Chapter Five
Chapter Five
More
"Are you sure about this?" Ryder asked me.
I turned to him. "Are you?" balik tanong ko naman sa kanya.
He seemed a little nervous. Maybe because he's meeting my father. Hindi naman strict si Daddy. At tingin ko nga ay matutuwa pa iyon...
Umiling siya. "It's not like that, Alecx... Of course I would want to marry you, too..."
Napangiti ako sa sinabi niya. Alam kong halos biglaan ang lahat ng ito pero seryoso naman kami pareho ni Ryder. We're both aware that this is something serious, too. Na hindi madali ang pag-aasawa but we'll both compromise--these are even his exact words when we finally decided...
"Pero sigurado ka bang hindi ka nabibilisan? I'm just thinking about you. You know... I can court you first and then become boyfriend and girlfriend for a while before we eventually get married..." he tried to explain it to me.
Ngumisi ako. "It's okay, Ryder. Ganoon pa rin naman iyon, hmm... Siguro mapapaaga lang?" I smiled to him.
He sighed but then end up smiling, too.
"Anyway I think I can still court you even if we're already husband and wife..." he even added more.
I don't know if he's just trying to be sweet or his words just naturally comes out of his sexy mouth. Nevertheless I loved everything he says.
I took Ryder's hand and held it when we're about to see my dad. Nasabihan ko na si Daddy and we're meeting in this restaurant for dinner.
"Architect!" agad na natutuwang salubong at bati ni Daddy kay Ryder.
I was also in awe when I learned that Ryder's actually an architect. At mostly sa mga napatayong buildings ng company nila ay designs rin niya. His family's business is about real estate and even constructions. His father is even a well known Architect and Engineer at the same time. They're actually bigger than us. Kaya sayang naman talaga kung babagsak lang ang kompanya nila na matagal nang pinagpasahan ng mga lolo niya. At alam ni Daddy iyon. At ganoon nga rin ang pananaw niya.
"Dad," I kissed his cheek.
"Good evening, Sir." magalang at pormal na bati ni Ryder sa kay Daddy.
Nakangiti si daddy sa amin. Naupo na rin kami para sa pagkain. This is even dad's favorite restaurant. Kahit ako ay gusto rin ang mga pagkain dito. My father really also prepared for this meeting. Ibig sabihin lang ay mahalaga rin ito para sa kaniya.
"I didn't know that you actually know each other?" si dad.
Nagkatinginan kami ni Ryder at ngumiti nalang.
Ang alam ni Dad ay boyfriend ko si Ryder at na may plano na rin kaming magpakasal. When I mentioned Architect Ryder Martinez to him nasabi rin niya ang opinyon tungkol sa maaring paglubog ng business ng mga Martinez. Kilala sila ni Dad dahil nga related lang din ang family business namin. Walang problema si Daddy kung may malaki mang problemang kinakaharap ang kompanya nina Ryder. He said magagawan pa ito ng paraan lalo at magpapakasal pa kami.
Hindi na namin sinabi ni Ryder na halos kakakilala pa lang namin sa isla. Hindi naman lahat ng naging boyfriend ko ay naipakilala ko kay Dad. He's only aware that I had my relationships, too. Hindi lang din siguro siya ganoon ka interested noon sa exes ko unlike how real interested he is now with Ryder.
"Kilala ko ang Papa mo, hijo. Nagkaroon na rin kami ng meeting noon dahil sa business. Kumusta na siya? At alam na rin ba niya itong plano n'yo? And when are we having your formal engagement party para maipalam na rin sa lahat." Daddy seemed excited.
Alam kong madali naming magagawan ng paraan ang problema ng kompanya nina Ryder at mapigilan itong huwag nang bumagsak. Surely iyon din ang iniisip ni Daddy. We have the means to help their company and in return, in the future kami pa rin naman ang magbebenefit dito. My father is really a businessman that he is.
