Kabanata 14
PANIBAGONG araw at muli na namang nakabusangot si Xibel habang bumabangon sa kaniyang kama. Kay aga pa ngunit may bumulabog na naman sa kaniya. Nagising siya dahil sa katok ng kaniyang tagasunod.
"My boss lord, gising ka na ba?" saad ni Arator at muli na namang kumatok.
Naglakad siya patungo roon.
"Boss--"
"What?" Marahas niyang binuksan ang pinto. Ang kamay ni Arator na handa na sanang kumatok ay napunta sa kaniyang mukha dahilan upang lalong maging masama ang timpla ng kaniyang umaga.
"Ay, oops! Sorry, boss. Ang akala ko ay tulog ka pa." Napakamot ito sa ulo.
Curse this blind soul.
"What do you need?"
"Jasia is out the house again so early. May dala siyang mga kasama ngayon."
Kumunot ang kaniyang noo. "Kasama?"
"You heard it right, boss. May dala silang aircon, ikakabit daw sa kuwarto ni Imris. Should I let them in, my lord?"
His forehead creased. Napahigpit ang hawak niya sa busol. "What on earth is an aircon? Why would she put it inside Imris' room? Is it some kind of a spell?"
"Oh no, my lord. It's an air conditioner. Pampalamig sa mainit na panahon," nakangiti nitong sagot. "Should I let them in now, my lord?"
He looked at his follower from head to toe. Malawak na malawak ang ngiti nito at halatang nasasabik na ikabit ang sinasabi nitong aircon.
When he didn't speak, Arator blurted again, "Pagbubuksan ko na sila, ha, boss? Ha? Ha?"
"No." He took a step back. "Tell Jasia I will not allow any humans in my house except her and Imris." And shut the door close.
Muli siyang bumalik sa kaniyang kama at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Napaisip siya sa nangyari ngayon-ngayon lang. Why was she bringing things inside his home? Wala sa usapan nila na maglagay ng mga kung ano-anong bagay sa kaniyang bahay. Hindi lang iyon dahil hindi rin ito sumusunod sa usapan nilang oras. Pangalawang araw pa nga lang ngunit hindi na siya natutuwa sa mga nalabas nito.
This wasn't how the deal should work. Just because she was acting as his wife, she could do whatever she wanted.
"Recusant," he muttered and gritted his teeth. All women were just the same. Disrespectful and self-centered.
He closed his eyes, hoping to have long hours of sleep only to be disturbed again by the voice of his annoying blind follower.
"Boss, okay na. 'Di pinapasok ni Stone ang ibang tao at ako na mismo nagkabit sa aircon."
"What?!" Napalaki ang kaniyang mga mata. Mabilis siyang napabangon at napatingin sa nakasarang pinto.
"Oh, may dinala rin pala silang sofa kaya ako na rin ang nagpasok. Sige, boss lord, balik na ako sa pagluluto. Happy sleeping!"
Mariin siyang napapikit. Kahit hindi niya man makita ang mukha ni Arator pero sa tunog ng boses nito, alam niyang parang baliw itong nakangiti ngayon.
"Idiot." Nasapo niya ang noo. "Heavens, why am I surrounded with idiots?"
Mabigat ang katawan niyang lumabas sa kuwarto. Nagtungo siya sa railing at tiningnan ang dalawang babae sa baba. It was Jasia preparing Imris to go to school.
Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan. Nang makarating sa ikalimang hagdan, napatigil siya nang mapansin siya ni Imris.
"Papa! Good morning!" masigla nitong bati sa kaniya at kumaway.
Napalingon din si Jasia sa kaniya. Ngumiti rin ito sa kaniya at binati siya. "Good morning, Xibel."
Hindi niya ito pinansin at nagtuloy sa pagbaba.
"Nga pala, Xibel. I forgot to tell you yesterday. I bought an air conditioner and also some appliances kasi--"
"Acting as if you own the place, huh?' He scoffed. "You really are a woman."
Napakurap naman ito dahil sa kaniyang sinabi. "Ah, Xibel, I only did that because--"
"Do not talk. Your voice annoys me." Tumalikod na siya at nagtungo papuntang kusina. Huli sa prayoridad niya ang isipin kung nasaktan niya ba ang damdamin ng babae o hindi.
