Kabanata 15
GABI na at kanina pa naghihintay si Xibel na dumating ang kaniyang anak. Sa pagkakaalam niya, hindi naman umaabot ng gabi ang pag-aaral nito.
"Where is she?" While sitting on the sofa, he didn't remove his eyes to the door.
"Baka may nilakad lang sila, boss lord. Kasama naman niya si Jasia kaya huwag ka nang mag-alala." Patalong umupo si Arator sa kaniyang tabi. Sumandal ito sa likuran ng upuan habang nakangiti. "Hay! Kay sarap ng lamig, boss lord. Mabuti na lang talaga at bumili ng air conditioner si Jasia."
His eyes squinted before rolling his eyeballs. Nanunuot pa rin sa puso niya ang inis na nararamdaman kay Jasia at sa katabi niya ngayon.
"She does not need to bring such things."
"Hiling daw iyon ni Imris, boss lord. Kasi naiinitan raw ito."
Kumunot ang kaniyang noo. Nilingon niya ito. "What? It was Imris' request?"
Arator nodded.
Mariin siyang napapikit. Hindi niya ito inasahan. Walang nasabi si Imris sa kaniya tungkol dito kaya hindi niya alam na iyon pala ang dahilan kung bakit bumili si Jasia.
But still, how he viewed her didn't change. Lalo lang siyang nainis.
Bakit hindi sinabi ni Imris sa kaniya ang gusto nito? Bakit doon pa kay Jasia? Xibel couldn't help but think that woman was trying to get on her daughter's trust.
"Annoying." He sighed. Kung lamig lang pala ang hinihingi nito, he could rain down winter on this house right now. Bakit kailangan pa ang air conditioner na 'yon kung halata namang may mas mainam na opsiyon? At siya 'yon!
"Pupunta muna ako sa kusina, boss lord." Tumayo na si Arator at iniwan siyang mag-isa sa salas.
Sinulyapan niya ang orasan na nakakabit sa ibabaw ng pinto. It was seven. Imris didn't come home this late. Where did the woman bring his child?
He was ready to rain down thunderclouds around the house when he heard voices inside his head. The voices of grieving and regrets. And it was from the two women.
They were here.
Xibel immediately raised his finger to open the door. Bumungad kaagad sa kaniya si Jasia na karga-karga si Imris at kakatok na sana.
"Why are you late?" He glared at her.
"Papa!" Bumaba naman si Imris at kaagad na tumakbo papalapit sa kaniya. Niyakap siya nito. "Papa, you should've seen mama dance. She's like a princess!"
Tinaas naman niya ang isang kilay at naghintay ng eksplanasyon sa sinabi ng bata.
Naglakad muna si Jasia sa isa sa mga sofa at umupo. "I brought Imris into the company. Gusto ko lang siyang ipasyal kaya ayon."
"Kaya nagabihan kayo? That long?"
"Sorry, Xibel. Nakaligtaan ko kasi ang oras. Kumain pa kasi kami ni Imris pagkatapos."
Nilingon naman niya si Imris. "Is that true?"
"Hm-hmm!" Tumango ito. "Remember the shop, Papa? When we first saw Mama. We ate there again and their bread is so yumyum!"
Pinagmasdan niya ang mukha ni Imris at bakas ang kasiyahan nito. It seemed she enjoyed eating and going out with Jasia. Wala namang problema sa kaniyang makitang masaya si Imris. Mas matutuwa pa siya. Pero ang hindi niya ikinatuwa dahil ang kasama nito ay si Jasia.
For what reason she brought her to her company? What kind of dance did she let Imris see? Did she knew about her dreams? Was she trying to poison Imris with that dancing thing?
"I'll let this pass. If you bring Imris home late again, I will fetch you with a threat." He warned.
But the woman just smiled at him, making him frown. What was she smiling for? Wasn't he intimidating to look at? Idagdag pa ang postura nito na napakakalmado lang. Ang dalawang kamay ay nasa lap at tuwid na tuwid ang katawan. Hindi niya makitang natatakot ito sa kaniya.
"You are already threatening me." Sinalubong nito ang kaniyang tingin na may ngiti pa rin sa mga labi. Tumayo ito. "Now then, it's time for me to go."
Hindi naman siya sumagot at umiwas ng tingin. Handa nang tumalikod ang babae nang biglang magsalita si Imris.
"Mama, why don't you eat with us?" tanong nito dahilan para gulat siyang mapalingon kay Imris.
Napunta rin ang atensyon ng babae sa bata.