"Maayos naman po si Papa, Sir. And yes, alam na rin niya ang planong pagpapakasal namin ni Alecx..." bumaling sa 'kin si Ryder at nagkatinginan kami muli.
I just gave him a reassuring smile bago ako bumaling kay Daddy.
"We'll have the engagement party as soon as possible, Dad," sabi ko.
"Tama lang iyan, hija. Parehong nasa edad na rin naman kayo para sa pag-aasawa. Wala nang dahilan para magbagal pa." ani Daddy.
Pareho lang kaming tumango ni Ryder.
The topic was eventually mixed with other topics like our food. Overall we had a good meeting with my father.
"Tell your Mom that we'll have a formal meeting with Ryder's family before the proper engagement." bilin pa sa akin ni Daddy.
Tumango ako. "I will, Dad. I'll also call Sandro para malaman niya at ma free niya ang time niya."
Dad shook his head a bit by the mention of my brother. "Iyang kapatid mo, ano ba ang mga pinagkakaabalahan ni Alessandro?"
Umiling lang ako kay Daddy. "Probably just his studies, Dad..."
Dad sighed. "I hope hindi na siya nagrerebelde gaya noong huli..." makahulugang sinabi ni Daddy at umiling din siya dahil sa kapatid ko.
Nagkatinginan kami ni Ryder.
Noong huli kasi ay nasangkot si Sandro sa illegal car racing at wala pa siyang driver's license. Sa presinto nalang namin nasundo at hindi natuwa si Daddy doon. Ang kapatid ko naman ay parang wala lang pakialam sa reaksyon ng Daddy namin sa ginagawa niya...
"You have a brother?" tanong sa akin ni Ryder nang kaming dalawa nalang.
Papunta na kami sa mga sasakyan namin pagkatapos ng dinner namin kasama si Dad.
I turned to him. "Oo... younger brother ko. Bata pa at nag-aaral sa college kaya medyo... hindi pa sila nagkakasundo minsan ni Dad." I said.
Tumango si Ryder. "I'd like to meet him."
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "You will. Siguradong nandoon naman ang kapatid ko sa engagement natin, and even sa formal dinner na sinasabi ni Daddy." I assured him. Hindi pa naman sigurado masyadong abala si Sandro ngayon at medyo malayo pa naman ang exams niya sa school.
"Pupunta tayo sa bahay ng parents mo bukas?" I reminded him.
Tumango si Ryder. "Yes..."
Tumango ako at ngumiti na sa mga napagkasunduan namin.
So the next day I prepared myself for meeting Ryder's parents. He's an only child at si Russel na ang maituturing niyang parang kapatid na rin at pareho rin silang nag-iisang anak.
I made sure that I look fine and I wore appropriate outfit and just some light make up to be presentable enough in front of Ryder's parents.
Nang makarating kami sa malaking bahay nila--modern mansion type, sa isang village sa Makati ay nakaramdam ako ng konting kaba. Hindi ko naman na first time na maipakilala sa parents ng boyfriend ko. Nagawa ko na rin noon sa ilang ex ko. But I still can't help it because Ryder's parents opinion of me would matter the most. Lalo pa at magiging mag-asawa na kami ni Ryder...
Hinawakan ni Ryder ang kamay ko papasok sa malaking bahay nila. Siguro kasing laki rin ng bahay namin or maybe this one's even bigger.
"Ryder," unang nagsalita ang Daddy ni Ryder. Agad din kaming sinalubong ng Mama at Papa niya.
Pormal si Mr. Martinez ngunit nang ngumiti ito sa akin ay agad din namang gumaan ang loob ko. At akala ko pa noong una ay medyo may pagka istrikta si Mrs. Martinez lalo na nang bahagya ako nitong pinasahan ng tingin. But when she smiled beautifully ay parang nakagaanan ko na rin ng loob.
