Chapter Twelve

Chapter Twelve



Lumayo



Tulala na ako simula noon. Para akong mababaliw habang paulit-ulit ni binabalikan ang nangyari. Ang mga anak ko... Muli na namang bumuhos ang mga luha kong wala nang tigil. Sobra akong nasasaktan at nagluluksa. Wala na akong pakialam sa paligid ko. Ang mga anak ko lang ang naisip ko.

Nalaman din namin na si Leonor ang may kagagawan sa pagpapa-kidnap sa mga anak ko. Baliw ang babaeng iyon. Siya mismo ang nababaliw nang umamin sa ginawa. Pinagmalaki niya pa iyon na nakaganti na raw siya sa akin. Wala na raw ang mga anak ko... At kahit kailan hindi na kami magiging masaya ni Russel. Obsessed siya kay Russel. Napaka-demonyo niyang babae! Walang alam ang mga anak ko...

Humagulgol ako.

Nakabalik na si Russel mula sa pag-asikaso sa case namin. Sa ganoong ayos niya ako nadatnan sa kuwarto namin. Agad niya akong binalot ng yakap.

"Hayop ang babaeng 'yon!" hagulgol ko habang nakapaloob sa mga bisig niya.

Parang sa isang iglap lang... Nawala sa 'kin ang mga anak ko... Naalala ko nang araw na iyon, noong umaga ay hinanda ko pa sila sa pagpasok sa eskuwela at ginawan ng baon...

"We will make her pay." mariing ani Russel.

"Ayoko na..." Gusto ko nalang mamatay. Gusto kong samahan ang mga anak ko. Ano kaya ang naramdaman nila sa mga huling sandali... Sigurado akong umiiyak silang dalawa at takot...

Sinusubukan pa rin nilang mag-imbestiga pero... pakiramdam ko ay wala na talaga ang mga anak ko... Parang nawawalan na ako ng pag-asa... na maaring buhay pa sila... Hindi ko maalis sa isipan ko iyong nasaksihan kong malakas na pagsabog at ang pagkain ng malaking apoy sa isang sasakyan kung saan naroon pa ang mga anak ko.

Humigpit ang yakap sa akin ni Russel. Naramdaman kong nasasaktan din siya. "Don't do this..." pagmamakaawa niya sa akin.

Ilang linggo na akong ganito.

Hindi na rin natuloy ang kasal namin.

Hindi ako halos kumakain at bumabagsak na ang katawan. Sa tuwing susubukan ni Russel ay tinatapon ko ang pagkaing dala niya. Gusto ko nalang mamatay.

"Kasalanan mo 'to!" Marahas ko siyang tinulak gamit ang natitirang lakas. Kita ko ang sakit sa kaniya at may halong takot nang nakalas kami sa isa't isa. Pero wala akong ibang maramdaman bukod sa sakit ng pagkawala ng mga anak ko. "Maayos naman kami noon ng mga anak ko kahit nahihirapan... Kahit wala ka! Kaya ginawan ng ganoon ng demonyang iyon ang mga anak ko dahil sa 'yo!" pinagsisigawan ko siya.

Nakita ko ang pagluha niya.

Pero matigas na talaga ang puso ko. Wala na akong pakialam bukod sa sariling nararamdaman. Mabilis kong hinubad sa daliri ko ang singsing na bigay niya. Nakita ko ang takot niya nang nakita ang ginawa ko. Tinapon ko sa dibdib niya ang singsing.

"Jewel-"

Pero lumakas lang ang iyak ko at sinubsob ang mukha sa mga tuhod ko habang nakayakap ang mga braso ko sa binti ko.

"Love..." Sinubukang hawakan ni Russel ang kamay ko pero tinabig ko lang iyon kahit nanghihina na rin.

Hindi ko na siya tiningnan.

* * *

"Your friend is here," aniya.

Hindi ko pa rin siya nilingon at tulala lang ako habang nakahiga sa kama patalikod sa kaniya. Hindi ako nagsalita. Naramdaman ko ang pag-alis niya.

Nang may muling pumasok sa kuwarto ay akala ko si Russel pa rin iyon. Pero nang nagsalita itong tinawag ang pangalan ko ay napagtanto kong hindi at kilala ko ang boses. Binalingan ko ito at napaupo ako sa kama. "Sha..."