Why would he care on the first place? For him, they were nothing but filthy creatures who only knew how to lie and use people. Women only kept something dear to them if they could help them feel good, look good, and powerful. But when they couldn't have those recognition anymore, they would ruin them, or rather, leave them.
And Xibel experienced it firsthand.
It was a horrific choice to fall in love with a mortal.
JASIA's gaze followed the necromancer walking away from the living room. Kahapon pa hindi maganda ang pananalita nito sa kaniya.
Oh, well, it wasn't like Xibel have been good to her, anyway. Their first meeting was a total off. Until now, she could still remember how he threatened her. If only she knew from the start that the man wasn't normal, she might have not scream in front of the annoying reporters that day.
"Mama, let's go." Napababa ang tingin niya nang hawakan ni Imris ang kaniyang kamay.
Kaagad na nawala ang inis na naramdaman niya. She pinched her cheeks. "Ikaw lang talaga ang magandang bagay sa bahay na 'to."
And she couldn't understand how this beautiful thing was adopted by a hideous looking fictional character. What did Imris like about him? And what did that man eat to adopt a child without knowing anything about how their world works?
Napailing na lang siya.
Kinuha niya ang bag nito sa likuran at siya ang nagbitbit hanggang sa makarating sila sa kotse niya sa labas. Pinagbuksan niya ito ng pinto at pinaupo sa front seat. Nilagay niya muna ang bag sa back seat bago umupo sa driver's seat at inayos ang seat belt ni Imris.
"How about Papa, Mama?" Tiningnan siya ng bata.
"Hmm? What about your dad?" She started the engine.
"Don't you find him beautiful, too?" Pinilig nito ang ulo. "Papa is beautiful, right?"
"Beautiful?" patanong niyang sabi at tiningnan si Imris. Bakas ang tuwa sa mga mata nito habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ang tuwa na naglalaman ng mensahe na lahat ng nakikita nitong bagay ay natatangi. At isa si Xibel sa paborito nitong tingnan.
Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi.
She was indeed a child.
"I don't know, Imris. Judging by how your father is treating me, I can only say he is mean."
Imris chuckled. "Papa is just like that. But he's okay. Maybe Mama makes him shy?"
Siua naman ang natawa. "Shy? Baka rude lang talaga siya, Imris."
Pinaandar niya na ang kotse at nagtungo sa paaralan ni Imris. Hanggang tanghali lang ang pasok nito ngayon kaya tinanong niya ito kung gusto ba nitong sumama sa kaniya pagkatapos ng klase.
"Ballet? What's a ballet, Mama?" tanong nito nang makapasok sila sa school gate. She parked the car first before answering. "It's a type of dance, Imris, where you can be very graceful."
"Really? A dance?" Nakuha niya ang atensyon ng bata.
Tumango siya kaagad habang may malawa na ngiti sa mga labi. Habang tinitingnan niya ang maaliwalas nitong mukh ay 'di niya rin mapigilan ang sariling matuwa. "Yup! And you also get to wear pretty dresses! And hairclips! And shoes!"
"Wah! Dresses!" Tinaas nito ang dalawang kamay. "I want pretty dresses, Mama! I want to see you dance!"
She pinched her cheek. "Then come with me later."
"Okay!" Tumango naman ito.
Lumabas na sila ng kotse at nagtungo na sa classroom nitong napapalibutan ng rosas at asul na kulay. Halatang ipininta sa kulay na kadalasang nagugustuhan ng mga bata. Pumasok na si Imris sa loob habang siya naman ay naupo sa labas kung saan naroroon ang waiting area.
Sinulyapan niya muna si Imris sa loob na masaya nang makipag-usap sa iba nitong kaklase bago sinuot ang glasses na dala-dala. She crossed her legs and enjoyed the view of the playground in front of her. The playground was way smaller than the ones beside the bakery shop she used to go.
Ilang oras din siyang maghihintay rito kaya kinuha niya muna ang cell phone sa maliit niyang pouch at nag-iwan ng mensahe sa kaniyang secretary. Nagpaalam siya ritong dadalhin niya si Imris mamaya.
Wala pang sampung minuto ay tumawag ito.
