Kabanata 24

JASIA went home after a long day. Dinaanan niya ang kuwarto ni Isabella na kahit isang beses ay hindi niya pa naabutan na bukas. Hindi niya rin ito naabutan kapag kumakain dahil animo'y magkabaliktad ang timezone nila. Sa iisang bahay lang naman sila nakatira pero parang ilang taon na silang hindi nagkita.

"Isabella?" She knocked on the door, but there was no response. Baka tulog na.

Hindi na niya ito inabala dahil gabi na rin. Nagtungo sa siya sa kaniyang kuwarto para magbihis at mag-shower. Pagkatapos, patapon niyang inihiga ang sarili sa kama. Sumagi sa isip niya ang imahe ni Xibel habang nasa lawa sila kanina.

Napangiti siya nang maalala itong ngumiti. It was subtle but she saw it.

"Ngumingiti ka rin pala, why don't you do it more often." Niyakap niya ang unan habang nag-iisip kung anong puwede niyang gawin bukas. Wala siyang praktis ng tatlong araw.

Should she ask Xibel to go out again? Pero baka hindi na ito pumayag dahil sunod-sunod ang request niya.

Then should she just play with Imris tomorrow?

Mukhang iyon na lang ang gagawin niya. Wala rin naman itong pasok.

Pumikit na siya para natulog na sana ngunit pumasok sa isip niya ang sinabi ni Xibel tungkol sa orphanage kung saan nanggaling si Imris.

Nawala ang ngiti niya sa labi. Bumangon siya sa kama at kinuha ang kaniyang cell phone sa drawer.

Tinawagan niya ang kaniyang sekretarya.

"Hello, Miss Cecora?"

"May, do you remember the orphange we visied last year?" saad niya.

"Yes, miss. What about it?"

"Visit the orphanage tomorrow."

"But the orphanage is no longer operating. Ikaw rin ang nagsabi sa akin na huwag nang bumalik pa roon dahil wala nang naninirahan pa sa orpahanage na 'yon," sagot ng kaniyang sekretarya.

"I know." She sighed. She had already given up in hoping that the orphanage would open again. "But just try again. Tell me if you find something there."

"I understand, miss."

Pinatay niya na ang tawag at bumalik sa pagkakahiga. Isang taon na rin siyang naghahanap sa taong iniwan niya noon. Isang taon na ngunit wala siyang makita kahit ni katiting na ideya kung nasaan na ito ngayon o kung buhay pa ba ito.

Pero sana, sana makita na niya itong muli.

MALAPIT nang magtanghali nang magising si Xibel. Kunot-noo siyang napabangon dahil hindi niya narinig ang kaniyang alarm clock na binubulabog siya--si Imris. Lumabas na siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina.

Pagdating niya roon, si Arator lang ang kaniyang naabutan.

"Where's Imris?"

"Hindi pa siya gumising, boss lord."

"What?" Napatingin siya sa direksyon ng kuwarto nito. That was impossible. It was almost afternoon, she should have eaten her breakfast.

Maglalakad na sana siya pabalik sa itaas ngunit nakarinig siya ng tunog ng kotse sa labas. Binuksan niya kaagad ang pinto gamit ang kapangyarihan.

"Good morning, Xibel!" bati ni Jasia nang makapasok ito. Napansin nito ang nababahala niyang tingin. "Anong mayroon?"

"Imris haven't gone out in her room." He climbed up the stairs which Jasia immediately followed.

Binuksan nila ang pinto nito. Naabutan nila si Imris na nakahiga pa rin sa kama.

"Imris." Kaagad niya itong nilapitan. Nagulat siya dahil sobrang tamlay ng mga mata nito.

Hinawakan niya ang noo nito. Muntikan nang mapaatras ang kaniyang palad dahil sa init nito. What was happening to her?

"Let me touch her."

Tumayo siya sa pagkakaupo nang magsalita si Jasia at hinayaan niya itong tingnan ang kalagayan ni Imris. Ilang saglit bago ito nagsalita.

"Imris is sick."

Kaagad na namilog ang kaniyang mga mata. "What? She's dying?!"

"Ha? What the hell are you saying?" sigaw rin ni Jasia pabalik, gulat sa kaniyang sinabi. She knocked three times on the headboard before glaring at him. "May lagnat lang siya. Hindi siya mamamatay."

"Oh . . ." Napaiwas naman siya ng tingin. "I don't know about that."

The term "sick" was used to refer to the people of Fort Galron who were on their death's bed, so he wasn't able to stop himself from freaking out. He had no idea that it could be used as well to refer to people having fever.

Tumayo si Jasia. "Bantayan mo muna si Imris. Kukuha lang ako ng bimpo."

Tumango naman siya at pinanood lang itong lumabas. He patted Imris head as he waited for Jasia to come back.

