Chapter Four
Chapter Four
Meet
Ryder was amazing. Hindi ko alam kung bakit pinakawalan pa siya at sinaktan lang ng babaeng minahal niya noon... But I didn't really know the whole truth, do I? And I wasn't there so...
Hinatid na ako ni Ryder sa kuwarto ko na isang guestroom dito sa mansyon ng tita nila ni Russel. Pagkatapos ng konti pang halikan ay nagpasya siyang pakawalan na ako. Tinawanan ko pa nga siya habang binabalik na ako sa kuwarto ko naman. I just really find his reactions amusing sometimes, or most of the times.
"Goodnight, Ryder..."
He looked at me in the eyes. He's looking serious while I was just smiling. "Goodnight..." he gently said.
After he left my door ay naghanda na rin ako sa pagtulog. The next day I had a good time with Ryder again. Kami na ang palaging magkasama sa isla. And we enjoy each other's company.
Kaya naman nang madatnan kong ganoon si Andrea, pakiramdam ko nagkulang ako bilang kaibigan niya. I was so engrossed with Ryder that I feel like I failed to notice other things for my best friend. Ang iniisip ko lang na gaya ko nageenjoy lang din siya. Ang hindi ko alam ay nagkaproblema na pala siya...
"What's happening?"
Naabutan ko nalang siyang parang nagmamadaling nag iimpake na ng mga gamit niya.
"Bumalik na tayo ng Manila, Alecx."
"What?" Hindi ko inasahan 'yon.
Tumigil siya at nag-angat ng tingin sa akin. I was looking at her and I noticed na parang wala siya halos sa sarili niya... Pagkatapos ay suminghap siya. "I'm sorry. Puwede ka namang magpa-iwan dito. I know Tita won't mind, she likes you. Kailangan ko na talagang umalis. Sorry, Alecx."
Nilapitan ko na agad siya. "Are you okay?" I asked her worriedly.
I knew then that it was something serious.
She nodded, but I shook my head. I knew she's not okay. She's obviously not okay!
"No, you're not okay. Pero sige hindi na muna kita pipilitin kung ayaw mo pa magsabi. Magliligpit na rin ako ng gamit ko."
"Thank you, Alecx..."
Lumabas na ako para makapag-impake na rin.
"You're leaving?" pinuntahan ako ni Ryder sa kuwarto.
Binalingan ko siya. "Ah, oo. Si Andrea kasi..." I zipped my luggage after I finished packing my clothes and things.
Batid kong tumango si Ryder na nakatingin sa akin. "Yeah, nakita ko nga siyang nagpapaalam kay tita."
Lumapit siya sa akin. Hinarap ko na siya at nginitian. "So... we'll go now... Biglaan," ngumiti ako kay Ryder na seryoso na namang nakatingin sa akin.
He nodded. "You two take care, you and Andrea. Siguro ay babalik na rin ako sa Manila... so... we'll see each other..."
Ngumisi ako nang malapad sa konting uneasiness na nakita ko kay Ryder habang nagsasalita siya. He sighed, medyo suplado. Bahagya naman akong natawa sa hitsura niya at tumango niya. "Yeah, we'll see each other again... in Manila." I assured him.
Tumango siya. "I have..." bahagya pa siyang natitigilan. "I have your contact number so..."
Tumango na rin ako, nangingisi sa pagkakatuwa. "We'll contact each other..." ako na ang nagtuloy sa halatang gusto niyang sabihin.
He nodded again for the last time bago niya nilapitan at kinuha ang luggage ko at siya na ang nagdala noon palabas sa sasakyan nina Tita Elisabeth.
"Take care," ani Ryder nang papasok na ako sa sasakyan. Nasa loob na ng sasakyan si Andrea naghihintay sa akin habang hindi na yata matapos tapos pa ang pagpapaalam namin ni Ryder sa isa't isa.
I smiled. "I will miss you." sinabi ko na.
He was looking at me. And then he sighed. "I will..." bahagya pa siyang lumunok nang isang beses bago nagpatuloy. "I'll miss you, too..." aniya.
Lalong lumapad ang ngiti ko. At hindi ko na napigilang yakapin siya. Slowly his arms crawled to hug me back. I smiled contentedly at sandali pang pinikit ang mga mata habang nasa loob ng yakap niya.