"Dumeretso na tayo sa dining at handa na ang pagkain." anang Mama ni Ryder na nagpatiuna na.
Lunch naman itong meeting namin sa parents ni Ryder at sa bahay lang nila.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong purihin ang mga pagkaing nakahanda para sa amin. Hindi lang dahil sa ang Mama ni Ryder pa ang ang mismong naghanda at nagluto ng mga iyon kung 'di dahil nagustuhan ko rin talaga. Masarap pa rin talaga ang lutong bahay. Si Mommy kasi ay hindi naman nagluluto iyon.
"I'm glad na nagustuhan mo ang luto ko, hija." Ryder's Mom smiled at me. "Paborito rin ni Ryder ang luto ko. Marunong ka bang magluto, hija?" natanong nito.
Agad naman akong ginapangan ng hiya sa tanong nito. And Ryder was just fast to save my ass.
Minsan na rin kasi naming napag-uusapan nitong nagpaplano na nga kami sa pagpapakasal. I told him that I don't cook. And he said it's okay at pwede naman kaming kumuha ng helper para sa magiging bahay namin.
"She's busy with their family business, Mama." Ryder answered his mother.
"Oh," mula sa anak ay bumaling muli sa akin ang Mama ni Ryder.
"Nagiging abala din po kasi sa trabaho, kaya... Uh, nawawalan din po ako ng sapat na panahon para matuto..." I'm not even sure if my choice of words are just right and enough to explain myself in front of Ryder's Mom.
Ngumiti lang naman ito sa akin. "Mukhang abala ka nga talaga, hija, at sa 'yo pinapahawak ang company ninyo... But well that's not a problem. Natututunan naman ang pagluluto kung magkakaroon ka na ng panahon, and you can ask me to teach you, too. I'll be very willing. Magiging bond na rin natin iyon. Well, iyon ay kung gugustuhin mo lang naman, hija?"
Maagap akong tumango sa Mama ni Ryder. "Opo! Of course! I'd be..." kinalma ko ang sarili. "glad to learn cooking from you, tita..." I smiled.
Tumango ang Mama ni Ryder at mukhang natuwa rin naman sa sagot ko.
I quietly sighed.
Natapos din ang lunch meeting na iyon with Ryder's parents na naging mabuti rin naman sa akin. Pagkatapos noon ay sunudsunod na ang naging mga pangyayari. Sumunod nga doon ang formal family meeting na sinabi ni Daddy.
We were all present in the prepared dinner. Nag-effort din si Mommy na asikasuhin iyon kaya natuwa rin ako. Si Daddy, Mommy, Sandro at ako. Parang ngayon lang din muli kami nakumpleto. And Ryder's with both his parents. Naging maayos naman ang pagkikita ng dalawang pamilya.
"Are you sure about this, hijo?"
Hindi ko sinasadya iyon pero narinig ko ang pag-uusap ni Ryder at ng Mama niya. Nasa bahay muli nila kami dahil nagkaroon pa muna ng birthday celebration ang Mama niya nang araw na iyon bago pa ang tinakda naming formal engagement party para sa amin ni Ryder. Simpleng lunch lang uli iyon sa bahay nila sa Forbes Park.
Kakatapos lang naming kumain when Ryder's Dad need to answer a phone call and I also excused myself for the washroom. Naiwan si Ryder at ang Mommy niya. At nang makabalik nga ako ay iyong usapan nila ang naabutan ko...
"Kailan lang ba kayo nagkakilala sa isla?" patuloy ni tita...
May naramdaman ako sa kalooban ko kaya hindi ko magawang hindi magpatuloy sa pakikinig sa kanila. I know that eavesdropping can be bad but I just can't help it...
"I'm sure about this, Mama." sagot ni Ryder sa Mama niya.
