Kabanata 27
THE curse on his face would never be lifted, but it could be concealed through the reason behind the curse's existence. Xibel performed the curse out of love, and one way to get out of it was just simply the same feeling.
But this was absurd. A human in the real dimension having feelings for him? A total absurbity!
Heart still pounding, he looked at the system. "System, is this even possible? How can my curse works against a human in this odd place?"
[Response System: You are still a fictional character bounded by the story The Reincarnated Actress. Because of this reason, the rule behind your curse will remain effective to the ones who will have feelings for you.]
"Why are you letting a woman fall for me? Wouldn't it be a hassle for you when I return? You can't let this happen!"
[Response System: We can't control a human's heart, but we can only alter their memory once you returned. Rest assured that there will be no harm nor an aftereffect, and they will do fine when you leave the real dimension.]
A suddeng jolt of pain stung his back after hearing it. "They will forget me?"
[Response System: They will forget you exist in this dimension, but you will remain as a fictional character in their memory.]
Mariin siyang napapikit. Nagtungo siya sa kaniyang kama at saka humiga. At some point, he agreed with the system's decision. To avoid any further complications, it was better to alter their memory. They wouldn't need to question his disappearance too.
But Imris . . .
Imris forgetting him seemed to pain him.
NAGTAKA si Jasia nang kumaripas ng takbo ni Xibel patapos. Kahit na nagtataka siya ay hindi muna niya ito sinundan at naglakad papunta sa kusina kung saan naroroon ang tatlo.
Naabutan niya si Arator na nagtitimpla ng gatas. Si Isabella at Imris naman ay magkaharap. Isabella was squatting on the floor to meet Imris' eyes.
What were they doing looking so serious with each other? Walang nagsasalita sa kanilang dalawa.
Nilagay niya sa lamesa ang dinala niyang donut. "Kain muna kayo."
Hindi siya pinansin ni Isabella at tinuro ang noo ni Imris. "You have such a big forehead."
"I bet you have a big forehead too. You're just covering it with your bangs!" Imris stuck her tongue out.
Isabella imitated her and stuck her tongue out. "At least may bangs ako pangtakip. Ikaw ba mayroon?"
"I'm pretty without it unlike you!"
Napahawak naman si Isabella sa kaniyang puso at gulat na tiningnan si Imris. "Anak ka nga siguro talaga ni Xibel. Mga bunganga niyo ang foul."
"You started it," natatawa singit at lumapit sa dalawa. Inabutan niya ito ng tig-iisang donut.
Kumuha siya ng platito at nilagyan iyon ng donut. "Puntahan ko lang si Xibel."
"Why? Ba't mo pupuntahan 'yon? Susunggaban ka lang n'yon," sabi ni Isabella habang ngumunguya.
"Papa and Mama are not going to fight!" sagot ni Imris habang ngumunguya rin.
Nag-make face naman si Isabella. "Edi hindi! Pero seryoso nga, Jas. That guy hates women! Nagulat nga ako at pumayag siyang pumasok sa deal na 'to."
Bahagya naman siyang natawa. "I know. But we're better now."
Nagpaalam na siya sa dalawa at umakyat sa second floor. Nakangiti niyang kinatok ang pinto.
"Xibel, may pagkain akong dala. You might want to try this." Hinintay niya itong sumagot pero wala.
Kumatok siya ulit. "Xibel?"
"Get lost."
"Huh?" Napalapit ang kaniyang tainga sa pinto dahil baka mali lang ang narinig niya. "Get lost?"
"Yes. Get lost. I want to sleep!"
"Then should I just--"
"Leave now!" Hindi siya nito pinatapos.
Gulat naman siyang napatitig sa nakasarang pinto. What did she do? Why did he suddenly pushing her away? Okay naman sila kagabi at kanina ring pagpasok niya, bakit siya pinapaalis nito?
Napakamot na lang siya sa kaniyang pisngi at hindi na nagpumilit pa. Bumaba siyang nakasimangot.
Magkaugali talaga sila ni Isabella. Palagi siyang tinataboy.
Hanggang natapos ang araw, hindi lumabas si Xibel sa kuwarto. Mukhang wala itong balak na makipagsalamuha sa kanila.
Well, it wasn't like Xibel was the type to socialize anyway.
Dumating ang sumunod na araw at balik na siya sa pag-e-ensayo. As usual, she fetched Imris and brought her to school. Hindi ulit lumabas si Xibel kaya hindi niya ito nakita.
"Is your dad okay?"
Tumango si Imris. "Hmm-hmm! Papa is just as usual."
"Nakasimangot pa rin?"
"Hmm-hmm!" Tango nitong muli.