And after that we finally said our last goodbyes to each other. Magkikita pa rin naman kami sa Manila. And I can't wait to see him again! In another place and in a different setting! Sure I'll be busy again with work once I'm back but I'll surely make a way for us to meet. At alam kong may trabaho rin siya pagbalik ng city. So we'll just make a way...
I smiled at him for the last time and finally went inside the waiting car. Binaba ko pa ang salamin ng sasakyan para makawayan ko pa si Ryder habang paalis na kami. He just stood there watching the car go...
I hugged Andrea nang makarating na kami ng Manila. "I'm here, Andrea." I reminded her before we parted to go home to our own houses. I want to remind her that I'm just here for her no matter what happens...
Nag-aalala rin ako sa kaniya but I won't force her to talk kung ayaw pa niyang magsalita sa nangyari sa kaniya o sa nararamdaman niya. I know that when she's comfortable enough to share that's the time when she'll be ready to talk.
Muli naming niyakap ang isa't isa bago kami tuluyang naghiwalay nang araw na iyon.
Hindi agad kami nakapagkita ni Ryder dahil parehong naging abala sa mga trabaho namin. Gaya namin ay may family business din sina Ryder. Nakuntento nalang muna kami sa ilang messages at tawag sa isa't isa. I was occupied with our company na lalo pa yatang lumalago sa mga nagdadaang taon. Dad and the board said it's all because of my leadership. And it just pushed me more na pagbutihan pa ang ginagawa ko para sa company namin. Kung iisipin ay magbubunga ngang talaga itong mga paghihirap ko sa kompanya dahil mamanahin din naman ito ng magiging anak ko in the future...
I don't know when I exactly thought of this seriously. Siguro simula noong napag-usapan namin ni Ryder ang tungkol sa pagpapakasal noong sa wedding nina Myrrh. Am I already seeing a future with Ryder? Ngumisi nalang ako. Maybe... We're already both of age for marriage, too...
"Hi!" masaya kong salubong kay Ryder.
Sa wakas ay nakapagkita na rin kami after our busy weeks and schedules. Napangiti rin si Ryder nang makita ako. Sinalubong niya ako ng hawak sa maliit kong baywang at giniya na sa elevator para makaakyat na kami sa pina reserved niyang restaurant para sa dinner namin ngayon. This must be our first date!
"Are you okay?" nag-alala kong tanong sa kaniya nang iwan na kami ng usher sa table namin at napansin kong parang may problema si Ryder.
He also has dark circles on his eyes. Parang hindi siya nakakatulog nang maayos sa hitsura niya ngayon. I was a bit reminded by his looks when we first met at the island. He's still undeniably gorgeous at that time but with his a bit messy and long hair and stubbles, mukhang hindi rin siya ayos noon. And I understood because he just came from a breakup at that time. Right now I don't know his problem...
"May problema ba, Rye?" I asked him worriedly.
He tried to smile but I can still see through him. He tried to mask his obvious tiredness with his gorgeous smile pero kita ko pa rin ang pagod niya. He shook his head when he noticed my curious and serious eyes looking at him. Nananantya ang tingin ko sa kaniya.
Maayos naman siya sa mga napadalas na pagtawag namin sa isa't isa kapag nakakawala lang sa mga meetings sa trabaho. Pero ngayong nagkita na kami ay kitang kita ko na hindi siya okay.
"You can tell me what's wrong, Ryder..." I was really worried.
Umiling siya. "I'm sorry. Nothing's wrong, Alecx... just work," aniya.
Tumango ako. "May problema ba sa trabaho? Sa company ninyo?"
Alam ko dahil kapag may problema rin ako sa company namin ay nahihirapan din ako lalo na at iniisip ko ang mga empleyado ng kompanya at ang mga pamilya nilang magugutom kapag bumagsak kami.
Umiling lang muli si Ryder. "I'm just probably tired from the office... and lack of sleep." he gave me a reassuring smile. "I'm really sorry. Promise next time mas maayos na ang hitsura ko sa dates natin."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya at kumalma na. I believed him that he must be just tired from his work. Ganoon din naman ako lalo at pareho kaming may mga kompanyang pinapalakad. Hindi rin talaga madali ang ginawa namin.
