CHAPTER 15

ASHLEIGH

Lucas and I, sat across from each other in a bustling restaurant. The small space was filled with the sounds of clattering silverware, sizzling food, and lively conversations. It was a welcome escape from the busy work day for the two of us.

“Mukhang ang mahal naman dito,” nahihiyang tanong ko na nilibot ang aking paningin sa paligid.

“You are the first woman, I brought here.” ngumingiting sabi niya sa akin at hindi ko maiwasang hindi mailang dahil sa kanyang sinabi.

As we chatted and laughed, completely engrossed in our conversation. Parang pakiramdam ko may nagmamasid sa amin. Nilingon ko ang isang tao nakaupo sa di kalayuan sa amin ni Lucas, his gaze fixed on us.

“Lucas,” tawag ko sa pangalan ni Lucas. Tiningnan ko muli ang lalaki pero hindi na ito nakatingin sa aming gawi.

“What do you want to eat?” tanong niya sa akin.

“Kahit ano na lang, kung ano ang order mo ’yun na lang din ang akin,” mabilis kong sagot sa kanya na nakatingin pa rin sa lalaki.

“Leigh?” nabalik ako sa aking ulirat ng may tumawag at kumalabit sa akin.

“What?” naiiritang tanong ko sa kanya.

“Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka nakikinig sa akin,” sabi nito na malungkot ang mukha.

“W-Wala...okay lang ako,” sagot ko.

Tumango lang ito at binigyan ako ng gwapong ngiti.

The more I watched Lucas, the more I admired him for being gentleman and good person. Bigla kong naalala si Sir Luke , hindi nga pala niya ako gusto. Sana pala hindi ako na lang nag-confess sa kanya. Pero okay na rin 'yun para malaman ko at alam ko kung saan ako lulugar.

“Leigh, I've been calling you for a while, are you alright?” agaw ni Lucas sa aking atensyon.

Tumingin ako sa lalaking nakasuot ng sombrero at sunglass. Kanina pa siya tingin nang tingin sa amin ni Lucas.

While we are enjoying our lunch, oblivious to the tension around me. We talked about work, he shared story about love for engineering, and his plans for the future.

As we finished our meals, Lucas reached for the check to the waiter but the waiter refused to accept it.

“Why don't you accept it?” kunot noo na tanong ni Lucas sa waiter.

“Bayad na po 'yan, Sir.” pareho kaming nagulat ni Lucas at nagtitinginan kaming dalawa.

“Sino’ng nagbayad?” tanong ko.

“Yung lalaki po na nakaupo roon kanina, Ma'am.” sagot niya sa akin habang tinuro ang sulok kung saan nakaupo ang lalaking palaging nakatingin sa amin ni Lucas.

“Sino raw?” nagtatakang tanong ni Lucas, medyo iritado ang kanyang boses.

“Hindi po nagpakilala, Sir e,” nagkamot ng ulo ang waiter at umalis.

Hindi na ako nagtanong pa, pakiramdam ko talaga kilala ko ang lalaking 'yun e.

“Leigh, kanina ka pa tulala ah? May problema ba?” hinawakan ni Lucas ang aking kamay.

“May iniisip lang ako, pasensya na,” binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Ngumiti naman siya sa akin at naglalakad kami palabas ng restaurant.

As we reached in the parking lot, we suddenly caught sight of Sir Luke sitting in his car, his eyes locked on us. Lucas gave him a polite nod, but Sir Luke couldn't even bring himself to acknowledge the greeting. He just sat there, seething in his jealousy and bitterness look.

“Sinong kasama mo, Aziel?” tanong ni Lucas sa kanya.

Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa akin. Yumuko ako ’tsaka kinalabit si Lucas at bumulong sa kanya.

“Alis na tayo,” mahina kong sabi.

Nilingon ako ni Lucas at binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Agad naman niya itong nakuha. Hinawakan niya ang kamay ko. Lumakas ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

“Aziel, mauna na kami sa'yo, gusto na kasi ni Ashleigh na umalis na kami,” sabi niya kay Sir Luke. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya dahil nakayuko lang ako.

“Is she okay?” sarkastikong tanong niya kay Lucas.

“Yeah, and we were happily eating earlier and we enjoyed the food.” alam kong nakangiti si Lucas sa kanyang sagot kay Sir Luke.

“Ashleigh, come with me,” naiangat ko ang aking ulo dahil sa kanyang sinabi.

“Sir?” pag-uulit ko.

“Sa akin na siya sasabay dahil pupunta rin naman kami ng opisina.” madiin na sabi ni Lucas.

“She will come with me, may pupuntahan kaming meeting.” walang ganang sabi ni Sir Luke.

“S-Sir, w-wala naman pong naka schedule na meeting sa'yo ngayong araw, tiningnan ko po kanina sa aking notepad wala po akong nakita.” sagot ko sa kanya at kumunot ang kanyang noo.

Tumayo siya mula sa pagka-upo niya sa kanyang kotse. Tumingin ito kay Lucas tapos sa akin.

“Are you that busy because you don't even know about an emergency meeting?” matigas na sabi niya sa akin.

“Easy Aziel, huwag mo namang pagsalitaan ng ganyan si Ashleigh. Kung hindi man niya naalala na may emergency meeting ka pala ngayon at kailangan mo siyang isama, kausapin mo ng maayos.” mahabang sabi ni Lucas. Hinawakan ko ng mahigpit ang damit ni Lucas.

“Sino ka ba?” iritadong tanong ni Sir Luke kay Lucas.

Bago paman makasagot si Lucas ay nagsalita na ako para hindi na iinit ang tensyon sa kanilang dalawa.

“Hmmm.... Lucas, mauna ka na, may meeting pa kasi kaming pupuntahan ni Sir Luke.” sabi ko sa kanya.

“Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

“It makes me cry,” mahinang sabi ni Sir Luke pero naririnig ko pa rin.

“Maraming salamat, Lucas.” sabi ko at sinenyasan ko siya na umalis na. Agad naman itong sumunod. Sumakay siya sa kanyang kotse at mabilis niya itong pinatakbo.

Naiwan kaming dalawa ni Sir Luke rito sa parking lot. Walang may gustong magsalita sa aming dalawa. Hanggang sa tumikhim ito, humarap ako sa kanya.

“Tara na po, Sir.” sabi ko.

Hindi siya sumagot at binuksan niya ang pinto ng kanyang kotse saka sumakay ito. Argh! Sarap talagang suntukin! Kung hindi ko lang sana siya boss kanina pa ito nakatikim ng suntok sa akin.

Binuksan ko ang pinto ng kanyang backseat para roon umupo. Mabilis akong pumasok at hindi umimik.

“What do you think of me, your driver?” inis na tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot hinayaan ko siyang nagsasalita.

“You move here to the front or you move here to the front, now you choose?” walang emosyong tanong niya.

Hindi ako sumagot sinalpak ko ang aking earphones sa magkabila kong tainga. At nilakasan ang volume nito.

Nagulat ako at tinanggal ang isang earphone sa aking tainga dahil parang lumilipad ang kanyang kotse. Tumingin ako sa kanya at nagtagpo ang aming mata sa rear view mirror ng kanyang kotse.

Agad niyang binawi at mabilis na pinapatakbo ang kotse na parang nakikipagkarera. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa at binalik ulit sa aking tainga ang earphone. Akala niya siguro na matatakot ako kapag mabilis ang takbo ng kotse.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa mga kantang pinapakinggan ko.




©iKnowImNewbie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top