Chapter Seventeen

Chapter Seventeen



Visit



Just when I thought that my son was okay na kaming dalawa lang, I was wrong...

Naabutan ko si Toffie na umiiyak isang beses na sinundo ko siya sa school. The classes just started for the school year. I enrolled him in a nearby private school. His first days were okay and his teacher even told me that he was doing well in their classes. Nga lang, ngayon ay umiiyak siya and his hands were balled into fists.

Bumilis ang lakad ko palapit sa kanya na nakatayo sa labas ng tahimik na nilang classroom. Tapos na ang klase nila. "Toffie!" Agad akong napaluhod sa harap niya para magpantay kami. Hinuli ko ang tingin niya. "What's wrong, baby? What happened?" sunod-sunod kong tanong.

I saw him gritting his teeth. Hindi siya nagsasalita.

Hinanap ko ang teacher niya at nalaman kong nanuntok daw ng kaklase ang anak ko. Tinawagan na rin pala ako kanina pa ng school pero hindi ko napansin ang phone ko dahil abala ako sa trabaho. Mabuti at hindi naman daw malala iyong pagkakasuntok at nakausap na rin nila ang mga magulang ng bata at sinabihan na kakausapin din nila ako. Humingi ako ng paumanhin at inuwi na si Toffie.

"Why did you do that, Toffie?" I asked him immediately nang nasa bahay na kami.

He looked up at me. He looked like he was on the verge of crying and he looked angry, too. "He said na wala akong daddy! I told him na meron and that he's still in the US! He didn't believe me and kept on telling me na wala akong daddy unlike him! Kasi palagi siyang sinusundo ng daddy niya sa school!" Tumulo ang luha niya.

Nabigla pa ako sa pagtataas ni Toffie ng boses. Alam kong hindi bayolenteng bata ang anak ko. I'd known him to be a soft and happy kid. Kahit hindi pa talaga siya nakakasalamuha ng mga kapwa niya bata noon ay maayos naman ang pakikitungo niya sa mga classmate niya noong nagsimula na siyang pumasok sa school. Ngayon lang ito nangyari.

Lumuhod ako sa harap niya. Nabitawan ko rin ang bag ko sa tabi, sa sahig. I held him in his arms as I looked at him in the eyes. "Toffie..." I didn't know how to start. "That's bad, punching your classmate or anyone. Don't do that again."

He nodded while crying. Suot pa rin niya ang school uniform niya.

I sighed. I wiped the tears on his cheeks.

"Mommy, when will Daddy really come home? You always tell me that he's in the US every time I'd ask you. I am waiting, Mommy." He sobbed.

It was like my heart was being crushed. Naaawa at nasasaktan ako habang nakatingin sa anak ko. Akala ko kaya hindi na siya nagtatanong ng tungkol sa daddy niya ay dahil masaya na siya na kaming dalawa lang. Pero hindi lang pala niya sinasabi na naghihintay siya.

"Toffie..." I brought him on my arms and embraced his small body. Sobra akong nasasaktan para sa anak ko.

I was wrong.

I needed to talk to Kristoff.

Alecx was right. Hindi na ito tungkol sa amin ni Kristoff. Higit sa aming dalawa ay narito na si Toffie. Ang anak namin.

We were invited to Atty. Flores and Atty. Cabral's wedding. Natuwa si Tito Rome na finally ay magpapakasal na rin ang panganay niya. Matagal na ring mag-boyfriend at girlfriend ang dalawa na pareho kong nakakasama sa firm. Kinuha nilang ring bearer si Toffie.

"Toffie!" tawag ko nang nagtatakbo siya nang makarating kami sa simbahan. He looked cute with the bow tie.

Natigilan ako sa paghabol sa anak ko nang makita kung kanino siya bumangga. Hinawakan siya ni Kristoff at lumuhod ito sa harap ng anak ko.

Unti-unti akong lumapit sa kanila. Pero natigilan uli nang makita kung sino ang mga taong kasunod ni Kristoff. Tumigil din ang mga ito at tiningnan ang anak ko. Lumakas ang tibok ng puso ko.

Hindi ko pa rin nakakausap si Kristoff dahil hindi ko siya madalas makita sa office.