Bumuntong hininga naman ito bago muling nagsalita. "Alecxandra is surely a good woman... I can also see that. But, hijo... Sana kung hindi ko lang alam at nakita kung gaano mo kamahal si Isobel at ano ang mga bagay na kaya mong gawin para lang sa kaniya... ay agad akong maniniwala na sa konting panahon pa lamang ninyong pagkakakilala ni Alecx ay agad nang nahulog ang loob mo sa kaniya..." Ryder's mother said in a voice that's full of worry and concern.
"I'm sure about Alecx, Mama, and our relationship... You have nothing to worry about. " I heard Ryder assuring his mother.
Hindi na yata nawala sa isipan ko ang narinig kong usapan nilang iyon. And... Isobel. That's probably the name of Ryder's ex girlfriend...
"Hey," tawag ni Ryder sa atensyon ko.
I turned to him. We were inside his car at hinatid na niya ako sa tinutuluyan ko. I still live with my Mom and my brother in our home but most of the times lalo na kapag may trabaho ako ay dito na ako umuuwi sa condo ko sa isa rin sa mga condominium towers na pagmamay-ari namin. Mas malapit kasi ito sa company building namin.
Napuna niya siguro na parang kanina pa ako tahimik galing sa kanila.
"Gusto mo bang sumama muna sa akin sa taas?" pag-aaya ko sa kaniya.
Nagkatinginan kami. And then he slowly nodded. I smiled a bit and held his hand pagkatapos niya lang lumabas din sa kotse niya at tinungo na namin ang lift para makarating sa unit ko.
Binuksan ko ang ilang ilaw ng condo nang makapasok kami ni Ryder doon. My condo's not as big as his owned penthouse in one of their towers, too. Sakto lang itong unit na pinili ko para naman sa sarili ko. It has a spacious living room and then kitchen. At nasa second floor na ang ilang rooms.
"We can order pizza, maybe? If you're hungry?" baling ko sa kaniya.
"Are you hungry?" tanong naman niya sa 'kin na kinangiti ko nalang.
Umiling ako. "Well, I can offer you juice instead? Or coffee, or tea..."
"Anything's fine, Alecx." he said.
Ngumiti lang ako at nagtungo na muna sa kusina. Busog pa kami sa lunch kanina sa bahay ng parents niya. And it's still early for dinner, too.
Bumalik ako sa living room kung saan ko iniwan si Ryder sandali. May dala na rin akong refreshing juice para sa amin.
And I felt I little awkward nang ma realized na parang wala rin kaming magagawa rito sa condo ko. Binuksan ko na nga lang ang TV.
Ngunit hindi rin naman kami nanood. Hanggang sa bumaling nalang kami sa isa't isa at nagtagal ang tinginan. At wala nang salitang nauwi sa halikan.
We made out like we usually do this time in my living room. I admit I can't help it but to think kung saan pa aabot iyong make out namin noong nakaraan lang din sa penthouse naman niya nang dinala niya rin ako doon because I was curious to see his place, too...
Naramdaman kong inangat na ako ni Ryder mula sa sofa. And I think it was our instinct what we decided to just go upstairs to my room. "We can... do this after our wedding..." Ryder said that's opposite to the way he kiss and touch me.
Ngumisi ako. I know he's just giving me choice again. Nasasanay na rin ako sa ugali niyang hindi basta bastang nagdedesisyon ayon lang sa kagustuhan niya. Most of the times he will ask for my opinion and decision, too...
Sinuklian ko ang halik niya with my more aggressive one. Until all his inhibition's gone. Naramdaman ko na ang kama ko sa aking likod nang marahan akong nilapag ni Ryder doon...
I'm not content anymore with just our make out sessions. I think I just can't wait anymore for our wedding night... Or really I just wanted more, more of him. I want to feel him more. Parang may hinahanap ako sa kaniya na kay tagal na. At lalo ko lang iyong gustong makita ngayon... especially after what I heard from his talk to his mother earlier about how he probably loved his ex... About Isobel...
I desperately kissed him more this time...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top