Chapter Fifteen
Chapter Fifteen
Daughter
"Ano ang nangyari?" tanong sa akin ni Sha nang kumalma na ako. Binigyan niya rin ako ng bottled water.
"Alam kong may kinalaman si Russel kung bakit ganoon nalang ang mga anak ko sa akin." I said.
Umiling si Sha sa sinabi ko. "Jewel... hindi ako fan ni Russel, ha. Noon pa man nagtatrabaho tayo sa isla ng tiyahin niya ayaw ko na talaga sa kaniya. Obvious na babaero. Pero..." Nagbuntong-hininga siya. "hindi rin naman siguro tama na sa kaniya mo isisi ang lahat..." rumahan ang boses niya.
Napatingin ako sa kaniya.
"Jewel, ilang taon ka rin wala. Malalaki na rin ang mga anak mo at may sariling isip. Natural naman siguro kung nagtatampo sila sa 'yo..."
Nagbuntong-hininga nalang ako.
Nang nakarating sa bahay ay agad kong hinanap si Lila. Hindi na ako nakabalik sa office at pinadiretso ko na ang sasakyan dito sa bahay. Napagod ako sa pag-iyak at sa nangyari.
"Mama!" sinalubong ako ng anak ko ng magandang ngiti at yakap.
Niyakap ko rin ng mahigpit ang maliit niyang katawan. "I miss my baby..."
"I miss you, Mama!" malambing niyang yakap sa leeg ko.
Napangiti na ako.
Hindi ko pa agad siya pinakawalan. I spent the rest of the day just playing with Lila and her dolls. Naalala ko sa kaniya si Primrose. Pareho silang mahilig maglaro ng manika.
Natutulog na si Lila sa kama niya nang kumatok at pumasok si Trevor sa kuwarto. Kakadating niya lang galing sa mga pinapaasikaso ni Papa sa kaniya. Sinalubong ko siya ng halik sa pisngi.
"Maaga ka raw umuwi kanina?" he asked.
I nodded. "Yes... I missed Lila..."
He smiled and nodded. "Hindi ka pa talaga sanay na matagal kayong mawalay."
"Trev,"
"Hmm?"
I looked at him. He's good looking. Pero hindi iyon ang nagustuhan ko sa kaniya. I liked his loyalty to my father, his kindness and his gentleness. Lalo kay Lila. Sobrang close nga nilang dalawa ng anak ko na minsan nakakapag-selos na.
Bumaling ako saglit sa anak na natutulog. Napakain ko na siya at naliguan kanina. Maaga talaga ang tulog niya. Ang antukin din ng batang ito. I'm thankful na malusog ko naman siyang pinagbuntis noon at pinanganak. Hindi naman siya naging sakitin.
Tumingin muli ako kay Trevor. "Nagkita kami ni Russel..." Hinintay ko ang reaksiyon niya pero normal lang iyon at parang hinihintay niya lang din ako magpatuloy. I continued. "Pati ang mga anak ko..."
His forehead creased. "I thought..." aniyang naguluhan din.
Umiling ako. "Buhay sila, Trev." Muling bumuhos ang mga luha ko.
Maagap akong niyakap ni Trevor at inalo. "It's okay... It's going to be all right..." He just kept on assuring me.
Doon pa rin sa dati nilang school nag-aaral ang kambal. Sinamahan ako ni Trevor sa sumunod na araw na puntahan sila. Matiyaga akong naghintay hanggang natapos ang klase nila. Sinalubong ko sila nang makita. "Primrose, Prince," tawag ko.
Mukhang maayos na rin si Primrose dahil agad din siyang nakabalik sa eskwela. Mabuti naman at hindi na lumala iyong konting sakit niya.
Nag-angat sila ng tingin sa akin at sa lalaking kasama ko. "What are you doing here?" Prince asked.
"Anak, sinusundo ko kayo." I smiled at them. Miss na miss ko sila. Gusto ko sana silang dalhin sa bahay para makilala na rin nila ang kapatid nila. Alam din ni Lila na may mga kapatid siya.
"Where's Dad? Does he know about this?"
Bahagya akong natigilan sa tanong ni Prince. Dapat ba magpaalam pa ako kay Russel? Anak ko rin sila at ina nila ako. Puwede ko silang puntahan kahit kailan ko gusto.
Umiling ako.
"Let's go." Hinihila na ni Primrose ang kambal niya.
Nakikita kong mukhang okay naman na siya. Konting lagnat nga lang talaga iyong nangyari sa kaniya kahapon. Mabuti naman at okay na agad siya ngayon.
Hinawakan ni Prince ang kamay ng kambal niya at nilagpasan na nila ako.
Maagap akong humabol. Pero natigilan din nang nakita si Russel. Nagkatinginan kami. Tumakbo sa kaniya ang dalawang bata at sinalubong naman niya ang mga ito.
