Prologue

Prologue


Client


Jewel

"Doc, kumusta po ang anak ko?" Agad akong tumayo nang nakitang lumabas ang doktor na tumingin sa anak ko.

Umiling ito nang makalapit. "Kailangan na natin siyang operahan." anito.

Tumango ako sa doktor kahit hindi ko pa alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad dito sa ospital. "Gawin n'yo po ang lahat." pakiusap ko.

Saka ko na lang iisipin ang mga gastusin ang mahalaga ay bumuti ang anak ko.

Halos umiyak na ako sa harap ng doktor. Halos magmakaawa ako magamot lang ang anak.

Tumango naman ito at nagpaalam na pupuntahan pa ang ibang pasyente.

Pinuntahan ko na rin si Primrose. Agad akong naawa nang makita siya. Durog ang puso ko sa kalagayan ng anak.

Kung puwede lang sana na ako nalang. Ako nalang ang dumanas ng hirap. Akin nalang ang sakit ng anak ko.

Nakakapanghina pero hindi ako puwedeng panghinaan lalo na ngayon. Ngayon ako pinaka kailangan ng anak ko. Lalo lang itong magiging mahirap kung magiging mahina rin ako.

Tingin ko kapag nanay ka na hindi ka na puwedeng maging mahina, lalo na sa mga sitwasyong ganito. Kailangan mong maging matapang. Kailangan malakas ka. Kailangang maging malakas para sa anak.

"Primrose..." bahagyang nabasag ang boses ko.

Bumaling siya sa akin at sandali kaming nagkatinginan. Mahina siyang nakahiga sa isang kama rito sa ospital.

"Mama..." nanghihinang tawag din niya sa akin.

Maagap kong nilapitan ang anak ko at nanatili lang ako sa tabi niya.

Nadudurog ang puso ko habang nakikita ang sitwasyon ng anim na taong gulang lang na anak ko. Mahinang-mahina siya at maputla. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong matakbuhan na kamag-anak. Dahil ang tanging pamilya na kinalakhan ko, si Lola, ay matagal nang patay.

Nang makatulog siya ay binilin ko muna sa nurses at isang nanay din na nakatabi namin doon sa ward. "Akin na ang number mo para matawagan agad kita o text. Ako na muna ang bahala sa kaniya." pagmamagandang loob nito.

Tumango ako at nagpasalamat. Nagpalitan kami ng cell phone numbers.

Huling tiningnan kong muli ang anak kong nagpapahinga kahit paano bago kailangan ko na munang umalis kahit hindi ko rin sana siya gustong iwan mag-isa roon sa ospital. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko rin puwedeng pabayaan ang kapatid niya na iniwan ko lang din sa kapitbahay nang kailangan ko siyang isugod dito sa ospital.

Halos wala ako sa sariling lumabas ng ospital at umuwi na muna sa amin.

Agad lang akong naalarma nang naabutan ang isang anak ko na dinadala na ng mga taong pinagkatiwalaan at pansamantala ko lang pinag-iwanan sa anak ko.

"Saan n'yo po dadalhin ang anak ko?!" Hinabol ko ang mag-asawang kapitbahay na pasakay na sa sasakyan nang naabutan ko. Iniwan ko lang sa kanila sandali si Prince. Sa kanila ko rin madalas iwan ang mga anak ko kapag naghahanap buhay ako. Maayos naman silang mga tao at tinulungan nila kami ng mga anak ko. Pero ano itong ginagawa nila ngayon.

"Mama!" Agad din na tumakbo papunta sa akin ang anak ko nang makita ako at agad yumakap.

Sumunod at lumapit sa akin sila Aling Edna. "Jewel, pumayag ka na kasi na ipaampon sa amin ang anak mo. Tingnan mo nga 'yang sarili mo. Nasa ospital pa ang isang anak mo at may sakit. Kapag binigay mo sa amin si Prince matututukan mo pa si Primrose. Alam mo namang hindi namin pababayaan si Prince-"

"Hindi ko po ipinapaampon ang anak ko." malinaw kong sinabi.