"I can smell Uncle Arator's cooking. It's yumyum, Mama!" natatakam nitong sabi.
"I would love to, but . . ." Pinasadahan siya nito ng tingin. "Your dad might not agree."
"Huh?" Imris looked at him. "Can't Mama eat with us?"
Hindi naman siya sumagot. If he could be a honest, the answer was a straight no. Kailanman, hindi niya gugustuhing makasalo sa isang hapag ang babaeng ito. Masusuka lang siya.
Subalit, ang nagmamakaawang mukha ni Imris ang hindi niya matanggihan. Wala namang mga bituin pero bakit parang kumikinang ang mga mata nito? Pinagsaklop pa nito ang dalawang kamay dahilan para tuluyan siyang bumigay.
He heaved a deep sigh. "Fine."
"Yey!" Tumalon naman kaagad si Imris sa sofa dahil sa tuwa. Hinawakan nito ang kamay ni Jasia.
Ang akala niya'y iiwan siya ng dalawang para pumunta na ng kusina subalit lumapit pabalik sa kaniya si Imris. Hinawakan din nito ang kaniyang kamay at hinila patayo.
"Let's go, Papa, Mama!"
Nagpatangay siya sa hila ni Imris at ganoon din si Jasia. Napapagitnaan sila ng bata pero kahit na ganoon, sobrang lapit lang nila sa isa't isa. Hindi niya mapigilang lumayo nang bahagya dahil sa takot na magkalapat ang kanilang katawan. Pinokus niya na lang ang tingin kay Imris upang tanggalin sa isipan ang panginginig ng kaniyang kamay.
Hanggang sa makarating sila sa kusina at matapos na kumain, nanatili lang siyang tahimik. Si Imris lang at Arator ang panay ng daldal. Minsan ay sumasabay rin si Jasia.
"Ako na ang maghuhugas ng pinggan," ani ni Jasia nang iniligpit na ni Arator ang mga pinagkainan.
Siya naman ay hindi na sila nilingon pa at nagtungo sa salas. He wanted to be as far from her as possible.
"Papa, I want to sleep na," saad ni Imris na sumunod pala sa kaniya.
Inabot niya ang kamay nito at sinamahang magpunta sa sarili nitong kuwarto. Saka lang siya lumabas nang makatulog na ito. Bumaba siya sa salas para sana uminom ng tubig pero naabutan niya pa si Jasia. May kausap ito sa cell phone kaya hindi napansin ang kaniyang pagdating.
"Have you looked at the orphanage again? Is there any news?" saad nito habang nakaharap sa lababo.
Kumunot ang kaniyang noo, nakuha nito ang kaniyang interes. Orphanage? Why were they talking about orphanage?
Hindi niya marinig ang boses sa cell phone kaya ang pinagbasehan niya lang ay ang galaw ng babae. Ang pagbagsak ng balikat nito ay nangangahulugang hindi maganda ang natanggap nitong balita.
"I see. Kindly process my donation pala sa Light orphanage. Pati na rin sa iba pang orphanage na naka-assign this month." Binaba na nito ang cell phone. Lumingon si Jasia para maglakad na sana palabas ngunit napaigtad ito sa gulat ng makita siya.
"Xibel, nandiyan ka pala." Napahawak ito sa dibdib sabay napahinga nang malalim.
His forehead creased because of what he heard. "You're giving charities to orphanages?"
"Yup!" Tumango naman ito. "Narinig mo pala pag-uusap namin ng secretary ko."
"Why didn't you find a child to adopt from those orphanages then? You have lots of options to play as your kid."
"I was supposed to pero dumating na kayo ni Imris."
"Is that so?" Boryo niya itong tiningnan bago tumalikod. Why was he even talking to her? Maglalakad na sana siya palayo pero nagsalita ito.
"Matanong ko lang, Xibel. I don't know kung ganito ka lang ba but why do you seem so cautious with me as if I'm some kind of a scammer?"
He turned around and looked at her. "Because you look like one."
"What?" Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. Salubong ang dalawa nitong kilay. "Excuse me, but sa ating dalawa, it should be me who needs to be cautious. After all, you have some kind of magic. You even threatened me on the first day we met."
"Because you asked for it yourself." Glaring at her, he didn't hesitate to meet her gaze. "You, women, are great liars. You don't deserve any ounce of my kindness."
"And I don't deserve to receive your rudeness as well!" Tumaas ang boses nito. "Are you still mad because dinawit ko kayong dalawa ni Imris sa situwasyon ko? I thought we're okay now? We even made a deal. Bukod doon, I've been doing my part of the deal. Wala akong ginagawang masama, Xibel, ano pa kayang magsinungaling?"
