Chapter Eighteen

Chapter Eighteen



I don't know anymore



Hinatid pa rin kami ni Russel sa bahay. Tahimik siya. Ganoon din si Primrose. Si Prince naman ay abala lang kay Lila. Bumaba kami ni Lila sa sasakyan at ang yaya nang makarating.

Pinanood ko ang sasakyan nila na umalis.

"Mama..." Dumapo ang maliit na kamay ni Lila sa basa kong pisngi habang buhat ko siya.

Hindi ko agad naramdaman na lumuluha na naman pala ako.

Mabilis kong pinunasan ang mga pisngi ko at tuluyan na siyang pinasok sa bahay.

I already realized my mistakes. Years had past at naging duwag ako. I realized na nagpadalos-dalos ako. Alam kong mali na basta nalang ako umalis noon. But I was hurting... Alam kong hindi lang naman ako ang nasaktan... Pero hindi ko kinaya... I wasn't as strong as how I supposed to be? Dapat ba palaging matapang? Dapat ba palaging malakas ang loob? Hindi man matanggap ang rason ko... Pero ganoon ako, e. Hindi ako kasing tapang ng iba. Hindi palaging sapat ang rason ko. Dahil ang totoo ay naging duwag ako. Duwag ako noong harapin ang sakit at manatili...

And I am guilty... Hindi ko alam kung paano pakikiharapan si Russel. Natakot ako, nahiya. I didn't really know what to do. Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa ang mga nagawa at nasabi ang mga nasabi. Naguluhan ako. Nawala na ako sa tama. Pakiramdam ko puro nalang mali ang mga nagawa ko.

Ilang buwan ang nakalipas nang umalis ako ng bansa noon at sumama kay Papa sa America ay doon ko pa lang nalaman na buntis na pala ako kay Lila. Wala kasi akong naranasang sintomas ng pagbubuntis noong pinagbuntis ko siya kumpara noong buntis ako sa kambal. Kaya hindi ko agad nalaman. Naisip ko noon na ipaalam kay Russel... Pero nang mga panahong iyon ay gusto ko lang makalimot sa sakit sa inakala kong pagkawala ng mga anak ko. At inaamin ko, sinisi ko siya... Ganoon naman minsan ang tao, hindi ba? Kapag sobra kang nasasaktan naghahanap ka ng masisisi para sa dinaranas na sakit.

Kaya naging makasarili ako. Nag-focus ako noon sa pag-aaral ko at kay Lila. Unti-unti rin akong sumaya muli dahil sa anak ko. At si Trevor, he was there for me and Lila. So I gave him a chance. Inisip ko rin na iyon na ang magiging buhay ko. Gusto kong kalimutan ang masakit kong nakaraan. I was selfish. I was afraid of the pain...

At noong nagbalik ako at nalaman ang katotohanang buhay pa pala ang mga anak ko... Nagulo ang utak ko. Kaya kung ano-ano nalang ang mga nagawa at nasabi ko... Hindi ko sinasadya... I am fucking weak. And I feel like I don't deserve Russel and my children anymore... Pero gusto ko silang ipaglaban. Babawi ako. Pagbabayaran ko ang mga maling nagawa. Natuto na ako. Pinagsisisihan ko...

Ako:

Puwede ko bang dalawin ang mga bata ngayon?

I sent Russel a text message.

Hihingi ako ng tawad kay Primrose. Hindi ko naman sinasadya na mapagbuhatan ng kamay ang anak ko. Nasaktan lang din ako sa mga nasabi niya. Pero alam kong nasasaktan lang din ang anak ko. Nasaktan ko siya. Kaya sana ay bigyan pa niya ako ng pagkakataon. Hindi ako titigil.

Tumunog ang phone ko at agad kong tiningnan ang reply ni Russel.

Russel:

Yes. Nandito lang kami sa bahay.

Agad akong nagbihis at nag-ayos. Hinanda ko rin si Lila. Kailangan ko na rin sabihin kay Russel ang totoo tungkol sa kaniya... Kailangan ko nang itama ang mga mali ko... Kung hindi ko man maitama ay sana mabigyan naman ako ng pagkakataong ayusin...

Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Sha. Sinusuutan ko pa ng sapatos si Lila.

"May pupuntahan kayo?"

Tumango ako. "Dadalawin ko ang mga bata."

She nodded. "Nasabi mo na ba kay Russel?" she asked.

Bumaling na ako sa kaniya nang matapos kay Lila. Hinayaan ko muna ang anak ko sa kama. Hindi rin naman ito malikot at humiga pa nga doon.

"Mamaya sasabihin ko..."

She nodded and sighed. "Jewel,"

"Sha, tingin mo tatanggapin pa nila ako?" nanginig ang labi ko.

I was scared.

Hindi ko na alam.

