Kabanata 43
XIBEL walked passed through the door of the first floor. As he got inside, he removed his veiled appearance and looked for the people who kidnapped Imris and Isabella. Naglakad siya sa isang pasilyo. At nang makarinig ng mga ingay, tumigil siya sa nakasarang pinto. Namayani ng tawanan at hagikhikan ang loob nito.
"Ang laki ng bayad, tol. Gago! Iba talaga mga mayayaman."
"Kaya nga. Mabubuhay na ako nito ng isang taon."
Ito ang mga taong nagdala kina Imris at Isabella.
Tinapat ni Xibel ang kaniyang palad sa pinto. "Burn it."
His coriar swirled out from his palms, creeping through the ends of the door. The dust morphed into a raging flame, swallowing the door and only leaving ashes. Bumungad kaagad sa kaniya ang nagulantang na mga mukha ng nasa loob.
Maraming nakalatag na inumin sa sahig at mukhang magsisimula pa lang sila.
Unfortunately, they met the messenger of death. And he would take their soul crushed and unrecognizable to the afterlife.
"Sino ka?" hiyaw ng lalaking naka-bonnet. Bumunot kaagad itong ng baril at tinutok sa kaniya. Ganoon din ang ginawa ng iba nitong kasamahan. Mga nasa higit pito ang numero nila.
Umuusbong sa kanilang ekspresyon ang kilabot nang makita siya. Ang madilim na silid ang nagsilbing dahilan upang lalong yakapin sa kahindik-hindik na aura ang kaniyang mukha.
"Anong custome 'yan, 'tol? Halloween na ba?" nagbiro ang isa at tinuro ang kaniyang pagmumukha.
Sumunod kaagad ang tawanan ng iba. Ang kaninang takot ay napalitan ng mga pangkukutya.
Napasingkit ang mga mata ni Xibel, naririndi siya sa mga ingay. Idagdag pa ang boses ng mapait nilang karanasan na sumasawsaw sa kaniyang isipan.
"You're too loud." Snapping his fingers, his shadow moved out from his feet and crawled towards them. Half of the shadows' bodies bursted out like a living, faceless human, holding each of the kidnappers' feet. The broken, crying sound from the shadows haunted their ears as though a vengeful ghost.
"Hoy, gago! Ano 'to?" The guy with the bonnet started panicking. Pinaputukan nito ang mga animo, subalit tumagos lang ito. Dahil doon, mas gumapang pa ang anino papunta sa baywang ng lalaki.
Humakbang siya papalapit sa kanila. "Don't pity them, Schadeous."
Schadeous, the guards and the torturers of his Cage of Darkness. Each of the Schadeous hold a part of his soul, similar to Imris' pet. In return, he was free to summon them, any time he wanted.
"Kill them." And just as he ordered, the Schadeous who creeped through the guy with a bonnet grew in size and devour its head. Umapaw ang dugo nito sa leeg nang tuluyang nguyain ng kaniyang alagad ang bungo nito.
Samut-saring sigaw ang namayani sa mga natitirang kasamahan nang magsimula na ring gumalaw ang mga Schadeous.
"Halimaw ka!" nangangalaiting usal ng lalaking may malaking peklat sa mukha at walang pagdadalawang-isip na pinaputok ang baril sa kaniya.
Tumama ang baril sa kaniyang noo ngunit nanatili lang ang kaniyang titig sa lalaki. Pinahid niya ang dugong tumulo sa kaniyang noo. Anong kahibangan ang naisip nito at pinaputukan ang isang kagaya niya?
Nagitla ang lalaki nang makita siyang nakatayo pa rin. "Papaanong—"
"I am ageless." And along with the age, his body would never recognized death. He was a saint, an immortal. Now he becomes death itself. Nobody would be capable to bury him down the grave, unless, his author would write something to counter that edge.
"Do not leave even a spit of blood, Schadeous." With his wrecked eyes, he watched the humans decapitated by his followers. The bursting guns complimented their agonizing shouts. They wailed, called the name of many saints he doesn't recognize, and still, nobody had come to save them.
The room turned into a pool of blood. And his Schadeous drank them like wine as their task finale.
There wasn't a single traces left.
"Good work." He patted one of his Schadeous' head before putting them back to the their cage.
Tumalikod na siya. Lalabas na sana siya nang biglang kumabog ang kaniyang dibdib. Napahawak siya roon dahil sa sakit.
His vision was striped and broken, making him look at his hands. He was glitching.
[Character Restoration progress: 85%]
Napapikit siya at hinintay na bumuti ang kaniyang pakiramdam. Huminga siya nang malalim upang habulin ang hirap niyang paghinga. Palapit na nang palapit ang kaniyang pagbabalik.
Muli siyang naglakad ngunit napatigil na naman sa ikalawang pagkakataon nang isang pamilyar na ingay ang pumasok sa kaniyang isip.
Napalingon siya sa direksyon ng pintuan. "What is she doing here?"
KAAGAD na lumabas sa kaniyang sasakyan si Jasia nang makarating sa lugar na nakalagay sa mensaheng iniwan sa kaniya ni Nevar. Abala siyang mag-ensayo para sa kanilang final rehearsal nang bigla na lang siyang makatanggap ng text nito na may kasamang pagbabanta.
Nevar wanted to bargain the tapes in exchange to free Imris and Isabella.
