Chapter Three
Chapter Three
Right
"Bakit n'yo pinapunta sina Paul dito?" si Kaz.
Umiling si Russel. "Not me. Si Jake ang nagsabi kay Paul na nandito tayo."
Suminghap si Kaz. "Ano ba ang iniisip ni Jake? Alam naman niyang hindi okay sina Myrrh at Paul."
"Exactly," ani Rye naman sa tabi ko. Bumaling ako sa kaniya nang magsalita siya. "Maybe it's time para magbati na sila." he shrugged, pagkatapos ay humalukipkip.
Nangiti naman ako habang pinagmamasdan siya. Siguro sa kanilang magkakaibigan ay siya ang tahimik lang madalas. But you can see his genuine concern for his friends. Kapag kailangan ay magsasalita siya para sa mga kaibigan. Pilit kong sinuksok ang isang kamay ko sa pagitan ng katawan at braso niya. Bumaling sa akin si Ryder nang mapuna ang ginawa ko. Kumapit ako sa kaniya. Ngumisi ako nang nagkatinginan kami habang ngumiti lang naman siya. Lalo akong ngumiti sa reaksyon niya.
He's been more and more comfortable with me.
Binaling lang muli namin ang atensyon sa pinsan at mga kaibigan ni Ryder na halos magtalo dahil nandito ang ex o boyfriend pa naman yata ni Myrrh.
Nakita namin ang pagkikibit-balikat nalang din ni Russel.
***
Sumama sa amin ni Ryder si Kaz matapos niya tuluyang hayaan na muna si Myrrh na makipag-usap sa kakarating lang sa isla na boyfriend nito. Sinusubukan din siya namin ni Rye na pakalmahin. She's like a mother to Myrrh. Kung ako rin naman siguro ay magiging ganito rin ka protective kay Andrea kung alam kong ganitong hindi steady ang relasyon nito. Siyempre ay mag-aalala rin ako kaya naiintindihan ko si Kaz.
"We can use the glass boat?" Rye suggested.
Kaming tatlo lang. Myrrh's with her boyfriend, Russ's with the resort staff and probably Andrea, too! She's probably with Tisoy. Hindi naman ako nag-aalala at nakikita ko namang mabuting tao iyong lalaki. Isa pa I can see that Andrea's real happy with him. Ngayon nga lang sumasaya nang ganito ang kaibigan ko kaya hahayaan ko siya.
Kaz sighed. "Kayo nalang muna ni Alecx." Bumaling siya sa 'kin. "I'm sorry. Maybe I'll just take some rest first."
Maagap ko naman itong tinanguan ko. "It's okay. Sige, siguro nga magpahinga ka muna..." I know that she's worried for Myrrh... Pero tingin ko rin ay may iba pa siyang inaalala.
Iniwan na niya kami ni Rye matapos makapagpaalam. Kinausap ko naman si Ryder tungkol sa kaibigan niya nang makaalis na ito.
"She likes Russel..." kibit balikat lang naman na maiksing paliwanag sa akin ni Ryder nang matanong ko dahil may pakiramdam din talaga ako na parang may kung ano kay Kaz at sa pinsan niya.
Tumango ako sa sinabi ni Ryder...
Hinila ko na siya patungo sa gagawin nga naming pagsakay sa glass boat bago pa namin tuluyang mapagchismisan ang kaibigan at pinsan niya.
* * *
Kinasal sa isla sina Myrrh at ang groom niyang si Paul. Medyo biglaan pero seryoso naman ang dalawa. Naimbitahan pa nga kami ni Andrea. Simple lang ang naging wedding dahil nga siguro kinulang na talaga sa panahon sa preparation. But the ceremony was heartfelt.
"You may now kiss..." anang nagkasal sa kanila ni Myrrh.
Nakisali rin ako sa mga pumalakpak. I felt happy for them.
Nang balingan ko si Ryder ay naabutan kong nakatingin na ito sa akin. Ngumiti ako at bahagyang nilapit ang mukha sa kaniya. Sinalubong naman niya ako ng isang marahang halik. Nandoon kami nakaupo sa gitna ng iba pang guests na abala naman sa pagtitingin sa bagong kasal.
Ngumiti ako pagkatapos ng halik at nagkatinginan kami...
I did not really plan it pero ako ang nakasalo sa bouquet ni Myrrh. And teasingly, Russel urge the Groom to just give the garter to his cousin. Ryder rolled his eyes at his cousin but when his eyes met mine ay nakangiti lang siya. Ngumiti na rin ako at unti-unti kaming lumapit sa isa't isa. May konting tuksuhan pa pero masaya naman ang pangyayaring iyon.
"Naisip mo na ba ang pagpapakasal..." humina lang ang tanong ko nang may maalala...
