Chapter Nine
Chapter Nine
Ligawan
"I'm fine, Christopher! Hindi na kailangan 'yang therapy na 'yan." Si Mommy kay Daddy.
Napailing na lang si Daddy at niyakap si Mommy.
Hinalikan ito sa ulo.
Napangiti ako habang tinitingnan sila. Napatingin din ako kay Tisoy na nakatingin din pala sa akin. Nasa living room kaming apat. I was fast to look away.
Kahit paano ay mukhang nakinig naman siya sa akin. I could see that he was also trying his best to accept the truth. Hindi talaga kami puwede. Hindi dapat namin ipilit at tanggapin na lang ang katotohanan.
"Tumawag pala ang Ninong Rome mo." Bumaling si Daddy kay Tisoy. "Hindi mo pa siguro naaalala but he's a good friend of mine. Madalas kayo sa bahay nila noon nitong kapatid mong si Lia. Gusto sanang pumunta rito para makita ka at dalawin. Ikaw ang paboritong inaanak n'on." Ngumiti si Daddy. Ganoon din si Mommy.
"Nga lang, kakapanganak lang ng anak niya kaya hindi sila halos makaalis sa bahay at tuwang-tuwa pa si Rome sa unang apo niya," dagdag ni Daddy. "Naalala mo ba si Rizza? Siya ang anak na babae ng Ninong Rome mo."
The last time I saw Rizza was during her wedding. Kami lang ni Dad ang naka-attend niyon dahil hindi pa okay si Mommy. She married a bit early. Mas matanda pa ako sa kanya but she was pregnant that time kaya kailangan nang magpakasal. Tinakot din ni Tito Rome iyong boyfriend ni Rizza kahit willing din naman itong magpakasal.
"Sa inyong dalawa kaya? Kailan kami magkakaapo ng mommy n'yo?"
Nanatili ang tingin ko sa ibaba.
"Itong kapatid mo, hindi pa nagkaka-boyfriend. Puro aral ang inatupag. She's a topnotcher by the way," sabi ni Dad.
Tipid akong ngumiti.
"Ikaw, anak? Hindi pala namin natanong ng mommy mo sa 'yo. Baka may girlfriend kang naiwan doon sa isla."
Nagkatinginan kami ni Tisoy. Halos ilingan ko siya. Nagbaba na lang uli ako ng tingin sa hawak na basong may lamang juice.
"Wala po."
Para akong nakahinga sa sagot niya.
"Ganoon ba? Mukhang matatagalan pa nga bago kami magkaapo sa inyo."
"Tigilan mo nga muna ang mga anak mo sa ganyan, Christopher. Mas mabuti naman na mag-focus muna sila sa sarili nila, career muna." Si Mommy naman.
Nagpunta nga kami kina Tito Rome. Natuwa ako sa baby ni Rizza. A healthy baby girl. Sa bahay pa rin sila ni Tito nakatira ng asawa niya. Hiling iyon ni Tita dahil gaya namin ay apat lang din naman sila sa pamilya. Malaki rin ang bahay nila kaya ayos lang at gusto pa nilang makasama nang mas malapit ang kanilang apo.
"Lia." Sinalubong ako ni Rizza ng yakap. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita si Tisoy. "Kuya Kristoff... Ipinaalam na sa 'min ni Tito pero nagugulat pa rin talaga ako." Bahagya siyang natawa. "I'm glad you're here now." Niyakap din niya si Tisoy.
"Hey." Mabilis na bumababa ng hagdan si Jude na nahuli sa pagsalubong sa amin. Sinalubong niya ako ng malaking ngiti at niyakap. "Andrea." Pagkatapos ay kay Tisoy naman siya lumapit na nakakunot ang noo sa kanya. He gave him a man hug. Tipid lang ang bati sa kanya ni Tisoy.
Jude was also an attorney at nagkasama rin kami noon sa Law school. He was also a top-notcher. Kung mas bata sa akin ang nakababata niyang kapatid na si Rizza ay magkaedad lang kami ni Jude Cabral.
The four of us used to play when we were kids. Lumaki rin kaming malalapit sa isa't isa. Medyo nabawasan lang noong nawala ang kapatid ko. Hindi na kami halos nagkikita dahil busy rin ako noon sa pag-aaral ko.
"He's Jude, Rizza's older brother. Hindi mo rin siguro siya naaalala," sabi ko kay Tisoy.
"Bakit gano'n siya makayakap sa 'yo?" he asked with creasing forehead.
My lips parted. "Uh... Kababata natin sila... That's normal."
"Tsk."
For a moment ay parang nakita ko nga sa kanya si Kuya Kristoff.
Tinawag na kami nina Mommy papunta sa dining at nagpahanda sila ng lunch. Naupo kami doon. I sat beside Mommy. Masayang nag-uusap ang matatanda.
"You already passed the Bar, hija?" baling sa akin ni Tito Rome.
I nodded. Ngumiti rin sa akin si Tita Joy, ang asawa ni Tito Rome.
"May nakita ka na bang firm kung saan mo gusto?" Tito Rome asked.
Bahagya akong umiling. "Hindi pa po ako sigurado, Tito."
Tumango naman siya. "Baka gusto mo doon kina Jude." Bumaling siya sa anak.
Tumingin din sa akin si Jude na nakangiti. "Yes, okay doon, Lia. Doon ka na lang." He beamed.
