Chapter Two
Chapter Two
Kiss
"Do you plan on murdering your food, Andrea?"
Napatingin siya sa 'kin. I was looking at her plate. Bumaba ang tingin niya doon. She let go of her untensils at uminom ng tubig.
"Ayaw mo sa in-order natin?" I asked.
Umiling siya at muling may tiningnan. Sinundan ko naman ang line of vision niya. Binalik ko ang tingin sa kaibigan ko at nagkatinginan kami. She looked away.
"Oh, kaya pala busangot ka d'yan." I said. "Sabihin mo nga sa 'kin, crush mo ba si Tisoy?" I grinned.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Baka may makarinig-" mahina niyang saway.
I laughed. Nagyuko siya ng ulo.
Ang mga kasama namin ay abala na sa island activities habang kaming dalawa lang ang nandito sa restaurant. Medyo ginutom ako kaya sinamahan akong kumain ni Andrea.
"Awww," I teased her.
Sinimangutan naman niya ako. Muli nalang akong napatawa sa reactions niya.
Nakangiti ako sa best friend ko. Ngayon ko lang siya nakita na nagkakaganito. Kinulit ko pa siya hanggang inamin na nga niyang may crush na siya! Tatawa tawa ako sa pagkakatuwa.
"Tara na nga," nauna na siyang tumayo. Tapos na rin kaming kumain.
Sumunod din ako sa kaniya and I linked our arms as we made our way out of the restaurant.
Nakita ko si Ryder. Agad ko itong sinalubong ng ngiti. "Snorkeling?"
He just nodded silently.
Hindi naman talaga cold type si Rye unlike Andrea's impression of him. He's just... quiet.
We did snorkeling and also banana boating. It's fun to be with Ryder and their friends. Nakakasundo rin namin ang mga girls, Kaz and Myrrh.
* * *
"Beautiful, right?" tukoy ko sa palubog na araw. Nasa tubig pa rin kami. Lumapit ako kay Ryder.
Bahagya naman niya akong nilingon pagkatapos ay muli rin binalik ang mga mata sa tanawin. Tahimik lang naming pinagmasdan ang sunset. There was a few moments of peace between the two of us. Parehong nakalubog ang mga katawan namin sa tubig alat na may kalmadong mga alon. And then I bit my lip before I spoke and started another conversation with him.
"The sunset looks beautiful as you..." subok ko at nangingisi na pero pinigilan ko rin. And I mean that he's beautiful in a really manly way. He's a beautiful man. Matangkad na may katamtamang laki ng pangangatawan with muscles in their right places. His body built matches his height. And his face... can look dark or mysterious... Pero pwede ring maging maaliwalas. His prefect brows... eyes... nose... his lips... perfectly angled jawline... His face is just perfect! Walang kapintasan ang kanyang mukha.
Bumaling siya sa akin. "You really say the the right words at the right time, huh?"
Tuluyan na akong napangisi para na rin sa sarili. I know that he knew what I was doing. He immediately caught my attention the very first time we met. Sino naman kasi ang hindi? I think any woman would feel the same attraction I felt towards Ryder. Ryder Emmett Martinez can be as gorgeous as the sunset... Parang nakakahalina... Parang kapag nand'yan na kontento mo nalang itong pagmamasdan dahil sa ganda... At ilang sandali ka pang hindi makakalingon sa ibang bagay. It's beautiful... enchanting.
"I'm not like the sunset..." tahimik na aniya.
Tumitig ako sa kaniya habang nasa tanawin sa harap naman namin ang mga mata niya. "Bakit naman?" I probe.
"Look at it... It's relaxing... calm... peaceful..."
Lalo pa akong napatitig kay Ryder. I didn't quite get what he said...
