Chapter Thirteen

Chapter Thirteen


Kiss




Nagising na naman ako sa ospital. But this time I remember everything... Now including the memories I cannot recall after my accident. Naalala ko ang lahat mula noong nalaman ko na lihim na nakikipagkita si Ryder sa ex niya. Nilihim niya iyon sa akin. Hanggang sa sinundan ko sila noon at naabutan ko ang halikan nila ni Isobel sa may tulay...

"Alecx..." marahang tawag ni Ryder sa pangalan ko nang siya ang unang taong bumungad sa akin nang magising ako.

I looked at his face for a while. Tahimik lamang akong nakatingin sa kaniya. Until my tears just fell... Ginawa na niya akong tanga noong bago pa man ako maaksidente. And after I woke up from that accident and cannot recall some of my memories... pinagmukha na naman niya akong tanga...

"Alecxandra..." namuo rin ang luha sa mga mata niya habang nakikita niya rin ang luha sa mga mata ko. Sinubukan niyang punasan ang luha ko pero iniwas ko ang aking mukha sa hawak niya.

Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa kabila kung saan hindi ko siya kita.

"I'm sorry, Alecxandra..." tunog nanghihina niyang sinabi sa likod ko.

He probably know by now, he probably realized it that all my memories from the accident already came back...

Hindi kami nag-usap ni Ryder hanggang sa nakalabas na uli ako sa ospital. But he stayed with me the whole time. Nag-alala rin ang parents namin. Ang alam nila ay nahimatay ako sa opisina ni Ryder at agad niya akong sinugod dito. And that I can now recall the memories I cannot remember before. Wala silang alam sa mga nangyari so they did not make a big deal out of it...

"I can explain..." marahang ani Ryder nang kaming dalawa nalang at nakauwi na sa condo ko. We were with our parents kaya wala na akong sinabi nang ihahatid ako ni Ryder at uuwi kami rito sa condo ko...

"Did you had me followed then? Iyong private investigator sa office mo..." aniya.

Hindi pa rin ako nagsasalita.

Dinugtungan niya. "You didn't trust me-"

Hinarap ko na siya. "Wala na akong tiwala sa 'yo simula noong nalaman kong lihim kang nakikipagkita kay Isobel, Ryder." mariin kong sinabi sa kaniya.

"You could've confront me about it, Alecxandra. Hindi iyong agad kang nag-isip ng kung ano-"

"I didn't have to confront you, Ryder. Kung ano? Kung wala lang iyon sana ay sinabi mo nalang agad sa akin, hindi ba? Why hide it from me? She's your ex-"

"Exactly! She's my ex and you knew what happened to us. Ayaw ko lang na may maisip kang ibang bagay-"

"Yes, she's your ex, Ryder! And I'm your fiancee. Tingin ko ay maiintindihan ko naman iyon... But you chose to hide it from me dahil sadyang may tinatago ka," mariin ko siyang tiningnan.

Umiling naman siya. "It's not like that, Alecx..." iling niya.

"Why did you kissed her then? Don't tell me it was nothing when I saw you kiss her back!"

Hindi siya nakapagsalita.

I shook my head, disappointed. "You're a liar, Ryder! Pinapaikot mo ako!" my voice shook a little.

Isang hakbang na lumapit siya sa akin. Humakbang din ako paatras. Natigilan siya sa ginawa ko.

"Sinungaling ka!"

"I can explain, please, Alecx... Makinig ka muna sa 'kin."

Umiling ako. "I don't know, Ryder. I don't trust you anymore! Kaya kahit ano pa ang sabihin mo ngayon hindi ko rin papaniwalaan!"

Natahimik kaming dalawa pagkatapos ng sinabi ko.

"Then... should we cancel our coming wedding... Malapit na, Alecx..."

"At bakit hindi natin itutuloy ang pagpapakasal?"

Nanatili ang tingin niya sa akin. "If you don't trust me yet then I don't think we should push through the wedding that is very soon. Let me earn your trust back first and then let's get married, kung nabalik mo na ang tiwala mo sa akin-"

"Don't fool me, Ryder! Ang sabihin mo ayaw mo na talaga akong pakasalan dahil nagbalik na siya, hindi ba? Isobel's back in your life, kaya puwede mo na akong itapon-"

"That's not true, Alecxandra!" tumaas ang boses niya at kita ko ang galit niya sa sinabi ko.

