Chapter Eight

Chapter Eight



Fiancée



"I'm not marrying Leonor." tanggi ni Russel.

Iyon pala ang pangalan ng pakakasalan niya.

Nakaalis na ang mga magulang niya at naghahanda na rin kami sa pagtulog nang hindi ko na natiis at kinompronta ko siya. Ginagawa na pala talaga niya akong kabit.

Tinalikuran ko siya at handa nang lumabas sa kuwarto niya. Doon ako matutulog sa kuwarto ng mga anak ko. Dalawang kuwarto ang pinahanda at pinaayos ni Russel para sa mga anak niya pero natatakot pang mag-isa sa kuwarto niya si Primrose kaya dalawang kama nalang ang nilagay doon at inisang kuwarto nalang muna sila ng kambal niya.

Hinawakan ako ni Russel sa siko para pigilan. "Jewel,"

Hinarap ko siya.

"Jewel, please. Kung may pakakasalan man ako ikaw 'yon-"

"Dahil sa mga bata-"

"Dahil mahal kita!" putol niya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. "I loved you then. And I love you still. Nothing changed." amin niya.

Hindi ako nakapagsalita.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "I'll talk to my Mom. Leave everything to me, okay? Just focus on our kids, our family."

Nilapit niya ako sa kaniya at hinalikan sa noo.

* * *

"You're meeting your cousins today." nakangiting ani Russel sa mga anak habang hinahanda namin ang kambal.

Napangiti rin ako habang tinatali ang buhok ni Primrose. Tapos na rin si Russel sa pagbibihis kay Prince. Nasa kuwarto kami ng mga anak namin.

May pamilya na rin pala ang pinsan niyang si Ryder. Walang kapatid si Russel at pareho sila ng pinsan niyang only child. Kaya ganoon sila kalapit sa isa't isa at para nang magkapatid. Si Russel nalang pala ang wala pang asawa sa mga kaibigan niya...

"Ang regalo," paalala ko at baka maiwan namin.

Birthday ng anak ni Ryder at imbitado kami. Nasabi na rin ni Russel sa pinsan at mga kaibigan ang tungkol sa mga anak niya.

"Nandito na,"

Tumingin ako kay Russel na hawak na ang regalo. Kinuha ko iyon sa kaniya at binuhat niya si Primrose. Hinawakan ko sa kamay si Prince at lumabas na kaming apat ng condo ni Russel pababa sa basement parking.

Sinalubong kami nila Ryder at ng asawa niya at baby nila nang makarating kami sa venue. Sa isang hotel iyon. Pamilyar sa akin iyong asawa ng pinsan ni Russel.

"Hello! Manang-mana sa 'yo, Russ!" anang asawa ni Ryder na nakatingin sa mga anak ko.

"Jewel?"

Napalingon ako sa tumawag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tisoy! "Tisoy?!" Lumapit ako sa kaniya at halos pa hindi makapaniwala na nagkita kami doon.

Ngumiti siya sa akin at may lumapit na babaeng agad din niyang hinapit sa baywang. Ngumiti rin ito sa akin. "Jewel, kumusta?" bati nito.

"Andrea," Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Tisoy. Isang batang lalaki ang tumakbong palapit sa kanila. Maagap itong sinalubong ni Tisoy at binuhat. "Anak n'yo?" namangha ako.

Nakangiting tumango si Tisoy. Napangiti ako at natuwa para sa kanila. Hindi ko na alam kung ano na ang mga nangyari. Pero masaya ako sa kinahantungan nilang dalawa. Nakita ko na noon kung gaano kamahal ni Tisoy si Andrea.

Kaya rin pala pamilyar sa akin iyong asawa ni Ryder dahil iyon din ang matalik na kaibigan ng asawa ni Tisoy, na si Kristoff Navarro talaga ang tunay na pangalan.

Naramdaman ko ang paghapit sa akin ni Russel sa baywang. Nakipagbatian din siya kanila Andrea.

"Crush mo 'yon noon." Simangot ang mukha ni Russel nang bigla niya nalang 'yon sabihin sa tabi ko.

Mula sa mga anak namin na natutuwang pinapanood ang magician sa harap ay bumaling ako sa kaniya. "Ano?" medyo naguluhan kong tanong.

"Tsk," Bahagya siyang tumingin sa banda nina Tisoy na nakaakbay naman sa asawa nito.

Umawang ang labi ko. Naalala ko nga noon na minsan din akong nagkagusto kay Tisoy. Pero wala lang naman iyon kumpara sa naramdaman ko kay Russel... Naalala ko iyong unang beses noon sa isla na nagsuot ako ng bikini at naimbitahan ako ni Russel kasama ang mga kaibigan niyang maligo kami sa dagat. Nahihiya pa ako noon at hindi sanay na ganoon lang kakarampot na tela ang saplot ko. At lalo akong nahiya na inakala niyang dahil naroon din si Tisoy. Alam niya kasi noon na may crush din ako kay Tisoy dahil na rin sa panunukso ni Sha na kaibigan ko doon sa lugar namin. Pero hindi naman ako kay Tisoy nahihiya noon kung 'di sa kaniya... Ang titig niya kasi noon sa akin ay sobra. Kaya naman nakaramdam na rin ako ng pagkailang sa titig niya.

