CHAPTER 35

Ang sterile na puting mga dingding ng silid ng ospital ay tila pinalakas ang katahimikan, na nabasag lamang ng maindayog na tunog ng mga makinang sumusubaybay sa vitals ni Ashleigh. Umupo si Aziel sa tabi ng kanyang kama, ang kamay nito ay marahang humawak sa kanya. Ang kanyang mga mata, kadalasang maliwanag at puno ng buhay, ay nakapikit, maputla at walang buhay laban sa mga puting linen.

He'd been here for hours, his heart heavy with a pain he couldn't quite name. It was a mix of worry, guilt, and something else, a sharp pang of loss. Seeing her like this, so vulnerable, so fragile, brought back memories, memories of their love, their arguments, their laughter. Memories he hadn't allowed himself to think about since their bitter break-up a month ago.

Ashleigh stirred, her eyes fluttering open and focusing on Aziel. He felt a flicker of hope, a wave of relief, but it was quickly replaced by a wave of anger.

“Anong ginagawa mo rito?” she rasped, her voice weak.

He swallowed, his throat suddenly dry. “I...I just wanted to see how you were.”

Her eyes narrowed, a flicker of fire in their depths. “Bakit? Baka nakakalimutan mong wala na tayo? At baka nakakalimutan mong sinaktan mo ako, Aziel!”

“Sorry, Ashleigh...nandito ako para humingi ng kapatawaran sa lahat ng ginawa ko sa ’yo.” he said, his voice barely a whisper. “No’ng nalaman kong may nangyari sa ’yo pumunta agad ako rito... Ashleigh, I'm sorry.”

A bitter laugh escaped her lips. “Sorry? Nahihibang ka na ba? Kahit kailan hindi magagamot ng ‘SORRY’ mo ang mga sakit na pinaranas mo sa akin? Huli ka na, Aziel.”

Napangiwi siya sa kamandag sa boses nito, ang hilaw na sakit na bumabalot sa kanyang mga salita. Gusto niyang magpaliwanag, sabihin sa kanya kung gaano niya pinagsisihan ang away nila, kung gaano niya ito na-miss, kung gaano niya pa rin ito kamahal, ngunit tila nanunuot sa lalamunan niya ang mga salita, kaya hindi siya nakaimik.

“Umalis ka na,” she whispered, her hand withdrawing from his grasp. “Gusto kong magpahinga.”

He looked at her, his heart aching. He wanted to stay, to hold her hand, to tell her how much he cared, but he realized he had no right. Their relationship was over, and he had no claim to her anymore. He stood up, his shoulders slumped with defeat.

“Sana mapatawad mo ako...alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong pagtaksil sa ’yo, but please forgive me, I need your forgiveness bago ako mamatay.” he said, his voice barely audible.

Hindi siya tiningnan ni Ashleigh pero kinakabahan ito nang marinig niya ang huling linya na sinabi ni Aziel.

But before he could leave, Ashleigh’s voice stopped him. “Huwag ka ng magpakita pa sa ’min.”

He turned back, her gaze fixed on him, a look of resignation in her eyes. “Just, please, don't pretend to care now that I'm weak. It's too late for that.”

With that, she closed her eyes, her breathing slowing, leaving him standing alone in the silence, his heart heavy with the weight of his own guilt and the unspoken truth of his love.

Bumukas ang pinto at pumasok si Asher kasama ang ina at kapatid ni Ashleigh. Lumapit si Helen kay Aziel at niyakap niya ito ng mahigpit ganun din ang kapatid ni Ashleigh niyakap niya si Aziel.

“Magiging okay din ang lahat, tutulungan ka namin para mapatawad ka ng anak ko. Sa ngayon huwag mo siyang susukuan... kailangan ka ni Ashleigh at ng magiging anak ninyo.” kumalas sa yakap si Helen at nanlaki ang mata ni Aziel dahil sa kaniyang narinig mula kay Helen.