Pagkatapos ng klase ni Imris ay nagtungo na siya sa kompanya. Ang akala niya'y siya ulit ang mauuna sa rehearsal room pero nagulat siya nang makita si Ameri.
"Ameri?" tawag niya rito dahil nakatunganga itong nakatayo sa gilid ng bar. Mukhang malalim ang iniisip. "I didn't expect to see you so early."
Inirapan siya nito. "I'm always early. You're just pabibo at over sa aga."
Nagkibit-balikat lang siya at hindi pinansin ang sinabi nito. Hindi na naman bago sa kaniya ang mga salitang iyon dahil noon pa, ganoon na magsalita sa kaniya ang babae.
Pumunta siya sa dulong bahagi ng bar upang mag-warm up. Habang ginagawa ang basics, hindi niya mapigilang obserbahan si Ameri. Gustong-gusto niya talaga ang tindig nito. Sa lahat ng ballerina, kay Ameri siya namamangha. Her posture was the epitome of grace. Hinding-hindi niya rin kayang talunin kung paano kalinis gumalaw ang mga braso aylt daliri nito.
Pero ngayon, pansin niyang bahagyang matamlay ang mga braso ng babae. Kanina rin, kahit na nakasuot ito ng make-up, bakas pa rin ang mugto sa gilid ng mata nito.
Did something happen to her?
No'ng nagsimula na ang kanilang rehearsal, tahimik lang si Ameri. Kadalasan kasi ay palagi itong may sinasabi sa ibang ballerina, pero nakapagtatakang nananahimik lang ito. Hanggang sa matapos ay hindi ito kumibo.
Nagbihis na siya at nagtungo sa parking lot. Saktong pagdating niya roon, naabutan niya si Ameri na handa ng tatawid sa kabilang parte dahil nandoon nakapark ang kotse nito.
"Ameri! Look out!" Napasigaw siya at dali-daling tumakbo sa direksyon ng babae dahil may dadaang sasakyan.
Buong puwersa niyang hinila ang babae palapit sa kaniya dahilan para matauhan ito.
"Are you okay?"
"Huh? What happened?" Napalingon ito sa likuran at sinundan ng tingin ang sasakyan na dumaan. Doon lang napagtanto ang nangyari.
"Kanina ka pa wala sa sarili. Did something happen?" alala niyang tanong dito.
Tinitigan naman siya nito. Ilang saglit ay bigla itong humikbi.
"H-hey, why are you--"
Hinawakan nito ang kaniyang braso. "May time ka ba? Sabihin mong oo!"
"Y-yes, mayroon. Bakit?" Bakas sa mga mata niya ang kalituhan.
"Samahan mo akong uminom." Hinila siya nito palapit sa kotse at binuksan ang driver's seat. Binigay nito sa kaniya ang susi. "Ipag-drive mo 'ko."
Bago pa siya makasagot ay pumunta na ito sa kabilang bahagi ng kotse at pumasok. Kahit na nalilito sa pangyayari ay sumunod na lang siya.
Huminto sila sa isang store at bumili ng isang case ng inumin bago dumiretso sa condominium ni Ameri. Pagkadating na pagkadating nila ay tinapon nito ang bag sa salas at kinaladkad ang isang case papunta sa salas.
Pinanood niya itong humilata sa sahig at tumungga.
"Oh, ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Lumunok ka!"
"Ah, yeah. Ito na. Lulunok na." Dali-dali rin naman siyang sumunod. Hindi rin siya makatanggi dahil sa pagmumukha nito. Paano ba naman kasi kanina pa tumutulo ang luha nito magmula sa byahe.
Hindi na sila gumamit pa ng baso at tig-iisang bote ang hawak nila. Hindi siya magaling sa inuman dahil minsan lang din naman siya uminom. Ayaw niya ring malasing kaya magkukunyari na lang siyang umiinom siya.
"So? Ano bang problema mo?"
Binagsak nito ang bote sa sahig at tiningnan siya. Nangitim ang luha nito dahil sa eyeliner. "Ang boyfriend ko. Ang hinayupak kong boyfriend niloko ako!"
Namilog ang kaniyang mga mata at muling tumungga. "What? Si Joshua nag-cheat sa 'yo? Akala ko ba going strong na kayo? Hindi ba nga may plano iyong mag-propose sa 'yo?"
Hindi siya makapaniwala. Kung tama ang hinala niya, tatlong taon na si Ameri at Joshua. Sa tuwing nakikita niya ang dalawa na magkasama, sobrang sweet palagi ni Joshua. Panay nga ng bigay ng bulaklak iyon kay Ameri at palagi ring present sa bawat performance nila. Bukod pa roon, si Ameri din ang laman ng social media post nito kaya hindi siya makapaniwalang magloloko ito.