Sha let out a sigh again. Lumapit pa siya sa akin. "Jewel... You were depressed. Ang bata mo pa noong nagbuntis ka sa kambal. You were alone. Nahirapan ka ng sobra. Sakitin pa si Primrose. There were so many times na halos masiraan ka ng bait sa takot... sa kawalan ng pag-asa. Ilang beses kang hindi nakakain ng tama, nagutom. Minsan naglalakad ka noon sa daan na parang walang direksiyon. You only had yourself then and your twins. And you needed to provide for them. You did everything. Ilang luha ang iniyak mo. Ilang tulog dapat ang hindi mo tinulog dahil kailangan mong magtrabaho at buhayin ang mga anak mo. Kung ano-anong trabaho pa ang pinasok mo. Sobrang hirap ang dinanas mo. You were young and a single parent. And then you thought you lost them..."

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"You weren't weak. Nakaya mo silang buhayin ng mag-isa sa loob ng mahaba rin panahon... Naabot mo lang ang hangganan mo... When you thought you lost your twins pakiramdan mo noon naabot mo na rin ang dulo. As if it was the end for you. And then you collapsed..."

She sighed again. "They will not understand because they are not you. Ikaw lang ang makakaintindi sa sarili mong sakit. Because I believe there is no the same pain for everyone. One can handle well no matter how painful it is for others. Pero may iba rin na sasabihin man sa 'yo na mas may sobra pa kaysa sa pinagdaanan mo ay ikaw na mismong dumaranas ng sakit ay hindi mo kaya. Walang mahina. Wala rin sobrang tapang. Iba-iba lang talaga tayo when it comes to handling conflicts and pain."

"Kaya, please, Jewel. Huwag mong sasabihin na naman sa akin na mahina ka. Hindi perpekto ang tao. Hindi palaging maayos ang pag-iisip natin. Hindi palaging sapat ang mga dahilan. Not all the time we are reasonable." She gave me a small smile.

"Sha..."

Maagap niya akong niyakap. I cried on her shoulder.

* * *

"Mama," sinalubong kami ni Prince at kinuha na naman niya agad sa akin si Lila.

I smiled. "Nasaan si Primrose at ang Daddy mo?" I asked him.

"Upstairs," sagot niya.

Nagpaalam akong aakyatin na si Primrose sa kuwarto niya. Binilin ko muna si Lila kay Prince at sa kasambahay.

Pero hindi pa man ako nakakakatok sa pinto ng anak ko ay narinig ko na ang pag-uusap nila ng ama niya sa loob dahil na rin sa maliit na siwang ng pintuan.

"Primrose, huwag mo nang gagawin ulit iyon. Mali pa rin na sagot sagutin mo nang ganoon ang Mommy mo. She's still your mother." Narinig kong sinasabi ni Russel sa anak namin.

"Kasalanan kasi niya, Dad..." Primrose reasoned out. Tingin ko ay umiiyak siya.

"Shush, just don't do it again. Your mother went through a lot for you and Prince. Naalala mo? Noong... hindi n'yo pa ako kasama... You only had her. She worked hard for you. We can't blame her... I saw it. She was badly hurt, she was broken when we thought we lost you. Hindi niya kinaya..."

"I'm sorry, Dad..." Primrose cried.

Gusto ko nang pumasok para aluin ang anak ko.

"Tell that to your Mom." Russel said. "Nandito na siguro sila ng kapatid mo."

"Dad... do you still love her?" Primrose asked.

Tumalikod na ako at hindi na hinintay pa ang sagot ni Russel. Natakot ako sa magiging sagot niya sa tanong ng anak namin. Naduduwag na naman ako.

Nang makababa siya ay naroon na ako sa living room at inabala muna ang sarili kay Lila at Prince. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagtagpo ang mga mata namin. Lumapit siya sa amin.

"Can I... carry her?" tukoy niya kay Lila.

Maagap akong tumango at binigay sa kaniya ang bata. He carried her. He was looking at Lila na abala lang naman sa hawak na laruan.

The scene warmed my heart. Iyon ang unang beses na nabuhat niya ang anak namin.

"Uh, Russel, puwede ba tayong mag-usap..."

Bumaling siya sa akin. He nodded.

Tumayo ako at iniwan na muna namin ang mga bata doon. Lumabas kami kaharap ang garden. Nasabi ko sa kaniya noon na kung magkakaroon na kami ng ganitong bahay ay gusto ko na may hardin.

"I'm sorry. Nabigla ako. Hindi ko dapat ginawa iyon. May mali rin si Primrose."

Alam kong tinutukoy niya iyong nangyari sa family day ng mga bata. Tumango ako. "Sorry din..."

Umiling siya.

"Nagtatampo lang ang bata... Nagseselos din." he said.

I nodded. I will talk to my daughter.

Mahina akong nagbuntong-hininga. "May... sasabihin ako sa 'yo... It's about Lila,"

"What about your daughter?"

