Chapter Ten
Chapter Ten
Memories
I woke up in a hospital and I cannot recall some of my memories. The doctor said that I have this type of amnesia wherein I am unable to recall events that happened just before my amnesia...
I looked at the man in front of me now. Nakaupo na ako sa aking hospital bed at nandoon siya sa tabi lang ng kama ko at parang nanghihina sa pag-aalala ang mga mata na nakatingin sa akin. He said he's my fiance. Na dapat nga ay kasal na raw kami ngayon. At naantala lang ito dahil sa nangyaring aksidente sa akin.
I don't remember how I got myself into an accident. Ang sabi lang sa akin ay sa isang car accident daw. Which I don't really remember.
Halos kakagising ko lang din.
Bumukas ang pinto ng private room ko at may pumasok na isang may edad na na lalaki. "Dad..." I recognized him.
Bahagya itong natigilan at sa huli ay nagbuntong-hininga. Nilapitan niya rin ang kama ko at may pag-aalalang ngumiti sa akin. Lumapit pa si Daddy at hinagkan ako sa noo. "I'm glad you're fine, hija... I'm so glad you're okay. You had me so worried."
Bahagya akong napangiti sa reaksiyon ni Daddy. Nakakatuwa na ganito siya because growing up I remember how he was always busy with the family business and other things... Kaya nakakatuwa na ramdam ko ngayon ang labis labis na pag-aalala niya sa 'kin.
"Hija! You're awake!" dumating din si Mommy na may luha sa mga mata at niyakap ako nang mahigpit.
"Alessandra," bahagyang saway naman ni Daddy kay Mommy. "Baka madiin mo ang ilang sugat niya..."
Nakangiti lang naman ako sa aking mga magulang.
When Andrea, my best friend, came ay naalala ko rin ito. I remember everything we've been through from the very beginning. But maybe my most recent memories really got affected. Tho I can still remember the last time talked.
Napatingin ako kay Ryder na naroon lang sa tabi at tahimik na pinagmamasdan lang din ako. I remember how we met at the island. I remember coming to Villa Martinez with Andrea. Kahit ang mga kaibigan niyang sina Kaz at Myrrh ay naaalala ko. Sina Russel at Jake, even Myrrh's husband, Paul, ay naalala ko rin. I remember my parents and brother. I remember my life.
Ang tanging hindi ko lamang maalala ay ang mga saktong nangyari before I had my accident...
"Hanggang saan lang ba ang naalala mo?"
"Hmm..." saglit akong nag-isip sa tanong ni Andrea. "I remember being engaged to him..." bahagya kong tinuro si Ryder na mukhang nag-aabang din sa sagot ko. "I remember our engagement party. Na hindi ka pa nga nakapunta!" tunog nagtatampo pa para sa aking kaibigan ang huli kong sinabi.
Andrea chuckled a bit. "And you remember my reason to that, right?"
Tumango naman ako.
I remember it.
Maybe I just couldn't really remember a few days before my accident...
"What really happened..." hindi ko mapigilang magtanong noon kay Ryder nang kaming dalawa nalang ang naiwan sa kuwarto ko sa ospital.
Lumapit siya sa akin. "The doctor said it would be better if we just let you remember your last memories before the accident on your own..."
Nagkatinginan kami. And then he touched my cheek gently. I smiled to him. Tipid at parang pagod din na napangiti si Ryder sa akin.
Hindi ko na pinilit. Kung ano man iyon maybe it's nothing really serious. Siguro ay naaksidente ako galing sa trabaho. Because I remember it wasn't my first time that I got into a vehicular accident, dahil may isang aksidente na rin ako noon na galing nga akong trabaho and I was so tired kaya hindi ako nakapagmaneho nang maayos. Halos tumama ang kotse ko noon sa isang poste nang pilit kong tinabi ang sasakyan ko sa gilid ng daan dahil muntikan na akong bumangga sa isa pang kotse. Pagkatapos ng nangyari ay ilang araw o linggo rin akong may driver dahil ayaw muna ni Daddy na nagdadrive ako lalo na kapag pagod sa trabaho ko sa company namin. Itong aksidente ko lang siguro ngayon ang worst.
