Chapter Sixteen
Chapter Sixteen
Explain
"Ito pa, anak, 'di ba paborito mo 'to?" Abala ako sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ng mga anak ko.
Pareho lang tahimik sila Prince at Primrose at sumasagot naman kapag kinakausap ng Lolo nila. Kita kong natutuwa si Papa sa mga apo niya. I was smiling the whole time habang nasa hapag kami para sa pananghalian.
Nagpaalam si Trevor pagkatapos ng lunch at kailangan pa magtrabaho. Si Papa naman ay magpapahinga muna, matanda na ito. Naiwan kaming apat ng mga anak ko nang nakaalis si Trevor na humalik muna sa amin ni Lila.
"Take care," bilin ko sa kaniya.
"Bye, Papa." Kumaway sa kaniya si Lila.
Ngumiti si Trev at napangiti rin ako. Ngunit ang ngiti ko ay agad nawala nang balingan ang mga anak ko ay naabutang masama ang tingin ng kambal sa amin nina Trevor.
Binaba ko si Lila. "Mga anak..." Muli kong hinarap sa kambal ang nakababata nilang kapatid.
May ngiti si Lila para sa dalawang nakatatandang kapatid kahit nakatingin lang ang mga ito sa kaniya. Nalungkot ako para sa anak ko. Masiyahing bata si Lila. At sa edad pa lang niya ngayon ay nakikita ko nang lalaki siyang palakaibigan.
"Prince, Primrose..." Nagbuntong-hininga ako. "This is your baby sister, Lila-"
"Sister? We don't even know yet why you just left years ago. Tapos ngayon bumalik ka na may ibang family ka na." si Prince.
I was a bit taken aback. "Prince-"
"I want to go home! Call Daddy! Uuwi na kami!" si Primrose.
"P-Primrose, anak, mamaya pa kayo susunduin ng Daddy ninyo. Dito muna kayo-"
"No! I want to go home now!"
I thought she was throwing a tantrum.
I heaved a sigh. "Primrose, matanda ka na. Umakto ka sa edad mo. Tingnan mo itong kapatid mo-"
"Ayoko sa 'yo! I hate you!" she continued.
Para akong mauubusan ng pasensya. Inisip kong malalaki na sila ng kambal niya at mas makakaintindi na. Pero ganiyan pa ang inaakto nila sa harap ni Lila.
"Primrose, lower your voice-" saway ko. Binalingan ko si Lila na hindi sanay sa ganitong nagsisigawan o nagtatalo.
"I hate you so much!" nagpatuloy pa rin si Primrose. "Umalis ka! Iniwan mo kami! And now you came back with your new family. Hindi mo kami mahal..." She cried. Maagap siyang inalo ng kakambal niya.
My eyes widened. "Ano ba ang nangyayari sa inyo? Parang hindi ko na kayo kilala. Hindi naman kayo ganito dati."
"It's you we don't know anymore." Prince said in disappointment.
Tears fell down my cheeks.
My lip quivered. "P-Prince... don't say that. Primrose... mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ko kayo-"
"Liar!" Primrose shouted in tears.
Nagsimula na rin umiyak si Lila. Nagtawag ako ng yaya at pinakuha na muna ang anak ko.
"You don't love us! May ibang family ka na! Kinalimutan mo kami!-"
Maagap ko siyang niyakap. Nakaluhod na ako sa harap niya. I cried with her. Ang sasakit ng mga salitang natatanggap ko sa kanila. Alam kong nasasaktan din sila pero hindi nila alam iyong sakit na dinanas ko noong inakala ko na nawala na sila sa akin. I was so hurt I almost died. Kung hindi ako noon lumayo ay baka hindi ko na talaga kayanin. I just wanted to forget the pain...
"I'm sorry, anak... I'm sorry... Patawarin ninyo ako ng kambal mo... Hindi ko lang talaga kaya noon..." I sobbed.
Nagtagal kami sa ganoong ayos. Inabot ko rin si Prince at niyakap kahit gaya ng kambal niya ay hindi rin siya gumalaw para yakapin ako pabalik. They were just standing there. At least they are letting me hug them.
Tumahan sila at kumalma na rin pero pareho na rin walang kibo. Parang naghihintay nalang sa oras na sunduin sila ni Russel.
Agad silang tumayo at sinalubong ang ama nila nang nakabalik na ito para sunduin sila. Napatayo rin ako at sumunod. I will talk to Russel.