"Papa, my head hurts." Matamlay ang boses nito.

His gaze softened when she saw her struggling. Kita niya sa gilid ng mga mata nito ang luha. He tried healing Imris with his magic but it was no effect for there was no wound.

"I'm sorry, Imris. I can't make you feel any better." As useless as he was, he could only utter those words.

Napalingon siya nang biglang magbukas ang pinto. Bumalik na si Jasia. May dala itong bimpo at isang maliit na palanggana na may lamang tubig. Naglakad ito papunta sa kabilang bahagi at inilagay ang palanggana sa ibabaw ng side table.

Tahimik lang siyang nanood na binasa nito ang bimpo at saka nilagay sa noo ni Imris.

Napansin naman niyang sinusulyapan siya ni Jasia habang nagpipigil ng tawa kaya napakunot ang kaniyang noo.

"What's funny?"

Hindi na nito napigilan at tuluyang natawa. Tinuro nito ang kaniyang mukha. "Sorry. Para ka na kasing iiyak na."

"Huh? What do you mean?" Although he was confused, there was a part of him feeling embarassed.

"You care about Imris so much." Binigyan siya nito ng nakalolokong tingin.

"O-of course, I do." Napaiwas siya. "She's my responsibility, after all. If anything happens, it will be my fault."

"Nagkakasakit din minsan ang mga tao kaya hindi mo ito kasalanan." Inalis nito ang bimpo at muling nilabhan. Binalik din ito sa noo ni Imris.

"Would that make her feel better?" tanong niya. Hindi niya mawari kung para saan ang ginagawa nito.

Tumango naman si Jasia. "Yup. Gradually. Sinat lang naman ang mayroon si Imris. She will feel better soon. She just needs to rest."

"Are you sure?"

Tumango naman ito. Tinaas pa nito ang isang kamay. "Promise."

Hindi na siya sumagot pa at hinayaan na lang ito sa ginagawa hanggang sa makatulog si Imris. Pagkatapos, tumayo na si Jasia at naglakad palabas.

Sinundan niya ito. "Where are you going?"

Nasa tuktok pa siya ng hagdan habang si Jasia ay nasa kalagitnaan na. Nilingon siya nito. "Magluluto ako for Imris."

Nagtuloy-tuloy na ito sa pagbaba. Siya naman imbes na bumalik sa loob ng kuwarto ay sumunod siya. For some reason, he was curious. He never once saw Jasia cooked. He wanted to see what she would cook.

"Arator, ako muna gagamit sa kusina, ah?" paalam nito.

Tumango lang ang kaniyang tagasunod.

Nagsimula nang magluto si Jasia. Naupo siya sa isa sa mga upuan ng lamesa at pinagmasdan ito. Ang akala niya pa naman kung ano nang putahe ang lulutuin nito pero lugaw lang pala.

"A porridge, huh?" Bakas ang pagkadismaya sa boses niya dahilan para mapalingon si Jasia sa kaniya.

"Ano ba dapat lutuin ko? Ganito pinapakain sa may lagnat."

"Ah, okay," walang gana niyang sagot, nakapangalumbaba at hindi pinansin ang eksplanasyon nito.

"Anong klaseng attitude 'yan?" Tinaasan siya nito ng kilay.

"What attitude?"

Tinuro siya nito gamit ang sandok. "'Yan. 'Yang mukhang 'yan."

"Are you insulting my face?"

"No. But your face is insulting me."

Umiling siya. "If that is how it looks to you, then that is not my fault anymore."

Ngumiwi lang ito bilang sagot at tinalikuran na siya upang ipagpatuloy ang pagluluto. Pinagmasdan niya ang likod nito. Tinakpan niya ang kaniyang bibig gamit ang likod ng palad upang pigilan ang sariling matawa.

The last expression she did make her look funny.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad na paalis ng kusina dahil ayaw niyang makita siya nito at ni Arator na tumatawa. Paniguradong hindi siya titigilan nito kapag nahuli siya.

Yesterday, in the lake, he did have fun if he could admit. Not only because the place was peaceful, but because he was with the two people he mostly spend his day with. If Xibel could recall his thoughts yesterday, going out wasn't so bad.

Napahawak siya sa kaniyang puso.

The real dimension was an odd place, but he was able to feel genuine emotions. Emotions that had been deprived from him after he became the villain of the story.

It would be nice to spend more of his days with them together.

Paakyat na si Xibel sa hagdan upang bumalik sa kuwarto ni Imris subalit napatigil siya nang may marinig na boses sa kaniyang utak.

It wasn't his gift.

Natigilan siya nang biglang lumabas ang kulay ubeng hologram sa kaniyang harapan.

[Welcome, villain.]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top