Chapter Ten
Chapter Ten
Ngiti
In-enroll na rin namin ang kambal sa bago nilang school nang muling magbukas ang pasukan. Hindi pa nila halos natapos ang nakaraang school year pero ginawan ng Daddy nila ng paraan para makahabol sila. Nakakabawi na rin ang company nina Russel. Masasabi kong magaling din talaga siya sa negosyo. At proud ako sa kaniya. Pinagsasabay niya ang malaking responsibilidad niya sa kompanya nila at responsibilidad din sa pamilya namin. Unti-unti ay nakikita ko nang muli ang Russel na nakilala at minahal ko noon sa isla.
Nakangiti kong nilingon ang mga anak ko sa backseat. Unang araw ng klase nila at hinatid namin ni Russel. Excited sila sa bago nilang school. "Magpakabait kayo." bilin ko na sabay namang tinanguan ng dalawang bata.
"If you two need anything just go to your yaya, okay?" si Russel naman na sinulyapan ang mga anak gamit ang salamin habang nagmamaneho.
"Opo, Daddy." sagot naman ng mga anak namin.
Ngumiti pa ako habang nakalingon pa rin sa kanila sa likod. "Primrose, huwag masyado sa paglalaro, ha?" paalala ko. Sinusunod pa rin namin 'yong mga bilin ng doktor niya para sa ikabubuti rin niya. Hindi pa rin siya fully recovered kaya kailangan pa rin naming mag-ingat.
"Opo, Mama." sabi naman ng anak ko.
"Don't worry, love," kinuha at hinawakan ni Russel ang kamay ko para masiguro ako. Bumaling ako sa kaniya. "Their nanny will take care of them while we're not around. And the bodyguards." paniniguro niya sa 'kin.
Tumango ako. Nakasunod nga sa kotse ni Russel ang sasakyan ng bodyguards. Kahit paano ay panatag naman ako. Pagkatapos ihatid ang mga bata sa school nila at nakausap pa namin ni Russel ang school head at teacher ng kambal. Pumunta na kami sa company building nila. Ang sabi ni Russel ay ipapakilala niya raw ako sa employees niya. Kahit hindi naman na at parang hindi na rin naman kailangan iyon at medyo nakakahiya. Pero nag-insist talaga si Russel at gusto niyang ipakilala ang pamilya niya. Hinayaan ko nalang siya.
"Good morning, Sir, Ma'am." magkakasunod na bati sa amin ng mga empleyado.
Nginingitian ko sila at bahagyang tinatanguan. Malaki ang office building nina Russel. Ang sabi niya sa akin ay sinimulan ito ng Dad niya galing sa manang nakuha sa grandparents niya. Bunso ang Daddy niya sa tatlong anak. Ang ama ni Ryder ang panganay at si Madam Elisabeth Martinez ang pangalawa. Ito lang din ang hindi na nakapag-asawa at nagkapamilya sa magkakapatid. At nakuntento sa islang iniwan ng mga magulang nito na kalaunan ay d-in-eveloped nga at ginawang island resort, ang Villa Martinez.
Miss ko na rin ang isla... Ang lugar na kinalakhan ko... Ang bahay namin ni Lola doon. Kahit simple at maliit lang iyong bahay namin ay naging komportable naman ang paglaki ko doon. Nandoon ang mga alaala namin ng Lola. Pinili ko lang talagang umalis at lumayo noon dahil nasaktan ako at gustong-gusto ko noong makalayo... Sana makabisita pa rin ako doon balang araw...
Dumeretso kami ni Russel sa malaki niyang opisina. Real estate ang business ng pamilya ni Russel. Marami talagang mga ari-arian ang mga Martinez. Maagang pumanaw ang Lolo at Lola ni Russel pero nahati naman ng pantay ng mag-asawa ang mga yaman na naiwan sa mga anak. At tingin ko ay maayos din naman ang relasyon ng tatlong magkapatid.
Nakaharap ako sa malapad na salaming dinding ng opisina ni Russel na kita ang mga nagtataasang buildings din sa labas. Naramdaman ko ang yakap niya sa akin mula sa likod. Napangiti ako at humawak sa mga braso niyang nakapulupot sa akin.
"I'm glad I worked hard for our company. And did not waste more time in partying and getting drunk because I was brokenhearted." ani Russel na kinatigil ko at kinalingon sa kaniya.
Binigyan niya ako ng isang ngiti. Tapos humigpit din ang yakap niya sa akin. "Mas lalo kong pinagbubutihan ngayon para sa pamilya natin." aniya. Hinarap ko na siya at nagkatinginan kami. "I'm sorry I hurt you..." sinserong aniya at puno ng pagsisisi. "I was hurt, too," aniyang parang kinakahiya iyon. "I was hurt for nothing. Dumbass." aniya sa sarili.
"Russel,"
Umiling siya. "I was a... playboy. Kaya noong nakita ko iyon, I judged you so easily. Gawain ko kaya inisip kong gagawin din sa akin. As they say, thinkers are doers. I used to just play around... Kaya naisip kong posibleng mapaglaruan din ako." nahihiyang aniya. "I'm sorry..."