“Tama ba ’yung narinig ko, T-Tita?” tumulo ang kaniyang luha dahil sa saya ng kaniyang nararamdaman.

“Wala ako sa posisyon para sabihin sa 'yo ito, Aziel pero kailangan mong malaman dahil ikaw ang ama ng pinagbubuntis ni Ashleigh.” halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Aziel.

Lumingon si Aziel sa kaniyang kapatid na si Asher at pilit na ngumiti hanggang sa tuluyan ng lumabas ang kaniyang mga luha. Nilapitan siya ni Asher at niyakap ng mahigpit.

“You deserved to know the truth,” bumitiw sila pareho sa kanilang yakapan. “Pero kailangan mo munang makuha ang loob ni Ashleigh, Bro. Kailangan ka ng anak mo at ng soon-to-be wife.” tinapik ni Asher ang kaniyang balikat at ngumiti.

********

Kinabukasan, sinabi ng doktor na puwede ng makalabas si Ashleigh. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan at kinausap ang kaniyang anak. “Ang lakas-lakas mo anak ha! Mana ka talaga sa Mommy na malakas.” sabay ngiti niya at hinagod ang kaniyang tiyan.

Hinanap ng kaniyang mata si Aziel pero agad naman niyang binawi iyon.
Inalalayan siya ng kaniyang ina at ng isang nurse palabas ng kuwarto. Hanggang sa paglabas nila ay napahinto siya ng makita niya ang pamilyar na lalaking may dala-dalang bulaklak.

Lumapit ito sa kaniya. “Para saan ’to?” agad na tanong niya sabay tingin sa paligid.

“May nagpapabigay lang sa ’yo.” sagot ni Asher at naglakad patungo sa sasakyan para buksan ang pinto.

Inamoy ni Ashleigh ang hawak niyang flower bouquet at simpleng ngumiti.
Pagkasakay niya ay hindi niya maiwasang hindi maisip si Aziel. Tinatanong niya ang kaniyang sarili kung nasaan na ito pagkatapos niyang pagtabuyan kagabi.

“Anak, okay lang ba? Bakit hindi ka mapakali diyan?” tanong ng kaniyang ina rito.

“Ayos lang ako, Ma.” mahinang sagot niya.

Tiningnan siya ni Asher sa rear-view mirror. “Ashleigh, hindi dahil sa kapatid ko si Aziel at sa hindi naman sa nanghihimasok ako sa relasyon ninyong dalawa, sana patawarin mo ang aking kapatid, dahil kung hindi mo 'yon mapapatawad... hinding-hindi 'yun titigil hangga't hindi mo siya pinapatawad, kilala ko ang kapatid kong si Aziel.” sabi ni Asher at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Hindi kumibo si Ashleigh nakatingin lang siya sa labas at pinagmasdan ang mga sasakyan na kanilang nakasalubong.

“Alam kong malaki ang nagawang kasalanan ni Luke sa ’yo. Pero sana mapatawad mo siya bago pa mahuli ang lahat. Dahil ayokong mahuli ang iyong pagsisisi, Ashleigh.” malalim na sabi ni Asher kay Ashleigh.

Biglang naisip ni Ashleigh ang sinabi ni Aziel kagabi sa kaniya at ang sinabi ni Asher ngayon. Kinakabahan siya at hindi maipaliwanag ang kaniyang kaba sa dibdib.

“Anak, sigurado ka ba'ng okay ka na talaga?” nag-aalalang tanong ng kaniyang ina. Tumango siya bilang sagot. “Namumutla ka anak.” hinawakan ni Helen ang kaniyang kamay. Nagtagpo ang mga mata ni Ashleigh at Asher sa rear-view mirror.
Nginitian siya ni Asher na may halong sakit at pait.

Mas lalo siyang kinakabahan at pilit na iniisip kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Aziel kagabi at sa sinabi ni Asher ngayon.






©iKnowImNewbie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top