Chapter Fourteen
Chapter Fourteen
Inis
"Are you sure you don't want to have our honeymoon anymore?"
Bumaling ako kay Ryder. "Hindi na nga, 'di ba? I'm fine without it."
Pagkatapos ng kasal ay balik trabaho lang uli kaming dalawa na parang wala lang nangyari. Parang hindi kami mga bagong kasal. We won't honey up anyway kaya bakit pa kami aalis para mag-honeymoon. Mabuti pang ilaan nalang namin lahat ng oras para sa companies.
"Alright... I designed our home, pero hindi pa iyon natatapos. Gusto mo bang lumipat sa penthouse? Mas malaki iyon sa condo mo. Doon nalang muna tayo habang hindi pa natatapos ang bahay na pinapagawa ko para sa 'tin..."
"No. I don't want to live in your penthouse." I firmly said.
Ilang sandali kaming natahimik bago muling nagsalita si Ryder. Sumulyap siya sa akin galing sa pagmamaneho. This is the last time na ihahatid o susunduin niya ako sa trabaho dahil magdadrive na ako uli or I'll have my own driver. Alam kong nag-aalala pa rin sina daddy sa driving ko dahil sa nangyaring aksidente sa akin. So I might just really consider getting a driver for now. "Why- But, okay, if that's what you want..."
"Hindi ako titira sa kung saan mo rin malamang itinira noon si Isobel." I still let my thoughts out. Diretso lang ang tingin ko sa daan sa harap namin.
Medyo malakas na nagbuntong-hininga si Ryder. "You're still talking about her, we're already married, Alecx."
Binalingan ko siya at nakita ang pag-iigting ng panga niya. "Basta ayaw ko doon. You can also sell that. Why are you still keeping it anyway."
Ngayon ay halata nang parang nawawalan na siya ng pasensya sa akin. Bago pa man kami ikasal ay madalas na ang pag-aaway namin dahil hindi na palaging pareho ang desisyon namin sa kompanya man o sa amin. Or I always contradict him. "Fine. Ibebenta ko na iyon." he said.
Bahala ka, Ryder. Wala akong pakialam kung ang aga-aga pa ay sinira ko na ang mood mo. You deserve it anyway. Kulang pa nga ito.
"Kung napipilitan ka lang namang ibenta iyon ay huwag na, Ryder, at baka pa masama sa loob mo at nandoon ang memories ninyo ni Isobel-"
"Will you please stop talking about her? Stop including her in our every conversation when it's already clear that other people's out of this! This is just about us, Alecxandra. Stop it." halos inis na niya talagang baling sa akin. Kung hindi lang siya nagmamaneho ay kanina pa niya ako paniguradong hinarap.
Tumahimik na rin ako. Whatever, Ryder. Bahala kang mastress sa mga pinagsasabi ko sa 'yo. Affected much? Bakit? Dahil talaga namang apektadong apektado ka kapag si Isobel ang pinag-uusapan.
Umirap ako sa bintana ng sasakyan niya.
Mabuti nalang at bago naman itong sasakyan niya at baka ipabenta ko na rin at baka pa nakasakay na rin dito si Isobel...
Binuksan ko lang ang pinto ng kotse niya at lumabas na nang walang paalam matapos niya akong ihatid sa company building namin. Batid kong gusto niya pa akong tawagin o may sasabihin pa pero pinili nalang niyang umalis na rin patungo sa kaniyang trabaho.
So we stayed in my condo habang hindi pa nga natatapos iyong bahay na pinapagawa niya after our wedding. Hindi ko nga alam na may pinagawa pala siyang bahay para sa amin. At gaya ng sabi niya ay siya pa mismo ang nag-design noon? Whatever, Ryder. Do what you want. Tandaan mo lang ang mga banta ko sa 'yo. Huwag na huwag kang gagawa ng bagay na hindi ayon sa akin. Hinding hindi na ako makakapayag na masaktan mo pang muli. Kung may gagawin ka man I'll make sure na alam ko ang lahat ng kilos mo.
"Alecxandra?"
Ngumiti ako kay Dexter Acosta nang magkita kami. Tingnan mo na naman. Dexter's my ex boyfriend. Iyong huling naging ex ko na iniwan ako para magpakasal sa isang babaeng hindi ko rin sigurado kung noon niya lang ba talaga nakilala. Ang alam ko lang ni hindi pa talagang nag-iisang taon simula noong nagkahiwalay kami noon ay nalaman kong magpapakasal na siya. And guess who's the girl? Isobel Acosta.
"Hindi ko inaasahan na pauunlakan mo," aniya.
Tumango ako na may ngiti pa rin sa mga labi. "Oo naman, Dex. Interested din ang company namin sa offer ng company ninyo." ngiti ko.
"Thank goodness!" he chuckled a bit. "Akala ko ay wala kaming pag-asa dahil tinanggihan mo na noon ang ilang projects sana na puwedeng magsama ang mga companies natin,"
Umiling ako, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko. "I'm sorry 'bout that, Dex... You can say that I was still bitter then from our breakup." I chuckled. "But of course, wala na iyon. I've moved on. At sigurado akong ikaw din lalo na..." I shrugged my shoulders a bit.
Natahimik siya. Nawala rin ang ngiti sa labi niya. "To be honest... I regret ending our relationship then, Alecx." tumingin siya sa akin.
Medyo nagulat pa rin ako sa inamin niya. Hindi ko ito inasahan. When we broke up years ago wala na rin akong nagawa dahil kita kong ayaw na talaga niya. And then almost a year after that I heard na magpapakasal na siya. Hindi ko pa lang talaga alam noon na si Isobel iyon. Or I didn't yet know then Isobel's connection to Ryder.