Hinaplos ng palad ko ang pisngi niya. "Tama na ang paghingi mo ng tawad, Russel. Pinatawad na kita. Ang mahalaga ay nagkalinawan na tayo at ang mayroon tayo ngayon." pagpapagaan ko sa loob niya.
Tumango siya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Nanatili kaming ganoon hanggang makarinig ng katok sa pinto ng opisina niya at ingay.
"Ano 'yon?" tanong ko nang kumalas kami.
Nilapitan ni Russel ang pinto at sumunod ako sa kaniya. Pagkabukas pa lang ay si Leonor agad ang bumungad sa amin na galit. Masama ang tingin nito sa akin.
"I'm sorry, Sir, I tried to stop her-" anang babaeng sekretarya.
May tinapon na envelope si Leonor sa dibdib ni Russel. Ang sabi sa akin ni Russel ay family friend nila ang pamilya ni Leonor. At na noon pa man nang pinaalam sa kaniya ang tungkol sa pagpapakasal sa kanila ay tinanggihan na niya kahit hindi pa kami nagkikita at hindi pa niya alam ang tungkol sa kambal namin.
"Iyan ba ang klase ng babaeng gusto mo?!" sigaw ni Leonor.
Nakita ko ang pagkuyom ng panga ni Russel habang tinitingnan ang laman ng envelope na dala ni Leonor. Patunay iyon na naging parte ako sa pag-e-escort... "Hindi ka ba talaga titigil, huh." Sinugod niya si Leonor at mariing hinawakan. Agad napadaing ang babae.
"Russel!" maagap kong pigil sa kaniya. Hinawakan ko siya sa tabi niya at pinapakalma.
Binitiwan niya si Leonor at napaatras ito.
Nagbanta si Russel na huwag na kaming guguluhin ng babae. Dumating na rin ang securities at inalis na si Leonor doon. May takot talaga akong nararamdaman sa babaeng iyon...
* * *
Pinupuri ni Russel ang mga anak habang pinapakita ng kambal sa ama ang magagandang scores na nakuha nila sa school. Habang nakangiti lang naman akong nakikinig sa kanila habang naghahain katulong ang dalawang kasambahay.
"Ang tatalino naman ng mga anak ko." pinuri ko na rin sila at pinaupo na nang maayos doon sa hapag para sa pagkain.
"Wow! Favorite ko!" ani Prince nang nakita ang paborito niyang friend chicken sa mesa.
Bahagya nalang akong napatawa. At umupo na rin doon. Masaya kaming kumain ng hapunan. Wala na yatang mas sasaya pa sa kinalalagyan ko ngayon na kasama ang mga anak ko...at si Russel. Nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa.
"Okay na ang company," si Russel habang niyayakap na naman ako mula sa likod, naglalambing.
Mula sa natatanaw ko gamit ang bintana ng penthouse ay hinarap ko siya. Nasa loob na kami ng kuwarto namin.
"Puwede na tayong magpakasal." aniya.
Ngumiti ako at tumango.
"Simulan na natin ang preparations."
Tumango lang muli ako habang nakatingin sa guwapong mukha niya.
"Tomorrow," aniya na nakatingin din sa akin.
Napatawa nalang ako at muli pang tumango.
Satisfied ay binuhat na niya ako patungo sa kama namin. Napapatawa nalang akong kumapit sa leeg niya. Inabot niya ang labi ko at hinalikan habang nilapag niya ako sa kama...
Nasa mall kami ng kambal at doon nalang kami pupuntahan ni Russel pagkatapos niya sa company nila at sabay na uuwi. Sinundo ko sa school nila ang mga anak namin at nasabihan ko na nga ang Daddy nila na dadaan kami sa mall para bumili ng para sa project nila. May kasama rin kaming bodyguards. May distansya lang sa amin ang security para hindi naman masyadong nakakailang. Ang nasa tabi lang namin ay ang yaya at iyong driver na magbubuhat sa bibilin.
"Hi!" biglang nasa harapan namin si Leonor.
Agad kong hinawakan ng mahigpit ang mga anak ko.
Maganda ang ngiti ni Leonor sa mga anak ko.
"Sino po siya, Mama?" tanong ni Primrose.
Nag-angat din ng tingin sa akin si Prince.
Nagkatinginan kami ni Leonor. Naroon pa rin ang ngiti niya. "K-Kaibigan siya ng Daddy n'yo..." nasabi ko.
"Hi! I'm Tita Leonor." ngiting-ngiti na pakilala ni Leonor sa mga anak ko.
May lumapit na sa aming bodyguard. Binalingan ko ito at sinabihang ayos lang.
Magalang na bumati ang mga anak ko sa babaeng nasa harapan nila.
"You're so cute!" nakangiti pa rin ani Leonor na bahagyang pinisil ang pisngi ng anak ko. Ngumiti si Prince sa kaniya.
Umayos siya ng tayo at hinarap ako. Tumingin lang siya sa akin na may ngiti pa rin. Hindi naman ako ngumiti. Hindi ko alam kung paano magre-react sa kaniya. "Enjoy your shopping." aniya lang na hindi nabubura ang ngiti at umalis na rin kasunod ang mukhang driver o bodyguard niya.
Nagpahila na ako sa mga anak ko papasok sa isang bookstore doon sa loob ng mall.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top