Kabanata 42
Warning: This chapter contains violence. Please be advised. Thank you.
ISANG marahang palad ang paulit-ulit na tinatapik ang pisngi ni Isabella. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Bumungad kaagad sa kaniya ang nag-aalalang si Imris. Kaagad na bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari kanina.
"Imris." Bumangon siya sa pagkakahiga at niyakap ang bata. Nanginginig ang mga braso nitong niyakap siya pabalik.
"Ate, where are we?" mahina nitong tanong habang dinudutdot ang mukha sa kaniyang mga bisig.
Inikot niya ang tingin sa maliit na kuwarto. Nasa ibabaw sila ng kama. Hindi niya maaninag nang maagi ang kabuuan ng kuwarto dulot ng kadiliman at ang tangi lang mga mumunting ilaw ay ang sinag na lumulusot mula sa butas ng sirang pader.
Hindi niya rin alam kung nasaan sila.
"Don't worry, Imris. I'll find a way." Kinarga niya ito at dahan-dahang bumaba sa kama. Lumilikha ng tunog ang bawat pag-apak niya dahil sa lumang sahig na gawa sa kahoy.
Nakapagtatakang walang nagbabantay sa kanila. Where were the people who kidnapped them?
Kinapa ni Isabella ang dingding hanggang sa makahawak ng isang busol. Nanngangahulugang isa itong pinto.
Pinihit niya ito at napahinga siya nang maluwag dahil hindi ito naka-lock.
"We're gonna leave this place, Imris," bulong niya.
Isang tango lang ang sinagot ni Imris. Huminga muna siya nang malalim bago hinila ang pinto pabukas. Handa na siyang tumakbo pero nagulantang siya sa isang pigura na nakaharang.
"Saan mo planong pumunta, Isabella?"
Kaagada siyang napaatras nang makilala ang boses. It was Drake. Anong ginagawa nito dito? Ito ba ang pasimuno sa kidnapping?
"Hindi ko alam na desperado ka pala," asik niya. Kahit na nanginginig ang mga tuhod ay hindi siya tuluyang umatras. Imbes ay inangat niya ang paningin at sinalubong ang nakakainis nitong ngisi.
Hindi siya puwedeng lumayo lalo na't may kasama siyang bata. Hindi niya kayang talikuran ang nanginginig nitong kamay sa kaniyang mga bisig. Sa kanilang dalawa, ito ang mas nalilito at takot sa nangyayari. Kailangan niyang ilabas si Imris sa kuwartong ito ngayon din.
Bahagya naman itong natawa. "Don't get me wrong. Hindi ako ang may pakana nito."
"Does it matter? Ang pagmumukha mo ang ebidensiya na may kinalaman ka pa rin sa mga nangyayari." Dinuro niya ito. "And I won't let you get away with this."
"Ano bang magagawa mo?" Humakbang ito at nilapit ang mukha sa kaniya. "Isabella, ano bang kaya mong gawin bukod sa pumayag sa lahat ng gusto ko?"
He was trying to bring their past again as though it was the most entertaining part of his life while it being the most hideous memory she would never want to remember again. God knew she wanted to falter now that the man was so close to her. But she couldn't, at least, not yet.
"Anong kaya kong gawin?" Kinuyom niya ang kaniyang kamao. Inipon niya ang kaniyang laway at kaagad na dinuraan ang mukha nito.
"What the fuck!"
Nang mapapikit si Drake, mabilis niyang tinapon ang kamao sa pagmumukha nito. Napadaing siya sa sakit at ganoon din si Drake. She used this chance to push him aside and ran, but to no avail, nahawakan ni Drake ang kaniyang braso.
Kaagad siyang napamura.
"Imris, you run!" Binitiwan niya si Imris upang ito ang makaalis.
"But--"
"Leave now!" sigaw niya bago talikuran at binalik ang atensyon kay Drake.
Nang marinig ang mga yabag na tumatakbo paalis, napangiti siya. Now, this leaves the two of them. Kaagad niyang sinipa ang tiyan ni Drake pero hindi iyon naging sapat para bitiwan siya ng lalaki. Imbes ay hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kaniya.
"You're being so naughty now!" Kinaladkad siya nito papunta sa kama ngunit hindi siya tumigil sa pagpupumiglas. Hinawakan niya ang busol ng pinto pero dahil luma na, natanggal lang ito.
"Bitiwan mo ako!" Ipupukpok niya na sana ang busol na hawak ngunit napansin niyang may hawak na envelope sa isang kamay nito. Napunta ang kaniyang atensyon doon kaya hindi niya namalayang tinapon na pala siya nito sa kama.
Bago pa siya makabangon ay kaagad siyang dinaganan.
"You can't escape me, Isabella." His hideous grin made the hair on her back stood up. She fought the flashbacks creeping from her mind and held his hair.
She wouldn't let him trespass her again.
"Aray!" Napadaing si Drake dahil sa mahigpit niyang paghila sa buhok nito.
"Layuan mo akong hayop ka!" Hindi niya pinansin ang nalalagas nitong buhok at walang tigil na pinaghihila ito. Nang akmang lalayo ang lalaki, ginamit niya itong pagkakataon upang ipukpok ang busol na hawak. Tumama ito sa noo.