Sandali kong kinagat ang pang-ibabang labi. "She's... She's your... daughter, too..."

Agad umawang ang labi niya habang nakatingin sa akin. Hindi siya agad nakapagsalita.

"I-I'm sorry... I lied..." napalunok ako. "I was already pregnant when I left you four years ago..."

Nag-iba ang ekspresiyon ng mukha niya. Parang dumilim iyon. Umigting din ang panga niya. Pakiramdam ko ay nasagad ko na ang pasensiya niya sa kasinungalingan ko. Halong emosyon ang nakita ko sa mga mata niya. Naroon ang lungkot, disappointment at galit.

My bottom lip quivered. He's angry... He's mad... at me.

"Yeah... You left me." mariing aniya.

Iniwan ako ni Russel na nakatayo doon. Bumuhos ang luha ko na maagap ko rin pinalis. Kinalma ko ang sarili at bumalik sa loob. Naabutan kong kinuha na ni Russel si Lila. Nagtataka naman ang reaksiyon ng anak ko habang kinukuha siya ng ama niya.

Inakyat ko muna ulit si Primrose sa kuwarto niya. Kakausapin ko muna ang anak ko. Tapos babalikan ko si Russel at Lila. Kumatok ako bago pumasok.

Nagkatinginan kami ni Primrose na nasa harap ng dresser niya. Naglalagay siya ng maliit na earrings. Tinapos din niya ang ginagawa at hinarap ako.

"Primrose,"

"I'm sorry..." She bowed her head down.

Tipid akong napangiti at nilapitan siya. "I'm sorry din, anak... Alam kong malaki na ang pagkukulang ko sa inyo... At nandito ako ngayon para bumawi. Sana lang ay bigyan mo ako ng pagkakataon... I'll really make it up to you..."

Hindi siya nagsalita at narinig ko nalang ang pag-iyak niya. Maagap ko siyang dinala sa loob ng mga bisig ko at niyakap. Hinaplos-haplos ko rin ang buhok niya para mapatahan. "Naalala mo noon... Hindi ka makatulog kasi madalas may sakit ka at mainit pa sa tinitirhan natin. Kinakandong kita at hinahaplos ng ganito para lang makatulog ka... Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ko kayo ng kambal mo." I kissed the top of her head. "I'm sorry, anak... I'm really sorry... Dapat hindi ako umalis. Dapat naghintay ako. Hindi sana tayo nagkakaganito ngayon." I cried with her.

Humigpit ang yakap niya sa akin. Napapikit ako. "I'm sorry, Mama... I miss you so much... I love you... Huwag ka na ulit aalis..."

"Hindi na, anak... I'm sorry..."

Nang matahan si Primrose ay bumaba na rin kami.

"Lila," tawag ko sa anak ko. Nagkatinginan kami ni Russel na may hawak sa kaniya.

"Yes, Mama?" she turned to me immediately. She's so cute. Ang liit pa ng boses. Sa akin talaga nagmana ang batang 'to. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Russel noon na parang isang kuting daw ako.

"I want you to meet someone..." sumulyap muli ako kay Russel na hindi ko mabasa ang ekspresiyon.

"Who, Mama?" she cutely asked. Ngumunguso pa ang maliit na labi.

"Your Dad," suminghap ako.

"Dad..."

I nodded. "Yes, baby. Your Daddy..."

"Daddy?"

I nodded again. "Yes, Daddy."

Tumingin ako kay Russel. He looked at our daughter on his lap. Lumapit pa ako sa kanila.

"He's your Daddy..."

Tumingin si Lila kay Russel. Tapos bumaling muli sa akin. "But... Papa..." tukoy niya kay Trevor.

Tiningnan ko si Russel at naabutan ang pag-iigting ng panga niya. Agad akong na-guilty. I was already guilty for a lot of things.

"Lila... this is your Daddy, your real Papa." sinubukan kong ipaintindi sa bata.

"Real... Papa? Daddy..." bumaling muli siya kay Russel.

Russel tried to smile and kissed our daughter's forehead.

Madali nalang iyon naipaliwanag sa kambal. At okay na rin si Primrose sa nakababata niyang kapatid. Lila was more happy now. Naglalaro na rin sila ng ate niya at hindi nalang ang kuya niya.

"Russel..." tawag ko.

Nilingon naman niya ako mula sa mga anak namin.

"Handa na ang lunch," sabi ko. Tumulong ako sa mga kasambahay magluto ng pagkain namin.

He nodded. Tahimik pa rin siya.

Hanggang natapos kaming kumain at kalaunan ay nagpahinga na rin muna ang mga bata. They had their siesta habang naiwan naman kami ni Russel na napag-isa.

"Pinaako mo sa iba ang anak ko." aniyang may hinanakit.