"Don't worry anymore about me, okay? I'm fine now." I reassured him with my smile. Halata kasi sa kaniya na mukhang nag-aalala pa rin siya sa kalagayan ko. But seriously I'm healing...
Yumuko siya para maabot ang noo ko at mahagkan. I just smiled.
Hindi ko sigurado kung ilang oras ba bago ako tuluyang nagising. But I think it must be days. I can just imagine how worried Ryder was habang wala pa akong malay. Ang narinig ko ay siya ang nagdala rito sa akin sa hospital. How horrifying must it be for him...
Nakalabas din ako sa hospital. At dahil nga hindi natuloy ang kasal namin sa scheduled date nito dahil sa aksidente ko ay pumili nalang kami ng bagong dates. Kaya lang ay gusto ng parents ni Ryder na mas magpahinga pa raw muna ako at hindi naman kailangang madaliin ang kasal. I also remember Ryder's parents.
Magaang ngumiti sa akin si Tita. She's also glad that I'm just fine. Ngumiti din ako sa kaniya pabalik.
So we decided to go back to the island. Gusto kong balikan ang lugar kung saan kami unang nagkakilala ni Ryder...
"So... we're just marrying for the business?" I can't help it but to ask out my thoughts when we're already here in the island. Kaharap namin ang tahimik at kalmadong dagat sa gabing ito. We were just both seated on the sand watching the perfect view in front of us with the sun setting completely.
Bumaling ako kay Ryder mula sa tanawin at nagkatinginan kami. He was seriously looking at me. Bahagya akong napangiti nang maisip na ganito nga niya ako madalas na titigan. Iyong parang nananantya...
Tumango ako. "I remember I suggested it..." bumaling muli ako sa dagat.
"You did. But I told you I wanted to marry you, too. Kung gusto mong huwag na munang magpakasal at manliligaw nalang muna ako so we can be boyfriend and girlfriend first... Then we'd do that properly."
I smiled as I remember his the same exact words from my memories.
Tumingin muli ako sa kaniya. "We can do that... But I know hinihintay din ng members ng board ang kasal natin. They want assurance." I shrugged.
Alam kong without the assurance of marriage maaring hindi makatulong noon ang company namin sa company din nina Ryder.
"Ayos lang. Alam ko namang doon din tayo papunta... hindi ba?"
Unti-unti siyang tumango sa sinabi ko. Lalo akong ngumiti.
Pagkatapos ay lumapit ako sa kaniya lalo. Nilapit din niya ang mukha niya sa akin. And then we kissed...
Parang may isang alaalang gustong pumasok sa utak ko nang maghalikan kami ni Ryder pero hindi ito tuluyang makapasok. It feels like it's just on the tip of my brain... Pero hindi rin ako sigurado. Hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin.
"I love you, Alecx..." he suddenly said that interrupted my thoughts.
Tumigil din ako sa paghalik at tiningnan siyang mabuti. I don't know if I just forget it or... Pero tingin ko ito ang unang pagkakataon na naghayag siya ng pag-ibig sa akin. Unti-unti lang akong ngumiti hanggang sa lumapad pa ito. I hugged Ryder. Hinigit din niya ako palapit pa lalo sa katawan niya.
I don't think I still have to try to remember my last memories before the accident I had so hard. Kung iisipin ay kaonting nawawalang memorya lang naman iyon. At hindi rin naman ako gaanong apektado sa nangyari sa akin... In fact I feel just really fine. Hindi ko na nga inaalala talaga iyon.
Kumalas kami ni Ryder sa isa't isa at tumitig ako sa guwapo niyang mukha.
They say that our brain may have the capability to erase or remove, hide particular memories...
Nanatili ang tingin ko kay Ryder...
Then what must it be... I wanted to just believe that my accident wasn't really that serious... Kahit pa nakatamo rin ako seryosong mga epekto nito... Or maybe it's what my brain just wanted me to think or believe... to protect me... But protect me from what? Is it something that profound...
Bahagya akong umiling. It's... nothing like that... right? But why do I have this feeling...
"I'm in love with you too... Ryder..." I told him that instead.
Ayaw ko sa mga gumugulo sa utak ko na hindi rin ako sigurado... I'm fine now. And I think that's just what's important.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top