Kasabay rin no'n ang pagdating ni Stone.
Kahit na nagtataka kung paano nalaman ni Nevar na sila ang kumuha sa tape, hindi siya nagdalawang-isip na magtungo sa lugar na binigay nito. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Imris at Isabella, at higit sa lahat, nais niya ring makita si Nevar. Hindi siya makapaniwalang pipiliin pa nitong pagtakpan ang kademonyohan ng pinsan.
"Miss Jasia, please wait. You can't come in there." Lumabas din ito sa kaniyang sasakyan at kaagad na sumunod sa kaniya. Kanina pa siya nito pinipigilan pero hindi siya nagpatinag.
"I have to be there."
"Let my lord handle this, Miss Jasia." Humarang ito sa kaniya bago pa siya makapasok ng gate.
"Who is she, Stone?"
Napaigtad si Jasia nang bigla na lamang may isang pigura na lumabas sa tabi ni Stone. Puno ng tahi ang buo nitong mukha na animo'y pinagtagpi-tagpi ang sariling katawan.
"Is she an enemy?" May hawak itong kutsilyo sa kamay.
"No. He is our lord's companion."
Nang marinig ang sagot ni Stone, napagtanto ni Jasia na posibleng mga alagad din ito ni Xibel. Inikot niya ang tingin at doon lamang napansin na napapalibutan na pala sila ng mga alagad nito. Napaawang ang kaniyang bibig dahil hindi niya kayang bilangin ang kanilang numero. Hindi niya kayang paniwalaan na may tinatago pa lang ganito kalaking mga tauhan si Xibel.
"Let me through, Stone, please."
"I'm sorry, Miss Jasia. I am just abiding my lord's order. I can't put you in danger."
"I will be fine. And besides, kasama naman kita." Tinuro niya ito. "Proprotektahan mo naman ako, 'di ba?"
"Yes, but—" Hindi natapos ni Stone ang sasabihan nang makarinig ng mga sasakyang parating. Sabay silang napalingon sa tatlong van.
Who are they? Mga tauhan din ba ito ni Nevar?
Napaatras si Jasia nang isa-isang maglabasan ang mga lalaking may dalang armas. Hinawakan ni Stone ang kaniyang braso at hinila papalapit. Napahawak din siya rito.
"Anong ginagawa ninyong dalawa sa labas?" sigaw ng lalaking may matipunong katawan.
Napakunot naman ang kaniyang noo dahil hindi lang naman silang dalawa. Nilingon niya si Stone upang magtanong pero mukhang hindi na kailangan dahil sa makahulugan nitong tingin.
Humagikhik ang kaniyang katabi, ang lalaking maraming tahi sa mukha. "Now, we have work to do."
Hinila ni Stone ang kaniyang braso papasok nang gate nang biglang itutok ng mga lalaki ang baril sa kanilang direksyon. Kasabay n'yon ang pagsugod din ng mga alagad ni Xibel. Hindi niya na mawari pa ang nangyari dahil pinili niyang huwag lumingon at tumakbo papasok ng bahay. Ang alam niya lang ay napuno ng mga kagimbal-gimbal na sigawan sa likuran.
Nang makapasok ay kaagad siyang hinarap ni Stone. "I only allowed you to come in because I do not want you to get involved on the conflict outside. But please, stay close to me while we look for our little miss and Miss Isabella."
Tumango naman siya bilang sagot at naglakad na sa isang pasilyo. Didiretso na sana sila nang makakita siya ng hagdan papunta sa ikalawang palapag. Umakyat sila roon. Sa bawat pag-apak nila ay tumutunog ang kahoy na animo'y nagrereklamo sa katandaan.
"Be careful, Miss Jasia," ani Stone na nakasunod sa kaniyang likuran.
Habang papalapit sila sa ikalawang palapag, nakarinig si Jasia ng isang sigaw.
"Papa! Mama!"
It was Imris' voice. Dali-dali siyang umakyat upang hanapin ang bata. Hinanap kaagad niya kung saan nangggaling ang boses. Tumakbo siya patungo sa isang makitid na daan na pinapagitnaan nang dalawang magkaharap na kuwarto. Lumiko siya pakanan. Sa bawat pag-apak niya ay sumasayaw rin ang sira-sira ng sahig.
"Miss Jasia, wait!" Kaagad na sumunod sa kaniya si Stone.
Napatigil siya sa pagtakbo nang makita si Imris. Nakatayo ito at nalilito kung saan dadaan, kung sa harap ba nito kung nasaan siya o sa kaliwa at kanan. Malayo-layo pa ang bata sa kaniya kaya hindi siya nito napansin.
Napahinga siya nang maluwag nang makita itong okay.
Tatawagin na niya sana ito ngunit napakunot siya nang makita ang lalaking naglalakad patungo sa direksyon ni Imris. It was Drake.
Hindi nito napansin ng bata dahil sa dilim.
Namilog ang kaniyang mga mata nang madaanan ng ilaw ang hawak nitong patalim.
"Imris!" sigaw niya at tumakbo papunta sa direksyon nito.
Subalit bago pa man siya makarating, bigla na lamang bumigay ang kaniyang inaapakan. Muli siyang napasigaw nang tuluyang mahulog ang kaniyang katawan at ganoon din si Stone na nakasunod sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top