Chapter Eleven
Chapter Eleven
Detective
Ryder was holding my hand as we went back to our villa. Puwede pa rin naman kami sa mansyon ng tita niya na may-ari nitong Villa Martinez but I wanted to stay closer to the beach. Bukas ay nagpasya kaming bibisitahin ang kabayo ni Ryder na si Rocket sa stables sa mansyon. Mukhang mangangabayo kaming muli tulad lang nang dati. I can't help it but to get more excited for the next day.
Nang makapasok na kami sa aming komportableng villa ay nagpatuloy ang aming halikan. Until he gently laid me down the cozy bed. I encircled my arms more around his neck and nape as we kissed each other passionately. But at the same time it was also serene... The way Ryder was kissing and holding me was a mixture of passion and serenity...
May pag-iingat niya akong hinahawakan at hinahagkan. I feel loved by him...
"Ryder..." I softly called my name as he undressed me gently...
"I'm in love with you, Alecxandra..." I can almost hear his pain when he said this...
I just smiled. "I'm in love with you, too..." I assured him.
Bumaba ang kaniyang halik mula sa aking pisngi...down to my chin and neck...
* * *
"Are you sure you'll be fine alone here?" I asked Andrea. She just moved in to her new condo. Maayos dito at bagong bukas na condominiums building lang ito ng company namin.
She nodded at me. "Oo naman, don't worry about me anymore. Ayos lang ako rito." she gave me a reassuring smile.
But I can't still help it but to worry for her. She's always living with her parents until this time. But then I also trust her. I know she's stronger than I thought.
I sighed. Nalaman niya lang na hindi naman siya talagang anak nina Tita Analia at Tito Christopher. Si Kristoff lang ang tunay na anak ng mga ito. And now the family's gone to the US. Andrea left their home to try to find her real parents. And she found them. She found her dad, and she's now a Chiong and not anymore Andrea Navarro.
And... she's also pregnant.
I stayed there to talk with her about her situation. Nag-aalala talaga ako para sa kaniya but like I said I know that she's a strong woman. Lalo na ngayon. Lalo pa at magkakaanak na siya...
"I will still worry for you, Andrea. Lalo na ngayon sa sitwasyon mo." I sighed. "Basta nandito lang ako para sa 'yo, okay?"
Naglalambing niya lamang akong niyakap.
Napatakip nalang ako sa bibig nang makita ang hinanda ni Ryder para sa akin. Nagkaintindihan na kaming magpapakasal and we're already engaged! Hindi ko inasahang maghahanda pa siya ng ganitong proposal.
"Ryder..." unti-unti akong ngumiti sa kaniya at niyakap ko nalang siya.
"Hindi ko pa nga nalalabas ang singsing..." aniya.
I chuckled to what he said. Nga naman. But it was already obvious. Dahil pagdating ko pa lang dito sa candlelight dinner na hinanda niya ay nadatnan ko na siya sa kaniyang malinis at maayos na suit at may hawak na maliit na box. So it was obvious!
"I'm sorry," I chuckled. "Maybe I just got a little too excited." I giggled.
"Let me do this the way it is, can I?" aniya na tinanguan ko naman.
"Okay," I calmed myself down. May ngiti pa rin sa mga labi ko nang kumalas ako sa yakap namin at naupo na sa pinaghilang upuan para sa akin ni Ryder.
Hindi pa niya agad binigay sa akin ang bagong singsing. Kumain muna kami sa masarap na dinner. May nag-v-violin din sa tabi namin na masarap sa tainga ang marahan at mahina lang nitong tinutugtog.
And then after that, tumayo na nga si Ryder. Tumungo siya sa tabi ko lang at unti-unting lumuhod sa gilid ng aking upuan. Inatras ko naman ang upuan ko at tumayo sa harap niya. Nakangiti ako pero unti-unti rin naging emosyonal. Namuo ang kaonting luha sa aking mga mata.
I appreciate Ryder's effort. Hindi naman na kailangan... But I feel like he's doing this to make it better for us, to make it right.
"I know we both already agreed to this... But, I just want to properly ask your hand in marriage. Alecxandra Ventura... will you marry me and be my wife?"
Ngumiti lang ako ng malaki. Paulit-ulit din akong tumango sa kaniya. "Yes, Ryder." tango ko sa kaniya.
Sinuot niya ang singsing sa daliri ko at tumayo na rin para yakapin ako. I hugged him back the same way he was hugging me.
Inangat ko ang isang kamay ko kung nasaan ang dalawang singsing na na bigay niya sa akin. Iyong una noong nagkasundo lang kami na magpapakasal at ngayon itong bago na galing naman sa surprise proposal niya. Both rings are beautifully made. I must say that Ryder has a good choice, huh.
Hindi pa kami kumalas sa yakapan. And then we started dancing so slowly with the good sound from the violinists.
"I love you, Ryder." I told him while we dance and hug each other.
