Chapter Seven
Chapter Seven
Hello
Naramdaman ko ang pagbaling sa akin ni Ryder ngunit bumaba na ang tingin ko at nanatili sa aking baso ng inumin.
"I'm sorry, she's drunk," humihingi ng paumanhin sa akin si Myrhh para sa kaibigan.
Tumango lang naman ako to assure her.
Ramdam ko ang halos paninitig na sa akin ni Ryder sa tabi ko. Pero hindi ko na siya binalingan pa.
That night I've decided to go home to my condo alone at pinauwi ko na muna si Ryder sa penthouse niya. We didn't really talk. Iniwasan kong mag-usap pa kami nang gabing 'yon.
Hanggang sa dumating nalang ang araw ng engagement party namin. The venue was huge and nice with its expensive decorations. Sinigurado ko rin na masarap ang mga pagkaing nakahanda roon para sa guests. Overall it was a perfect setup...
"Congratulations, hija..." isang family friend iyon na bineso ko rin. Member din ito ng board.
Isa sila sa mga natuwa nang malamang ikakasal ako sa tagapagmana rin ng malaking kompanya ng mga Martinez. Na solusyunan na rin namin ang mga problema noon ng kompanya nina Ryder. Maayos na ang lahat...
"Thank you, tita." I smiled at her and the other guests, too.
Tinitigan ko ang singsing sa aking daliri na bigay ni Ryder few days ago. It's a large diamond engagement ring. Nagsusumigaw ito ng karangyaan. I expected that it would be a family heirloom? Pero nalaman ko ring hindi at bagong bili ito ni Ryder itong singsing para sa engagement namin.
I wonder if tita did not allow Ryder to give me their heirloom ring? Pero mukhang imposible naman yata iyon... Sa kabila ng narinig ko noon sa usapan nila ni Ryder sa kanilang bahay ay maayos naman ang pakikitungo sa akin ni tita at wala na rin naman na akong narinig na ibang bagay para sa akin mula sa pamilya ni Ryder. Her mother even told me that she's glad to be my mother-in-law.
Wala namang problema...
Bitterness filled my system again when I thought of it. Baka naman naibigay niya na noon ang heirloom ring ng pamilya nila kay... Isobel...
I gritted my teeth.
Now I don't know if should regret all of this... Ako rin naman ang may pakana nito. I suggested this to Ryder thinking that it's all okay. 'Tapos ngayon ako pa ang gustong umatras?
Akala ko kasi ay ayos lang. Na okay na...na mukhang naka moved on na rin naman si Ryder sa ex niya... Naramdaman ko naman na may espesyal na rin siyang pagtingin sa akin...
But what if he took advantage?
He knew that I'm head over heels for him kaya baka pinagsasamantalahan niya ito dahil alam niyang may magagawa ako para matulungan ang hindi tuluyang pagbagsak ng company nila...
Naipilig ko ang ulo sa mga naiisip. Ayaw kong pag-isipan ng masama si Ryder...
"Hey," lumapit siya sa akin.
Pilit ko siyang nginitian.
"This can be tiring lalo at marami tayong imbitado. Are you still good?"
Tumango ako. "I can handle."
Tumango rin si Ryder at bahagya akong hinapit. May lumapit na media at ilang photographers kaya nagpakuha rin kami ni Ryder ng ilang pictures sa kanila.
Wala namang may nagtanong na media ng kung ano tungkol sa nakaraan ni Ryder o sa ex nito. Naisip ko na ring siguro ay pribado iyon at mukhang private naman talaga ang pamilya nina Ryder. Kami lang nina Mommy ang may inimbitang ilang media dahil gusto rin ni Mommy na ma feature ang nalalapit kong kasal at na malagay din sa magazine.
* * *
"Andrea," agad ko siyang niyakap nang nadalaw ko rin siya sa kanilang bahay isang araw.
"Ngayon ko lang nalaman. Sorry, I was really busy these past days-"
"It's okay, Alecx." she assured me.
I sighed. Hindi na kami nakakapag-usap. Kahit iyong engagement ko ay hindi ko na halos naipalam sa kaniya dahil ni hindi ko nga siya ma contact. She just assured me that she's fine through a message at hindi ko na rin pinilit thinking na wala pa talaga siyang panahon sa ibang bagay bukod sa kinakaharap niya ngayon...
"Si... Kristoff... si..." hindi ko halos matuloy tuloy ang sinasabi.
Nalaman ko lang na nakabalik na sa pamilya nila ang older brother ni Andrea and it was so twisted when we learned na si Tisoy na isang staff sa island resort ng Villa Martinez at ang nawala niyang kapatid ay iisa pala!
Tumango siya sa pagkukumpirma pa niyon sa akin at tipid na ngumiti. Nag-aalala naman akong nakatingin sa akin. Muli ay niyakap ko siya.
We spent some time together and I tried to make our topics lighter. Kahit papaano ay bahagya ko namang napatawa si Andrea. And she almost can't believe it that I'm now engaged and to be married to Ryder. Aniya ay hindi naman niya inisip na imposible iyon pero hindi niya lang inasahan na ganito kabilis.
I just smiled at her.
"You really like Ryder?" she asked smiling.