Hindi agad nakasagot si Ryder. Nagpatuloy ang marahang pagsasayaw namin sa reception ng wedding nina Myrrh. "Yeah..." sinagot niya rin kalaunan.
Right. And I probably already know with whom he wanted to be married. Napag-usapan na namin noon ang ex girlfriend niya. At alam din niya ang past ko sa mga lalaking naka relasyon. Na ako ang palaging nasasawi. Kaya nga siguro naging malapit na kami sa isa't isa ni Ryder dahil pareho kaming iniwan...
I let out a sigh.
"Are you tired already?" Ryder asked me. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Well, kanina pa rin tayo sumasayaw dito... You might want to just sit there for a while?" bahagya niyang tinuro ang pansamanatala naming naiwang table.
I nodded. I don't know but the past days I've been feeling so happy that today, or right at this moment... after that question na sa akin din naman galing, parang pumutok ang bula ko ng kasiyahan...
"You okay?" napuna rin iyon ni Ryder. "You want to eat?"
Umiling ako. Kumain na rin naman kami kanina. "You? Gusto mo bang kumain uli?" bahagya na akong ngumisi. I shouldn't think so much about things... I shouldn't be too dramatic over some things... I smirked at Ryder who's just looking at me.
"Nah." umiling siya. "I'm still full from our early dinner." he said.
Tumango ako hindi na alam ang gagawin pa namin o pag-uusapan. Which was a first time dahil palagi akong may move para kay Ryder...
"Want to go somewhere?" biglang pag-aaya sa akin ni Ryder. Well this time ay parang siya naman ang gumagawa ng paraan para sa amin, huh. Ngumisi ako habang nakatingin sa seryoso at guwapo niyang mukha. "Patapos na rin naman dito..." he added looking around a bit.
Tumango ako. "Saan naman tayo pupunta?" Now I'm interested.
"You? Where do you wanna go? Not that we haven't explored this island yet..." he shrugged.
Tama siya. Nalibot na nga siguro namin ang buong isla sa pangangabayo na rin madalas. I did not learn to maneuver the horse alone. Kaya siguro sumuko na rin si Ryder sa pagtuturo sa aking mangabayo. And maybe he noticed my disinterest, too. Mas gusto ko nga namang sumakay nalang sa iisang kabayo kasama siya kaysa magkaibang kabayo pa ang sakyan namin.
"How about we go back to the mansion now and to your room..." I suggested naughtily with a smirk on my lips painted with wine red lipstick adding to the natural reddish color of my lips. It just made my lips or my whole face even bolder. I think perfect for my already sultry beauty they said.
Sumimangot ang mukha ni Ryder. Natawa naman ako. Tinitigan ko siya habang nangingisi. He's looking back at me with his darkly handsome face. He looks so good in his man bun. He already has a longer than usual hair when we met. Dati akala ko hindi ko magugustuhan ang mahabang buhok para sa isang lalaki. I thought it would look dirty. But not with Ryder Martinez. Sobrang bagay lang sa kaniya. Tho I'm also curious what he'd look like with a shorter hair or even in a clean cut? Kahit pa may nakita naman na ako sa older pictures nila ng mga kaibigan niya at ni Russel. Pero iba pa rin sa personal. At tingin ko kahit ano pa man ay pareho lang na gwapo siya.
Sobrang guwapo talaga ng tao na 'to.
I reached for his face and touched his left flawless cheek. Dati ay may facial hair din siya. But later on he shaved. At hindi ko rin sigurado kung alin ba ang mas gusto ko. So, so handsome Ryder...
"You've been insinuating that..." naningkit ang mga mata ni Ryder habang nakatingin pabalik sa akin.
I smirked. "Bakit... Ayaw mo ba?" patuloy kong panunudyo sa kaniya.
He sighed almost heavily and shook his head.
Bahagya muli akong natawa sa reaksyon niya.
Kalaunan ay ngumiti nalang din siya--nasasanay na sa mga panunukso ko sa kaniya.
I smiled calmly seeing his genuine smile for me.
Kalaunan ay nagsiuwian na nga kami sa mansyon. Myrrh and Paul left for their honeymoon outside the country. Ang parents at family naman ng both Bride and Groom ay naimbitahan din ni Tita Elisabeth kung gusto pa nilang mag stay sa island kaya hindi pa rin muna umuwi ang iba.
Pupunta na sana ako sa kuwarto ko nang bigla akong hilahin ni Ryder pasama sa kaniya sa kuwarto niya!
"Oh my god... Don't tell me papatulan mo na ang mga panunukso ko sa 'yo..." ngumisi ako habang tinitingnan ang kamay kong hawak niya at dinadala ako sa loob ng kuwarto niya.
"Shut up," marahang saway niya lang sa 'kin.
"Tuluyan na ba kitang natukso Mr. Ryder Martinez-"
"Stop it-"
Humalakhak na ako ngunit natahimik din nang tuluyan na kaming nakapasok sa kuwarto niya, and his lips claimed mine with hot kisses...