Wala silang anak na mag-asawa at noon pa gustong ampunin ang isa sa mga anak ko. Pero hindi ako pumapayag mula noong una pa lang. Kahit gaano pa kahirap ang buhay ay hindi ko isusuko ang mga anak ko. Kahit magkanda kuba na ako sa pagtatrabaho mahanapan ko lang kami ng paraan ng mga anak ko para mabuhay ay ayos lang sa akin. Hindi ako sumusuko para sa kanila. Kaya ano pa ang magiging rason ko para magpatuloy kung mawawala sa akin ang kahit isa sa mga anak ko.

"Jewel-" patuloy pa sana ni Aling Edna sa pakiusap na hayaan ko na si Prince sa kanila.

Pero hindi mangyayari iyon.

"Halika na, anak." Hinila ko na sa kamay ang anak ko palayo sa kanila.

Wala na rin nagawa ang mag-asawa. Hindi nila puwedeng ipilit ang gusto nila. Lalo pa at matagal ko nang sinasabi na hindi nga ako pumapayag sa gusto nilang mangyari.

Nakasalubong naman namin ng anak ko si Tatiana nang pauwi na kami sa maliit na inuupahang matitirhan naming mag-iina roon sa lugar. Kukuha lang ako ng ilang gamit at dadalhin ko na rin si Prince sa ospital. Mabuti na iyong magkakasama kami ng kakambal niya. Ang hirap na malayo sila sa akin. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako makapagtrabaho talaga. Walang maasahang titingin sa kanila at masiyado pa silang bata. Hindi rin ako makakahanap ng mas maayos na trabaho dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Wala rin akong maipambabayad sa babayarang magbabantay sa kanila habang wala ako para magtrabaho. Sapat lang ang kikitain ko at kinukulang pa nga. Ang hirap.

"Jewel," sunod sa akin ni Tati.

Nagpatuloy ako.

"Jewel, sandali," hinabol niya pa rin kami kahit inilingan ko na siya. Alam ko na rin naman kung ano ang sasabihin o iaalok niya.

Nagbuntong-hininga ako at binalingan na muna ang anak kong walang alam. "Sandali, anak, kakausapin ko lang siya."

Inosenteng tumingin sa akin ang anak ko at tumango. Bahagya akong napangiti na pumait din habang nakatingin sa maamong mukha ng anak ko na nagpapaalala rin sa akin ng isang taong gustong gusto ko na ring kalimutan noon pa man. At siguro ay nagawa ko na rin naman... Pero sa tuwing nakatingin ako nang ganito sa mukha ng mga anak ko, lalo na si Prince ay wala akong ibang naaalala kung 'di siya... Pumait pa lalo ang nararamdaman ko.

Bumaling na lang ako kay Tati.

Lahat na siguro ng trabaho na puwede ay napasukan ko na. Naranasan kong maging labandera o katulong. Kahit ano para mabuhay ko lang ang mga anak ko. Nakakapag-ipon din ako kahit paano at na-enroll ko pa sila sa eskwelahan. Kaso nauubos din kay Primrose dahil sakitin talaga siya mula nang ipanganak ko. At napapaalis din ako sa trabaho dahil hindi na halos ako pumapasok dahil kailangan din ako ng mga anak ko sa bahay. Ang hirap kasi nilang iwan nalang kung kanino. Palagi pa rin akong nag-aalala habang nasa trabaho. Minsan ay dinadala ko na rin sila pero madalas din na hindi puwede iyon o ayaw ng nagiging amo ko na nagdadala ako ng mga anak sa trabaho ko. Kahit ipaliwanag ko pa. Minsan ang hirap din talagang ipaintindi sa ibang tao ang sitwayon mo. Lalo kung ayaw ka na rin nilang intindihin.

"Tati," hinarap ko ito.

"Heto," inabutan niya ako ng pera.

"Tati, hindi-"

"Huwag mo nang tanggihan. Kahit papaano makatulong 'yan. Bakit kasi hindi ka pa pumayag na sa alok ko? Hindi naman 'to basta-basta, 'no. Bigatin ang mga clients natin. Malaki ang kikitain mo. Maganda ka, Jewel. Kaya pasok ka! Huwag mo nang iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Mas importante pa ba sila kaysa sa anak mo?"

Tiningnan niya rin ang katawan ko. Noon pa man at dulot na rin ng kahirapan ay pakiramdam ko nga halos buto't balat na lang din ako.