Tumango na lang ako. "Thank you, Tito, Jude, susubukan ko."
Parehong tumango ang mag-ama.
Nagpatuloy ang masayang kuwentuhan sa mesa habang kumakain kami.
"Napag-isipan mo na ba 'yong sinabi ng Tito Rome mo sa 'yo?" Mommy asked one day. Naalala niya iyong napag- usapan noong nakaraan sa bahay nina Tito Rome.
Nagdadalawang-isip na tumango ako at ngumiti. "Opo." Of course I should start working. I was old enough and I should be earning my own money now. Nitong nakaraan ay ang dami ko lang talagang iniisip. Halos nakalimutan ko na ang pagtatrabaho.
She smiled. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "I know you'll be a good lawyer, too, Lia. Just like me and your dad. Kanino ka pa ba magmamana?" Ngumiti siya.
Napangiti rin ako. Pero may pag-aalinlangan pa rin. Paano kung magaling lang ako sa pag-aaral? Because seriously, sobrang sipag kong mag-aral. And although I top-notch the bar, pakiramdam ko ay may kulang pa. I don't know.
Tumingin ako kay Mommy. I could do this. I am Andrea Lia Navarro, daughter of Atty. Analia and Judge Christopher Navarro. Niyakap ko si Mommy.
"Good luck, anak." sabi niya na may ngiti. Napangiti rin ako.
Kaya kinabukasan ay interview ko na agad sa law firm. "Nandiyan na yata siya," sabi ni Mommy at kumalas na kami sa isa't isa.
"Sino po, Mommy?"
"Si Jude. Nabanggit ko kasi sa Tito Rome mo kaya ang sabi niya, sasamahan ka na raw ng anak niya."
"Po? Mommy, hindi na kailangan, baka abala—"
"Hindi abala sa akin, Attorney."
Napabaling kami kay Jude na nasa main door na pala. "Hijo." Pinapasok muna siya ni Mommy.
Jude also greeted my mom.
Naabutan kami ni Tisoy sa sala. Pababa siya ng hagdan. "Kristoff, aalis ngayon ang kapatid mo. May interview siya doon sa firm na napag-usapan din natin," pagpapaalam ni Mommy sa kanya.
He nodded. "Ihahatid ko na po siya—"
Mabilis na umiling si Mommy. "Hindi na, anak. Nandito si Jude para ihatid at samahan din siya doon." At bumaling muli si Mommy kay Jude.
Hindi ko naman naalis agad ang tingin kay Tisoy at nakita ang pag-iigting ng panga niya.
"Hey," bati na rin sa kanya ni Jude. "Parang naninibago pa rin ako. But I'm glad, bro. We're all glad. You were only... fifteen? When we thought we lost you. Look at you now. Marami rin ang nagbago sa 'yo."
Tipid lang siyang tinanguan ni Tisoy.
Pagkatapos ay nagpaalam na rin kami kina Mommy.
Hindi ako puwedeng ma-late sa interview.
The interview went well. I was asked about what my expectations were and then subsequently, they told me what they'd be expecting from me. Nakakakaba pero kaya ko ito.
Bata pa lang ako ay pinangarap ko nang maging lawyer gaya nina Mommy at Daddy.
Nang makalabas ako ay nandoon pa rin si Jude. Nag-offer pa siyang ihahatid ako pabalik sa bahay.
"Baka may work ka pa dito—" Umiling siya. "Wala, let's go," he said.
Sumunod na lang ako sa kanya. He asked me how was the interview. Sinagot ko lang din siya. Nang nasa sasakyan na kami ay niyaya niya akong kumain. Hindi ko na rin natanggihan kaya we ended in a fine-dining restaurant sa malapit.
"Masarap ang pagkain nila dito," Jude said.
Binigyan kami ng menu at pumili na kami. Habang naghihintay sa in-order ay pinag-usapan uli namin iyong interview ko.
Masarap nga ang pagkain nila doon. I enjoyed my meal at masaya rin namang kausap si Jude. He was telling me about his experience. Dati pa kasi siyang nagtatrabaho kahit nasa Law school pa lang kami noon. Habang ako ay may takot pa kaya nag-focus na lang muna ako sa pag-aaral.
"Thank you, Jude," sabi ko habang nagkakalas na ako ng seat belt. Nasa harap na ng bahay namin ang sasakyan niya. "Andrea," pigil niya kaya napatingin ako sa kanya. "M-mga bata pa lang tayo, magkakilala na tayo..." he started.
Parang unti-unti akong kinabahan sa susunod pa niyang sasabihin.
"Dati ko pa sana ito balak pero masyado ka pang focused noon sa pag-aaral mo kaya... Sana ngayon, okay lang."
"Jude..."
"Okay lang ba na ligawan kita, Andrea?" Umawang lang ang mga labi ko at hindi nakasagot.
He let out a gentle smile. "Ang sabi nina Tita, wala ka pa naman daw boyfriend."
"P-puwede ko ba munang pag-isipan?"
Jude nodded and smiled. "Oo naman. I can also wait, Andrea," he said.
I nodded at lumabas na ng sasakyan niya.
I let out a sigh nang nasa loob na ako ng bahay namin. Naabutan ko si Tisoy sa sala. Nagkatinginan kami. Dumeretso na lang ako sa hagdan para makaakyat muna sa kuwarto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top