Chapter Fifteen

Chapter Fifteen



Pregnant





I went straight to bed after taking my night bath. I immediately decided to lay there and just close my eyes to sleep. Habang wala pa sa kuwarto si Ryder. Narinig kong bumukas ang pinto at hindi na ako gumalaw. Bumukas din ang pinto ng bathroom and I knew he'll take a shower, too.

Nga lang nakalabas nalang sa bathroom si Ryder ay gising pa rin ako kahit pikit na ang mga mata.

As always I felt him lying down the bed beside me and gently hugged me in a spooning position. Ganoon palagi. Noong mga nakaraan ay hinayaan ko lang at inisip na iniisip niya rin naman sigurong natutulog na ako kaya malakas din ang loob niyang mangyakap sa akin kahit hindi naman kami okay. But tonight feels different. Ayaw ko na sa ginagawa niya.

Gumalaw ako para makalas ang yakap niya sa akin.

"Did I wake you up? I'm sorry..." marahang aniya. I can feel his breath on my cheeks and neck.

Nagmulat ako ng mga mata. "Puwede bang umusog ka, Ryder? Ang laki-laki nitong kama at nandito na nga ako sa gilid ay dumidikit ka pa."

He chuckled lowly. "I'm sorry, hon... I just... missed you..." marahang aniya.

He miss me? At ano uli iyon? Did he just used an endearment on me? Hon? Honey? Lalo ko siyang gustong ipagtulakan hanggang palabas ng kuwarto.

"Alecx... hindi mo na ba talaga ako pakikinggan? I won't justify my actions... I just want you to know the truth..."

The truth. How will I believe his truth if don't trust him? I don't even want to hear anything he will say...

Bahagya akong natulala.

"Alecx..."

Bahagya pa akong nagulat nang halos nasa ibabaw ko na siya. Nagkatinginan kami. Naramdaman ko ang kabog sa aking dibdib. Slowly his face went nearer and his lips touched mine that made me close my eyes...

We kissed for awhile... before I pushed him away. "Stop it, Ryder..."

But then he claimed my lips again. Nang hindi ako gumanti ay bumaba ang mga halik niya sa aking leeg. "I said stop it! Ano ba, Ryder?!"

Tumigil din naman siya. Nang muli kaming nagkatinginan dahil umahon siya ay magkahalong emosyon ang nakita ko sa mga niya.

Umahon din ako. Bumangon ako at umupo sa kama. "Ang mabuti pa, Ryder, ay sa guestroom ka nalang matulog simula ngayon. You've been making me uncomfortable. Wala ka rin naman nang aasahan sa akin..."

Nanatili ang tingin niya sa akin.

I looked away a bit. Since I got out of the hospital the second time around with all my memories already recalled, wala naring nangyayari sa amin ni Ryder. Huli na iyong wala pa akong maalala. We did not really decide on sleeping on the same bed after we got married. Siguro ay dahil palagi akong pagod sa trabaho at nakakatulog na agad, nagigising nalang akong nasa tabi ko na si Ryder.

Ayaw ko na na muli pang may mangyari sa amin. I didn't want to get pregnant... Not right now. Or not with him... A baby should be made out of love. And I promised myself na kung maari ay ibibigay ko ang lahat para sa anak ko. I want my child to grow up in a complete family... sa isang pamilyang nagmamahalan. I want him or her to grow up in a good environment. Ayaw kong magaya siya sa akin... na lumaki akong hindi maayos si mommy at daddy. 

So I knew it wasn't really the right time to get pregnant. Pero narito na...

Scared was the first feeling I felt when the doctor just confirmed it to me that I was already months pregnant. Hindi ko agad napuna iyon sa sarili ko dahil sa dami rin ng mga iniisip ko nitong mga nakaraan. Naghinala lang ako nang ilang beses na nagsusuka ako sa opisina with my weird cravings.

I bought myself a pregnancy test first and got a positive results. Hindi nakontento ay pumunta pa ako sa doktor. At heto na nga.

"Maaring maging maselan ang pagbunbuntis mo..." the doctor said.

"Po? May problema ba?"

Umiling ang doktor. "Wala naman... The fetus is fine... Mag-ingat ka lang, hija, lalo na at nagtatrabaho ka pa pala sa kompanya ninyo."

Marahan lang akong tumango.

Pero sa huli ay mabilis ko rin namang tinanggap ang balita. Sa huli ay natuwa pa rin ako sa buhay na nabubuo sa sinapupunan ko.

I didn't know if I should tell Ryder... After all he's still our child's father... Pero dahil sa mga nangyari ay nagdalawang-isip pa ako na sabihin sa kaniya.

Ilang araw ko ring inisip ang aking anak... My baby... Napangiti ako nang humawak at humaplos sa aking tiyan. Hindi pa ito halata. Lalo kapag nagsusuot ako ng office coat sa trabaho at natatakpan din ito.

I thought of my child's future. Mas importante pa ba talaga ang paghihiganti ko? Mas importante pa kaysa sa anak ko? Hindi ito ang pangarap kong buhay para sa kaniya. Ayaw ko ng magulong buhay para sa anak ko.

Then that made me decide to just set aside everything... Even to just forget other things. Ang magiging anak ko nalang ang iisipin ko simula ngayon...

"Dad... can we talk?"

Bumaling sa akin si Daddy pagkatapos ng isang meeting. Kakalabas lang ng mga ka-meeting naming board of directors at naiwan kaming dalawa doon sa loob ng meeting room. "What is it, Alecxandra?"

I pursed my lips for awhile. "Dad... do you trust Ryder with our company?" I asked him.