"Russel, we need to talk. Gusto kong nasa 'kin ang mga anak ko." seryoso kong sabi sa kaniya.
Nakita ko rin ang agad na pag-iling ng mga bata habang nakatingala sa ama nila na nagbaba rin ng tingin sa kanila. "Ayaw namin sa kaniya, Daddy. Hindi kami sasama." Primrose said.
It pained me.
Nag-angat ng tingin si Russel sa akin at nakita akong nasasaktan. His jaw clenched.
"We will talk." he seriously said.
Inakay na niya ang mga bata patungo sa naghihintay niyang sasakyan. Maagap na pumasok doon ang mga anak ko.
Wala akong nagawa kung 'di tingnan silang umaalis.
* * *
"Jewel," nagbuntong-hininga si Sha nang sinabi ko sa kaniya ang gustong mangyari. "baka ikasama mo pa 'yan lalo sa mga anak mo. Hindi madali 'yang ganiyan. Pahihirapan mo pa ang mga bata. Hindi mo sila basta nalang mapipilit na sumama sa 'yo at iwan ang tatay nila. Jewel, ilang taon ka rin nawala. At sa mga taong iyon ay si Russel lang ang kasama nila-"
"But I was with them, Sha! Ako ang kasama nila noong mas maliliit pa sila. Ako ang nagbuntis at nagpanganak sa kanila. Ako ang naghirap. At nasaan si Russel ng mga panahong iyon?"
Muli siyang nagbuntong-hininga. "Hindi niya alam, Jewel."
Hindi ako nakapagsalita.
Umiling si Sha. "Hindi niya alam noon. Hindi mo pinaalam sa kaniya noon na buntis ka na pala sa kambal at basta ka nalang din umalis."
"Kinakampihan mo ba siya, Sha?"
She shook her head. "Hindi, Jewel. Sinasabi ko lang... hindi palaging pag-alis o paglayo ang solusyon." she said.
Natahimik ako.
"Tingin ko kung nalaman din noon ni Russel ay hindi naman niya kayo tatalikuran... Hindi naman siya siguro mamahalin ng ganiyan ng kambal kung hindi siya naging responsableng ama sa kanila. Base sa kuwento mo noon, agad din naman niya kayong kinuha nang nalaman niya ang tungkol sa mga anak n'yo. He even offered to marry you-"
"That was a long time ago, Sha." putol ko sa kaniya.
Tumango-tango nalang siya sa sinabi ko. "Okay. Ang akin lang naman, siguro unahin mo munang kunin muli ang loob ng mga anak mo. I somehow understand your twins, Jewel. Iniwan din kami noon ni Mama."
I looked away. "Matagal din wala sa buhay nila noon si Russel." sabi ko.
"Iba ang nang-iwan sa walang alam, Jewel."
"Hindi ko rin alam... Ang akala ko talaga noon ay nawala na sa akin ang mga anak ko..." natutulala kong sabi.
I heard Sha sighing again. "Pasensya ka na. I'm not siding on Russel. Pero naiintindihan ko lang din ang kambal dahil may pagkapareho sa kanila ang napagdaanan ko rin noon sa mga magulang ko."
I slowly nodded in understanding.
Shazsa hugged me. "Mag-focus ka lang muna sa mga anak mo. Magiging maayos din ang lahat." she assured.
Nakipagkita rin ako kay Russel.
Halos sabay lang din kaming dumating sa isang restaurant. Pinaghila niya ako ng upuan. Pormal lang akong nakipag-meet sa kaniya. Kailangan naming mag-usap tungkol sa mga bata.
Naupo siya kaharap ko. Sa gitna namin ay ang table. Mukhang may reservation rin kami rito. Siya na ang pumili ng lugar na pagkikitaan namin ngayon.
"Russel," tawag ko.
Tumingin din siya sa akin. Halos hindi ko iyon matagalan.
"Gusto kong magkasundo tayo sa mga bata,"
He nodded. "Just please give them time." pakiusap niya.
Tumango ako.
"Si Leonor," naalala ko ang demonyang babaeng iyon.
"She's in a mental institution right now." Russel answered.
Baliw talaga ang babaeng 'yon.
"Dahan-dahanin mo lang ang mga bata. I will help you," he said.
Tumango nalang ako.
Nabalot kami ng katahimikan.
Biglang inabot ni Russel ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko. He was looking at me with longing in his eyes...
"You just left..." aniyang mukhang nasasaktan pa rin. "What happened to you?"