Umiiyak siyang tumango at sinugod ako ng yakap. Umiyak na rin ako sa balikat niya. Sinubukan niya akong patahanin pero hindi ako matahan. Panay lang ang pag-iyak ko at inalo niya ako.

Matagal kaming ganoon hanggang kumalas siya at may sinabi, "Jewel, matagal ka rin naming hinanap... Ang huling kita ko sa 'yo ay noong bago ka umalis sa isla..." Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Nasabi sa akin ni Russel ang nangyari..." At muli niya lang akong niyakap.

"Jewel, makinig ka," aniya nang kumalas at muli akong harapin. "Kaya ako nandito ay dahil hinahanap ka namin. Hinahanap ka ng Papa mo..."

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya.

Tumango siya at tipid na ngumiti. Hawak pa rin niya ang mga kamay ko. "Noong wala ka na sa atin, dumating doon ang Papa mo at hinahanap ka. Ilang taon ka na rin naming hinahanap. May mga nakuha kaming leads pero palipat-lipat ka kaya hindi ka agad nahanap. Jewel," Sandaling humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "matagal ka nang gustong makita ng Papa mo."

"Alam na ba 'to ni Russel?" tanong ko kay Sha.

Umiling siya. "Sa 'yo ko pa lang sinabi."

Tumango ako at bahagya muling natulala sa kawalan.

Gusto kong lumayo...

* * *

"Nandito siya," Nakangiti si Sha na giniya ako palabas ng sasakyan.

Wala si Russel nang umalis ako sa bahay matapos sunduin ni Sha. Dadalhin niya ako sa ama ko...

Nasa harap ko ang isang malaking bahay, isang modern na mansion. Sa hitsura noon tingin ko ay bago pa lang iyon pinatayo. Giniya ako ni Sha sa loob no'n.

Binati pa kami ng ilang kasambahay pagkapasok. May lalaki rin doon na sinalubong din kami ni Sha at giniya kami nito sa sunod na palapag ng mansiyon. Binuksan nito ang isang pinto at pumasok kami doon. Agad napatayo ang may katandaang lalaki at hindi na naalis ang tingin sa akin.

"Sir," Narinig kong tawag at bati ni Sha sa tabi ko.

Unti-unti ang paglapit sa akin ng lalaki at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Inangat din niya ang mga kamay na bahagya pang nanginig.

Lumapit din ako sa kaniya at titig na titig sa mukha niya. Ni minsan ay hindi ko pa nakikilala ang ama ko. Pero pamilyar ang mukha niya sa akin dahil sa nakita kong litrato noon sa mga gamit ng pumanaw kong ina.

"Anak..." anito.

Tumulo ang luha ko. "P-Papa,"

Maagap niya akong binalot ng yakap. Umiyak ako sa mga bisig niya.

"Patawarin mo ako, anak... Patawarin mo ako at ngayon lang ako..." patuloy niyang paghingi ng tawad habang nakapaloob ako sa yakap niya.

Nagtuloy tuloy naman ang pagbuhos ng mga luha ko.

* * *

"Gusto kong lumayo..." iyon agad ang sinabi ko nang kumalma.

Nakatingin kami ng ama ko sa isa't isa. Tumango siya. "Anything you want."

Muli akong yumakap sa kaniya at humigpit din ang yakap niya sa akin. Hinagkan niya ako habang nasa ganoong ayos kami.

May inutos siya sa lalaking gumiya sa amin doon na mukhang isang secretary. Tumango ito at agad tumugon. Naging abala rin si Sha sa mga utos ng ama ko.

Mayamang tao ang ama ko. Pinagsisihan niya raw ang ginawang pag-iwan noon kay Mama na nakilala niya noon sa lugar na kinalakhan ko nang minsan siyang bumisita doon. Nagkaroon sila ng relasyon na bumuo sa akin. Ngunit noong nabutis na si Mama ay natakot siya. Hindi pa siya handa noon sa responsibilidad. Bata pa siya noon at hindi pa sigurado. Paulit-ulit ang paghingi niya ng tawad at nangakong gagawin ang lahat para makabawi sa akin.

Hindi na ako nakabalik pa sa penthouse ni Russel. Nang araw din iyon kasama sila ni Papa ay umalis ako sa bansa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top