Kabanata 40

NAPUNTA ang atensiyon nila sa salas nang umalingawngaw ang sigaw ni Isabella. Mabilis na tumakbo si Jasia papunta roon. Naabutan niya ang babaeng nakayuko ang mukha sa sahig, ang mga kamay nito'y nakahawak nang mahigpit sa buhok at marahas na hinihila.

Nandoon din si Imris sa tabi nito. Gulat ang mukha at nalilito sa pangyayari. Why was Imris there? She was sure she put her in her room.

"Isabella!" Nilapitan niya kaagad ito. Sinenyasahan niya si Xibel na alisin muna si Imris. Ayaw niyang makita nito si Isabella na nagkakaroon ng atake.

"Go play with Uncle Stone." Binuhat naman ni Xibel si Imris bago inabot kay Stone.

Nang makaalis, saka niya lang binalik ang atensiyon kay Isabella. "What happened?"

"Jas . . ." Nanginginig ang boses nito. Walang tigil sa pagtulo ang luhaan na nitong mga mata. "I'm scared . . ."

"You can tell me." Hinawakan niya ang mga palad nito at dahan-dahang inalis sa pagkakahila. "You can tell me. Makikinig ako. Kakampi mo ako."

"Si Drake . . ." Tinuro nito ang cell phone. "Si Drake ginugulo na naman ako!"

Muli itong napahiyaw. Nabitiwan niya ang kamay nito dahil sa lakas ng babae. Nag-amba itong sasaktan ang sarili pero pumasok si Xibel sa eksena at ito ang pumigil.

Lumuhod ito upang pantayan si Isabella. Nakakunot ang mga noo nitong pinagmasdan ang miserableng manunulat. "What did he do?"

"He threatened me," hikbing saad ni Isabella. "He threatened me that he would spread our video in public."

"What?" Nagitla siya. Sumunod na nanginig ang kaniyang mga kamao sa galit. Hula niya'y si Nevar ang nag-utos nito dahil imposibleng nagkataon lang ang deal na binigay nito sa kaniya.

Hinila ni Xibel sa isang yakap si Isabella bago napatingin sa kaniya. Nangungusap ang ginto at bughaw nitong mga mata. Kahit hindi ito nagsasalita, alam niyang umaagos na sa puso nito ang puot.

"Mga walang hiya . . ." She gritted her teeth as she thought of the two men, making Isabella suffer.

Nang humiwalay si Isabella kay Xibel, lumapit siya rito ay hinawakan ang magkabilang pisngi. "Listen. I don't want to see you like this anymore at alam kong pagod ka na rin kaya paparusahan ko sila para sa 'yo. Gusto mo na rin itong matigil, 'di ba?"

Kaagad namang tumango si Isabella. "Pagod na pagod na ako."

"I won't let him bother you again." Inalis niya ang mga luha nito sa mga mata. Sinalubong niya ang tingin nito nang kaniyang mga matang umaapaw sa galit. "I promise you. I'll make them suffer."

Niyakap niya ito. Ilang minuto rin silang nagtagal sa posisyong iyon. Ang akala niya'y lalayo si Xibel dahil nasa malapit siya subalit hindi. Nanatili lang ito sa kaniyang posisyon, ang mga kamay nito ay nakahawak pa rin kay Isabella. Kahit na tumagpi na ang kaniyang buhok sa braso nito ay pinili pa rin nitong hindi gumalaw hangga't sa kumalma si Isabella at muling makatulog.

Inayos na si Xibel ang pagkakahiga nito. Inilagay nito sa sofa ang babae.

Siya naman ay kinuha niya ang cell phone na nalaglag. Binasa niya ang nakakasukang mensahe ni Drake. Idadagdag niya ito sa kaniyang ebidensiya. Sisiguraduhin niyang mabubulok sa kulungan ang lalaki at mapapahiya sa harap ng madaming tao.

TWO days had passed and Isabella didn't leave Xibel's household, or more like he didn't let the woman leave. Natatakot si Xibel na baka may masamang mangyari sa babae kaya hindi niya ito pinaalis. Mukhang ganoon din naman ang gusto ni Isabella dahil ni isang beses ay hindi ito nagbanggit na gusto na nitong umalis.

"Xibel, can I have my phone back?" tanong ni Isabella sa kaniya at tumabi sa upuan kung saan kauupo niya lang.

"Wala sa akin." Kinuha ni Jasia ang phone nito. Sinabihan din siya ng babae na huwag itong hayaang makahawak ng bagay na posibleng makapagpapaalala kay Drake.

"Pahiram na lang phone mo."

"No. Besides, Arator has it." He crossesd his arms and purposefully pushed Isabella with his elbow. She was just like Arator who loves to invade his personal space.

"Sige na. Maglalaro lang ako." Hinawakan nito ang kaniyang braso at saka niyugyog. "Promise, I won't freak out this time. Nauurat na kasi ako kakalaro sa anak mo."