Dumating ang pagkain namin. Binawi ko na rin ang kamay kong hawak niya. Bumaling sa isa-isang nilalapag sa mesa namin. Gusto ko lang mag-usap kami tungkol sa mga bata... Wala nang iba.
My phone rang sa kalagitnaan ng pagkain namin ni Russel. I excused myself para masagot ang tawag. It was Trevor. Tumingin ako kay Russel at tumayo na para tuluyan iyong masagot.
"Trev,"
"Where are you?"
Papasok ako sa ladies' room. "Nasabi ko na sa 'yo 'to. Nakipagkita ako kay Russel para pag-usapan ang sa kambal."
"Okay. I'm on my way home, sunduin nalang kita diyan? Tapos na ba kayo?"
Saglit akong nag-isip. Tapos na rin naman siguro kaming mag-usap ni Russel. Nagkasundo na kami sa mga bata. "May kasama akong driver pero sige sabihan ko nalang si Manong na bumalik na sa bahay at susunduin mo ako dito."
"Alright. I'll be there in a few minutes. I love you."
"S-Sige, Trev," binaba ko na ang tawag.
I sighed a bit and looked at my reflection on the large mirror. Lumabas na rin ako at bumalik sa mesa namin ni Russel. "I have to go." salubong ko sa kaniya.
"You haven't finish your food yet,"
Umiling ako. "Thank you for this. Aasahan kong tutulungan mo ako sa mga bata,"
Unti-unti siyang tumango. Ilang sandali kaming nagkatinginan. "Jewel-"
"I really have to go. Sige," Tumayo na ako at halos magmadaling iwan siya doon.
Napahawak ako sa dibdib hanggang nakita ko na si Trevor at pumasok na rin kami sa kotse niya. "Are you okay?" ang una niyang tanong.
I nodded. "Yeah, let's go." I put on my seatbelt.
Bumaling na si Trevor sa steering wheel at muling nagmaneho paalis.
* * *
Buhat ko si Lila habang pinapatulog ko siya sa balikat ko. Minsan ay clingy din talaga ang anak ko. Ganito rin si Primrose sa akin noon. Gustong palaging binubuhat. Mas madaling nakakatulog sa mga bisig ko.
Nilagay ko na si Lila sa kama niya. Umupo ako doon sa tabi niya at pinagmasdan siyang natutulog. Hindi tulad ng kambal ay mas kamukha ko siya... Yumuko ako at hinagkan ang anak ko sa noo.
Nagpatuloy ako sa responsibilidad ko sa company namin sa mga sumunod na araw. Hindi naman pwedeng iasa ko nalang lahat kay Trevor. Nandiyan din si Sha na naka-assist sa akin. Nasa school din ang kambal para mag-aral kaya mostly after school pa nila kami magkakaroon ng oras sa isa't isa.
Minsan ay sinusundo ko sila at kumakain muna kami sa labas bago ko sila ihatid sa bahay nila. Ramdam kong may pader pa rin na nakapagitan sa amin pero ginagawa ko ang lahat ng kaya ko para makabawi ako sa kanila. When weekend came ay bumisita sila muli sa bahay. Natuwa na naman si Papa dahil kumpleto at nakasama niya ang tatlong mga apo niya.
"Primrose, anak, hindi ba mahilig ka rin sa dolls. Pareho kayo nitong kapatid mo." Ngumiti ako sa anak ko. Binuhat ko si Lila at pinatabi sa kaniya.
"I don't play dolls anymore." medyo malamig niyang sagot.
Medyo nawala ang ngiti ko pero pinilit ko pa rin. "Ganoon ba... Ano na pala ang mga hilig mo ngayon, anak?"
Nasa cell phone niya lang ang atensiyon niya.
Bahagya akong tumikhim. "Primrose, anak, baka puwede mo munang ibaba 'yang phone mo. Minsan lang kayo nandito sa bahay kaya sana mag-bonding din tayo ni Lila." I smiled.
Nag-angat siya ng tingin sa akin na hindi natutuwa ang reaksiyon.
"Are you happy?" she seriously asked.
My lips parted. Ngumiti ako. "Oo naman, anak-"
"Buti ka pa." Binalik niya ang tingin sa hawak na cellphone.
"Primrose..."
Nagsalita siya habang nasa phone pa rin halos ang atensiyon. "Kita naman na masaya ka. May bago ka nang pamilya," Sinulyapan niya si Lila na inosenteng nakaupo sa tabi niya at nilalaro ang manika nito. "Kinalimutan mo lang kami nina Daddy."