"Maybe this is what I got for hurting you..." he added.
Nakatingin ako kay Dexter. Mukhang nagsisi nga siya sa ginawang pag-iwan sa akin noon. I think it's also good for me to know na kahit papaano ay pinagsisihan din niyang nasaktan niya ako noon. Hindi lahat ng nakapanakit sa akin ay nanghingi rin ng kapatawaran sa akin...
He shook his head. "I'm sorry. I know we should only talk about business here,"
Maagap ko naman siyang inilingan. "No! I mean, it's okay, Dexter... Ano ba ang nangyari sa 'yo... Well! Only if you're comfortable enough to share..."
Nagkatinginan kami. And then he heaved a sigh. "My wife,"
"Isobel? I'm sorry I've heard from some news..."
He nodded as a confirmation. I breathed slowly.
"Isobel was my ex-girlfriend in college. We broke up because she cheated on me with someone else. After years... we met again..." ngayon ay mukhang nahihiya na siyang tumingin sa akin. I get it immediately. Maybe when they met again iyon din ang mga panahong ako na ang girlfriend niya noon. And then he eventually broke up with me... He sighed. "I chose her... you know..." bigong aniya. "We got married... but not long enough I noticed that she's not over her ex yet--iyong pinalit niya rin sa akin noong college kami. Nagsimula kaming magkalabuan..."
"How's your relationship right now?"
Base sa mga nalaman ko ay hindi pa talagang legal na magkahiwalay na sila ni Isobel...
"Malabo na, Alecxandra..." Dexter answered.
I sighed slowly and tried to rest my back a little more on the restaurant's chair backrest.
"How about you... You married Ryder Martinez?"
I'm sure he knows Ryder from Isobel.
I nodded.
"How's it..."
I shrugged. "We married for our companies." I boldly said.
Bahagyang pang nanlaki ang mga mata ni Dexter. "Seriously?"
"Yeah." I shrugged.
Umiling-iling si Dexter. "Tingnan mo nga naman... What if we are the ones who got married instead? At hinayaan nalang natin silang dalawa ni Isobel..."
Hinayaan ko si Dexter sa iniisip niya. I wasn't really thinking about it.
Kalaunan ay nag-usap na rin kami tungkol sa business. Ako na rin ang nag-iba sa usapan dahil mukhang natuluyan na sa pagbabalik tanaw sa nakaraan namin si Dexter.
After the meeting ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Hindi ko lang inasahan na pagkalabas ko pa lang sa restaurant na pinagkitaan namin ni Dexter ay naroon na si Ryder na agad akong hinila paalis.
"Ryder- What are you doing... Ano ba!" marahas kong binawi ang kamay ko sa kaniya.
"Get in." binuksan niya ang pinto ng kaniyang kotse.
"I have a car, Ryder." At kasama ko rin ang driver.
"Ako na ang bahalang kumausap sa driver mo. Right now just please get in my car."
Dahil wala akong ganang makipagtalo sa kaniya ngayon ay sumunod nalang muna ako. Umikot na rin siya at pumasok sa driver seat. "What did you do?"
"What?"
"Nakipagkita ka sa taong 'yon?"
"It's business."
"Huwag na tayong maglokohan, Alecxandra. Alam ko ang motibo mo kung bakit ka pa nakipagkita kay Dexter Acosta."
"Then what is it, Ryder? Sabihin mo." hamon ko.
His jaw tightened. "Dexter Acosta is Isobel's husband."
"So? We met for business, Ryder. Puwede ba, hindi lahat nalang ay tungkol lang sa inyo ni Isobel."
"That's not the point, Alecxandra! That man is dangerous!"
Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. I know sarcasm's always written on my face kapag kami ang magkaharap. "Oh? How so? Ganoon mo ba kakilala si Dexter Acosta... o baka naman sinabi lang sa 'yo ni Isobel ang masasamang bagay tungkol sa kaniya."
"Just listen to me-"
"Kilala ko rin si Dexter, Ryder. In fact, he's also my ex. Kaya alam kong mabuti pa rin siyang tao. Unlike siguro sa kung ano anong sumbong sa 'yo ni Isobel. Gusto niya lang makipaghiwalay sa asawa niya kung ano ano pa ang dinadahilan niyang paninira sa tao-"
"Hindi mo rin kilala si Isobel, Alecx!" frustration was written on his face.
Natigilan ako at umirap nalang. Fine, Ryder. Dahil mukhang ikaw lang ang talagang nakakakilala kay Isobel, huh.
And then he sighed, as if trying to calm himself down. "I'm sorry..." Siguro ay sa bahagyang pagtataas niya ng boses. "Ayaw ko lang na mapahamak ka... And... he's you're ex?"
Umirap ako.
"Alecx... don't believe everything that man tells you."
"Whatever, Ryder. Can you just please drive already nang makabalik na ako sa office?"
Sumunod naman siya.
I sighed.
"What business is it? Can I come next time? May susunod pa ba kayong meeting? Bakit hindi nalang sa office gawin at sa labas pa."
Inis ko lang siyang binalingan at hindi na nagsalita pa. I chose to stay silent the whole ride to the office. Hindi ko alam kung bakit... I mean inis naman na talaga ako kay Ryder dahil sa ginawa niya sa akin, angry even. But these past days parang lalo lang akong nagagalit o naiinis sa kaniya. Even his voice irritates me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top