Chapter Sixteen
Chapter Sixteen
Gift
"Ikaw lang ang nagluto?" tanong sa akin ni Kayla habang nagsisimula na silang kumain.
I nodded. "Tinulungan ako ni Inday... 'Yong iba, in-order na namin sa restaurant dito."
She nodded. "Who's Inday?" she asked. Hindi agad ako nakasagot. "T-Toffie's yaya."
Muli siyang tumango. "Itong cake? Ang ganda, ah."
"I baked it," I said.
Tumango-tango siya. "Can we call Toffie? I'll just greet him and give him my gift!" Bumaling siya kay Kristoff na nasa tabi niya. "Nasaan 'yong binili nating gift?"
Itinuro ni Kristoff ang nakabalot na regalo sa tabi niya.
"Mommy!"
Pare-pareho kaming napalingon sa anak ko na tumatakbo palapit sa amin.
Maagap ko siyang sinalubong. Agad siyang yumakap sa mga hita ko. "Inday, nalagyan ba siya ng sunblock kanina?" Tumango si Inday na nakasunod. "Opo, Ate. Ikaw nga ang naglagay," paalala niya.
I nodded. Umupo ako sa isang silya. Baka bigla na lang kasi akong matumba. Kinakabahan pa rin ako pero uunahin ko ang anak ko. Bahala na si Kristoff na ramdam ko ang tingin sa amin ni Toffie.
"Are you done swimming?" I asked.
Nag-angat ng tingin si Toffie at umiling-iling. "Not yet! Just resting."
Bahagya akong napangiti.
"Happy birthday, Toffie! 'Lika muna dito kay Tita," tawag ni Kayla sa anak ko na agad namang sumunod.
Dumoble ang kaba ko na mas mapapalapit si Toffie sa kinauupuan nina Kristoff.
"Tita Kayla!"
Pinanggigilan siya ng yakap ni Kayla. "How old are you na nga? Ang bilis mong lumaki!" She kissed his cheek.
Ipinakita ni Toffie ang mga daliri sa isang kamay.
"Five ka na! May dalang gift sa 'yo si Tita." Kinuha iyon ni Kayla mula kay Kristoff na nasulyapan kong na kay Toffie ang mga mata. Ipinakita ni Kayla ang regalo sa anak ko.
"Wow! It's big! What's inside?" Niyugyog ni Toffie ang may kalakihang kahon.
"Open it! Si Tito mo ang pumili niyan." Toffie looked up at Kayla. "Tito?"
"Yes, this is your Tito Allen," Kayla introduced.
Allen...
Well, he was Allen Kristoff.
Tumingin ang anak ko sa ipinakilalang lalaki ni Kayla. Nagkatinginan silang dalawa. Grabe na ang pagwawala ng puso ko habang tumatagal na nakatingin lang si Toffie kay Kristoff.
"Happy birthday," marahang bati ni Kristoff.
"Thank you..." Hindi inaalis ni Toffie ang tingin sa kanya.
"I think I already saw you somewhere."
Parang tumigil na naman sa pagtibok ang puso ko. Halos mahirapan na rin ako sa paghinga. Ano ang sinasabi ng anak ko? Ngayon pa lang niya nakita si Kristoff!
"You did?" Parang nakuha ni Toffie ang atensiyon niya. Toffie just shrugged and his attention went back to his gift. "Papa!" tawag niya. "Can you please help me open my gifts?"
"You can open those later at home, Toffie," sabi ko.
Bumaling sa akin ang anak ko. "But I can't wait to open them, Mama! Especially this one." Itinuro niya ang regalo ni Kayla.
Natawa sina Papa at Tita Mari. "Hayaan mo na, Andrea," Papa said.
"Papa?" tawag muli ni Toffie kay Atty. Castillano. Tumingin muna sa akin si Atty. Castillano. I nodded.
Maagap na siyang pumunta kay Toffie. At nagsimula nga silang magbukas ng mga regalo.
"Wow!" malakas na sabi ni Toffie nang makita ang laman ng regalo ni Kayla. It was a big limited-edition toy car with a remote control. My son liked toy cars, too. "Thank you, Tita Kayla!" He jumped to hug Kayla.
Sinalo naman siya ni Kayla. Nakita kong inalalayan pa ni Kristoff si Toffie na para bang wala siyang tiwala at baka madapa ito.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Kristoff. Toffie only got his eyes. The rest ay sa akin na namana ng anak ko. "You should thank your Tito Allen, too. Siya talaga ang bumili niyang toy car. It's a bit expensive for a toy!" Kayla laughed.
Toffie looked at Kristoff. "Thank you po," he said. And then he smiled at him.
Nakita ko ang pagngiti rin ni Kristoff kay Toffie.
I looked away.