"I love you, Alecxandra..." bahagya pang humigpit ang yakap niya sa akin.
I wanted to ask him when did he realized that. That he has already fallen in love with me. Pero mas ginusto ko nalang pumikit sa yakap niya sa akin...
"Ma'am, nandito po si Detective Vera..." mukhang may pagdadalawang-isip sa mukha ng secretary ko nang pumasok siya sa office ko at sinabi iyon sa akin.
Bahagya naman akong pinangunutan ng noo sa reaksyon niya. "Who?" And I think I didn't quite get it... Detective? Nagpatawag ba ako ng detective?
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ng sekretarya ko.
Napaisip ako sandali. And, oh, I know now kung bakit gan'yan ang reaksyon niya. Malamang iniisip niyang baka hindi ko naaalala, at mukhang ganoon na nga...
"Sige, Juliet, at papasukin mo siya."
Tumango ito. "Sige po, Ma'am,"
Lumabas ito at binuksan lang muli ang pintuan ng opisina ko para papasukin ang sinabing detective.
"Detective Vera?" tumayo ako sa aking swivel chair para salubungin ang lalaking detective at nakipagkamay.
"I heard what happened... I'm your hired private investigator, Miss Ventura," anito.
Tumango ako at giniya na muna ito sa mga sofa sa aking opisina.
"Yes, as what my secretary said," bahagya akong napangiwi. "I'm sorry, Mr. Vera, my accident caused me to forget some of my memories before that..."
Tumango rin naman ito sa mukhang pag-iintindi. "I understand, Ma'am... I'm just here to confirm... and, uh, maybe you'd like to talk to me again when you already remember... And certainly not right now..."
Ilang sandaling hindi agad ako sumagot. I was also curious as to why I hired a private investigator...
"I was... actually there when your accident happened..."
Napakurap ako sa sinabi nito. Lalo lang gusto kong malaman kung bakit ko nga ito kinuha!
Pero umiling ito. "I'm sorry, Miss Ventura, this might be bad for you..." bahagya itong napangiwi sa sarili. "Maybe I'll just really come back once you've already recalled your lost memories..."
Hindi pa agad ako nakapag-desisyon. Pero sa huli ay tumango rin ako at sumang-ayon sa sinabi nito. Maari nga namang baka makasama pa ito sa akin. Ang sabi naman ng doctor ay malaki pa rin ang chance ko na maalala muli iyong mga nahihirapan pa akong i-recall na memorya...
"I'm just concern why I came here..." ani Mr. Vera.
Tumango ako at ngumiti. "Thank you, Mr. Vera. I might really contact you again once my memories's back... I'm sure I still have your details with my secretary?"
He nodded.
Tumayo na rin kami pagkatapos at nagpaalam na ito.
Hinatid ko pa ito sa labas ng pinto ng opisina ko dahil parang may pagdadalawang-isip pa sa akin na parang gusto ko pa ring malaman ngayon kung bakit nga ako kumuha ng isang private investigator... Sino naman o ano ang pinaimbestigahan ko? Is it something related to our company? May pinagdudahan ba akong empleyado o isa sa mga proyekto ng aming kompanya at mga taong involve dito? Maybe...
And... he was with me when my accident happened? Paano...
I sighed my thoughts, lalo nang makita ko si Ryder na dumating. Nagkatinginan sila ni Mr. Vera. Lumapit ako sa aking fiance at pinakilala nalang muna ang dalawang lalaki. "Rye, this is Mr. Vera, he's a private investigator,"
"Mr. Vera, this is my fiance, Ryder Martinez."
Nagkamayan din ang dalawa.
Pagkatapos ng konting introductions ay tuluyan na ring nagpaalam si Mr. Vera at nakaalis.
Pumasok kami ni Ryder sa office ko. May dala pa siyang lunch na take out sa isang restaurant para sa amin. Ngumiti lang ako sa ginagawa niya.
"Private investigator?" Ryder asked when we were already inside my office.
"Uh, oo, he said I hired him probably before my accident..." kumunot muli ang noo ko. "Ang hindi ko lang maalala ay kung bakit... Maybe, kasali sa ilang alaala ko na I can't yet recall..." I shrugged.
Nanatili naman ang tingin sa akin ni Ryder.
"Maybe you know? Alam mo ba na kumuha ako ng investigator? At kung bakit..."
Dahan dahang umiling sa akin si Ryder. I sighed. Maybe it's just really for the company... Kasi naalala kong dati ay may nag-traydor din sa 'min na empleyado... Maybe I should talk to dad at baka alam niya.
"You brought lunch?" ngumiti ako nang malapad. "Right on time, gutom na rin ako." I pouted a bit and went to him to hug him on his shoulders and neck. Dinala rin ni Ryder ang mga kamay niya sa aking baywang. I smiled. And then I tiptoe a bit to give him a peck on the lips.
"Let's eat?"
Tumango naman siya at giniya na rin ako sa mga pagkaing dala niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top