Chapter Eighteen
Chapter Eighteen
Father
"Lia." Sinalubong din ako ni Mommy. "Mom."
"Mabuti at maaga kayong nakapunta. Sabay-sabay na tayong mananghalian. I prepared snacks pero mamaya na lang iyon."
"Itong mommy mo, sobrang agang naghanda. She baked you a cake at maraming cookies para sa apo niya." Si Daddy.
Natawa si Mommy. "Ikaw nga, you prepared the backyard para makapaglaro doon mamaya ang apo mo."
Natawa na lang din si Daddy.
Pumunta na kami sa dining. Iniwasan ko na lang ang tingin ni Kristoff.
"Fried chicken!" Si Toffie nang makakita niyon sa mesa. Natawa kami.
"'Buti na lang nagpaluto din ako nito. Ewan ko ba pero siguro dahil naisip ko na rin ang apo kong ito." Malambing na hinalikan ni Mommy ang pisngi ni Toffie.
Naupo na kami. Si Daddy ang nakaupo sa kabisera at pinagitnaan naman namin ni Mommy si Toffie. Sa tabi naman ni Dad naupo si Kristoff.
Hindi ko na naasikaso ang anak ko dahil abala na si Mommy sa paglalagay ng mga pagkain sa plato niya. Napangiti na lang ako.
"Ito pa, baka gusto rin niya." Si Dad na may iniabot na isa pang ulam.
"Vegetable," sabi ni Toffie na itinuro ang chop suey. "Gusto mo ito?" Mommy put that on his plate, too. "Aba, kumakain pala ng gulay ang apo ko." Si Daddy. Toffie smilingly turned to him.
"Opo, sinanay ko siya. Gaya rin noon sa inyo ni Mommy, sinanay n'yo akong kumain ng gulay kaya kinalakihan ko na," sabi ko.
Parehong ngumiti sina Mommy at Daddy.
Nasulyapan ko ang tingin sa akin ni Kristoff at muli lang akong umiwas.
Habang kumakain ay abala sina Mommy at Daddy kay Toffie. Tahimik at napapangiti na lang din ako sa anak ko na maganang kumakain.
"You made me a tree house?" Toffie's eyes went wide nang sabihin iyon sa kanya ni Daddy pagkatapos naming kumain.
"Ginawa namin..." Itinuro ni Daddy si Kristoff.
"Tito Allen! You live here pala," Toffie said when he turned to Kristoff.
Iyon na ang tawag niya gaya ng narinig niya noon kay Kayla noong birthday niya.
Kristoff went to him and carried Toffie in his arms. Tinitigan niya ang mukha ng anak ko na nakatingin lang din sa kanya.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakikita silang nakatingin sa isa't isa. Nang bumaling sa akin si Kristoff ay nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi pa namin talaga tapos, apo, pero itutuloy rin naman mamaya."
"Can I see it now?"
"Mamaya na, apo. Mainit pa sa labas. Siguro mag-siesta ka muna. Lia..." Nag-angat ako ng tingin kay Mommy. "Hindi naman kayo agad aalis, 'di ba?"
Marahan akong tumango.
She beamed. Hinalikan niya sa pisngi si Toffie na nanatili sa mga bisig ni Kristoff. "Mabuti pa, iakyat n'yo muna siya sa dati mong kuwarto, Lia. Malinis doon at pinaayos ko."
Tumango ako. Hindi ko alam kung lalapit ako kay Kristoff para kunin si Toffie sa kanya.
Nauna siyang umakyat sa hagdan nang hindi ibinababa ang anak ko. Sumunod na lang ako.
"That's you, Mommy!" Itinuro ni Toffie ang isang may kalakihang picture ko na naka-frame at nakasabit sa dingding ng kuwarto.
Wala halos nabago sa kinalakhan kong kuwarto. Sa living room kanina sa ibaba at sa dining ay nakitaan ko ng ilang pagbabago. But my room stayed the same. Napangiti ako. Na-miss ko itong kuwarto ko.
"Your mommy used to live here," Kristoff told Toffie. "Huh?"