Sa wakas ay binaling na niya ang buong atensyon sa akin. At unti-unti ay nilapit niya ang mukha sa akin. I was a bit taken aback at first pero sa huli ay hinayaan ko rin siya. Slowly his lips claimed mine... His kiss was soft like a feather on my lips... Pero naramdaman ko pa rin iyon sa kabila ng pagiging sobrang gaan. It's like a peaceful kiss in this peaceful moment with the setting sun and calm waves...
And... it's our first kiss since we met!
Sabay na rin kaming umahon ni Ryder kalaunan na may ngiti na sa mga labi ko. Naroon na rin ang mga kaibigan namin nag-aantay para sabay sabay na rin kami muling mag-dinner. We just never get tired of seafoods dahil iyon na ang madalas naming kainin sa isla. And for me seafood's just the best! It can be my comfort food. But maybe as long as you don't have some allergies, too? I can't imagine how people can't enjoy the delicious seafood dishes just because they're kind of allergic to it. Isn't it sad? Mabuti nalang at wala naman ako.
We got a nice table in their seafood restaurant. Malapit iyon sa malaking bintana na tanaw pa rin ang dagat sa labas at papalubog na araw. Nag-uusap-usap lang kami habang naghihintay sa in-order. I was busy making a conversation with the again quiet Ryder. Parang hindi pa kami naghalikan kanina lang, ah! But at least he's becoming more and more responsive to me now compared to the first ones when I tried to always strike up conversations with him...
Ramdam kong napupuna rin ni Andrea ang ginagawa ko. Alam naman na niya iyon. She's my best friend after all.
Our food was served. Sina Tisoy ang nagdala ng mga pagkain sa mesa namin. Nagkatinginan kami ni Andrea. Nangingiti ako sa kaibigan. Which she gave me a warning look in return. Hindi ko nakakalimutang inamin niya sa aking may crush siya sa isa sa mga staff ng resort na ito. I just like teasing my dear friend, too. And this is new!
* * *
Maaga kaming umalis ni Ryder para mag-horseback riding. Some of our friends stayed at the mansion and just rest. Mukhang pagod pa sa activities na ginawa kahapon sa resort. While Andrea's probably with her crush... Tisoy. I can't help but smirk thinking about my friend na lumalove life na rin sa wakas.
"I've been teaching you horseback for days now... Hindi ka pa rin natututo man lang kahit konti... Am I that bad of a teacher?" Ryder chuckled a bit.
Lumaki ang ngiti ko habang nakikita ang konting halakhak niya. He's finally loosen up, huh... Hindi na kasing stiff o tahimik gaya noong mga una naming encounters. Well... good job, Alecx! Ang galing ko talaga... Marahang nabura ang ngiti sa mga labi ko nang may maisip na ibang bagay...
Maybe I can really be good with... flirting... Kasi kahit noong mas bata pa ako marunong na akong makipag-usap sa opposite sex. Lalo kapag nagugustuhan ko. And at the end... nakukuha ko nga ang gusto... pero... hindi naman nagtatagal...
Pumait ang nararamdaman ko.
I can't help it but to look at Ryder with the these thoughts...
"Hey... Something's wrong?" lumapit sa akin si Ryder na dala na ang isang malaking kabayo na sasakyan na naman namin. It's his favorite horse. Siya rin ang nagpangalan sa kabayo noong bata pa lang ito. He named it Rocket. Cute. Pamangkin nga talaga siya ng may ari ng resort na ito at alam na alam nila ni Russel ang mga bagay dito sa isla. May isang hayop pa ng tita nila na siya ang nagpangalan.
"You okay?" patuloy ni Ryder na lapit sa akin.
Umiling ako, getting out of my bitter thoughts just a while ago. "I told you, hindi pa talaga ako nakakasakay ng kabayo until here..." And then a naughty thought filled my mind. "But... well..." lumapit na rin ako sa kinatatayuan niya at pinaglandas ang haplos ko sa kanyang dibdib at balikat... "I can better ride... something else..." I said to him sensually.