"Ha." He scoffed. The dead petals flowing from his cheek responded to his rising anger. "Do not try to act as if you are at a disadvantage. Didn't you tell me not too long ago you are ready to lie if it means peace for yourself?" He looked at her from head to toe. "Selfish woman."
"You're unbelievable! How can you take my line out of context?" Agresibo itong naglakad papalapit sa kaniya. "What really is wrong with you?"
"There's nothing wrong with me. You do." Hindi niya pinansin ang pamamawis ng kaniyang kamay at tinuro ang pagmumukha nito. "Women are all selfish liars! All they care about is themselves. You are nothing different from them!"
"You don't know me!" Winaksi nito ang kamay niya. "Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko, Xibel, kaya wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan. Hindi mo alam ang hirap ko para makaabot lang sa situwasyong ito. Ilang beses akong naging desperada kaya dapat lang na alagaan ko ang mayroon ako ngayon! Hindi ako makasarili! Prinoprotektahan ko lang ang career ko at ang buhay ko!"
"Did it just spit in your mouth that you're desperate? Oh, right, how could I forget." An image of a woman played inside his head. Ang mga bitiwan nitong salita at kung paano lang siya nito iniwan ay muli na naman niyang naalala. Ngunit hindi lang iyon. Pati ang mga sinapit niya matapos siyang iwan nito ay klarong-klaro pa sa isipan niya. Lahat ng mga ginawa nila sa kaniya, naalala pa ng katawan niya. "Women are all desperate! You love begging. Manipulation with that pretty face is also your kind of play. Right, Jasia? You love to use that pretty face to fool anyone. You are a worthless desperate whore!"
Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa babae.
Kaagad niyang nilingon ito habang nanlilisik ang mga mata. "How dare you lay your hands on me!"
"No! How dare you! You, a fictional character, don't have the right to tell me who I am!" Pumiyok ang boses ng babae at isa-isang tumulo ang mga luha nito sa mga mata. Dinuro siya nito. "I use my pretty face to fool people? Well, maybe, you're right! At least, I am pretty. Unlike you! You are a total hideous monster. You are disgusting!"
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya nagawang sumagot nang lumakas din ang mga boses sa kaniyang isipan. They were shouting, like the woman in front of him.
"Idagdag pa ang ugali mong parang basura! Hindi ko alam kung anong pinagdaanan mo o kung may problema ka sa mga babae, pero isa lang ang masasabi ko sa 'yo." Marahas nitong pinahid ang mga luha habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "You deserve it! You deserve everything that happened to you! A man like you who can't see women as humans deserves everything worse in the world. Isa kang basurang nilalang! Bagay na bagay sa 'yo ang mukha mo!"
Tuluyan siyang naging estatwa sa kinatatayuan niya habang ang kaniyang puso ay sinuntok sa sakit ng mga sinabi nito. Sinadya nitong itulak siya ng babae patakilid at naglakad na paalis. Naiwan siyang mag-isa habang nanginginig.
Kaagad niyang pinagpag ang brasong nahawakan nito subalit parang hindi maalis ang mga kamay nito sa kaniya. Nakakadiri. Nag-uumpisa na naman ang kaniyang pakiramdam.
Dali-dali siyang tumakbo papuntang lababo at inilabas lahat ng kinain niya. Nabalot ng pawis ang buo niyang katawan, sumasakit na ang kaniyang sikmura pero ayaw pa ring matigil ang kaniyang pagsuka. Diring-diri siya, hindi sa mga babae kundi sa sarili niya. Panay ring nagpaulit-ulit sa utak niya ang sinabi ng babae na lalo lang nakapagpasama sa kaniyang damdamin.
Isa siyang basura at kinamumuhian ng lahat. Matagal na niyang alam ito subalit hindi pa rin siya naging manhid. Nasusugatan pa rin ang kaniyang puso sa bawat taong mag-iiwan sa kaniya ng hindi kaaya-ayang salita. Kahit na tinalikuran na siya ng mundo, naiwan naman ang kaniyang puso sa mga tao at nanatiling malambot sa mga salita nito.
Totoo nga bang nararapat lamang ang nangyayaring ito sa kaniya?
But all he had done was nothing but good to them. He treated them well. He was a good saint, a very good and loving one.
But what he received in return was a total betrayal.
He was molested.
So how did he deserve this? How could they say he deserved every pain he received when never once he fail humanity?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top