Pagkatapos magbukas ng mga regalo ay itinabi muna ang mga iyon ni Toffie at muling nagyayang mag-swimming. "Let's go, Papa!" Hinila na naman niya si Atty. Castillano.
"Andrea."
I turned to Alecx na nakabalik na pala galing pool. Pero wala pa doon ang mag-ama niya.
"Alecx, baka nagugutom kayo may pagkain pa diyan—" Pero hinila niya ako sa isang tabi.
"Ano 'tong naabutan ko? Is that Tisoy or Kristoff? Whatever, he's Toffie's—"
Halos takpan ko ang bibig ni Alecx. Napigilan din naman niya ang sarili. "Bakit sila magkasama ni Kayla?"
Napailing ako. "They're dating—" "What?" Tumaas ang boses niya.
Napatingin ako sa banda nina Papa. Mukhang hindi naman nila kami naririnig. I told Alecx to tone down her voice.
"Andrea, this is crazy—"
"His memories are back, Alecx."
"So?" Kumunot ang noo niya. "Hindi naman siguro niya nakalimutan ngayong nagbalik na ang old memories niya 'yong mga pinaggagawa n'yo sa isla, 'di ba?"
Halos simangutan ko siya.
Saglit siyang natawa. "Pa-virgin 'to! Paano ba nabuo si Toffie—"
"Tama na nga, Alecx—" Tatalikuran ko na sana siya nang hinila niya ako para pigilan.
"Seriously, ano nga ngayon kung wala na siyang amnesia?" she asked.
I sighed. "Siguro pinagsisihan na niya 'yong mga nangyari sa amin noong wala pa siyang naaalala sa childhood namin. Kasi lumaki pa rin kaming magkapatid kaya baka... nandidiri na siya ngayon na nagawa namin ang mga 'yon—"
"Conclude! Ba't 'di mo muna tanungin? Usap muna kayo! Alam mo naman na natuto na ako sa mga pag-a-assume o conclude na 'yan. Mas mabuting pag-usapan talaga."
"I don't know, Alecx..." Nagkatinginan kami.
"Andrea... How about Toffie? This isn't about you or Kristoff anymore," she said.
Hindi na ako nagsalita.
She sighed. "Maligo na nga lang tayo. Na-miss ko ang dagat."
Nilingon niya ako nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan namin.
"Ano ba 'yan! Hubarin mo na nga 'yan. May two-piece ka naman sa loob! Wala ka namang stretchmarks. Be proud, hot momma!" Sinubukan niyang kalasin ang tali ng white long dress ko. Its hem almost reached the ground. Nakatali lang iyon sa leeg ko at backless.
"Alecx—"
"Sige na! Para makaligo na tayo. Plano mo rin naman talagang maligo, 'di ba, kaya ka nga may suot din na two- piece. Ano, dahil nandiyan si Kristoff, aayaw ka na? Bakit? Eh, nakita na rin naman niya 'yang buong katawan mo. Napasok pa nga—"
I groaned.
Tumawa siya. "Tara na kasi!"
Wala akong nagawa at sumunod na kay Alecx. Bumababa na rin ang araw. Pagkatapos mahubad ang beach dress ko ay magmamadali na lang sana ako papunta sa dagat without turning to their direction pero tinawag pa ako ni Kayla.
Nilingon ko siya at nasulayapan ko na rin si Kristoff. He was watching me.
"Maliligo na kayo? Kami rin. Wait, I'll just change," she said.
Hinila na ako ni Alecx at nagpadala na ako sa kaibigan ko.
Lumusong ako sa tubig. Pag-ahon ko ay biglang nasa harap ko na si Kristoff! Nanlaki ang mga mata ko at napaatras. Nilingon ko ang iniwan ko kanina. Hindi ko makita si Kayla. Siguro nagpapalit pa.
"W-what are you..."
Titig na titig siya sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o seryoso.
"Mommy! Come here!"
Nilingon ko ang tumawag and I saw my son sitting on Atty. Castillano's nape and shoulders. Bahagya akong kumaway at bumaling muli kay Kristoff na nanatili sa harap ko.
"Mommy!" patuloy ang pagtawag sa akin ni Toffie at mukhang papalapit sila.
"You're married."
Hindi ko nakuha ang sinabi ni Kristoff dahil sa lakas ng tawag sa akin ng anak ko. Muli kong nilingon sina Toffie, pagkatapos ay balik muli kay Kristoff. Sandali kaming nagkatinginan at lumangoy na ako palayo sa kanya at palapit sa anak ko. Kinuha ko si Toffie kay Atty. Castillano.
Tawa nang tawa si Toffie at mukhang enjoy na enjoy. Napapangiti ako para sa anak ko. I looked up at Atty. Castillano at naabutang nakatingin din siya sa akin habang abala lang ako kay Toffie.
I smiled at him. "Thank you, Attorney." I thanked him for being a good friend to my son.