"Hello--"
"Are you insane, miss?!" Hindi pa nga tapos ang kaniyang pagsasalita, bumungad na kaagad nito ang gulat na gulat na boses. "You can't bring a child inside the company!"
"Of course, I can. Monsieur will not be mad at me."
Si Monsieur Charlotte ang dance instructor niya sa Swan Lake. Ito rin ang unang tao na tumawag kaagad sa kaniya matapos niyang sabihing may asawa at anak na siya. Maganda ang turing nito sa kaniya at sa lahat ng ballerina kaya hindi niya nagawang magsinungaling dito. Sinabi niya ang totoo na nagpapanggap lang siya. Ang akala niya'y magagalit ito pero hindi. Sinuportahan pa siya sa kaniyang desisyon dahil ito rin ay naiinis na sa panay na pagkalat ng mga tsismis na may anak na raw siya.
Nais nitong makita ang bata kaya naman kampante siyang hindi siya mapapagalitan mamaya.
"Are you sure about this, miss? What about your instructors?" Napahinga ito nang malalim.
"You don't have to worry. It's going to be fine. I know Imris will also behave later." Sumandal siya sa upuang gawa sa kahoy. Sinulyapan niya muna ang ibang mga magulang na nasa paligid niya at kagaya niya rin, naghihintay sa kanilang mga anak. "It will benefit us. Trust me."
Hindi na niya hinintay pang makasagot ito at pinatay niya ang tawag.
Bringing Imris in the company would help them convince the public that she wasn't lying. Bukod pa roon, gusto niya ring ipasyal ang bata. Hindi naman siguro magagalit si Xibel dahil iuuwi niya pa rin naman ito. As long as she could return Imris before night time, then everything else would be good.
Muli niyang binuksan ang pouch at kinuha ang kaniyang airpods. She then played the instrumentals for Swan Lake before closing her eyes and immersing herself into the song. She envisioned every step inside her head, picturing herself as Odette. Odette, the swan, Prince Siegfried would fall in love with. Every movement that seemed unperfect inside her vision was also her way of correcting herself.
Ilang ulit niya pang pinatugtog ang kanta hanggang sa maramdam na lang niyang may maliit na kamay na humawak sa kaniyang braso. Nilingon niya ito at nakita si Imris na handa nang umalis.
"How's school?" tanong niya bago inalis ang airpods.
"Teacher said I did great in coloring!" Binuksan naman nito ang bag at may pinakitang papel. Sa loob ng papel ay may iba't ibang prutas na kinulayan ni Imris. Nakatatak din doon ang three stars na binigay ng guro.
Bago pa siya makasagot, tinaas nito ang kanang kamay at pinakita ang kamao. "Look! I also have five stars!"
"Wow, my daughter is doing great!" She patted her head. "Do you want Mama to reward you something?"
"Reward?" She tilted her head.
"Yup! May naiisip ka ba? You can tell me."
Napahawak naman ito sa ilalim ng baba. Ilang segundo bago ito sumagot. "I want bread, Mama! Cheese bread!"
"All right. We'll buy cheese bread. But . . ." She paused and stood up. Hinawakan niya ang kamay nito. "Let's go to the company first. You want Mama to see dancing, right?"
Nagningning naman ang mga mata nito. "Yes! Imris is so excited!
Kinuha niya ang bag nito at nagpunta na sa kotse. Nagtungo na sila sa kompanya. Nang makarating, kinuha niya muna ang malaki niyang bag sa storage bago kinarga si Imris.
Dumiretso kaagad siya sa second floor kung saan naroroon ang rehearsal room pagkatapos niyang magbihis.
"Mama, can you still breath?" alalang tanong ni Imris habang nakaturo sa leotards at leggings niyang suot.
Natawa naman siya. "Oo naman. I'm fine."
Sila pa lang ni Imris ang nasa loob ng rehearsal room dahil mamaya pang ala-una ang kanilang pagsasanay. Alas dose pa lang ngayon. Sa amphitheater gaganapin ang kanilang rehearsal pero dito muna niya dinala si Imris upang pakainin. Gusto niya rin munang mag-ensayong mag-isa.
Jasia played the speaker and started rehearsing the routine. She loved her pointe shoe today, it seemed to fit well than the others days. Her body felt a little lighter today too. Was it because her audience was a child?