Nilingon ako ni Toffie kaya napabaling na rin sila sa akin. I felt like my breathing hitched. Nagtagpo ang tingin namin ni Daddy... at ni Mommy...

Parehong umawang ang mga labi nila. Tumakbo papunta sa akin si Toffie. Sinalubong naman sila nina Tito Rome at Tita Joy kaya nabaling doon ang atensiyon nila. Hinawakan ko ang kamay ni Toffie at tumalikod na kami.

The ceremony started. Napangiti ako habang nakikita si Toffie na naglalakad sa aisle at may malaking ngiti sa mga labi. Natuwa rin ang mga nakakakita sa anak ko. He was a handsome and a happy kid.

"Ilang taon na siya?" tanong ng katabi ko na kamag-anak nina Tito Jerome.

"He's five," I answered.

She nodded with a smile. "He's so cute." Ngumiti lang ako.

Pagkatapos ng kasal ay dumeretso na kami ni Toffie sa reception. Gusto ko sanang umuwi na kami. Pero alam kong hahanapin ako nina Tita Joy. Hindi pa kami nakalapit sa isa't isa kanina sa simbahan dahil abala pa.

Nang makarating sa reception ay nilapitan din naman ako ni Tita Joy. Niyakap niya ako.

"Where's your son?" she asked.

Itinuro ko si Toffie na abalang nakikipaglaro sa mga batang kaedad niya. Nanghihingi ng paumanhing tumingin ako kay Tita Joy dahil sa kalikutan ng mga bata at baka makasira sila doon.

Umiling naman si Tita Joy. "It's okay. Hayaan mo na." She was looking at me. "Narito ang mommy at daddy mo..."

I slowly nodded.

She smiled and then sighed. Pagkatapos ay nagpaalam na muna siya sa akin na pupuntahan pa ang ibang bisita.

Tinawag ko si Toffie para pakainin. Naupo naman ang anak ko sa tabi ko. Pagkatapos ay bumalik na naman siya sa mga kalaro. Kumain na rin ako. Nagkabatian na rin kami kanina ng mga attorney din sa firm na naroon at naimbitahan.

Nakikita kong ngumingiti at tumatawa si Mommy sa mga nakakausap at nangungumusta sa kanya. Napayuko ako. Masaya akong makita siyang ganoon. Mukhang nakatulong sa kanya ang ilang taong pananatili sa ibang bansa.

Nagulat na lang ako nang nasa harap ko na si Kristoff. Naglahad siya ng kamay para sa isang sayaw. Hindi ko inasahan iyon. Pero unti-unti ay ipinatong ko rin ang kamay sa palad niya.

Tumayo ako at pumunta kami sa gitna. May mga pareha na sumasayaw doon. We started swaying with the slow music. "Hindi kita nakikita sa office." I broke the silence between us.

"Were you looking for me?" Hindi ako nagsalita.

"I had meetings with my client," he said.

Tumango ako. Ang alam ko ay may hearing o arraignment din siya.

"Why?"

"W-wala..." Naisip ko si Toffie at agad siyang hinanap ng mga mata ko sa venue.

"He's with Mom and Dad," Kristoff said. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Don't worry," he assured.

Nagbaba ako ng tingin. Was this the right time to tell him about our son? Pero may tamang oras nga ba? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay kailangan siya ng anak ko. My son needed a father. Akala ko noon, ayos lang na kaming dalawa lang. Pero noong nakita ko si Toffie na umiiyak at narinig ko sa kanya na hinihintay niya ang daddy niya ay sobrang nadurog ang puso ko para sa anak ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Kristoff. Pero higit sa lahat, mas iniisip ko ang anak ko.

"Your memories are back..." I said. He didn't say anything.

"Naalala mo nang magkapatid tayo noon at tinatawag pa nga kitang kuya... Did you regret everything that happened to us in the island? Because after all, magkapatid pa rin tayo. Pinalaki tayong magkapatid."

Hindi pa rin nagsasalita si Kristoff at inilapit lang ako sa kanya. Nabigla pa ako sa ginawa niya. Parang bigla akong nanghina sa hawak niya. Now that he was holding me close, parang nakaramdam ako ng pangungulila.

"No," he answered.

I looked up at him. Tumingin din siya sa akin. Tumingin kami sa mga mata ng isa't isa.