Umiling ako sa sinabi niya. I sighed. "Primrose, hindi ganiyan. Masaya ako kasi kasama ko na ulit kayo ni Prince."
"Right."
I can hear her sarcasm.
Muli akong nagbuntong-hininga. "Primrose, please, ako na ang nakikiusap sa 'yo. Sige, alam kong nagtatampo pa rin kayo sa akin... o nagagalit..." It hurts. "Pero sana naman huwag kang ganito sa kapatid mo. Look at her, gusto ka niyang makalaro." I said. "Sige, magalit ka sa akin. Tatanggapin ko at bumabawi naman ako sa inyo. Pero si Lila..."
Ngumiti ako sa anak ko nang tumingin ito sa akin ng banggitin ko ang pangalan niya. She adorably smiled at me, too.
Nang binalik ko ang tingin kay Primrose ay masama na ang tingin niya sa amin, and tears already shined in her eyes.
Agad akong nag-alala para sa anak. "Primrose-"
"I want to go home." she said.
Umiling ako. "Anak-"
"Ayoko dito. Mas gusto ko pa sa bahay namin ni Daddy. Hindi ko naman kilala ang mga tao dito."
"Primrose... Ako, anak, hindi mo na ba ako kilala? Ako pa rin ang Mama mo." I was hurting so bad. I've been hurting because of my situation with them.
She looked away. "I don't know."
Suminghap ako pinigilan ang luha.
"Ano ba ang kailangan kong gawin, anak?"
"Explain why you just left us. We were kidnapped and when we came back wala ka na. We were looking for you. Daddy never stopped. We were waiting... And you just came back now. Pakiramdam ko, Mama, wala na pala kaming hinihintay. Kasi may ibang buhay ka na."
Hindi ko na napigilan ang luha ko.
Pakiramdam ko kung magsalita ngayon ang anak ko ay parang hindi na siya bata... As if she matured earlier than expected because of what happened or because I wasn't with her...
"Mama..." Lila called. She already saw me crying.
"Baka hindi mo pa maintindihan... Siguro balang araw ay mauunawaan mo rin... Sa ngayon ay sinusubukan kong gawin ang kaya ko para bigyan ninyo ako ng pagkakataon ng kapatid mo. At sana... bumalik na rin tayo sa dati... Gaya noon, anak..." I looked at her.
My daughter only shook her head in disappointment.
Kinuha ko si Lila. "Sige, ipapatawag ko na ang kambal mo para makauwi na rin kayo." I told her at iniwan ko na muna siya doon.
Prince was with Papa. Kahit papaano ay nakikita ko namang nag-b-bonding talaga ang mag-lolo.
"Prince," tawag ko sa anak.
Mula sa paglalaro nila ni Papa ng chess ay bumaling siya sa akin. Malaki rin ang tuwa sa mukha ni Papa nang bumaling din sa akin. "Natalo ako nitong apo ko. Ang galing pala maglaro ng chess." natutuwang ani Papa.
Napangiti ako.
"Dad taught me." proud na anang anak ko.
Papa smilingly nodded at his grandson and tapped Prince head.
"Prince, uwi na raw kayo ng kapatid mo." I told him.
He nodded at nagpatiuna nang binalikan ang kapatid niya na nasa living room.
Nagkatinginan kami ni Papa. He sighed.
"Nag-usap na ba kayo ng ama nila?" he asked.
I nodded.
He sighed. "Ayaw kitang pangunahan... Pero mag-usap kayo ng maayos ni Mr. Martinez. Hindi lang kayong dalawa 'to. Hindi lang din isang bata and involved. Tatlo ang mga apo ko."
Hindi ko pa yata nakita na ganito kaseryoso si Papa noon. Palagi lang kasi siyang palangiti at palatawa. May pagka palabiro rin ang pagkakakilala ko sa kaniya.
I nodded again. "Maayos naman po iyong huli naming pag-uusap, Papa..."
Tumango siya.
Tiningnan namin ni Lila habang umaalis ang mga kapatid niya na sinundo ng driver nina Russel. Isang beses pa kaming nilingon ni Prince at bahagyang ngumiti sa amin ng kapatid niya bago tuluyang pumasok sa sasakyan nila. Napangiti rin ako sa anak ko at kumaway-kaway din si Lila na buhat ko sa kuya niya. Habang walang lingon naman at tuloy-tuloy lang na pumasok sa sasakyan si Primrose hanggang sa tuluyan na rin silang nakaalis at nawala na sa paningin ko...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top