Ilang sandali pang hindi pa muna nagsalita si daddy at nanatili lang ang kaniyang tingin sa akin. "Well, yes, hija... His designs are great! At nakikitaan ko rin naman siya ng potential sa negosyo. I know with much focus he can also be as good as you sa business!" ngumiti sa akin si daddy.

Bahagya na rin akong ngumiti at nanatiling tahimik ng ilang sandali.

"Bakit, hija? May... problema ba kayo ng asawa mo?"

Umiling ako kay daddy. "Wala naman po, Dad."

Tumango naman si dad.

"And, Dad,"

Bumaling siyang muli sa akin. "What is it?"

Umiling ako at bahagya muling ngumiti. "I just want to tell you that... magkakaapo ka na po, Daddy." I smiled.

Umawang ang labi ni daddy at hindi agad siya nakapagsalita. "Alecxandra..."

I smilingly repeatedly nodded my head at him. "Magiging lolo ka na po, Dad." ulit ko.

Nilapitan ako ni daddy. Niyakap niya ako at hinagkan sa noon. Sandali rin akong napapikit para damhin iyon. "Alam na ba ito ng asawa mo, hija?"

"Sasabihin ko pa lang po, Dad..."

Tumango siya. "Sa akin mo pa pala unang sinabi? Hindi kaya magtampo naman si Ryder niyan?" bahagyang ngumisi si daddy. Ngumiti lang naman ako. "You should tell this to your husband immediately, hija, nang sa ganoon ay masabi na rin niya sa in-laws mo. For sure they'd be happy to hear the news, too. Ako na rin ang magsasabi sa Mommy mo kung hindi mo pa ba nasasabi sa kaniya?"

Tumango lang ako kay daddy.

That night I went home from work to see Ryder already cooking our dinner. Siya pa rin ang madalas na magluto. Dahil wala na akong ganang ipagluto siya. He's also sleeping in the guestroom gaya ng sinabi ko sa kaniya noong nakaraan. Dahil ayaw ko na siyang makatabi.

Hinahayaan naman ako ni Ryder sa mga gusto ko. Hindi na rin kami nag-aaway dahil hindi naman talaga niya ako pinapatulan...

Maybe I'll just sit down now and talk things out with Ryder... Siguro pagkatapos naming mag-usap kahit papaano ay magiging maayos na rin ang lahat... I can't say that I will be ready to trust him again... But for the sake of our child I will do things for us to be at least okay...

"Hey, dinner's ready..." sinalubong din ako ni Ryder.

Tumango ako at nilapag nalang muna doon sa tabi ang bag ko.

"Are you going to freshen up first before we eat? I can wait." aniya.

Umiling ako at umupo na sa isang high chair na nandoon. "No, it's okay... Baka lumamig na rin ang pagkain..."

Nagkatinginan kami. Siya ang unang bumitaw, and then proceeded to putting the foods he cooked for our dinner. Everything looked delicious. Parang bigla akong nagutom sa pagkakapuna sa mga pagkaing nilalapag ni Ryder sa mesa.

Tahimik kaming kumain. Walang nagsasalita na nagiging awkward na. Ganito naman madalas... we don't really talk that much since everything happened... Kahit pa kasal na kami. Pero iba na ngayon...

Tinapos ko nalang muna ang pagkain namin. And then Ryder volunteered to clean the kitchen after. Pinili kong umakyat nalang din muna sa kuwarto para makapaglinis na ng katawan at makapagbihis.

Pagkatapos ay muli akong bumaba para hanapin si Ryder. Wala na siya sa kitchen kaya kinatok ko na sa kuwarto. "Ryder?" inikot ko na ang doorknob at pumasok sa loob nang wala akong narinig na sagot kay Ryder nang kumatok ako.

Pero nabigla rin ako at bahagyang napaatras nang maabutan ko siyang naka boxers lang at nagsusuot pa lang ng isang puting T-shirt. I was able to get a glimpse again of his perfectly sculpted body. Tumikhim ako kaya napalingon din siya sa akin.

"Uh, I tried to knock pero hindi ka sumasagot..."

"What is it?" lumapit siya sa kinatatayuan ko.

I looked at him in the eyes. "Are you still seeing Isobel?"

Nakatingin din si Ryder sa mga mata ko. Umiling siya. "Hindi..."

Tumango ako. I think I still don't completely believe him, pero pipiliin ko nalang munang paniwalaan siya... Para sa anak namin...

"Wala na kayong relasyon?"

He sighed. "I am married to you, Alecxandra."

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Pagkatapos ay unti-unti akong tumango. "Okay..." tahimik kong sinabi... Nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya at nanatili rin ang tingin ni Ryder sa akin.

Mukhang may sasabihin pa siya pero nagsalita nang muli ako. "Ryder, I have to tell you something..."

"What is it?" his full attention was on me.

"I'm... pregnant." Pagkatapos ay sinabi ko na rin sa kaniya kung ilang buwan na akong buntis at ang iba pang mga detalye sa pagbunbuntis ko. At habang nagsasalita ako ay tahimik lang si Ryder na nanatili pa rin ang tingin sa akin. Nakaawang na ang labi niya at halos hindi kumurap. "Ryder..."

Kita ko ang kislap ng luha sa mga mata niya. Isang kurap at tuluyang may nahulog na luha sa pisngi niya. Pagkatapos ay niyakap niya ako. He enveloped me in his arms. While I just remained almost stiff, standing there and unmoving as he hugged me tight.


Author's note: Hello, readers! So It's You might have longer chapters than my previous stories in Villa Martinez Series. Medyo marami pang mangyayari sa story and hindi ko pa talagang nadedeliver ang message nitong story. Thank you for reading! And I appreciate your comments a lot. Keep safe!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top