Chapter One
Chapter One
Vacation
"What's wrong, Dex?" sunod ako ng sunod sa kanya dito sa loob ng office niya.
Naglakad na naman siya palapit sa harap ng malaking glass wall ng opisina niya. Kita namin ang mga building din sa labas.
"Dex-"
"Ayoko na, Alecx." he said.
"Huh? Ayaw mo sa ano?" I sounded stupid. I already knew what he meant. Hindi naman na ito bago sa 'kin.
"Let's breakup." diretso niyang sinabi.
Umawang pa rin ang labi ko. Inisip kong nabingi yata ako at mali ang narinig ko sa kanya. "What... Dexter-"
Hinarap niya ako.
Agad bumuhos ang mga luha ko. Inis kong pinalis din agad. "Why- I mean, what's wrong?"
What's wrong with me? Bakit palagi nalang akong iniiwan? Parang cycle nalang. Magmamahal ako 'tapos masasaktan. Ano ba talaga 'yong mali sa akin? I was loyal. I was a good girlfriend. I take care of my boyfriend and his needs. I cook for him. I support him. I was there for him in good times and bad. Ano pa ba ang kulang? Binibigay ko naman na lahat. Nagreresearch pa nga ako minsan kung paano maging perfect girlfriend, e. I think I've done everything pero may kulang pa rin?
"Nothing's wrong, Alecxandra. I just think you're not the girl for me... And I'm not the man for you, too."
Tumango-tango ako. "Okay,"
And then I walked out.
That was a year ago. Naalala ko lang dahil naka-receive ako ng invitation para sa engagement party ng huling ex ko. The girl is a family friend. Pupunta rin yata ang parents ko.
Is this the girl for him? Kasi sabi niya sa akin noon hindi raw ako ang babaeng para sa kanya...
How the hell will you really know if that person is already the one for you? Buti pa si Dexter at mukhang alam niya. Kasi ako hindi ko na alam. Ilang failed relationships na ba ang dumaan sa buhay ko? Hindi ko alam kung bakit parang ang dali lang sa kanila na bitawan ako. Gaya ni Dexter. We'd been together for three years. Hindi naman siya iyong pinakamatagal ko na relationship. May naunang mas tumagal pa. Pero iniwan pa rin nila ako. Dexter told me I wasn't the girl for him after three years of being together. E, itong pakakasalan niya? Nag-isang taon na ba sila? Pero sigurado na siya kasi pakakasalan na nga niya.
Ang alam ko lang ay ibigay ang lahat-lahat sa akin kapag nasa isang relasiyon ako. Pero iniiwan pa rin ako... Am I not worth it? All I did was loving them and then in return they'd hurt me. Siguro may mali nga talaga sa akin. But what is so wrong with loving and giving your all? Isn't it supposed to be that way?
I was so tired of these questions. I was so tired of thinking about what's wrong with me. Kasi siguro ako talaga 'yong may mali kasi ako rin palagi ang iniiwan. Hindi ba talaga ako kamahal mahal? Minahal ba talaga nila ako? Bakit ang dali lang sa kanilang iwan ako...
"Alecxandra,"
My thoughts were cut when I saw my mother entered my office. Ako ang pinakanamamahala sa business namin. Nag-aaral pa lang ako noon ay hinahanda na ako ng parents ko. Ako ang panganay sa dalawang magkapatid at ang layo rin ng agwat namin ng sumunod sa akin. Nasa college pa lang ngayon si Sandro. At ang batang 'yon parang wala talagang balak na tumulong sa akin. Puro waldas lang ang alam gawin. Samantalang sobra ang paghihirap ko sa perang winawaldas niya lang sa mga walang kuwentang bagay. "Mom," salubong ko.
She looks mad. "What did you do?!"
I sighed. I just cut her cards. "Mom, sobra sobra na po ang nagagastos n'yo sa buwan na ito." pareho lang sila ng kapatid ko. "If you continue doing that, we'll go bankrupt-"
"You're overreacting, Alecxandra! Hindi basta bastang ma-b-bankrupt ang mga Ventura."
"Kung patuloy kayo sa pagwawaldas ng pera natin, Mom, it's not impossible na malugi ang business-"
"How dare you, yes, you are the one running the business, pero anak lang pa rin kita! Pinahiya mo ako sa mga amiga ko! I told them na ililibre ko sila sa restaurant na 'yon 'tapos wala na pala akong pambayad." galit talaga siya.
"Yes, Mom, anak n'yo po ako." Nagkatinginan kami. Her lips just parted but she wasn't able to say anything, nakita na rin siguro niya ang emosyon at pagod sa mga mata ko. Sana naman, sana naman ma-realized din niya that I am her daughter... At hindi lang parang isang robot na walang pakiramdam na may silbi lang sa kanila because I'm the one running the family business.