Isang malutong namura ang tumakas sa labi ni Drake.
Sinipa niya ang dibdib nito at kaagad na gumulong palayo. Mabilis niyang kinapa ang paligid, nagbabakasaling may mahawakan siyang puwede niyang gamitin sa lalaki. Handa na siyang bumaba sa kama ngunit nahawakan nito ang kaniyang paa kaya nawala siya sa balanse at nasuntok ang kaniyang mukha sa sahig. Napapikit siya sa sakit pero ang kaniyang mga kamay ay hindi tumigil na maghanap hanggang sa tuluyang may nahawakan.
"Tumigil ka na, Isabella. You can't escape me, anyway." Hinila siya nito pabalik sa kama. "Kahit anong gagawin mo. Hindi mo na ako matatanggal sa buhay mo, lalo na't may anak na tayo."
Napatigil si Isabella sa pagpupumiglas nang marinig ang huli nitong sinabi.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Why didn't you tell na nabuntis pala kita?" Muli siya nitong dinaganan. Kinilabutan siya nang haplusin nito ang kaniyang pisngi.
Winaksi niya ang kamay nito. Dahil madilim ang paligid hindi nito napansin ang hawak niya sa kabilang kamay. "The baby is dead. At kahit pa nabuhay siya, hinding-hindi ko siya ipapakilala sa 'yo!"
"Are you sure about that?" Bahagya itong natawa. "Hawak mo lang kanina ang anak natin."
"What?" Napakurap siya.
"That kid is our child, Isabella."
Kaagad siyang napailing. "Imposible 'yang pinagsasasabi mo. The baby died after I gave her birth! Iyon ang sinabi sa akin ni Jas—"
Natigilan siya sa sariling sinabi at naisip ang araw no'ng dinala siya sa ospital. She never saw the child. It was only Jasia and her mother who have told her about the baby. Hindi na rin siya nagtanong pa no'ng araw na 'yon dahil ikinatuwa niyang malaman iyon. Pero kalaunan ay pinagsisihan niya rin.
"They lied to you, Isabella."
"P-pero bakit? Hindi ko maintindihan." Kung tinago ni Jas ang kaniyang anak, papaanong napunta iyon kay Xibel?
"Hindi mo ba natanong sa sarili mo kung bakit kamukha mo ang bata? Goodness, she has my hair too," saad pa ni Drake na animo'y proud na proud sa nagawa.
Tuluyang tumakas sa mga mata ni Isabella ang mga luha nang mapagtantong may punto nga ang lalaki. Sa tuwing nakikita niya rin ang makapal na buhok ni Imris, hindi niya mapigilang maalala si Drake. Kamukha nito si Jasia ngunit hindi maipagkakailang kawangis niya nga ito.
Posibleng ang sinasabi ni Drake ay totoo.
"Don't cry now." Pinahid nito ang kaniyang mga luha. "You should be happy, Isabella. We will be a big family now."
"F-family?"
"Oo. Tayong dalawa. Papalakihin natin si Imris nang magkasama. We'll be the best parents for her."
Nagngitngit ang kaniyang paningin matapos iyong marinig. Anong kahibangan ang pinagsasabi nito? Mahigpit niyang hinawakan ang napulot na piraso ng kahoy kanina at buong puwersa na hinampas ito sa ulo ng lalaki.
"Ah!" Nahulog si Drake sa kama habang sapo-sapo ang noo nitong kaniyang hinampas.
"Wala tayong karapatan na sabihin 'yan!" Sinugod niya ito at muling hinampas ang bungo. Wala siyang ibang maramdaman kundi ang namamayaning galit at pagsisisi sa puso. Tumutulo na ang pawis sa kaniyang noo ngunit hindi siya tumigil na hampasin ang lalaki. Inilabas niya ang lahat ng kaniyang pagkamuhi at disgusto sa bawat niyang hampas. "We don't have the right to claim her as ours! Wala tayong sibling magulang!"
Wala siyang silbi. Kung totoo ngang si Imris ang kaniyang anak, wala siyang karapatang tawagin ang sariling ina nito.
Nang hindi na gumalaw pa si Drake, doon lang siya tumigil. Tuluyang nanghina ang kaniyang mga tuhod upang mapaupo siya. Isang malagkit na bagay ang dumaan sa kaniyang mga palad dahilan para mapalunok siya. Nanginginig niyang inangat ito.
It was blood coming from Drake.
"Did I kill him?" Habol-habol ang kaniyang paghinga habang tinitigan ang katawan nitong 'di na gumagalaw. Mariin siyang napapikit habang bumibilis ang tibok ng kaniyang puso. "Shit. What have I done?"
Nabilog siya sa galit kanina kaya tuluyan na niyang nakalimutan ang lahat. Ayaw niyang makapatay. Ayaw niyang maging kriminal.
Muli siyang napahikbi habang tinutulungan ang sariling tumayo. Kailangan na niyang umalis dito. Ginawa niyang suporta ang kama. Naramdaman niya sa kaniyang palad ang envelope na hawak nito kanina.
Kinuha niya iyon bago tumakbo palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top