I wasn't seriously seducing him. I was just teasing because I like his reaction every time. Parang ang conservative kasi niya na hindi masyadong bagay sa looks niyang parang magdadala lang ng langit sa 'yo... I giggled at my own thoughts.
Disturbed by my little giggles, bumaba na ang halik niya sa panga hanggang leeg ko. I closed my eyes feeling him more. Natigil na rin ang tawa ko. I don't really mind if something will happen to us. More than our usual kissing.
Was I ever conservative? Maybe. But growing up looking for attention that I can't get at home. That my parents can't give me. I looked for it outside. At akala ko nakita ko nga. So I tried to take care of it. And I mistook things...
Ryder suddenly stopped when we're both already heated. Hinanap ko ang mga mata niya. "Why did you stop?" I can't help it but ask. He was already touching my boob while he kisses my neck when he halted everything.
He shook his head. Ilang sandaling katahimikan bago muli akong nagsalita. "Ayaw mo ba sa 'kin? You didn't find me attractive enough na nagdadawang isip ka pa-"
"It's not like that, Alecxandra." aniyang parang nagalit.
Tumigil ako at kumalma. Pero hindi pa rin nagpaawat. "What is it, then? Are you worried? Well... it's not like this is still my first time, Ryder, I'm not anymore new to this at alam kong ikaw rin kaya ayos lang. You don't have to worry about anything-"
"Gawain mo ba ito kahit sa hindi mo karelasyon?"
Natigilan ako sa tanong niya. I sighed and shook my head. Nakalimutan ko yatang hindi naman talaga kami...
He sighed, too. And then he took my hand and held it instead. "Let's just... take it slow," aniya.
Bahagyang umawang ang labi ko at nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakuha ko pa ring ngumisi. "So kapag tayo na pwede na?"
Ryder shook his head. He looked hopeless or helpless with my naughtiness. "Kapag gusto mo lang." he said calmly and with a hint of seriousness.
Kapag gusto ko lang...
Before I thought I should still do it when the person I'm in a relationship with asks for it or wants it. Parang kailangan dahil parang magtatampo kapag aayawan. I thought it was okay... That it was normal for couples...
"Paano kapag ikaw naman ang may gusto?" I asked.
He looked at me seriously. "Doesn't matter. If one doesn't like it then no."
"Really?" I grinned at him.
He sighed. Mukha siyang suko na sa kapilyahan ko. "Really," inabot niya ang noo ko para doon nalang ako mahalikan.
Pwede pala...
I felt lighter after that. Parang may natutunan ako na sana ay noon ko pa nalaman. But there was no one to tell me things like this then. Ang relasyon nina Mommy at Daddy ang tumatak sa akin. I thought my Mom did not took care of my dad well na nakita ni Dad ang pag-aalaga sa ibang babae. Dahil busy si Mommy sa kaka shopping at sa mga amiga niya. So I told myself that I will take care of my own relationship para hindi magaya sa kay Daddy.
And I thought I did it. Kapag may boyfriend ako halos ibigay ko ang lahat lahat. I thought it was what it needed. But still I can't keep my relationship. Nagtatapos pa rin. Kaya hindi ko na alam kung ano ang mali. Kung saan ako nagkulang. What's really wrong with me...
I hugged Ryder tight. Niyakap niya rin ako. Tahimik lang kaming pareho habang yakap namin ang isa't isa. I hope I'll do it all right this time...
"How about you?" he almost whispered his question after a while with just us hugging in each other in peace.
"What?" nag-angat ako ng tingin sa kaniya na bahagyang nagpakalas sa yakap namin pero hindi pa rin kami bumibitiw sa isa't isa.
"Have you ever thought of marriage?"
Ilang sandali pang kumunot ang noo ko sa kaniya. And then I remembered na tinanong ko nga rin pala siya niyan kanina. Pero kanina pa iyon sa wedding reception nina Myrrh. Ngumisi nalang ako nang matantong sobrang late na yata nitong balik tanong niya mula pa kanina? Maybe he's been wanting to ask me this question, too? At ngayon niya lang nasingit...
"Hmm, oo naman. If you'll ask right now? Lalo na siyempre. I'm ready to get married, Ryder." ngisi ko sa kaniya. And I wasn't just teasing him sa kabila ng ngisi ko. Seryoso rin ako sa sagot. I'm already in my mid going to late twenties. And I always want to have a family of my own... Iyong hindi katulad sa pamilya na kinalakhan ko. I want my child to grow up in a healthier household. Because based on experience, hindi maganda. Ayaw ko lang sigurong matulad sa akin ang magiging anak ko...
Bahagya lang tumango si Ryder at muli pa akong niyakap. I just smilingly hugged him back, too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top