"I'm sorry..." Yumuko ako. "Wala na kami ni Trevor..." I already broke up with him. Tinanggap naman niya iyon although I know hindi na maibabalik pa kahit iyong pagkakaibigan nalang namin. He was also a good friend to me.

Walang sinabi si Russel. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan ang pag-iiwas niya lang ng tingin.

"Bakit," he asked after awhile.

Umiling ako. "Dahil..."

"Dahil sa mga bata? Dahil ako ang ama ng mga anak natin? Kaya pipiliin mo nalang bumalik sa akin." he said.

My lips parted and I shook my head. "Hindi, Russel," umiling ako. "Hindi iyan ang rason ko-"

"Then what?"

"Dahil..." napayuko muli ako. Nag-iinit ang mukha. "Mahal kita, Russel... Mahal pa rin kita..."

"Right,"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong hindi siya kumbinsido.

"You tell me that after you just had a relationship with another man. Gaano na kayo katagal?"

Nahiya ako. I shook my head. "B-Bago lang... Hindi naman nagtagal..." napayuko muli ako.

"I don't know..." aniya.

Nag-angat muli ako ng tingin at naabutan ang pag-iiling niya.

"I don't know anymore, Jewel... I tried to understand you. Pero nahihirapan na rin pala ako..." he shook his head.

Naramdaman ko ang luha sa mga mata ko.

He looked away. And then he walked away...

Nagpaalam ako kay Papa na doon muna kami ni Lila kanila Russel. Gusto rin makasama ni Russel ang anak namin. My father said it's okay at sinabing sila Trevor na muna ang bahala sa company. At na mag-focus muna ako sa pamilya ko. I thanked him at binilin niya sa aking ipadalaw ko rin muli sa kaniya ang mga bata. I assured him that.

Sa guestroom kami matutulog ni Lila. Tumabi rin sa amin sila Primrose at Prince. Medyo inasahan ko rin na baka samahan din kami ni Russel pero hindi nangyari.

* * *

"Primrose, wala bang dinadalang babae dito sa bahay noon ang Daddy n'yo?" I asked my daughter as we were preparing the ingredients for our cookies.

Kaming dalawa lang ang naroon sa kusina. Hindi na nagpatulong pa sa kasambahay dahil kaya naman na namin ng anak ko.

Ngumisi siya sa tanong ko. Binaling ko ang tingin sa ginagawa.

"Hmm..."

Naghintay ako sa sagot niya habang inaabala rin ang sarili sa ginagawang mixture.

"Wala, 'Ma."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya and she smiled widely.

"Don't worry, ikaw lang naman ang mahal ni Daddy. He said you're his first love and no one can replace you in his heart."

I sighed. Hindi ko alam kung binobola lang ba ako ng anak ko.

* * *

"My parents will have dinner with us tonight." pagpapaalam sa akin ni Russel.

Abala ang mga anak namin sa pagkain ng cookies na gawa ko. Bumaling ako kay Russel. Kumuha na rin siya ng cookie at kinagatan iyon. Hinintay ko pa ang reaksiyon niya. Mukhang okay naman. Favorite ni Lila ang cookies kaya madalas din akong gumawa no'n.

Tumango ako.

Naisip ko ang opinion ng mga magulang ni Russel sa akin.

"Sinabi ko na rin sa kanila ang tungkol kay Lila." he said.

I nodded again.

I prepared the food for dinner. Dinamihan ko iyon at siniguradong sinarapan ang luto. Marami na rin akong mga natutunan pang lutuin sa mga nakalipas na taon.

"Good evening, po..." halos nakayuko kong bati sa parents ni Russel nang dumating sila kinagabihan.

Hindi ko alam kung paano sila pakikiharapan after what happened.

"Hija,"

Maagap akong nag-angat ng tingin sa Mama ni Russel. Seryoso lang ito at wala namang sinabi. Pormal din akong binati ng Dad ni Russel.

We had dinner with his parents. Kinilala rin ng mga ito si Lila. They looked older now than the last time I saw them. Mas malapit na rin sa kanila ang mga bata. Napangiti ako sa sarili ko nang makitang mukhang maayos naman...

"It's Elisabeth's birthday. Your Tita Elsa is inviting us." anang Mommy ni Russel.

Tumango si Russel sa tabi ko.

Tumango rin ang Mommy niya.

Pupunta ba kami sa isla? Sa Villa Martinez? Matagal na rin...

Nag-stay pa ang parents ni Russel after dinner. Nakikipaglaro ang mga bata sa Dad ni Russel at sumasali din si Russel.

Napapangiti ako habang pinapanood sila.

Naramdaman ko ang paglapit ng Mommy ni Russel sa tabi ko. "Puwede ba tayong mag-usap?" she asked.

Maagap akong tumango. "Opo,"

She nodded and then iniwan muna namin sila Russel at ang mga bata doon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top