Chapter Fourteen

Chapter Fourteen



Son



"What time will you be back, Mommy?" Toffie asked. Natigilan ako sa tuluyang paglabas ng pinto ng unit namin at bumaling kay Toffie. Lumuhod ako sa harap niya para magpantay ang tingin namin. Hinawakan ko ang maliliit na braso niya. "Sorry, baby. Mommy's so busy lately. Promise sa weekend, lalabas tayo, okay?" Umangat ang isang kamay ko para ayusin ang bahagya niyang nagulong buhok. His hair was longer kaya magpapagupit din siya sa Sabado.

He nodded. "And we'll go to the mall to buy me more toys?" He grinned.

I sighed. "Fine."

"Yay!" Niyakap niya ako sa leeg.

Napangiti na rin ako. I hugged my five-year-old son. Hinalikan ko siya at muli na akong nagpaalam na aalis para sa trabaho. "Be a good boy to yaya, okay?" bilin ko.

Toffie nodded and assured me. Bumaling ako sa yaya niya at nagbilin muli bago tuluyang umalis.

I drove myself to work. I got promoted again. Pagdating ko sa firm ay sinalubong ako ni Atty. Castillano. Bago lang siya sa Alcantara-Ledesma and Associates Law Firm. Tingin ko ay kulang lang siya sa confidence but he was really good. He was hardworking and passionate. Over the years, I learned about passion with what I was doing.

"Good morning, Attorney," he greeted politely.

"Good morning, Attorney Castillano. Nandito na ba si Attorney Valencia?" I asked.

"Nandito na, Attorney."

I nodded.

I started my usual day at the firm.

When weekend came, ipinasyal ko nga si Toffie. We got him a haircut first and then we ate at his favorite fast-food restaurant. Kuwento siya nang kuwento sa akin tungkol sa lagi niyang pinapanood at paboritong cartoon habang kumakain kami. Nakangiti lang naman akong nakikinig sa kanya.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng mga labi niya na nalagyan ng kaunting sauce galing sa spaghetti. "Do you want more?" I asked.

He shook his head. "No, Mommy. I'm full," he said, even touching his stomach.

Nangingiti na lang ako.

Pagkatapos ay nagpunta kami sa game station ng mall. Toffie tried everything. I helped him with the ball shooting. He liked basketball. Marami rin kaming na-shoot and in return, we got nice amount of tickets from the machine. Dinala namin ang naipon na tickets sa counter and we received a cute cartoon character pillow. And Toffie liked it. We thanked the staff at the counter and left nang mukhang napagod o nagsawa na rin si Toffie kakalaro doon.

I also bought him new clothes. Ang bilis niyang lumaki. At nakikita kong maayos naman siyang lumalaki. Hindi rin siya sakitin. I always made sure na nadadala ko siya sa pedia. Kumpleto siya sa vitamins at pinapakain ko rin talaga ng gulay. Sanay rin naman siyang kumain ng healthy.

Parang kailan lang, nasa tiyan ko pa siya. Naging maayos naman ang pagbubuntis ko noon and I gave birth well, too. Natakot pa ako noon. I had doubts of being a mother. Hindi ko pa alam noon kung kakayanin ko ba. Lalo at mag-isa lang ako. Pero siguro maternal instinct. It just came out naturally. Because of Toffie, lalo akong naging matapang na harapin ang buhay na ito. Lalo at hindi na lang sarili ko ang iisipin ko dahil may bata na ring involved. At walang ibang aasahan ang anak ko kundi ako.

"Look at this, Toffie. I think this will look cute on you." Inilagay ko sa harap niya ang naka-hanger pa na short sleeve polo. Napangiti ako. I made him try different clothes. Hindi naman siya nagrereklamo. Minsan lang din kami lumabas nang ganito. Pagkatapos ay dinala ko na sa cashier.

And lastly, sa toy store naman kami. "Only three items, Toffie," I reminded him.

Ayaw ko rin naman na masyado siyang masanay. Hindi dapat sobra. Puwede nga na kahit isa lang sana dahil marami na rin talaga siyang laruan sa bahay pero minsan lang din naman ito. Nakiusap siya sa akin kanina sa bahay na kung puwede ay three toys daw ang bilhin ko sa kanya. Ang soft ko lang din talaga pagdating sa anak ko.

Si Papa rin kasi ay ini-spoil ang apo niya. He loved Toffie so much. At tuwang-tuwa rin lagi ang anak ko sa lolo niya.