I took my bag and leave her inside my office. Sinalubong pa ako ng secretary ko sa labas. At pagkatapos magbilin ay dumiretso na rin ako sa elevator para makababa na sa basement parking. I received a phone call from my only best friend. Andrea and I have been best friends since we were in highschool. We were classmates at same university din na pinasukan sa college. She went to law school after while I just took my MBA. Habang abala siya sa school ay abala rin ako sa family business. We're both busy with our lives but we still find time to meet and see each other. Although minsan minsan na lang din talaga. "Andrea," I answered the call.
"Alecx... are you free?"
Sa tono pa lang niya alam ko nang mukhang nagkasagutan na naman siguro sila ni Tita. Matagal nang hindi okay si Andrea at ang Mommy niya. Tita Analia kind of blame her daughter for the death of Andrea's older brother years ago. "Why? Yes, I have time now." sagot ko habang sinasara ang pinto ng kotse ko nang makapasok.
"No, I mean, pinayagan ako nina Daddy to have a vacation. Baka lang gusto mong sumama..." she said from the other line.
Nag-isip ako. Medyo marami pang ginagawa sa company but... I'm tired. I was exhausted... of everything. Puwede rin naman si Daddy na muna ang umasikaso sa mga maiiwan ko. He's not that old yet at hindi pa rin naman siya retired. But he would always choose to just be with his other family at gastusin din sa kanila ang kinikita ng company na halos ako din lahat ang nagpapakahirap. "Okay," I answered, a small smile appeared on my lips.
Parang na-excite rin naman si Andrea sa kabilang linya. "I'll see you the next days, Andrea." I said.
"Yes, see you! Take care, Alecx! Love you!" she answered.
"Love you! You, too, take care." and then we ended the call.
I called my father after. "Alecxandra," sagot nito sa tawag ko.
"Dad, I need you for the company."
"What? Why?"
"Please, Dad, I need this break. Mababaliw na ako kung puro na lang kompanya natin ang aatupagin ko. Give me time to rest."
"Alecxandra, alam mo namang malapit na ang anniversary namin ng Tita mo-"
"Lahat ba talaga ng oras mo, Dad, ma-c-consume ng para lang diyan sa paghahanda sa anniversary ninyo?"
He wasn't able to answer. Hindi pa rin sila divorced or annulled ni Mommy. Pero nagkasundo na rin sila. They're only staying married para mapanatili ang pera ng mga pamilya nila na naging isa na rin since they marry. A marriage of convenience. Dad stays with his other family now and Mommy does all her shoppings and travels with her amigas. I doubt kung may pakialam pa ba silang dalawa sa amin ng kapatid ko. Kaya rin ganiyan si Sandro because of our parents. Our parents are both free now since our grandparents died. They're free to do whatever they want. Ako itong parang nakakulong sa responsibility sa pamilya ko. "Please, Daddy..." I sighed. Pagod na talaga ako...
"Okay," Dad answered.
Kahit papaano ay napangiti na ako. At least kahit ito na lang. "Thank you, Dad." I said.
"Enjoy your vacation." he said before ending the call.
Lalo pa akong napangiti. Kahit ganito lang minsan ay kuntento na rin ako. Makaramdam lang ng kahit konting care sa pamilya ko ay okay na rin ako. The next day ay hindi ko rin natiis si Mommy kahit hindi na rin naman niya ako kinukulit. Binalik ko na rin ang cards niya and she can shop and enjoy again with her friends. I love my Mom. I love my family kaya nga ginagawa ko pa rin ang lahat para sa kanila.
Sa airport na lang din kami nagkita ni Andrea. Kulang pa rin ako sa pahinga since I've done all the things needed bago ko iwan muna kay Daddy ang company. Nasabihan ko na rin si Cheska, my secretary. Now I'm free for a while to go on a vacation! Napangiti ako at bahagya na rin kinawayan ang kaibigan nang nakita ko na ito doon. Sa airplane na lang din siguro ako matutulog at magpapahinga ng konti.
"Alecx!" Andrea and I gave each other a hug. 'Tapos tinawag na rin ang flight namin kaya papasok na rin kami sa plane.
We arrived at Villa Martinez, an island resort owned by the Navarros' family friend. Kilala ng parents ni Andrea si Tita Elisabeth Martinez na siyang mismong mayari ng magandang resort na ito. We have reservations at the island's hotel pero pinatuloy din kami ni Tita Elisabeth sa mansion niya. She's a nice woman and she smiles a lot at us. Nakakahawa na rin ang mga ngiti nito. I know that I will enjoy this vacation. Napangiti pa ako.
Napansin ko rin na parang may crush pa yata sa kaibigan ko 'yong isang staff ng resort na ito. Panay tingin din kasi. As if he can't already take his eyes off my best friend. Napangisi na lang din ako. I can't blame the guy. Andrea is really beautiful, too. Puwede na nga rin itong model o kaya artista kung hindi lang din piniling maging lawyer gaya ng parents niya.
"Sorry about that. It's my nephews at pupunta raw sila rito." Tita Elisabeth said nang makabalik na rin siya sa amin after she just answered a phonecall.
And that's when I first met Ryder Martinez...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top