She glanced at Imris as she tiptoed, and she almost laugh when she saw her mouth hang open. Hindi na ito nakakain pa at nakatingin na sa kaniya.
My daughter is watching me. I should not mess up.
Raising her one leg, she spinned along the music. She drowned her emotion through her pirouettes. Even if she was alone, she imagined as if her partner was with her doing the dance. Her fingers arranged with grace, she glided across the room as if it was her own world, a stage she created.
She didn't dance the full routine and only on the part she was having a hard time with.
Matapos niyang sumayaw, hinarap niya kaagad ang salamin at inalis ang pawis. Napunta ang tingin niya kay Imris nang marinig itong pumalaklak.
"Mama, you look so beautiful!" Tumakbo ito papalapit sa kaniya.
Kinarga naman niya ito. Pinahid niya ang kanin na dumikit sa pisngi ng bata. "Thank you."
"I want to do that too, Mama!" Tinaas nito ang dalawang kamay at pinagsaklop. "I want the turn! It's like a princess. Mama is a princess!"
Napatawa naman siya. "Do you want me to teach you?"
Sasagot na sana si Imris pero biglang nagbukas ang pinto ng kuwarto. Ang akala niya'y si Monsieur Charlotte ito pero hindi pala. It was Ameri, who played the role of one of Prince Siegfried's friends. Masama ang tingin nito sa kaniyang pumasok ng kuwarto.
Hindi na naman bago ito sa kaniya dahil noon pa man, hindi na talaga sila magkasundong dalawa. Sabay silang dumating sa kompanyang ito limang taon ang nakararaan at sila rin parati ang nagkukumpetensya. In short, Ameri was her rival.
Binagsak nito ang pointe shoes na dala-dala. Bigla itong ngumisi sa kaniya. "Hello there, mama ballerina. You look so proud that you even brought that kid here."
Just as she expected, Ameri would not let this pass.
Ngumiti naman siya pabalik. "Of course naman. Bakit ko naman ikakahiya ang napakaganda kong anak?" Dinikit niya ang mukha kay Imris. "We look alike, right?"
"Hindi raw ikakahiya pero tinago ng ilang taon." Peke itong tumawa. Naglakad ito palapit sa kanila pagtakapos isuot ang pointe shoes. Nginitian nito si Imris. "What's your name, little one?"
"Imris po."
"I'm Ameri. Remember this face." She winked at Imris. Shen then immediately looked at her with pity. Sarcastic pity. "So sad for you, little one. Napunta ka pa talaga sa babaeng maraming controversy sa buhay. For sure, hindi na matatahimik ang buhay mo ngayon."
"Mama is taking care of me well. Papa too!" masiglang sagot ni Imris dahilan para mapasimangot si Ameri.
Muli itong umirap sa kanila at 'di na sila muling kinausap pa hanggang sa magsimula ang kanilang ensayo. Nang malapit nang mag-ala una ay nagtungo na sila sa amphitheater. Pagdating nila, nandoon na rin ang iba nilang kasamahan pati ang kanilang instructor.
And as she expected, Monsieur Charlottle was happy to see Imris. Ito pa ang kumarga kay Imris buong maghapon sa practice.
Malapit nang mag-alas singko nang makalabas sila sa kompanya. Kagaya ng pinangako niya kanina, nagpunta sila sa bakery shop at binilhan ito ng Cheese Bread. Kumain muna sila roon.
Habang ngumunguya si Imris, walang tigil ang pagsasalita nito.
"Mama, they are so pretty! Everything is pretty!" sigaw nito habang ngumunguya. "But I don't like the guy, Mama. She keeps holding you."
Napatawa naman siya. Imris was pertaining her partner who was playing Prince Seigfried. "It's just a dance, Imris."
Imris pouted. Marami pa itong dinaldal sa kaniya dahilan upang maaliw siya sa pakikinig at 'di niya namalayang gabi na pala. She looked at her watch and it was almost seven.
Niligpit na nila ang kanilang pinagkainan bago tuluyang umuwi.
Nang makarating sa bahay ni Xibel, kakatok na sana siya pero bumukas na ito agad. Bumungad sa kaniya ang lalaki na nakaupo sa sofa at masama ang tingin sa kaniya.
"Why are you late?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top