Chapter Four

Chapter Four



Provide



"W-Wala," halos pumiyok ang boses ko nang sagutin ko ang tanong niya kung sino ang kausap ko kanina sa phone.

Lumapit siya sa akin. Napalunok ako. Bahagya kong tinago ang cellphone ko sa likod ko.

"On the sofa." utos niya.

Lumapit naman ako doon sa sofa ng malaking living room ng penthouse niya.

"Remove the shirt."

Sumunod ako. Pinadapa niya ako doon...

* * *

"Russel, kailangan ko na talagang umalis. Babalik din naman ako." pakiusap ko sa kaniya. Nakausap ko muli si Melba at sinabi nitong hinahanap ako ng doktor ni Primrose.

Hindi maganda ang nakita kong reaksiyon sa mukha ni Russel.

"Please, Russel," patuloy kong pakiusap.

Unti-unti rin naman siyang tumango.

"Salamat," sabi ko at kinuha na ang bag ko.

Wala na siyang sinabi at tiningnan lang akong umalis.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa ospital. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin ng doktor na bumubuti ang anak ko. Magtatagal pa si Primrose sa ospital pero ayos lang. May pambayad na rin kami sa bills... Naisip ko na pera rin iyon ni Russel. Para na rin niyang tinutustusan ang mga anak niya...

"Mama!" malaki ang ngiti ni Prince nang makita ako.

Ngumiti rin ako at sinalubong siya ng yakap at halik. Binuhat ko na rin siya papasok sa hospital room ng kambal niya. Natutulog si Primrose.

Binaba ko si Prince at nilapitan ang kapatid niya. Hinalikan ko sa noo ang prinsesa ko. Wala na akong mahihiling pa ngayong bumubuti na siya. Maingat kong hinaplos ang pisngi niya para hindi magising. Gagawin ko ang lahat para sa kanilang magkapatid.

* * *

"Ang sarap, Mama!" puri ni Primrose sa niluto ko para sa kaniya. Lugaw lang naman ito. Nakauwi ako saglit sa bahay para ipagluto sila ng kambal niya. Panay lang kasi kami bili ng pagkain sa mga nagdaang araw gayong mas sanay ako na pinagluluto silang magkapatid. Kahit mga simpleng pagkain lang.

Abala rin si Russel kapag umaga sa trabaho niya. Siya na ang nagpapatakbo ng business ng parents niya. Kaya okay iyon at buong araw makakasama ko ang mga anak ko. Nandito lang kami sa ospital. Pinapauwi ko rin si Prince at pinapasamahan muna kay Melba sa bahay. Pero nandito na naman siya ngayon. Ayaw mawalay sa kakambal at gusto akong makita.

"Talaga? Masarap?" ngiti ko. Ganado namang tumango ang anak ko. Medyo lumalakas na rin siyang talaga. "Sige, kumain ka pa para lalo kang lumakas." sabi ko at pinagpatuloy ang pagsubo sa kaniya.

Biglang tumunog ang phone ko kaya tinabi ko muna ang pagkain ni Primrose. Kinuha ko ang cellphone at nakitang si Russel ang tumatawag. Tumingin ako sa anak ko. "Sandali, anak, ha." paalam ko at iniwan sila saglit ng kambal niya.

Sinara ko ang pinto ng kuwarto nang makalabas at sinagot ang tawag.

"Where are you?" bungad sa akin ni Russel.

Maaga pa naman. "Uh, nasa bahay... Bakit?"

"Give me your address. Sunduin kita." sabi niya.

"H-Ha? Uh, tapos na ba ang trabaho mo?"

"Yes."

"U-Uh, sige, ako na ang pupunta sa condo mo-"

"Just give me the address para daanan nalang kita-"

"Hindi na! Papunta na ako sa condo mo. Doon nalang tayo magkita." kinabahan ako.

Matagal bago siya nakasagot. "Okay..."

Binaba ko na ang tawag sa kaniya at tinawagan naman si Melba. Mabilis lang din naman ito na nakarating sa ospital. Habang hinihintay siya ay tinapos ko ang pagpapakain kay Primrose. Hinalikan ko sila ni Prince at nagpaalam nang aalis.

"Mama," pigil sa akin ni Prince nang palabas na ako sa pinto ng kuwarto. "Saan ka pupunta?"

Natigilan ako at bahagyang yumuko para maabot siya. "Mag... Magtatrabaho lang si Mama, anak." binigyan ko siya ng ngiti.

"Puwede ba akong sumama?"

Nabigla ako. Naisip ko na dadalhin ko siya at magkikita sila ni Russel... ng ama nila ni kambal niya. Umiling ako. "Hindi puwede anak, e... 'Di bale kapag okay na si Primrose lalabas tayo at mamasyal. Mamimili tayo ng mga laruan." Ngumiti pa ako para pagaanin ang loob niya.

Ngumuso ito. Kamukha talaga ang Tatay niya.

"Sige na, anak. Kailangan nang umalis ni Mama." Hinagkan ko na siya at tinawag si Melba. Kinuha ng maiiwang bantay ang anak ko.

Ngumiti ako sa anak ko at tuluyan nang nakaalis.

Habang nasa sasakyan ay naisip kong... sabihin kay Russel ang tungkol sa mga anak niya... Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya. Natatakot ako. Tapos naalala ko iyong huling beses na magkasama kami. Pinaratangan niya ako noon na may ibang lalaki bukod sa kaniya. Paano kung kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa mga anak ko ay hindi niya tanggapin at sasabihing anak ko sa ibang lalaki. Lalo pa ngayon na hindi ko sigurado kung ano ang tingin niya sa akin...