"How about you... Nagsisisi ka ba—"

"No," maagap kong sagot. I did not regret anything. Siguro noong una na ang alam ko ay magkapatid pa kami. But it wasn't that strong either. Mas nanaig sa akin iyong sakit dahil mahal ko na siya noon. Dahil ang hirap pilitin ang sarili ko na sumunod sa tama.

I fell in love for the first time. Kay Tisoy. We had our beautiful memories on that island that would forever stay in my heart. I was the happiest when I was with him. At lalong hindi ko pinagsisisihan dahil dumating sa buhay ko ang anak namin. Mahal na mahal ko si Toffie.

"I thought you were married," he said after a while. Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "But I realized wala ka naman palang suot na singsing... I thought you and Attorney Castillano—"

"Attorney Castillano?"

He nodded. "Your son calls him Papa." Umawang ang mga labi ko. "Or maybe hindi lang talaga kayo nagpakasal... May anak lang kayo..." Mukha siyang hindi sigurado sa mga pinagsasabi.

"Who told you that?" I gritted my teeth. Halos matigil na kami sa marahang pagsasayaw.

Umiling si Kristoff.

So he just assumed?

"You're stupid." Hindi ko napigilan ang namuong inis sa kanya. Paano niya naisip iyon? Ilang taon na ba si Toffie para maisip niya na anak ko ito sa ibang lalaki?

His lips parted.

I stopped dancing. Huminto na rin siya. Lumayo ako sa kanya. "Attorney Castillano is Toffie's friend. I never had a relationship with him or dated anyone... after you," I firmly said. Pagkatapos niyon ay tinalikuran ko na siya and I walked out.

Mabilis na humabol sa akin si Toffie. Halos makalimutan ko ang anak ko. I held his hand. Aalis na kami.

Bigla kong naisip si Kayla at ang ilang beses na nakita ko silang magkasama noon ni Kristoff. Sa birthday ni Papa at sa nakaraan lang na birthday din ni Toffie.

Hinabol kami ni Kristoff. Palabas na kami ng venue nang mahuli niya ang braso ko.

"Lia." Natigilan ako.

Sandaling bumaba ang tingin ni Kristoff kay Toffie, pagkatapos ay ibinalik din sa akin. "I'm sorry, I just thought you were already with someone else after you said you love me years ago..."

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Ako pa talaga? Sa ating dalawa, sino ang nakikipag-date? You came back and you're dating my sister pagkatapos mo ring sabihin sa akin noon na mahal mo ako."

Alam kong hindi dapat kami nagsasagutan sa harap ng bata pero hindi ko napigilan ang namuo ko nang galit sa kanya. Thinking about everything now made me angry.

Sinulyapan muli ni Kristoff si Toffie na nakatingin sa amin. "Lia, may bata—"

"Aalis na kami. Tatawagan ko na lang sina Tita." Bumaling ako sa anak ko na nag-angat din ng tingin sa akin.

"Mommy..."

"Let's go."

Sinundan kami ni Kristoff hanggang sa kotse ko. Tiningnan na lang niya kami hanggang sa makapasok kami sa sasakyan at tuluyan nang makaalis.

"Are you mad, Mommy?"

I turned to Toffie and he was looking up at me. Umiling lang ako at niyakap siya.

"Lia. " Sinalubong ako ni Kristoff nang pumasok ako sa firm sa kinabukasan. "Let's talk—"

Nilampasan ko lang siya at nagtuloy-tuloy ako sa trabaho ko nang araw na iyon. That same day, I received a message from Papa telling me to come to their house for dinner at pupunta raw sina Daddy at Mommy.

Umuwi lang ako sa condo para makapagbihis. This was inevitable. Alam ko na magkikita pa rin kaming muli ni Kristoff. Hindi ko na lang muna isinama si Toffie na maaga namang nakatulog.

"Ma'am." Sinalubong ako ng katulong at iginiya sa dining.

Naroon na sina Papa, Tita Mari, Kayla, at si Ahma. I greeted them bago naupo na rin. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga bisita.

Napatayo ako. Natutuwang binati ni Ahma sina Mommy at Daddy. Nagtagpo ang tingin namin ni Mommy.

Unang lumapit sa akin si Daddy. He aged, they aged.

But they looked healthy. I was happy to see them again... "Dad..."

He hugged me.