Unti-unting umawang ang labi ni Ryder habang nakatingin sa akin. 'Tapos ay umiba ang ayos ng mukha niya. Suplado niya akong sinimangutan. Damn... Damn! Don't do that Rye... Dahil mas lalo lang akong nahuhulog... Tinawanan ko nalang ang supladong mukha niya. Alam kong nakuha niya ang sinabi. Why he's acting like a virgin may be? I don't know... Or maybe he's just embarrassed too with my being vulgar sometimes... Shy, Ryder... I giggled more.
"Let's go!" halos galit niyang tawag.
"Okay," bahagya pa rin akong natatawang sumunod sa kaniya.
Sumakay na kami kay Rocket. Pwedeng pwedeng mangabayo rito sa mas mataas na parte ng isla kung saan may grassy lang na. Malaki rin talaga itong isla at kung tutuusin ay halos maliit na parte pa lang nitong isla ang nabubukas sa public.
"Stop it with all your teasing," he hissed behind me.
I smirked. Nanatili ang mga mata ko sa magandang tanawing nakikita at nadadaanan namin habang sakay kami ni Rocket. "What? I'm just leaning my back against your hard chest..." my voice was obviously teasing, too. Bahagyang kumawala ang saglit na halakhak sa akin.
"Naughty girl." aniya.
Nagpatuloy lang ang ngisi ko.
"You'll fall!" maagap niya akong hinawakan nang halos sadyain kong magpahulog sa kabayo just to tease him more. But I know it can be dangerous kaya wala naman talaga akong balak na tuluyang magpahulog sa tumatakbong kabayo.
Dahil sa ginawang mabilis na paghawak o paghatak ng isang braso niya sa akin ay nasagi na rin niya ang dibdib ko. I know he felt my breasts, too. I can't help it but just smirk at what happened.
I don't know but it makes me kind of happy kapag naiinis ko si Ryder. Mas marami kasi akong nakukuhang reaksyon sa kanya kapag ganoon.
He sighed heavily behind me. I smirked more. "What do you really want to happen, huh?" asik niya.
I played innocent to what he's saying. "What are you talking about? Hindi ko naman sinasadya 'yon, Ryder. Tingin mo magpapahulog talaga ako kay Rocket?"
"I don't know with you." aniya, may pagdududa talaga sa mga kilos ko.
Ngumisi lang ako.
And then I felt it... Humalakhak na ako at pilit ko siyang nilingon sa likuran ko. Iniwas naman niya ang mukha sa akin, nag-iiwas ng tingin. Habang sinusubukan ko namang hulihin ang mga mata niya.
Nakababa na kami kay Rocket matapos ang nakagawiang paglilibot upang makita ang mga views ng lugar sakay ng kabayo. Minsan ay umaabot kami sa may mga cliffs na dagat na ang nasa baba. Hindi naman nagiging delikado iyon dahil alam naman ni Ryder ang ginagawa niya. Eksperto niyang minamaniobra si Rocket palagi. Kahit pa makulit din ako na sakay niya. Binalik na rin namin ang mabait na kabayo sa kuwadra nito. Sandali ko pa pang inamo si Rocket nang bigla akong hilahin ni Ryder na kinagulat ko rin!
"Ryder-"
"Come here." mahigpit ang boses niya at tuluyan na akong nahila palapit sa kaniya, sa katawan niya.
Nasa loob kami ng mga horse's stables at walang ibang taong naroon bukod sa aming dalawa at sa mga kabayo. Umalis pa siguro muna ang tagapangalaga.
He attacked me with his almost aggressive kisses. As if he's fed up with all my teasing... I can't help it but chuckle in his lips, in between our kissing. Humigpit ang hawak niya sa akin. "Behave," saway naman niya at nagpatuloy sa panghahalik sa akin.
Kumapit na rin ako sa kaniya at sineryoso ang halikan namin. Hanggang sa hindi na ako nakatawa pa at nadala na sa sensasyon...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top