Napayuko ako at pinigilan ang luha. Masakit... Ni minsan hindi ko siya pinag-isipan ng masama noong may relasyon pa kami. Buo ang tiwala kong binigay sa kaniya. Tapos siya ang bilis niya lang akong pagbintangan ng ganoon.

Hindi ba't sinabi ko naman sa kaniya na mahal ko siya? Ganoon lang ba kababaw ang tingin niya sa damdamin ko? Naisip niya talagang naghanap pa ako ng iba... Ang sakit, sakit. At kapag naiisip ko. Idagdag pa ang mga hirap na dinanas namin ng mga anak ko ay nagagalit lang ako sa kaniya.

Nilapag ko ang bag ko nang makapasok sa condo niya. Tahimik ang malaking tirahan niya. Wala pa siya.

Naisip ko ang mga anak ko habang napagmasdan ang tirahan ng ama nila. Napakakumportable ng buhay ni Russel. Samantalang ang mga anak niya ay naranasang magutom at humiga sa karton... Tumulo na ang luha ko. Hindi ko talaga mapigilan.

Mabilis ko lang pinunasan nang marinig ang pagbubukas ng pinto at nakita ko siyang pumasok. "Maaga ka," puna ko.

"Let's dine outside." sabi niya.

Dinaanan niya lang ako at dumiretso siya sa kuwarto niya. Nagbihis lang siya sandali habang naghihintay akong nakaupo doon sa sofa ng living room niya. Umalis na rin kami pagkatapos.

Dinala niya ako sa isang mukhang mamahaling restaurant. May reservation pa siya doon at hinatid kami ng waitress sa table namin. Pinaghila ako ni Russel ng upuan at umupo na rin ako doon. Sumunod siyang naupo katapat ko.

Binigyan kami ng menus. Mukhang mamahalin ang mga pagkain dito na hindi rin gaanong pamilyar sa akin. Binaba ko iyon at nag-angat ng tingin sa kaniya. Tumingin din siya sa akin. Umiling ako.

Bumaling si Russel sa naghihintay na waitress. "We'll have steak and wine..." nagpatuloy siya sa pagsasabi ng mga orders para sa aming dalawa.

Tahimik kami hanggang sa na-served iyong pagkain. Hindi pa agad ako gumalaw. Nang gumalaw naman ako ay pinagpalit ni Russel ang mga plato namin. Hiwa na 'yong steak na binigay niya sa 'kin. "Salamat," tipid ko nalang na sinabi.

"You like it?" tanong niya habang naghihiwa siya ng sarili niyang steak.

Nginuya ko naman muna 'yong pagkain ko. Tumango ako. "Oo, masarap." sabi ko.

Tumango siya at nagpatuloy kami sa pagkain.

Medyo nanibago ako sa kaniya. Noong una kasi parang lagi lang siyang galit at iritado. Ngayon parang ang gaan niyang kasama...

Pagkatapos ay umuwi rin kami sa condo. Nagsabay kami sa pagligo at muli niya akong inangkin... Marahan ang pag-angkin niya sa akin kumpara noong mga naunang beses...

Marahan niya rin akong pinaibabawan. Nagkatinginan kami sa mga mata ng isa't isa... Unti-unti niya akong hinalikan... Hanggang sa gumanti na rin ako...

Sinisigurado ko na hindi ko nakakaligtaan ang pag-inom ng pills. Hindi puwedeng mabuntis na naman ako. Nakita ako ni Russel na umiinom no'n kaya parang biglang nagbago ang mood niya at naging iritable na naman. Hinayaan ko nalang siya. Baka masama ang gising. Napuyat din siya kagabi. Ako rin naman.

"What happened to you..." bigla niyang tanong isang araw habang nanonood lang kami ng movie sa malaking flat screen TV niya.

Bumaling ako sa kaniya. Mula sa harap namin ay tumingin din siya sa akin. "Gusto mo ba 'yang ginagawa mo?"

Alam kong tinutukoy niya ang pag-e-escort ko. Nag-iwas ako ng tingin. Siyempre hindi ko gusto ito. Pakiramdam ko ang baba baba ko. Pero ano'ng magagawa ko? Ito nalang ang nakita kong paraan para matustusan ang mga anak ko lalo na si Primrose na nasa ospital.

"Pinuntahan kita noon sa bahay n'yo... Pero wala ka na doon... Your... Grandmother died... I'm sorry..." dahan, dahan niyang sinabi iyon.

Muli akong napatingin sa kaniya.

Siya naman ang nag-iwas ng tingin at mukhang guilty. "I looked for you... I was mad but I did looked for you... At ngayong nahanap na nga kita," tumingin siya sa akin, dumiin. "What the hell are you doing with your life? Bakit-"

"Bakit ginagamit ko ang katawan ko para magka pera?" pinutol ko siya.

Umiling siya. "Jewel-"

"Para mabuhay..." kami ng mga anak mo. Pinigilan ko ang sarili ko at umiwas ng tingin. Huminga nalang at kinalma ang sarili.

"Leave that fucking-" hindi niya masabi ang trabaho ko. Nagbuntong-hininga siya. "I will provide for you." seryoso niyang sinabi.

Napabaling ako sa kaniya at bahagyang umawang ang labi.

Tumingin din siya sa akin. Nagkatinginan kami. Seryoso siya sa sinabi.

"Russel-"

Natigil kami nang narinig ang doorbell. Tumayo siya at pinuntahan muna ang pinto para pagbuksan. Tumayo na rin ako at bahagyang sumunod sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung sino iyong dumating. Nakangiti pa ito kay Russel ngunit naglaho rin ang ngiti niya nang nakita akong nakatayo doon sa loob ng condo ni Russel.

"Kaz," banggit ko sa pangalan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top