He smiled and then he said no worries. That I was welcome. Parang hindi pa siyang sigurado sa sinabi kaya bahagya akong natawa.
Nang mapalingon ako sa may buhangin ay nakita ko ang hubad na likod ni Kristoff na naglalakad palayo. Basang-basa ang shorts niya sa paglangoy.
The day ended. Inahon ko na si Toffie at mukhang nagsawa na rin siya sa pagligo. Naiwan kaming tatlo ni Kristoff sa cottage. Kayla tried to pull him to go swimming again pero tinanggihan siya ni Kristoff. Hinayaan na lang siya ni Kayla at pumunta na ito sa dagat para makapag-swimming. Sina Papa at Tita Mari ay may tiningnan sa restaurant.
"Are you tired?"
"A bit..."
Napangiti ako at niyakap si Toffie. Napalitan ko na siya ng tuyong damit at ngayon ay nakakandong na sa akin. Hihintayin na lang namin ang mga bisita at puwede na kaming umuwi.
I was aware that Kristoff was watching us. Hindi na lang ako nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko talaga alam kung ano ang iniisip niya.
Natapos din nang tuluyan ang araw na iyon at lahat kami ay nakauwi naman nang maayos. Maagang nakatulog si Toffie kinagabihan sa condo dahil sa pagod kakaligo sa dagat. I kissed him good night and whispered happy birthday and I love you in his ear, before I closed the lights on his room leaving only the lampshade open. And then I went to my room at nagpatay na rin ng mga ilaw para makatulog na rin.
Naisip ko si Kristoff. Ano kaya ang iniisip niya?
My day continued working and taking care of Toffie. That was my usual. Nakikita ko rin si Kristoff sa firm pero hindi kami nagpapansinan.
Hindi ko alam kung patuloy silang nagde-date ni Kayla, pero siguro ay ganoon nga. I heard from Kayla that they met at a party. Ano kayang party iyon? Alam na kaya ni Kristoff na kapatid ko si Kayla bago pa man sila nag-umpisang mag-date? And if he was serious with my sister.
Siguro mas mabuti na rin na hindi na niya malaman pa na may anak kami. Magiging komplikado lang. At ayaw ko rin ng ganoon para sa anak ko. Okay naman si Toffie na kaming dalawa lang.
Naisip kaya ni Kristoff na anak niya si Toffie? Pero hindi naman siya nagtatanong sa akin at wala rin naman siyang sinasabi.
"I remembered now, Mommy!"
I turned to Toffie. I removed my reading eyeglasses. Nasa living room kami ng condo nang gabing iyon. "What is it, baby?"
"That man! Tito Allen."
Medyo nasaktan ako para sa anak ko. Wala siyang alam na ang tinatawag niyang tito ay ang kanyang ama. Was I a bad mother? But I was just trying to protect my son.
"What about him?"
"I remembered where I saw him! On your phone!" Natigilan ako.
Tumayo si Toffie mula sa paglalaro ng toy cars niya. He was just quietly playing beside me as I read for my work. Nilapitan at kinuha niya ang phone ko sa may coffee table. Pagkatapos ay dinala iyon sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
"One time I saw pictures of you and Tito Allen on your phone. I can't be wrong. Why were you with him, Mommy?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong ng anak ko. Bumaba ang tingin ko sa phone ko. I opened it. May lock na iyon dahil madalas napapakialaman ni Toffie. Baka kasi may mabura siyang importante.
Nagpunta ako sa gallery. Bago na itong phone ko pero may mga nalipat at na-save ako dito mula sa luma. I saw few pictures of me and Tisoy. Kuha lahat iyon noong Tisoy pa lang ang pagkakakilala ko sa kanya sa isla. May mga selfie kami doon.
Tama nga si Toffie.
I looked at my son. Hinaplos ko ang pisngi niya. "He's my... friend before..."
"How about now? You two are not friends anymore?"
Nag-isip pa ako ng maayos na sagot. Ayaw kong magsinungaling sa kanya. When he asked me about his father, I told him the truth, that he was out of the country. Totoo naman iyon at nasa US pa noon si Kristoff. Nahirapan ako sa pagsagot sa mga tanong ni Toffie but I answered him as honest as I could. Ayaw kong lumaki si Toffie sa kasinungalingan gaya sa nangyari sa akin.
Noon ay madalas ang pagtatanong niya tungkol sa daddy niya. I would tell him stories about how we met at the island... Pero kalaunan ay hindi na siya masyadong nagtatanong. Hindi ko alam kung bakit. Inisip ko na lang na kuntento na siyang kaming dalawa lang.
Niyakap ko si Toffie at iniba ang topic. I asked him about school. If he was excited dahil ie-enroll ko na rin siya. And he said yes. Medyo marunong na rin siyang magbasa at magsulat dahil tinuturuan ko siya kapag hindi ako busy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top