Kapag hindi busy ay binibisita kami ni Papa or we visit him. Plus Alecx na sobra ding mang-spoil sa inaanak niya, lalo noong wala pa siyang sariling anak. Mabuti nga ngayon ay may anak na rin sila ng asawa niya.

"Yes, Mommy!" sabi ni Toffie at nagsimula nang mag-ikot sa loob ng store.

Nakasunod lang ako sa kanya habang namimili siya ng laruan. And when he was done, we paid for it.

Toffie was excited to go home because of his toys. Nangingiti na lang ako habang hawak ang isang kamay niya.

"Attorney Chiong."

Mula sa anak ko ay nag-angat ako ng tingin kay Atty. Castillano na nakasalubong namin sa loob ng mall. "Attorney."

"Anak mo, Attorney?" Bumaba ang tingin niya kay Toffie na nakatingin na rin sa kanya.

I smiled and nodded. I told my son to say hi.

"Hi! I'm Toffie, short for Kristoffer," my son greeted politely.

Bahagyang lumuhod si Atty. Castillano para magpantay sila ng anak ko. "Christopher ka rin? I'm Tupe, short for Christopher." He was smiling.

Ngumiti rin ang anak ko at sandaling nag-angat ng tingin sa akin.

"Kasamahan siya ni Mommy sa work," I told him.

He nodded and turned to the man in front of us again. "Boss ko ang mommy mo," Atty. Castillano smilingly said.

Natanong ko na lang siya kung ano ang ginagawa niya sa mall.

"May bibilhin lang sa bookstore, Attorney," he answered. I nodded at nagpaalam na rin na uuwi na kami ng anak ko.

"Bye, Attorney Tupe!" My son waived his hand at Atty. Castillano.

"Bye, Toffie!" Kumaway na rin ito sa anak ko.

Pero hindi pa kami nakakalayo ay hinabol kami ni Atty. Castillano.

"Tulungan ko na kayo, Attorney, mukhang mabigat," he offered.

Tatanggihan ko pa sana siya dahil abala iyon sa kanya but he insisted to carry the shopping bags I was holding. Hinayaan ko na siyang dalhin iyon hanggang sa kotse ko.

"Thank you, Attorney," I told him. He smiled.

Pagkatapos muling magpaalam ay nakaalis na rin kami ni Toffie sa mall at nakabalik sa condo.

Birthday ni Papa at isang malaking celebration iyon na gaganapin sa isang hotel. Gabi at ayaw kong mapuyat si Toffie at halos matatanda naman ang naroon kaya hindi ko na siya isinama. Nabati na rin naman niya si Papa sa phone call.

I was wearing an evening gown. I arrived at the place a bit late dahil pinatulog ko pa si Toffie. Una akong nakita ni Tita Mari kaya sinabi niya iyon kay Papa na nasa tabi niya. Lumapit ako sa kanila.

Medyo okay na rin kami ni Tita Mari mula noong dumating sa amin si Toffie. Natuwa siya sa anak ko. Pareho sila ni Papa na excited sa apo. Nakikita ko na totoong mahal nila si Toffie. And sometimes Ahma, she was more nice to my son kaysa sa akin. At okay na iyon.

Mabait din si Kayla sa anak ko. Hindi pa rin siya nakakapag-asawa at puro pa rin party. Hindi rin siya tumutulong kay Papa sa business at hindi namin alam kung ano ba talaga ang balak niya sa buhay. She was old enough pero umaakto pa rin na parang bata talaga. She was childish. Wala nga talaga sa edad ang maturity.

Kaya kahit paano ay ipinagpapasalamat ko rin ang mga nangyari sa akin. Kung hindi ko siguro napagdaanan ang mga iyon ay wala ako sa kung nasaan man ako ngayon—a better version of myself. Although I was still learning. Hindi naman din natatapos ang learning habang buhay ang isang tao. Kung ikukumpara ko lang sa Andrea noon, alam kong mas gusto ko rin ang Andrea ngayon. The past hurt me and it was hard but it made me stronger.

"Hija."

Sandali kong niyakap si Papa. "Happy birthday, 'Pa," bati ko.

He smiled and introduced me again to his business partners. Nakipagkamay ako at sandaling humalo doon bago sinabihan ni Papa na kumain na muna.

Dumating si Kayla. Agad ko siyang nakita dahil halos sa gitna talaga siya dumaan. Napatayo ako. Hindi na naalis ang tingin ko sa kanila ng kasama niya...

"Dad!" Lumapit siya kay Papa at bumati. Ganoon din ang ginawa ng lalaking kasama niya.

"Kristoff..." I whispered the name of the man my half sister was with.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top