Chapter Eleven
Chapter Eleven
Kidnap
"Daddy!"
Napalingon ako sa mga anak ko nang narinig ang tawag nila. Nakita ko rin na naroon na si Russel habang nagbabayad ako sa cashier. Napangiti nalang ako. Binuhat ni Russel si Primrose at hinawakan sa isang kamay si Prince at palapit na sila sa akin.
"Dito nalang tayo kumain?" salubong ni Russel at hinalikan ako sa pisngi.
Nakita kong nakangiti sa amin ang babaeng cashier. Medyo nahiya pa ako. "Ah, oo, nagyayaya rin ang mga bata doon sa favorite nilang fast food." sabi ko.
Tumango si Russel at hinintay nila akong matapos makapagbayad ng pinamili namin sa bookstore. Pagkatapos ay pumunta na kami sa kainan. Excited na pumasok doon ang kambal at nakipag-high five pa sa mascot si Prince. Napangiti lang kami ni Russel na nakahawak sa baywang ko habang nakasunod lang kami sa mga bata.
Pagkatapos kumain ay naglibot pa kami sa mall. Nagpabili na naman ng laruan ang dalawang bata. Binanggit ko kay Russel ang pagkakakita namin kay Leonor. "Are you alright? What did she do?" agad niyang reaksiyon nang nalaman.
Umiling ako. "Wala naman. Nagkasalubong lang kami at binati niya ang mga bata."
Tumango si Russel at inabot ang noo ko para mahalikan.
Nang makauwi sa bahay ay pinauna ko na si Russel sa kuwarto namin para makapaghanda na siya at pahinga. Pagod pa siya sa trabaho. Ako na ang umasikaso sa mga bata. Pinaliguan ko at hinanda na rin sa pagtulog. Nakapag-goodnight na rin kanina sa kanila ang Daddy nila. Hinalikan ko na sa mga noo nang mahiga na pareho doon sa mga kama nila.
Pagkapasok ko sa kuwarto namin ni Russel ay kakalabas niya lang sa walk in closet. Ako naman ang naligo at naghanda na rin sa pagtulog. Nadatnan kong gising pa si Russel sa kama namin. Pinadapa ko siya para mamasahe. Pumuwesto ako sa likuran niya at nagsimula siyang i-massage.
"My life's perfect. I couldn't ask for more." aniya habang nasasarapan sa pagmasahe ko.
Bahagya nalang akong napangisi.
Makaraan ay hinuli niya ang kamay ko at humarap. Hinila niya rin ako sa dibdib niya. Niyakap ko nalang. "Bukas ang dessert tasting?" tanong niya patungkol sa mga detalye ng mgiging kasal namin.
Tumango ako habang nakaunan sa dibdib niya. Gusto pa niyang bongga pero sabi ko kahit simple lang. Ang importante lang naman sa 'kin ay makasal kami.
"Babe, do you want to go back to study?" bigla nalang niyang tanong.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Baka lang gusto mong magpatuloy sa pag-aaral," aniyang nilagay sa likod ng tainga ko ang ilang takas kong buhok. Ang isa niyang braso ay nasa likod ng ulo.
"I remember you telling me about your dream of becoming a teacher before..." pagpapatuloy niya. Parang may humaplos sa puso ko. Naalala niya. "It's never too late, baby. Puwede mo pa rin tuparin 'yon kahit nandito kami ng mga anak natin. We will suport you." isang magaang ngiti ang binigay niya sa akin.
Nangislap na ang luha sa mga mata ko at muli siyang niyakap, nang mahigpit. Niyakap niya rin ako at hinagkan. "Don't cry, love." bulong niya. "I love you."
"Mahal din kita, Russel." nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Salamat."
Umiling siya. "Thank you."
Nagsimula kaming maghalikan. Lumalim iyon at parang uminit ang paligid...
* * *
"Tama lang kaya itong timpla ko?" naglagay ako ng konting sabaw sa isang kutsara at pinatikim 'yon kay Russel sa tabi ko.
Binigyan niya ako ng thumbs up at hinalikan sa pisngi. "It tastes good. Don't worry yourself so much, love."
Tumango ako pero hindi pa rin naiwasan ang pag-aalala. Bibisita ang parents ni Russel at dito sa amin mag-d-dinner. Sinubukan kong lutuin iyong mga gustong pagkain ng parents niya at sana ay tama lang ang pagkakaluto ko.
Alam na nila na pakakasalan ako ng anak nila. Wala naman silang sinabi sa akin o ano. Iyong Dad ni Russel maayos naman ang pakikitungo sa akin lalo sa mga anak ko. Mabuti rin naman na lola ang Mama niya. Hindi lang ako nito kinikibo pero wala na rin naman akong narinig na masamang salita mula sa kaniya. Siguro tinanggap nalang din nila dahil gusto ni Russel at para sa mga apo nila...