Unti-unti kong tinanggap ang pera na binigay ni Tati. Ngumiti siya sa akin.

Bumalik na rin kami sa ospital at nakatulong nga iyong pera sa mga gamot at kailangan ni Primrose sa ospital pansamantala. Nabilhan ko rin sila ng pagkain ni Prince.

"Ang sarap, Mama." nakangiting sabi ni Prince matapos kumagat sa fried chicken na hawak niya.

Malungkot akong napangiti, naaawa sa mga anak ko. Simula noong maliit pa sila ay naghihirap na kaming mag-iina. Matagal nang dinudurog ng sitwasyon namin ang puso ko.

May mga pagkakataon na halos hindi ko na malaman ang gagawin ko. Pero titingnan ko lang ang mga anak ko at isang ngiti lang nila ay parang nagkakaroon na ako ng pag-asa. Iniisip kong siguro sa ngayon lang itong lahat mahirap pero balang araw ay makakaraos din kami ng mga anak ko. Naniniwala akong hindi naman palaging paghihirap lang ang buhay. Sabi nga nila may bahaghari pagkatapos ng ulan. Siguro pagkatapos ng lahat ng bagyo sa buhay ko, sa buhay naming mag-iina ay may uusbong din na maliwanag na kinabukasan. Ito ang palaging dasal ko kahit para nalang sa maayos na kinabukasan para sa mga anak ko.

"Kain ka pa," sabi ko at pinunasan ang gilid ng labi niya na may sauce pa.

Nagpatuloy si Prince sa pagkain.

Suminghap ako hanggang hindi na nakayanan tumalikod ako sa kanila para hindi nila makita ang tuluyang pagbuhos ng mga luha ko. Maagap ko rin iyon pinalis sa pisngi ko. Nag-isip ako.

Naisip ko iyong alok ni Tati... Bahala na. Kaysa wala akong gawin at hayaan kong may mangyari pang masama kay Primrose. Wala na akong pakialam. Mas mahalaga ang mga anak ko higit sa ano pa man. Higit sa sarili ko. Lalong bumuhos pa ang mga luha ko.

* * *

"Tati,"

Malapad ang ngiti niya sa akin. "Sige na, ako na muna ang bahala sa mga anak mo. Ako na rin ang kakausap sa doktor. Huwag kang mag-alala. Basta pumunta ka lang sa client na ito."

Tumango na ako.

Halos nawawala pa rin sa sarili pero gagawin ko ito. Para kay Primrose. Para sa kanila ng kakambal niya. Kung may iba lang sanang paraan... At desperado na ako sa kailangang mapagamot agad ang anak ko. Malaki ang kailangan namin para sa operasyon ni Primrose. At nangako si Tati na matutusan namin iyon sa pamamagitan nitong gagawin ko.

Si Tati ang pinaka may pera sa lugar namin. Laman din ng chismisan ng mga kapitbahay dahil nga sa gawain niya. Pero parang hindi na rin siya apektado sa mga iyon. Aniya ay mas mahalaga ang naibabalik sa kaniya ng gawain ano pa man ang tingin ng iba doon. "Sige na," binalingan niya ang mga inutusan na umasikaso sa akin.

Sumama na rin ako sa mga tao ni Tatiana.

Ang sabi ay may kliyente na raw na naghihintay sa akin... Nakakawala sa sarili.

Ilang beses na sinubukan ko pang umatras. Umiyak ako at natakot. Pero nandito na ako. At kailangang kailangan ko ang pera para sa pagpapagamot ni Primrose.

Gagawin ko nalang ito kaysa sa nakakatakot na maaring mawala pa sa akin ang anak ko. Mas hindi ko iyon kakayanin.

Naligo, nagbihis at inayusan ako ng isang babae at isa pang mga nagtatrabaho kay Tati. Pagkatapos ay sumakay na ako sa isang service hanggang nakarating kami sa pinagdalhan sa akin. Sa isang matayog na building iyon. Bumaba ako sa sasakyan at sumunod sa isang elevator paakyat sa halos pinakamataas na palapag sa tower na iyon.

Isang lalaki ang sumalubong at gumiya sa akin patungo sa isang silid sa malaking bahay na iyon na halos nasa tuktok nitong mataas na building. Pagkatapos ay iniwan din ako nito roon.

