang pagkakataon. Wala rin siyang pera. At dahil nasa ibang mundo sila, paniguradong ang pera nila ay magkaiba.

"What am I to do?" bulong niya at pinasadahan ng tingin si Imris na nakahiga na sa kaniyang lap. Mukhang matutulog na yata.

He massaged his nose bridge as he was faced in a crisis. Where would he get some money?

"I have some here."

Kaagad na napaangat ang tingin nilang dalawa ni Arator nang may biglang nagsalita sa ikalawang palapag. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang naroroon. Balot na balot ang katawan nito ng itim na benda at ang mga mata lang nitong ipininta sa kulay itim at puti ang makikita.

"Zaratras?" Zaratras ranked ninth in the popularity poll. Ito ay isang minor villain lang subalit nagawa pa rin nitong makuha ang atensyon ng mambabasa.

"Good to see you, Greg." Tumalon ito ngunit nang lumapat sa sahig ang mga paa, walang kahit isang tunog man lang ang nilikha. May hawak ito sa mga kamay na dalawang malalaking supot.

"How did you get here?" tanong niya. Hindi niya inaasahang makakita siya ng isang villain din na galing sa Fictosa. Nangangahulugan lang ito na hindi lang siya ang napadpad dito.

"I was supposed to find my brother, but I saw you with a kid the other day instead. I was kind of bothered how you are going to raise her, so I have been watching you for a while."

Bigla namang nanindig ang balahibo niya. "You're stalking me? For the love of the dead, you all are really the worst! Walang mapipili sa inyo kahit isa."

"Calm down. I am not your stalker. I was just worried for this cute little child." Pinasadahan nito ang tingin kay Imris bago binalik sa kaniya. "Instead of getting mad, why don't you feel thankful? Look what I brought."

Naglakad ito papalapit sa kaniya para sana ipakita ang laman ng supot pero tinaas niya ang isang kamay. "Don't go closer to me. It disgusts me." Sinenyasahan niya si Arator. "You check on them instead."

"I can't see, my lord."

"You're more than those people who have great eye sight. I'll leave that to you," he said and closed his eyes. Imris sleeping on his lap made him want to sleep as well. Ramdam pa rin niya ang pagod kanina.

Nagkibit-balikat naman si Arator at sinunod ang sinabi nito. Palihim niyang sinilip ang ginawa ng alagad. Hinawakan nito ang mga laman at base sa ekspresyon ng mukha, mukhang natuwa ito. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil napalitan iyon ng pagtataka.

"There are ingredients here not found in your world. Your setting is kind of behind when it comes to technology, you see. I suggest you should also renovate your kitchen." Nilingon siya ni Zaratras. "Make it in a way it will fit the style in the real dimension."

His eyes squinted after hearing Zaratra's last words. What he thought the other day was right, this place was really the real dimension. But how come? How did he get here? What happened to the system?

May kinuha ito sa supot at hinarap sa kaniya. Isang maliit at hugis parihaba na bagay. Kagaya ito sa nakita niya sa basurahan no'ng unang araw siyang nakarating sa mundong ito. Ang pinagkaibahan lang, hindi ito basag.

"What's that?" tanong niya.

"This is what you call a cellphone. See this?" Tinuro nito ang larawan na nakapaloob sa cell phone. "I want you to imitate this. This is the kitchen you need to have. Copy all the tools and equipment."

Hindi kaagad siya sumagot. Hindi niya nagustuhan ang pananalita nito. He glared. "Aren't you being too comfortable? Who says you can order me around?"

"I don't mind you not listening to my request." Zaratras shrugged. "But I doubt you will be able to feed your child."

Napaismid naman siya. Tiningnan niya muna si Imris bago binalik ang atensyon kay Zaratras. He stared at the image on the phone. From the U-shaped to the different equipment, he memorized it all even though he couldn't name some of them. He then snapped his finger.

"All done. You can check the kitchen now," he said and looked away.

"You need to watch the tutorial on how to use them. You can also find different recipes you want to cook here." She waved the cellphone. "I'll give this to you."

Bago pa ihagis ni Zaratras sa kaniya ang cellphone, umiling kaagad siya. "Hand it to Arator instead. He's the cook."

"Okay." Nilingon nito si Arator na tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Ngumiti ito. "I can't see. I learn from hearing and touching things."

"It's fine. You can just listen to the tutorials, then I'll guide you with the equipment."

Nagsimula nang maglakad ang dalawa papuntang kusina. Sinundan niya ng tingin si Zaratras hanggang sa hindi niya na pa ito makita. Ni hindi man lang niya natunugan ang pagmamasid nito.

"What a nuisance." But it seemed he had to be thankful for her arrival.

Hinaplos niya ang makapal na buhok ni Imris na mahimbing pa ring natutulog. Pinahid niya ang pawis sa noo nito. Basang-basa rin ang damit ng bata kaya binihisan niya ito gamit lang ang kaniyang kapangyarihan. One snap from his fingers and her outfit had changed. He also made a ribbon to tie her hair.

"How do they do it?" Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya alam kung paano itali ang buhok nito. Sa tuwing iikutin na niya ang itim na ribbon sa buhok, dumudulas lang at natatanggal na naman.

"Heavens and curses." Binagsak niya ang ribbon sa katabing upuan, pero kaagad din namang kinuha ulit dahil ayaw niyang magpatalo. He gritted his teeth as he attempted to tie her hair again. Hindi niya alam kung ilang minuto na ang dumaan. Ang alam niya lang, nangangawit na ang kaniyang kamay at tumutulo na rin ang pawis niya sa noo habang pilit paring tinatali ito.

Kaunti na lang at mapipigtas na ang pasensya niya. Pigil-pigil niya ang hininga habang dahan-dahan niyang tinali ang bawat dulo ng ribbon habang sinisigurong hindi lumuluwag ang pagkakaikot niya sa buhok nito.

Nang mapagtagumpayan, doon lang siya nakahinga.

"Are you done?"

Napunta ang tingin niya kay Zaratras na nakaupo sa katabing upuan. Hindi man lang niya napansin ang pagdating nito.

"You look distressed, Greg," natatawa nitong sabi.

Inismiran niya ito. "Where's Arator?"

"He's cooking." Tumayo ito at makahulugan siyang tiningnan. "Do you want to come with me? I know you have questions about this dimension."

"I won't come with you in crowded places."

"Oh, don't worry. You won't find any humans there. Just the villains."

He stared at Zaratras. The villain really knew how to spark more confusion inside his head. Marahan niyang inalis si Imris sa kaniyang lap bago tumayo. Nilabas niya rin si Stone sa Cage of Spirits at inutusan itong pakainin si Imris kapag tapos nang magluto si Arator.

"You can leave her to me, my lord." Stone bowed.

Tumango siya bilang sagot bago nilingon si Zaratras. "Lead the way."

--

Winty's note: No update muna bukas, ah? Magpapasa kasi me ng manus sa The Dissolving Flower and busy rin ang house tomorrow, so Monday na ang next update. Happy new year, everyone!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top