Hindi ko pa alam kung ano ang masasabi nila na pag-aaralin din ako ni Russel... Ang sabi ko kay Russel ay saka na siguro ako babalik sa pag-aaral kapag mas malaki na ang mga bata. Ayaw ko kasing mapabayaan ko sila dahil sa pag-aaral ko. Pero ang sabi naman sa akin ni Russel ay puwede rin daw akong mag-aral sa bahay lang.
Sinugod ng kambal ang Lolo at Lola nila nang dumating ang mga ito. Agad naman natuwa ang mag-asawa nang nakita ang mga apo. "Parang bumigat yata itong apo ko." anang Dad ni Russel nang binuhat nito si Primrose.
Tumaba nga ngayon ang mga bata kumpara noon na ang papayat... Kaya masaya rin talaga ako para sa mga anak ko. Maganda na ngayon ang buhay nila at nakikita kong mas naging masayahing mga bata sila.
"Hija,"
Nagulat pa ako at hindi agad nakakilos nang lapitan at halikan ako sa pisngi ng Mama ni Russel. "M-Ma'am,"
Tipid ako nitong nginitian at maagap din akong ngumiti pabalik pero saglit lang iyong ngiti niya kaya medyo nahiya ako sa laki ng pagkakangiti ko. Tahimik akong sumunod sa dining.
"Hey," pumulupot ang braso ni Russel sa akin.
Binigyan ko siya ng ngiti.
"Jewel cooked everything." ani Russel nang pare-pareho na kaming nakaupo at nakaharap doon sa hapag.
"Oh, magaling ka palang magluto, hija." nakangiting puri ng Daddy ni Russel.
Medyo nahihiya pa rin akong ngumiti. "Salamat po,"
Nakita kong tumango rin ang Mommy ni Russel. Nagkatinginan kami ni Russel at nagkangitian.
Naging maayos naman ang gabing iyon. Tingin ko ay sinusubukan din ng Mommy ni Russel na tanggapin na ako sa pamilya nila.
* * *
"Russel..." Umiiyak na ako nang mahigpit niyang hawakan ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at umiling. "Hindi ko kaya..." Patuloy ako sa pag-iyak habang nababalot ng kaba at takot.
Maagap niya akong dinala sa mga bisig niya at niyakap. Hindi na ako matigil sa pag-iyak.
Usual na nasa trabaho noon si Russel habang nasa bahay lang naman ako at naghahanda ng snacks para sa mga anak ko na pauwi na. Pinasundo ko sila sa driver sa school. Panatag lang ako sa mga oras na iyon hanggang umabot sa akin na k-in-idnap ang mga anak ko!
Nalaman din agad iyon ni Russel kaya magkasama kami ngayon habang inaalam kasama ang mga awtoridad kung nasaan ang mga anak namin.
Hinarang ang sasakyan na sumundo sa mga anak ko at walang nagawa ang driver at yaya na sinugod na rin sa ospital dahil parehong nabaril nang kunin ng mga hindi pa kilalang tao ang mga anak ko. Ganoon din ang bodyguards at ang paliwanag nila ay hindi nila iyon gaanong napaghandaan at mukhang pinagplanuhan daw. Ang ilan sa kanila ay sugatan din.
Galit na galit sa kanila si Russel. Nang nagkaroon ng lead pagkatapos ng ilang oras ay nagpumilit akong sumama. Magkasama kami ni Russel sa isang sasakyan. Hinahabol namin ang sasakyan na sakay ang mga anak namin. Panay ang dasal ko. Ang luha ko ay hindi na natutuyo. Ang dibdib ko ay parang tinutusok. Gusto ko lang makita na ang mga anak ko at maiuwi nang ligtas.
"Russel...ang mga anak natin..." Panay ang iling ko habang lumuluha. "Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanila..."
Maagap niya akong niyakap. Umiyak ako sa dibdib niya.
Pare-pareho kaming lahat na natigilan nang makarinig ng pagsabog!
Huminto ang sinasakyan namin kasunod ang mga sasakyan na nasa unahan. Nagsilabasan kami sa mga kotse at pinanood ang pagkain ng apoy sa isang sasakyan 'di kalayuan.
Kitang-kita ko iyon... Para akong nabingi. Parang tumigil ang mundo ko. Sumigaw ako... "Hindi..." Nanlalaki ang mga mata ko habang hindi naalis ang mga mata sa nag-aapoy na sasakyan.
Nandoon ang mga anak ko... "Hindi! Prince! Primrose!" pagsisigaw ko.
Hawak ako ni Russel. Hanggang sa nawalan nalang ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top