Lumapit na ako at kinuha si Toffie sa kanya. "Nap time, Toffie."
I put him down on the bed. Sanay rin naman siyang natutulog sa ganitong oras.
Nalingunan ko si Kristoff at nanatili siyang nakatayo lang doon. May pakiramdam ako na naghihintay siya na makausap ako. Kaya naman umakyat na rin ako sa kama at nahiga sa tabi ni Toffie. Matutulog na lang din siguro muna ako rito para umalis na siya.
Pero mali rin yata iyon. Dahil tinawag ni Toffie si Kristoff at sinabihan na matulog din muna ito doon sa tabi namin.
What the hell?
"Okay!" Mabilis na pumuwesto ng higa si Kristoff sa tabi ni Toffie. Napagitnaan namin ang bata.
Ngiting-ngiti si Toffie. "You know, Tito, I always dream of this."
"This?" tanong naman ni Kristoff na sumulyap din sa akin.
Bumaling lang ako sa anak ko.
"Yes, like this... Sleeping beside my mommy and my daddy..." Toffie said. Nanlaki ang mga mata ko. "But you're not my daddy... But it's okay. I think it would feel just the same..." sabi niya, pagkatapos ay humikab na.
"Where's your dad?"
Hindi na talaga ako tumitingin kay Kristoff.
"Mommy said he's abroad..." Humina na ang boses ni Toffie sa antok.
Pinutol ko na ang usapan nila. Kanina ko pa rin gustong gawin iyon. "Enough, Toffie. You should be sleeping now," I said at inusod pa ang katawan niya palapit sa akin. Pumikit na siya. I hugged him and closed my eyes. Hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok.
Nagising ako sa loob ng isang komportableng yakap. The heat coming from the embrace was comforting. Lalo akong dumikit doon. Hanggang sa nakaamoy ako ng pamilyar na bango.
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. I remembered falling asleep beside Toffie's small body... Pero hindi na yata bata itong katabi ko ngayon sa kama. Unti-unti akong nag-angat ng tingin at agad nagtagpo ang mga mata namin ni Kristoff.
Halos mapatili ako at agad na lumayo mula sa kanya! "What are you doing?!"
Napabangon na rin siya. "What?"
"Why were you hugging me?!" malakas ang boses na tanong ko.
"Ikaw ang naunang yumakap sa 'kin—"
"I was asleep!"
Hindi siya nagsalita. "Where's Toffie?" I asked. "Nauna na sa 'baba. Lia—"
Pero mabilis ko na siyang iniwan doon. Naabutan kong masayang kumakain ng cookies ang anak ko kasama ang natutuwa rin na sina Mommy at Daddy.
Nakita ako ni Mommy nang mag-angat siya ng tingin. "Lia, gising ka na pala." Tumayo siya para salubungin ako. "Mag-merienda ka muna."
Tumango ako. "Ikaw po, Mommy?"
"Oo, doon na tayo sa garden. Panoorin natin silang tapusin 'yong tree house. Hindi na rin naman mainit sa labas."
"I will help finishing the tree house!" masiglang sinabi ni Toffie.
Natawa lang si Daddy.
Iyon ang naabutan ni Kristoff.
"Tutulong daw siya sa ating tapusin 'yong tree house," Daddy told him.
Kristoff turned to Toffie at muli na namang kinarga sa mga bisig. "Why not?" He kissed Toffie's forehead.
"Ang dad mo talaga ang nakaisip. Dati kasi, gusto rin sana niya kayong gawan ng tree house ni Kristoff..." Ngumiti sa akin si Mommy. "Pero wala rin siyang panahon. Natatakot din kami na baka maaksidente kayo at mahulog dahil palagi kaming wala at busy sa mga cases namin noon. Kaya hindi na natuloy. Ngayon, nandito lang naman kami ng dad mo at wala kaming ibang gagawin kundi bantayan si Toffie."
Napangiti ako. "Thanks, Mom."
Umiling lang siya at nagtawag ng kasambahay para dalhin na ang inihanda niyang merienda sa garden.