Saglit akong natigilan pero matapang din nagpatuloy. "I won't give you that, Ryder! Hindi ako makakapayag na sumaya kayo ng babae mo! You're marrying me! At kapag tinuloy mo 'yang banta mong pag-atras sa kasal natin... I'll make sure I'll make it hell for your company and you, Ryder!"

"Alam mong sa kompanya pa rin namin umaasa hanggang ngayon ang company ninyo at hindi pa ito tuluyang nakakabangon. And your company's shareholders trusts only me, Ryder, dahil sa pinaggagawa mo noon with Isobel, right? Pati ang kompanya na may maraming empleyado at alam mo ring maraming magugutom kapag pinabayaan mo ay hinayaan mo pa rin, Ryder. Because of your selfishness just to be with Isobel-"

"Enough!" malakas niyang pagpapatigil sa akin. Pero hindi pa rin ako natinag at taas noong nakaharap sa kaniya. You might think I'm weak, Ryder, dahil nagawa mo na akong pagmukhaing tanga. But I'm not Alecxandra Ventura for nothing. I am the daughter of a business tycoon. Hindi lalago ng ganito ang negosyo namin kung hindi rin dahil sa akin. At hindi lang ikaw ang hindi ko papakawalan kung 'di pati na rin ang company ninyo...

Maybe I was already being eaten whole by greed... I was never a greedy person. Marunong akong makontento. Pero ang lahat ng ito ay nagtutulak sa akin para gawin ang mga bagay at isipin ang mga bagay na hindi ko pa naiisip noon...

Ryder shook his head. "I don't know what you'll get from this, Alecx..." iling niya. "Gusto ko lang ayusin muna ang lahat sa pagitan nating dalawa... I don't want you like this... This is not the Alecxandra I've known-"

"Hindi ko na rin alam kung kilala nga rin ba talaga kita, Ryder. So, I guess, pareho lang tayo? Whatever you say matutuloy ang kasal natin. Para rin naman ito sa kompanya-"

"I didn't just want to marry you for business, Alecxandra!"

"Stop it with your bullshits, Ryder! Huwag ka nang magmaang-maangan pa rito at pareho naman nating alam ang puno't dulo nito!"

"I only agreed to marry you then dahil nakikita ko ring pakakasalan kita! And not for the business!-"

"Whatever you say! Tuloy ang kasal natin! At itigil mo na 'yang pakikipagkita mo kay Isobel. I'm warning you, Ryder. Siguro nga ay tama ka na hindi mo naman talaga ako kilala. You don't know what I'm capable of. Kaya huwag na huwag mo 'kong susubukan."

"Alecxandra..." mukhang bigong bigo siya at nanghihina habang nakatingin sa akin. As if he didn't know anymore what he'll do to me.

Nag-iwas ako ng tingin. Kahit iyang reaksiyong pinapakita niya ngayon sa akin ay hirap na akong paniwalaan. I really don't trust him anymore. Ang gusto ko lang ay huwag siyang hayaang maging masaya kay Isobel. For all I know he's just tricking me para hindi na talaga matuloy ang kasal namin and he can finally be with Isobel. I'll do everything para hindi na ako ang kawawa sa pagkakataong ito...

I'll make sure they suffer as long as I'm here... Hindi na ako puwedeng pagmukhaing tanga uli ni Ryder. Kung may muli mang iiyak sa amin ay sila nalang iyon ng babae niya.

Isobel probably know that I'm Ryder's fiancee. Nilabas naman iyon ng media at imposibleng hindi niya alam. Kaya bakit pa siya lumalapit kay Ryder gayong alam naman niyang nandito na ako...

Kaya tama lang na hindi ko sila hahayaang dalawa.

"Saan ka pupunta?" halos sumunod ako sa kaniya nang tinalikuran niya ako at tinungo ang pintuan ng aking condo.

Hindi siya nagsalita.

"Magpapakasal ka sa 'kin, Ryder." I reminded him. I learned that he can be a really good Architect... But he might not be as a businessman... Kaya hindi niya kayang patakbuhin ang malaking kompanya nila nang mag-isa... He needs a good businesswoman like me...