"Gusto ko silang dalhin sa bahay. Ngayon ang dating ni Papa. Gusto ko silang ipakilala sa Lolo nila." I told him.
Sumulyap siya kay Trevor na nanatili sa tabi ko. Bumaling din siya sa mga bata. He's still wearing his slacks and dress shirt, halatang galing pa sa trabaho. "Your Mom wants you to-"
Pinutol agad siya ni Primrose. "Ayaw ko..." Umiling-iling ang anak ko sa ama niya.
Russel held her cheek. Yumakap sa baywang niya si Primrose at tinago ang mukha sa tagiliran ng ama. Hinaplos ni Russel ang buhok niya bago ito muling nag-angat ng tingin sa akin. "Baka pwedeng pag-usapan muna natin. Hindi pa handa ang mga bata." he said.
I gritted my teeth. Hindi ako nagsalita.
Nagyayaya nang umuwi si Primrose kaya wala na rin akong nagawa.
Inabot at hinawakan ni Trevor ang kamay ko nang nasa loob na kami ng sasakyan. Bumaling ako sa kaniya at mula sa pagmamaneho sumulyap siya sa akin. He gave me an assuring smile at bahagyang pinisil ang kamay kong hawak niya.
Lumipas ang ilan pang araw bago ako tinawagan at pinaalam sa akin ni Russel na pumapayag na ang mga anak ko na pumunta rito sa bahay. "Sige, susunduin ko sila-" masaya kong kausap sa kaniya sa phone.
"Ihahatid ko na sila diyan. Just give me the address." he said from the other line.
Bahagya akong natigilan at hindi pa agad nakasagot. Sa huli ay binigay ko rin sa kaniya ang address ng bahay ni Papa. Buntong-hininga kong binaba ang tawag pagkatapos.
Nagpahanda agad ako ng pagkain. Pabalik-balik ang lakad ko habang hinihintay ang mga anak ko. Hinanda ko na rin si Lila. She's excited to meet her siblings, too. Napapangiti ako.
Naroon na rin sila Papa at Trevor nang dumating ang kambal kasama si Russel. Sinalubong ko sila ng yakap. Hinayaan lang nila akong yakapin ko sila. Halos hindi gumalaw si Primrose habang niyayakap ko siya.
"Hijo," bati ni Papa kay Russel.
Kilala niya pala talaga ang pamilya ni Russel. Alam ni Papa ang mga nangyari sa akin noon pero hindi ko nabanggit sa kaniya ang pangalan ni Russel. Hinayaan lang din ako ni Papa.
"Sir," binati rin ni Russel ang Papa ko.
Ngumiti si Papa kanila Prince at Primrose at nilapitan ang mga anak ko. The twins politely greeted their grandfather. Napangiti ako habang tinitingnan sila.
Nag-angat ng tingin ang mga anak ko kay Lila na karga ni Trevor sa tabi ko. Ngumiti sa kanila ang nakababata nilang kapatid. Kunot lang naman ang noo ng kambal. Kinuha ko si Lila kay Trevor para ilapit sa kanila.
"Prince, Primrose, this is Lila, your little sister." ngumiti ako.
"Hi!" Lila cutely greeted her older siblings.
Hindi pa rin nagbabago ang reaksiyon ng kambal. Sumulyap sila muli kay Trevor na nanatili sa likuran namin ni Lila at balik muli sa amin ng kapatid nila. Para bang may napagtanto sila. Nag-iwas ng tingin si Prince. Bumalik naman si Primrose sa tabi ni Russel at humawak sa ama.
"They don't like me?" Nakanguso nang bumaling sa akin si Lila at mukhang maiiyak.
"Shush," hinagkan ko siya.
Kinuha na rin siya sa akin ni Trevor.
Niyaya na kami ni Papa sa dining. Nagpaalam naman si Russel na mauuna at hinatid niya lang ang mga bata. Humawak pa sa kaniya si Primrose at mukhang ayaw na iwan niya. He assured my daughter that he will be back at susunduin niya rin ang mga bata mamaya.
Nauna na sila Papa na giniya ang dalawang apo. Kasunod sila Trevor na buhat si Lila. Naiiwan pa ang tingin ni Lila sa amin ni Russel.
Susunod na rin sana ako nang pigilan ako ni Russel. Hinarap ko siya.
"Is she... my daughter?" Alam kong tinutukoy niya si Lila.
Umiling ako. "No, anak namin ni Trevor si Lila." I said.
His lips parted at unti-unti rin siyang tumango. I saw sadness in his eyes as he was looking at me.
Hindi ko iyon natagalan kaya nag-iwas ako ng tingin.
Nagpaalam na rin siya na tinanguan ko lang. Sumunod na rin ako sa dining nang nakaalis siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top