Halos wala na akong maramdaman kanina. Siguro ay dulot ng naramdamang pamamanhid. Pero ngayong malapit na ay bumulusok muli ang kaba sa akin at hindi napigilan ang pagbuhos ng mga luha sa iniisip na mangyayari sa akin sa lugar na ito.

"Look at you..." isang baritonong boses ang nagsalita habang nanatili akong nakayuko roon.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Kaming dalawa lamang ang naroon sa mistulang madilim na kuwarto dahil na rin sa kulay ng dingding at halos nakapatay pa ang mga ilaw ngunit sapat ang liwanag na mayroon para makita ko ang taong nasa harapan ko na ngayon.

Nanlalaki ang mga mata kong may bakas pa ng luha nang tuluyang maaninag ang mukha ng isang lalaki. Isang taong pamilyar sa akin. Isang lalaking kilala ko.

May dumaan sa mga niya nang makita ang mukha ko. Pero agad din iyong natabunan ng isang ngisi. Ngayon ay may pangmamaliit na sa tinging ibinigay niya sa akin.

Naroon pa rin ang nang iinsultong ngisi sa mga labi niya nang tuloy tuloy na magsalita ng mga masasakit na salita para sa akin. "You were so hard to get then--"acting"," aniyang may diin sa huling salita. "hard to get. But look where you ended. You're a fucking escort now, huh? Ito lang pala ang gusto mo." Lumapit siya sa akin. Gamit ang huling tapang na mayroon ako ay sinubukan kong hindi umatras at hinayaan lang ang paglapit niya sa akin. "Bakit pa ba ako nagtataka. Noon ko pa napatunayan that you're nothing but a cheating whore." Halos idura niya ang mga salita sa mukha ko.

Nagtiim bagang nalang ako. Ang gagong ito. Kung bakit kailangan pang mag-krus muli ang mga landas namin.

Sinubukan niyang hawakan ang pisngi ko. Mabilis ko namang iniwas ang mukha ko pero mariin niyang hinawakan ang baba ko na ininda ko ang sakit sa pagkakahawak niya. Pero wala siyang awa. Galit lamang at kasamaan ang nakikita ko nalang ngayon sa mga mata niyang diretsong nakatingin sa akin. "Gusto mo ba 'tong ginagawa mo?" mariin niyang tanong.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Ang mga matang 'yan... Ang mga mata niyang minahal ko rin noon... Pero naubos na ang pagmamahal na mayroon ako noon para sa lalaking ito. Nawala na sa paglipas ng maraming taon at pagkatapos ng lahat ng mga masasakit na nangyari sa akin. At napalitan nalang din ng galit ko para sa kaniya.

"Wala kang pakialam-" pero natigilan din ako at ininda ang marahas na paghila niya sa akin at halos itapon niya ako sa kama.

Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ako ng takot para sa sarili. Takot dahil sa kanya.

Sumunod kong nakita ang pagkakalas na niya sa mga kasuotan habang nakatingin nang diretso sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Hanggang sa naramdaman ko na siya sa tabi ko at pilit akong pinaharap sa kanya. Nasasaktan ako sa mga paghawak niya sa akin pero parang wala lang iyon sa kanya. Wala siyang pakialam sa maramdaman ko.

Natagpuan niya ang labi ko at pilit din na inangkin ang bibig ko. At mabilis na pinaibabawan na ako sa kama. Sinubukan kong tanggihan ang mga halik niya pero nanghina rin ako nang maalala. Naalala ko kung bakit ako nandito. At ang pagpayag ko. Mahigpit ang mga pagpapaalala sa akin ni Tati tungkol sa kliyente. Na kapag may hindi nagustuhan sa akin ang client ay maaring wala akong makuhang pera. Hindi ko maipapagamot si Primrose...

Bumaba na sa leeg ko ang tila mapag-angkin niyang mga halik. Sinira na rin niya ang damit ko. At bumaba pa siya sa aking dibdib... Hinayaan ko iyon. Nagpaubaya na lamang ako...

Inisip ko ang anak na kailangan nang ma operahan... Pinikit ko na lamang ang mga mata at tuluyang hinayaan ang nangyayari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top