Sa dalawang araw na iyon, walang tigil din ang laro at bangayan ng dalawa. Nakatakas nga siya sa walang humpay na kulit ni Imris, subalit palagi namang sabog ang kaniyang tainga sa ingay nila. Animo'y isang trumpeta ang nagsisigaw na kahit pa siguro lagyan niya ng mahika ang kaniyang tainga ay magagawa at magagawa pa rin niyang marinig ang matitinis na mga boses nila.

"Then, don't play with her." He didn't bother glancing at her and focused his eyes on the purple hologram.

[Character Restoration progress: 75%]

"Papa!" Speaking of the little one, he slowly moved his head and watched Imris run down the stairs with speed. Kagigising lang nito pero ang laki na ng ngisi sa mukha.

He already had a hunch of what this little woman is going to ask him.

"Papa, let's play!" Hinawakan nito ang kaniyang palad at hinila.

"It's still too early, Imris." Hindi siya nagpatangay. Nanatili siyang nakasandal sa upuan. Wala pa siyang enerhiya para makipaglaro ngayon. "Why don't you play with Isabella instead?"

"Ako na naman!" sigaw ni Isabella sa kaniyang tabi. "Hindi mo na ako mauuto sa style mo na 'yan, Xibel, ha. Ikaw makipaglaro diyan, anak mo 'yan!"

"Right, Papa! I don't want to play with her anymore too. She keeps nagging my hair!" sumbong nito at tinuro ang buhok. Muli siya nitong hinila pero ayaw niyang gumalaw.

Si Isabella naman sa kaniyang tabi ay muling niyugyog ang kaniyang braso. "Xibel, please! Kahit sandali lang, let me borrow a phone. Hindi ko kaya ng walang cell phone!"

"Papa, let's play!"

Mariing napapikit si Xibel sa mga ingay na nanunuot na naman sa kaniyang tainga. Idagdag pa na panay ang pagyugyog at paghila nila. Sa mga ginagawa ng dalawa, lalo lang siyang nauubusan ng enerhiya. Can he have a peace for a moment?

Nasaan na ba kasi si Jasia? Dumating na dapat ang babae sa mga oras na ito.

She might still be busy with her rehearsal.

"Can you two hush for a minute? Your draining me." Sinubukan niyang agawin ang sariling mga galamay pero hinigpitan lang ng dalawa ang pagkakahawak.

"Wala ka namang ginawa, dali na!"

"Papa, please!"

"Oh, heavens and curses." Parang nahihilo siya. Gusto niya ulit matulog dahil sa kakulitan ng dalawa. Talagang mag-ina nga.

"Shupi ka muna, Imris. Bigyan mo space ang papa mo," ani Isabella.

"No! You give him space!" Umakyat si Imris sa sofa at pilit na inaalis ang kamay ni Isabella na nakakapit sa kaniya.

"No! Ayoko!"

Bumuntonghininga na lang siya bilang pagsuko at hinayaan ang dalawang magbangayan na naman. Pipikit na sana siya nang may biglang kumatok. Napunta ang kaniyang atensyon doon.

"Ako na magbubukas," saad ni Isabella.

"Me! I want to open the door!" Sumunod din si Imris sa babae.

Siya naman ay napako sa kinauupuan nang biglang sumagi sa isipan ang sinabi ni Rasheed sa kaniya no'ng nakaraan.

"Wait—" Naputol ang kaniyang sinabi nang bigla na lang nandilim ang kaniyang paningin at isang malakas na puwersa ang biglang sumuntok sa kaniyang dibdib. Napahawak siya roon upang humigit nang malalim na hininga.

What was that?

He glanced at his hands. His pupils shook when it was disintegrating.

"S-sytem, what is happening to me?"

[Response System: You are experiencing the Glitch, a sign that you are almost ready to go back. It is not something harmful.]

Bumagsak ang kaniyang balikat. Unti-unti nang pumasok sa kaniyang isipan na malapit na nga siyang umalis dito, ngunit kaagad din itong naudlot nang makarinig ng isang hiyaw.

Napabalik ang kaniyang atensyon. Namilog ang kaniyang mga mata nang makitang nakabukas na ito at wala na ang dalawang babae na nakatayo roon.

Wala pang isang segundo ay nakatayo na siya at tumakbo papalapit sa pinto. Naabutan niya pa ang itim na sasakyan sa labas at karga-karga ang nagpupumiglas na si Imris at Isabella. He couldn't see the faces of those people because of the masks. In their pockets were weapons he couldn't describe, however, it surely didn't make him feel well.

"Papa!"

"Imris!"

He was ready to go to her and bomb those kidnappers with his coriar, but all of a sudden, he stopped. He couldn't get Rasheed's words out of his thought. That man was surely not trustworthy, however, he never joked around death. More than that, he couldn't see any reason for Rasheed to anger him.

The fear of losing Imris and Isabella at that moment, or losing them for life put Xibel in an utter confusion.

What must I do?

But even before he could decide, the car already left with Imris' tear-stained face still playing on his vision. 

--

Winty's note: my apologies, late na naman sa time. I also won't be able to follow the 10:30 AM updates the following days, but I will still update every day. I'm still writing the final arc kaya ganern. Heads up lang ^^ anyway, we're nearing to the end of this installment. Probably lesser than 10 chapters.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top