Nauna na ang tatlo sa labas. Sumunod naman kami ni Mommy.
Hindi kalayuan sa kinauupuan namin ay tanaw namin sina Daddy. Mukhang tuwang-tuwa ang anak ko at tumatalon-talon pa. Napangiti ako sa reaksiyon niya. Hindi naman mataas talaga iyong puno na may matabang katawan. Halos tapos na rin iyon. Nagsimula silang gumawa ng hagdan.
"Tuwang-tuwa siya. Mukhang nagustuhan niya."
Bumalik ako kay Mommy na sumisimsim ng tsa. "Oo nga po. Wala rin kasi halos siyang nakikitang puno o mga halaman at sa condo kami nakatira," sabi ko at muling ibinalik ang tingin kay Toffie na nagtatakbo na at mukhang naaliw sa mga halaman ni Mommy.
"You should visit here more often," she said.
Bumaling muli ako sa kanya at tumango. Kapag hindi busy dahil mukhang masaya rin talaga ang anak ko na narito siya.
"Ilang taon na nga siya?"
"Five, po," I answered.
Tumango si Mommy at mukhang naging seryoso. Inilapag niya ang tasa sa round table na nakapagitan sa amin. "Who's... his father? Nakapag-asawa ka na ba? Nagpakasal ka na?"
Hindi agad ako nakasagot sa mga tanong niya. Marahan akong umiling.
"Lia..." Hindi inaalis ni Mommy ang tingin sa akin. "May pakiramdam ako na..." I looked down. "He has... Kristoff's eyes..."
Napaangat ako ng tingin kay Mommy. Now I saw worry in her eyes.
"Tell me, anak... who's Toffie's father?"
Namuo ang luha sa mga mata ko. "Please, huwag n'yo po munang ipaalam kay Kristoff, Mom," pakiusap ko sa kanya.
"Lia—"
"Please, Mommy. Ayaw ko lang na mabigla niya si Toffie. Ako na po ang magsasabi sa kanya."
She nodded. Pareho kaming bumaling sa kinaroroonan ng tatlo at naabutan si Toffie na paikot-ikot na tumatakbo at hinahabol ni Kristoff. Tawa nang tawa ang anak ko at ayaw magpahuli.
Nang ibinalik ko ang tingin kay Mommy ay naabutan ko ang pagngiti niya habang pinapanood ang dalawa.
Humalik na si Toffie kina Mommy at Daddy nang magpaalam na kami na uuwi na. Pagkatapos ay lumapit siya kay Kristoff at ito naman ang niyakap. Binuhat naman siya ni Kristoff. Yumakap si Toffie sa leeg niya at hinalikan niya ang bata sa gilid ng ulo nito.
I looked away.
"Hija." Lumapit sa akin si Mommy at sandali akong niyakap.
"Thank you, Mom."
Tumango siya at lumabas na kami ng bahay. Nauna si Kristoff na buhat pa rin si Toffie at halos hindi na bitawan. Nasa harap na kami ng kotse ko.
"Mag-ingat kayo, anak," bilin ni Mommy.
Tumango ako at muling nagpaalam sa kanila. Ipinasok na ni Kristoff si Toffie sa sasakyan.
Papasok na rin ako sa driver's seat nang magsalita siya. "Susunod ako sa inyo," Kristoff said.
Sinundan nga kami ni Kristoff. Pero tumigil din ang sasakyan niya at lumiko nang makitang papasok na ang sasakyan ko sa basement ng condo.
Tumawag si Mommy nang nasa loob na kami ni Toffie ng unit namin. Sinagot ko iyon.
"Mom."
"Nakauwi na ba kayo?" she asked. "Opo, Mom, nasa condo na kami."
"Mabuti naman. Ipinapatanong din ni Kristoff."
Hindi ako agad nagsalita. Kakahatid lang niya sa amin, ah? At nakita naman niyang pumasok na sa basement ang kotse ko. "Sige po, Mom, papaliguan ko pa si Toffie."
"Sige, anak."
Ibinaba ko na ang tawag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top