Marahan akong tumango at tipid na ngumiti. I wanted to share to her my thoughts about Ryder but I don't think it was a good timing for it. Kung may kinakaharap na nga na problema ngayon ang kaibigan ko ay dadagdagan ko pa ba ng sarili ko ring problema.
She's my friend, my best friend even, pero hindi lahat ng bagay ay sasabihin ko sa kaniya. I have to weigh our situations first before I tell her things...
"I'm happy for you, Alecx. If you're sure about your decision now. If he makes you happy... Then I am happy for the both of you, Alecx." ani Andrea.
Ngumiti lang muli ako kay Andrea.
Mabilis na lumipas ang mga araw at natapos ang preparations para sa wedding namin ni Ryder. Kahit papaano ay nagustuhan ko ang mga detalye including the bridal gown I will wear on the day. Tumulong din si Mommy at gusto niya rin ang mga ganitong bagay kaya lalo lang napadali ang lahat.
At ilang araw nalang ay ikakasal na kami ni Ryder...
"Where are you?" I asked him through the phone.
Despite my ugly feelings for our relationship the past weeks I still tried to make things for us work. Pilit kong sinasantabi ang mga katanungang namuo sa aking isip at ang mga nararamdaman ko at mas piniling mag-focus nalang sa nalalapit na kasal namin ni Ryder at inisip nalang ang mga mangyayari pagkatapos ng kasal namin. Mabait naman sa akin si Ryder and I can also somehow feel that he really care for me kaya sinabi ko nalang sa sarili ko na ayos lang ito. Na magiging maayos din ang lahat...
"I'm at the... office," he answered.
May nahimigan akong kakaiba sa kaniya. I don't know if it's my girl instinct o sadyang naging mapagduda lang talaga ako kay Ryder...
The past days and weeks we're okay. We're sweet sometimes... at wala naman kaming pinag-aawayan. We continue to have dates whenever we can before the wedding. Kahit papaano ay nakikitaan ko naman ng effort si Ryder kaya akala ko talaga ayos lang... Ayos na...
"Alright,"
Pagkatapos ng konting pag-uusap namin sa phone call ay hindi ako matahimik kaya sinadya ko siyang pinuntahan sa opisina niya nang araw ding iyon at hindi pa nagtatagal mula nang tinawagan ko siya at sinabi niya sa aking nasa opisina niya lang siya.
"Is your boss inside?" I asked his Secretary na agad naman tumayo at kumilos para salubungin ako.
Dalawa ang secretary ni Ryder. Isang babae na mas matanda sa amin at isang lalaki. The woman secretary was there at his office at wala naman ang lalaking sekretarya.
"Uh, Ma'am, umalis po sila ni Sir at Jeff..." tukoy nito sa isa pang secretary.
"Saan?"
"Uh," nangapa ang sekretarya.
Tiningnan ko ito sa mga mata niya and I think I saw her guilt in her eyes...
Kumabog ang dibdib ko. I feel like Ryder was hiding something from me. I feel like he's lying to me...
Kailan pa?
Noong isang araw ko pa napuna sa kaniya na parang may iba sa kaniya...
Nakatingin ako sa secretary. "May nangyari ba rito na hindi ko nalalaman?" I asked her.
Everyone knew that I'm now Ryder's fiancee at malapit na malapit na nga ang kasal namin. Itong mga secretaries ni Ryder ay matagal na ring nagtatrabaho sa kaniya... So maybe they already knew things about their boss including his past relationship...
"Pinuntahan ba siya rito ni Isobel?" it was my very wild guess. Pakiramdam ko pa ay kung ano ano nalang ang naiisip ko.
Pero... Hindi agad nakapagsalita ang secretary... Then maybe am I right? Hindi na rin ito bago sa akin. Memoryado ko na yata kung may problema sa amin ng boyfriend ko o may nag-iba na dahil sa past relationships ko. At sa pinakita at pinaramdam sa akin ni Ryder nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na mapigilan. Pakiramdam ko ay may nangyari...
"Ma'am-"
Tinawag pa ako nito pero tinalikuran ko na ang sekretarya. Tuloy tuloy na ako sa elevator para makaalis.
I will find Ryder. Huwag niya lang kukumpirmahin ang mga naiisip ko...
I called his phone again. Maybe I'll just confront him immediately! Medyo matagal bago niya sinagot. At nang may sumagot na sa tawag ay boses babae iyon.
Tiningnan ko pa ang phone ko at inalis sa tainga para matingnan sa screen kung si Ryder nga ba ang natawagan ko. And yes it was his damn phone number!
"Hello..." anang malambing na boses mula sa kabilang linya.
I checked the time on the small wristwatch I was wearing and saw that it's almost night time. Maggagabi na at may babaeng sumagot sa tawag ko sa phone ni Ryder. Sino ang kasama niya at sa ganitong oras na pa?!
Mabilis na ang pintig ng puso ko at agad naghalo ang sakit at galit sa akin.
"Hello?" ulit nito nang wala akong sinabi.
Wala na yata ako sa sarili nang mas pinili kong ibaba nalang ang tawag. Hindi na rin ako tinawagan ng number ni Ryder.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top