Lumapit na rin si Mommy at siya naman ang yumakap sa akin.

Hindi ko napigilan ang kaunting pagluha habang niyayakap siya. Nang pakawalan ako ni Mommy ay nakita ko na bahagya rin siyang naluha. Pareho naming pinunasan ang mga mata.

Bahagyang natawa si Mommy. "How are you, hija?" She held my hand. "Mag-uusap tayo mamaya pagkatapos nito."

Tumango ako.

Umupo na kami at nagsimula sa pagkain. I was seated beside Kayla. In front of us was Kristoff beside his parents. "Hindi namin alam noon kung sino ang ama niya." Tumingin sa akin si Mommy at ibinalik uli kay Ahma ang tingin. "Tinanggap namin si Chona noon dahil na rin sa matagal na naming kasambahay at magkakilala sila. Gusto niyang ipaampon ang bata... Kaya kinuha na lang namin ni Christopher..." Tumingin uli sa akin si Mommy. "After she gave birth, she left. Hindi na rin siya bumalik pa. Nalaman ni Lia sa kasambahay namin na iyon ang tungkol sa totoo niyang pagkatao..." Nagbaba siya ng tingin sa pagkain niya.

Ngumiwi naman si Ahma. "That woman," sabi niyang ang tinutukoy ay ang tunay kong ina. "Mabuti na rin na hindi na siya muli pang nagpakita." Walang nagsalita. She smiled. "Anyway, I am really glad that your son is dating my granddaughter," nakangiting sabi niya.

Ngumiti si Kayla sa tabi ko.

Napatingin naman sina Mommy at Daddy kay Kristoff na parang hindi nila alam iyon.

Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko.

Naiba rin agad ang usapan nang tanungin ni Papa sina Daddy kung may balak ba ang mga ito na magkaroon ng sariling law firm.

Umiling si Daddy. "Hindi namin 'yan naisip ni Analia kahit noon. But maybe in the future." Tumingin siya kay Kristoff.

"Dapat pala pinag-law school na lang din namin itong si Kayla para makatulong siya sa firm na itatayo ng anak ninyo in the future." Tumawa si Ahma.

Nangingiti lang si Kayla.

"Hindi ba siya tumutulong sa business ninyo?" Mommy asked.

Tumingin si Kayla kay Mommy at parang bahagyang nahiya.

Umiling si Papa. "She likes party—"

"Hindi na kailangan! Maayos naman na ang kompanya with his cousins and Damien leading," putol ni Ahma kay Papa. Ngumiti siya.

Tumango na lang si Mommy.

"You know... Kayla is old enough to get married. Sana ay huwag n'yo nang patagalin, hijo," baling ni Ahma kay Kristoff. Muli siyang tumawa. Mukha talaga siyang natutuwa.

Hindi nagsalita si Kristoff. Ganoon din sina Mommy at Daddy.

"Ahma," nakangiting pigil ni Kayla sa lola namin.

"Huwag nating pangunahan ang mga bata, Mama." Si Tita Mari.

Ahma turned to her. "Marichelle, I am just saying. Saan pa ba sila patungo?" Ngiting-ngiti si Ahma.

"Actually, Tito, Tita..." Kayla smilingly turned to Mommy and Daddy. "Ahma never approved any of my suitors before, si Allen lang po talaga ang nagustuhan niya."

Natawa na naman si Ahma. "Of course, hija! I only want the best for my granddaughter."

Tipid na tumango lang si Mommy.

Natapos din ang dinner na iyon. Medyo late na kaya inimbitahan na lang ako ni Mommy na bisitahin siya sa bahay para makapag-usap kami.

"And bring Toffie with you," bilin pa niya.

"Mom—"

"Please, gusto ko uling makita ang apo ko." She smiled gently.

Unti-unti na lang akong napatango.

She did not ask anything yet. Tungkol kay Toffie o kung sino ba ang ama nito o kung nakapag-asawa na ba ako. Hindi ko rin alam kung may sinabi ba sa kanila si Kristoff.

"Hinanap ka namin ng daddy mo doon sa reception, but Kristoff told us that you already left the venue that day."

I nodded.