Natigilan siya sandali at nagsalita. Pero hindi na niya ako hinarap. "Pinahatid ko na rito ang dinner natin. You should eat and rest after." aniya.

"Where are you going?"

"I'm not sleeping here tonight. But I won't be with any other woman... Babalik din ako," bago siya nagpatuloy sa pintuan.

He'll come back. That's what he said.

Hindi ko na siya pinigilan at hinayaang umalis ng condo ko...

Naupo ako sa sofa ng aking tahimik na living room...

Unti-unti ay bumuhos pa rin ang mga luha ko... Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang literal na sumasakit ang puso ko... I'm still hurt... And I hope making Ryder and Isobel unhappy... would lessen the hurt I'm feeling...

I sobbed. I cried myself to sleep. Doon na rin ako sa sofa nakatulog. And when I woke up the next day ay wala pa rin si Ryder. Thinking that he might be with Isobel again just made me more angry than I already was.

Kaya naman lalo ko lang pinabilis ang pagpapakasal namin ni Ryder. Ayaw ko na magbago pa ang isip niya at makahanap pa siya ng lusot dito...

The large church double doors opened and I started stepping in the long aisle. I put on a smile as everyone was watching me as I made my way to the altar. Kung saan naghihintay ang aking groom, Ryder Emmet Martinez. I recalled how we first me at his Aunt's island, sa Villa Martinez. It was nice. It was nice to meet a person who's broken and trying to move on, too. Then you came and made him forget about his past and you created new memories together. That lead us to what's happening today, we are marrying each other. Pero hindi iyon ang totoo.

I thought he moved on. He moved on from his ex who have hurt him. Who broke him. I was there. I was there for him. I was there when he needed someone. I was there for him. I tried to fix him... Pero ano pa rin ang nangyari? Nagpakita lang sa kaniya iyong ex niya para na siyang aso na matagal na nawalay sa amo niya at mabilis na nagtatakbo pabalik dito nang muli itong makita.

Pero bakit siya magpapakasal pa rin sa akin? Kahit bumalik naman na sa kaniya si Isobel, ang totoong mahal niya. I doubt if he really did loved me. Or at least even truly cared for me... Dahil nagkita lang sila uli ni Isobel ay nawalan na rin siya ng pakialam sa akin.

This is the truth. He's only marrying me because he has to. And I am marrying him for... revenge.

I've been hurt many times before. Pero nang si Ryder na ang nanakit sa akin, iba. Sobrang sakit. Mas masakit sa lahat ng dinanas kong sakit noon. Pakiramdam ko sa puntong ito ay nawasak na talaga ako. Sobra sobra na na parang hindi ko na rin kayang magpatawad pa o magparaya. Pagod na pagod na akong palaging matalo at maiwan sa huli. I've questioned myself many times, too. Pero ngayon galit at kagustuhang gumanti nalang ang nararamdaman ko.

Tutok lang siya sa akin na naglalakad palapit sa kaniya. Nang malapit na ako ay ngumiti siya. He smiled, a bit. Ngumiti rin ako habang nakatingin din sa kaniya. Pero alam kong alam niya at nakikita niyang may sarcasm na ang ngiti ko. Behind my thin white veil.

I'll have my revenge on you Rye. I'll make sure you suffer the same pain I went through because of you. Because you're an asshole. At hinding hindi na uli ako matatalo sa huli. This time I'll have the last laugh. I'll make sure of it. After all I'm still Alecxandra Ventura. A young and successful businesswoman. Heiress to the wealth of the Venturas. He needs me... Or my family's money to save their company. To save his family...

"Do you take Alecxandra Ventura as your lawful wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish..."

Nakatingin kami ni Ryder sa isa't isa. "I do." sagot naman niya.

"I do." ganoon din ang naging sagot ko.

"I take this ring as a sign of my love and faithfulness..." titig na titig sa akin si Ryder.

Halos mag-iwas naman ako ng tingin.

And when he kissed me, he kissed me deeply, in front of everyone inside the church. Mabilis lang sana ang halik ko sa kaniya, when he held me on my nape and kissed me deeper and longer.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya nang maghiwalay na ang mga labi namin. Ngumiti siya at nakangiting bumaling sa mga dumalo sa kasal namin.

Ilang sandali pa bago na rin ako humarap at ngumiti sa mga taong naroon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top