At tinupad nga ni Ryder ang pangako niyang mas maayos na siya sa sumunod naming date. Kung hulog na ako sa kaguwapuhan ni Ryder mas lalo lang yata ngayon. He cleaned up so well. He looked so fine na nakapagpagupit na siya ng buhok niya ngayon. I will miss his man buns but his clean cut right now almost took my breath away. Malinis din lalo ang mukha niya na naka clean shaved din.
He smiled when he saw my smile. "I missed you." salubong niya sa akin at agad akong hinapit sa baywang palapit sa katawan niya.
"Ang guwapo mo lalo." I told him honestly.
He smiled handsomely. Oh God... "I'm just trying to match your gorgeousness." aniya.
Aba! Lumalaban, ah. I smirked.
Giniya na niya akong muli sa naka reserved na table namin sa isa na namang five star hotel restaurant.
Ganoon ang mga naging dates namin sa mga nagdaang linggo. Puro dinner after work. Pero kontento na rin kami pareho ni Ryder. We're both busy with our companies so we understand each other very well.
"Good job, hija." bati sa akin ni Daddy para sa isa na naman naming closed deal para sa bagong project ng company.
I smiled at my dad. "Thanks, Dad."
Nakangiti rin si daddy sa akin at mukha talagang proud. At masaya na ako sa ganitong atensyon na mayroon siya para sa akin. Although I would want to give more than this kind of attention to my future child...
And while our company was doing very well, doon ko naman nalaman na pabagsak ang business ng family nina Ryder...
"Maybe Russel can help?" I asked, trying to help Ryder with his problems in their company.
Umiling si Ryder. Mukhang hindi rin maaasahan ang pinsan niya ngayon dahil mukhang naging brokenhearted na rin...
Delikado rin palang ma brokenhearted ang mag pinsan na 'to dahil parang nagiging katapusan na ng mundo para sa kanila.
While I on the other hand still had to work then even with my heart broken dahil magugutom ang pamilya ng mga employees namin.
He can't deny it anymore to me na may problema nga siya dahil kahit sa news ay nakita ko na ang masamang balita tungkol sa kanilang kompanya. Nagkamali ang kaniyang daddy sa mga taong pinagkatiwalaan. Nag fail ang maraming projects ng kanilang company.
Ganoon talaga ang business at talagang hindi mo pwedeng pabayaan. Lalo minsan isang maling galaw lang ay malaki na ang epekto sa buong kompanya at sa mga empleyado nito.
"Kasalanan ko rin. Dapat ay retired na si Daddy pero naging pabaya pa ako." Ryder blamed himself. Naiintindihan ko ang sinasabi niya. Before he went to the island to finally take a vacation sa pamimilit na rin sa kaniya ng pinsang si Russel at mga kaibigan nila ay naging pabaya na siya dahil sa ex girlfriend niya...
"Stop blaming yourself, Ryder. Nangyari na naman na. Ang mabuting gawin ngayon ay maghanap tayo ng paraan." ilang sandali akong nag-isip. "Maybe our company can help..." I said after a while.
Nagkatinginan kami ni Ryder.
I should talk to my dad about this.
Parehong real estate company ang mayroon ang mga pamilya namin ni Ryder. At sa totoo lang ay rival company pa nga namin sila. I remember what my father told me before. Noong hindi pa kami ang nagunguna sa ganitong business at minsan ay pabiro siyang nagsasabi na puwede niya akong ipakasal sa anak ng rival companies namin so that instead na karibal ay makikiisa nalang sa amin. Alam kong nagbibiro lang siya noon pero alam ko rin na puwede niya rin iyong seryosohin...
I sighed.
"Don't worry about me. Hahanapan ko ito ng paraan." Ryder assured me.
Pero kung may magagawa rin naman ako para tulungan siya... Bakit hindi?
"Would you like to meet my Dad?" bigla ko nalang naitanong sa kaniya iyon.
Nagkatinginan kami.
I gave him a small smile. And then I sighed again a little. I also reminded myself that this is serious, too. Na hindi ito basta at hindi rin biro...
Nakatingin ako kay Ryder na parang nananantiya rin ang tingin sa akin. And of course I won't force him kung ayaw niya.
Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top