Nakatingin sa akin si Mommy. Tipid siyang ngumiti at muli akong niyakap. Maagap ko rin siyang niyakap pabalik. "I am so sorry for everything, hija... Sa lahat ng mga nagawa at nasabi kong masasakit na salita sa 'yo noon... I wasn't well then, I was afraid of losing you... Natakot akong malaman mo ang totoo at mawala ka sa amin. Hindi ka man sa akin nanggaling pero sa puso ko, anak kita at mahal na mahal kita, Lia."

Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Humigpit ang yakap ko sa kanya. "I love you, too, Mommy. Mahal na mahal ko po kayo ni Daddy. I'm sorry kung basta na lang akong umalis ng bahay noon..."

Pinatahan ako ni Mommy. "It's okay. It's all in the past now... I understand now."

Pinakawalan din ako ni Mommy at si Daddy naman ang niyakap ko na naroon lang sa tabi namin. Nagpaalam na kami at pumasok na sila sa sasakyan nila.

Naiwan kaming dalawa ni Kristoff. Nakatingin siya sa akin at mukhang may gustong sabihin.

Tumalikod ako at pumunta na rin sa sasakyan ko. That night ended.

Hindi ko pa rin pinapansin si Kristoff sa firm. Iniiwasan ko siya. Alam kong kailangan naming mag-usap para kay Toffie pero naiinis pa rin talaga ako sa kanya.

Ayokong maging selfish. It was all for Toffie. Kakausapin ko rin naman si Kristoff pero hindi muna siguro ngayon.

Natatakot pa ako para sa anak ko. Ayokong maguluhan siya sa magiging sitwasyon namin. Sina Kristoff at Kayla... Kung puwede lang na hindi ko na lang sabihin sa kanya na si Kristoff ang kanyang ama.

Somehow, I understood Mommy. Itinago nila sa akin noon ang totoo para protektahan din ako. Dahil ngayon, gusto ko lang din protektahan ang anak ko mula sa sakit.

Ano ang mararamdaman niya kapag nalaman na ang daddy niya ay may girlfriend and soon, bubuo rin ng pamilya sa ibang babae? Ayaw kong masaktan ang anak ko sa sitwasyon, lalo at napakabata pa niya.

"Where are we going, Mommy?" Toffie asked habang binibihisan ko siya.

I smiled a bit. "Pupunta tayo kina Lolo Chris at Lola Analia mo."

His eyes widened in happiness. Simula noong nakilala niya sina Mommy at Daddy sa reception noong lapitan siya ng mga ito ay palagi na niyang naikukuwento ang pagkikita nila. Hindi naman siya nagtatanong kung ano ang ugnayan namin sa kanila. Basta ang alam lang niya ay lolo at lola rin niya ang mga ito.

Toffie was excited kahit pababa pa lang kami sa basement. Inayos ko ang seat belt niya nang nasa loob na kami ng sasakyan. Napapangiti na lang ako sa excitement niya.

Nagsimula akong mag-drive palabas ng parking at papunta sa bahay na kinalakhan ko.

Wala naman siguro si Kristoff doon ngayon. He had work. At baka rin hindi na siya sa bahay umuuwi. Baka may sarili na siyang bahay o condo.

Binuksan ng guard ang gate para makapasok ang kotse ko. Inaasahan na rin kami ni Mommy.

Sinalubong ako ni Manang ng yakap. I hugged her. Na-miss ko rin siya.

"Toffie, this is Manang Helen," pakilala ko. Lumapit naman ang anak ko at nagmano. "Hi po." Manang looked amazed. "Anak mo ba ito?" Nakangiti akong tumango.

"Ang laki na niya. Ang guwapong bata at magalang." Napangiti siya.

"Manang, nandiyan na ba sina Lia—" Narinig namin ang boses ni Mommy na natigilan din nang makita kami.

"Lola!" Tumakbo agad si Toffie papunta sa kanya.

Natawa naman si Mommy at sinalubong ang apo. "Ang apo ko." Hinagkan niya si Toffie.

"Nandiyan na ba sila?" Si Daddy na agad napangiti nang makita si Toffie.

"Lolo!" Pumunta rin sa kanya si Toffie at sinalo ito ni Daddy.

Natutuwang binuhat ni Daddy ang anak ko.

Napapangiti na lang ako. Pero unti-unti ring nawala ang ngiti ko nang makita si Kristoff na kasunod ni Daddy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top