"Jusko, Russel, may asawa na iyong tao." sabi ko.

Mukha pa rin siyang badtrip. Pinangunutan ko lang siya ng noo. Nagseselos pa rin ba siya kay Tisoy? Napailing nalang ako. Hindi makapaniwala.

Natuwa ang kambal sa birthday party ng anak ni Ryder. Marami pang ibang bata na naroon kaya ang dami rin nilang nakalaro. Nakakain na rin sila kaya hinayaan na muna naming makipaglaro sa mga kapwa rin nila bata.

"Hindi ka pa kumakain." puna ko. Pareho kaming naiwang nakaupo doon sa harap ng mesa na para sa amin. Ang mga bata lang kasi ang pinakain niya kanina. Nakakain na rin ako.

Mukhang nagsusuplado pa rin talaga siya. Noon ko pa alam na napakaseloso niya. Parang bata kapag nagseselos.

"Russel-"

"Subuan mo 'ko." parang batang aniya.

Kinunutan ko siya ng noo at halos irapan. Ang arte rin talaga ng lalaking 'to. "Puwede ba?" saway ko sa kanya.

Ngumisi siya nang nakitang napipikon na rin ako. Kinuha niya ang utensils at nagsimulang sumubo at ngumuya ng pagkain.

"C.R. lang ako," paalam ko at tumayo na. Naiihi kasi ako.

Tuloy-tuloy akong pumasok sa ladies' room at natigilan lang nang pagkapasok ko ay saktong paglabas din ni Kaz sa isang cubicle. Nagkatinginan kami. Tahimik nalang akong dumeretso sa isang cubicle doon.

Si Kaz ay may sarili na rin pamilya. Hindi sila nagkaroon ng ibang relasyon ni Russel bukod sa pagkakaibigan mula noon. Nakikita ko rin na masaya na siya sa pamilya niya ngayon. Mukhang mahal na mahal nila ng asawa niya ang isa't isa.

Nang makalabas ako ay naroon pa rin si Kaz sa harap ng malaking salamin. Agad siyang napatingin sa repleksiyon ko. Kaming dalawa lang ang naroon. Lumapit ako sa sink para makapag-hugas ng kamay. Ramdam kong nakatingin siya sa akin at parang may gustong sabihin.

"Jewel... I'm sorry..." aniya.

Bumaling ako sa kaniya at nakita ang guilt niya at katotohanan sa paghingi niya ng tawad. "I'm really sorry... Siguro hindi mo 'ko mapapatawad but still gusto ko pa rin humingi ng tawad. I want you to know na pinagsisihan ko iyong nagawa ko sa 'yo..."

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya at ayaw ko rin makapagsalita ng masama. Dahil ang mga salita kapag nasabi na ay mahirap nang bawiin. Kaya hangga't maari ay gusto kong pinag-iisipan ko talaga munang mabuti ang mga salita bago pa man lumabas sa bibig ko.

"Russ is mad at me. I understand. May nagawa akong kasalanan sa inyo... Sa 'yo... I'm really sorry... Gusto kong malaman mo na nagpapasalamat ako na..." umiling siya. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa 'yo noong gabing iyon. Hindi ko pa siguro naisip ito noon dahil nagpadala ako sa dadamin ko. Pero alam kong pagsisihan ko iyon. At pinagsisisihan ko..."

Tumango lang ako sa kaniya.

Tipid niya akong nginitian. Nagpaalam na siya at naunang lumabas ng ladies room.

* * *

"Makikita ko po doon si Elsa at Anna?" manghang tanong ni Primrose sa ama.

Bahagyang napatawa si Russel at sinagot ang anak. "Yes, my Princess." hinalikan niya sa pisngi ang anak namin.

Dadalhin ni Russel ang mga bata sa Disneyland. May tatapusin lang siyang trabaho at magbabakasiyon kami. Hinanda na rin niya ang mga kailangan namin para sa flight.

Naappreciate ko ang mga efforts ni Russel na mapunan ang sinabi niyang mga pagkukulang niya sa mga anak niya. Nakikita kong bumabawi talaga siya. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mag-aamang nagkukulitan na sa malapad na kama ng kuwarto namin ni Russel.

Lumabas na muna ako para maghanda ng lulutuin sa hapunan namin. Tinulungan na rin ako ng dalawang yaya.

"Ako na," sabi ko nang narinig ang doorbell.

Abala pa kasi ang dalawa sa paghihiwa ng mga karne at gulay. Habang kakatapos ko lang hiwain iyong prutas.

Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon. Nasabi rin kasi ni Russel na darating ang executive assistant niya ngayon. May kinalaman sa trabaho niya at negosyo.

Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Sa ayos nito ay masasabi agad na mayaman. Nakaayos ang buhok nito at naka-makeup. Nakasuot ng mga alahas at halatang mamahalin ang suot na damit at bag. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.

"I'm Russ' fiancee." pakilala nito.

Umawang ang labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top