"Kaya nga!" Ngumawa ito. "Putanginang Joshua iyon! I don't want to curse but like nakakaputangina talaga siya!"
"Nahuli mo siya?"
"Malamang! At alam mo ba kung sino ang pinalit sa akin?" Nanlisik ang mga mata nito. "Iyong manager niya sa modelling! Putanginang 'yan! Tinuring ko pang kaibigan ang babaeng iyon tas tutuhugin lang pala ako? Walang hiya!"
"Anong ginawa mo?"
"Kinalmot ko s'yempre! Kinalmot ko ang mukha!" Pinakita nito ang kaniyang mga daliri. Tatlo sa mga kuko nito ang naputol. Tinaas nito ang isang paa at hinawakan ang malalaking muscle ng binti. "And itong paa na 'to, sinipa si Joshua! Magsama silang dalawa mga liar and manloloko! May pa-flex pa sa social media ang gagong iyon, nakikipaglandian na pala sa iba! Sana nawalan iyon ng ngipin sa sipa ko para 'di makapag-endorce doon sa bago niyang toothpaste advertisement!"
Hindi siya sumagot at pinanood si Ameri na ilabas ang hinanakit nito. Biglang sumagi sa isip niya ang kaniyang ex-boyfriend na si Nevar.
"Hoy, Jasia."
"Bakit?"
"Don't just stay tahimik there and give me some advice. Ano pang silbi mo rito kung tatahimik ka lang?" Marahas nitong winaksi ang luha sa mga mata. "'Di ba niloko ka rin ng animal mong boyfriend dati? Never ba 'yon?"
"It's Nevar. And yes, he cheated on me." She sighed.
Nevar and her met seven years ago. Nagtagal ang kanilang relasyon ng dalawang taon. Mayaman ang pamilya ni Nevar, kumbaga isa ang pamilya nito sa mga malalaking tao sa lugar nila. Anak ba namin kasi ng isang mayor.
Samantalang siya ay galing lang sa simpleng pamilya. Hindi mayaman at hindi rin mahirap. She could say she did really work hard to reach where she was today.
Ang akala niya dati na magiging sila na ni Nevar habambuhay. Ito ang unang lalaki na minahal niya. Handa siyang gawin ang lahat para lang hindi sila magkahiwalay. Pumasok na rin sa isip niyang iwan ang ballet para lang sa lalaki. Pero buti na lang, nabisto niya ito bago pa man niya iwan ang bumubusilak na niyang career.
Nevar cheated on her with the woman of the same social standing as him.
"Come to think of it, ikaw rin pala ang reason kung bakit ko nabisto si Nevar." Bahagya siyang natawa nang maalala ang araw na iyon. Pupunta na dapat siya sa Portal Shoe Company para iurong ang kaniyang kontrata. Gusto ng pamilya ni Nevar na magtrabaho muna siya sa business na mayroon sila upang makuha niya ang tiwala ng mga ito.
Pero tumawag si Ameri sa kaniya no'ng araw na iyon at sinabi sa kaniya na pumunta sa isang lokasyon dahil nakita raw nito si Nevar na may kasamang babae. At iyon na nga, doon nila nahuli ang lalaki.
"Buti na lang talaga at nakipag-break ka kaagad doon. I thought pa naman magiging tanga ka," saad nito. Natigil na ito sa pag-iyak pero patuloy pa rin sa pag-inom.
"Yeah. I realized that I don't want to waste my time with a guy like him. At isa pa, I also don't want to do things I will not be happy about just for the approval of others. I promised myself to never hesitate in choosing my dream again." Uminom niya nang kaunti sa kaniyang bote. Nginitian niya si Ameri. "At buti rin naman at nakipag-break ka rin kay Joshua."
"Of course! Kahit gaano ko pa 'yon kamahal, hihiwalayan ko talaga 'yon. I mean look at me!" Tinuro nito ang sarili. "Do I look like someone who will go stupid over a guy? No! Iiyak ako pero hindi ako magpapakatanga!"
"Ayon naman pala. Hindi mo na kailangan pa ng advice sa akin." She chuckled. "You know what to do. Kalimutan mo siya at mag-focus ka na lang sa ballet."
"Yeah, right." Kahit na nagkatawak-watak na ang make-up nito sa mukha ay nagawa pa siya nitong nginitian na may bahid ng panghahamon. "And I'm going to get the lead role after our Esmeralda performance."
Nginitian niya rin ito pabalik. "We'll see about that. Hindi rin ako magpapatalo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top