Chapter Eight
Chapter Eight
Magkapatid
The next day, agad bumiyahe si Daddy para puntahan ang sinasabi ko. I couldn't be wrong. Tisoy was really my brother. He was my Kuya Kristoff.
Kaya pala pamilyar ang mga mata niya. Ang ngiti niya. He just wasn't thin as before. He was only fifteen then and it was more than fifteen years ago.
Nagkulong ako sa kuwarto. Umiiyak lang ako at halos hindi makakain. Itinago ko iyon kina Manang.
"Pauwi na ako," sabi ni Daddy mula sa kabilang linya.
"K-kasama mo po ba—"
"Yes, he's with me."
I bit my bottom lip. Ibinaba ko na ang tawag at humagulhol.
Paano nagawa sa akin ito ng pagkakataon? Why did he have to be my brother?! Minsan na lang ako nagmahal... I was so stupid. I'm so stupid!
"Stupid," I spat to myself.
Hindi ko pa alam kung paano ko pakikiharapan si Tisoy.
Pero alam kong tama ang ginawa ko. Kailangang malaman nina Daddy ang nalaman ko. Kailangang malaman ni Tisoy ang katotohanan sa pagkatao niya.
Ganoon na lang ang iyak ni Mommy nang makita si Kuya. Niyakap niya ito nang mahigpit habang humahagulhol. Daddy looked happy seeing his wife and his son.
Nag-iwas ako ng tingin. Lalo na nang muling dumapo ang mga mata ni Tisoy sa akin. Kanina, nang una niya akong makita ay nanlaki ang mga mata niya. Nakita kong gusto niya akong lapitan pero naunahan siya ni Mommy na ayaw na halos humiwalay sa kanya.
Nanatili akong nakatayo sa isang gilid at halos malayo sa kanila. I kept my head low.
Na kay Mommy ang atensiyon ng lahat. Baka kasi himatayin siya. Pilit siyang pinapakalma ni Daddy.
Narinig ko si Daddy na ipinapaliwanag kay Mommy ang sitwasyon ni Tisoy. Na wala pa itong maalala. Panay lang ang iyak at yakap ni Mommy kay Tisoy. Sa kabila niyon ay nakita ko siyang ngumiti. After long years ay nakita ko uling ngumiti si Mommy.
"Andrea."
Halos takbuhin ko ang kuwarto ko. Hinabol ako ni Tisoy.
Kanina ko pa siya iniiwasan. Kahit ang mga tingin niya.
Ipinasok na muna ni Daddy si Mommy sa kuwarto nila. Nandito na rin sa bahay ang doktor na tinawagan ni Daddy para tumingin kay Mommy. Abala rin ang mga kasambahay sa pag-asikaso sa dumating na doktor.
I locked my door at napasandal doon kasabay ng mga luha.
"Andrea." Kinatok ako ni Tisoy.
I covered my mouth as I was crying. This was so painful.
Parang nakakamatay ngang talaga ang sakit.
He kept on knocking on my door until he stopped.
"Andrea, mag-usap tayo." Hinarang ako ni Tisoy nang bumaba ako kinabukasan.
Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa paligid kung may nakakakita ba sa amin. And then I turned back to him when I was sure that we were alone in the living room.
Hinila niya ako paalis doon at paakyat sa kuwarto niya. My eyes went wide. "Tisoy—"
"Bakit umalis ka na lang bigla? Hinanap kita!"
Nasa loob kami ng dati niyang kuwarto sa bahay. Sandali ko pang pinasadahan iyon ng tingin. Mula noong nawala siya ay hindi pa ako nakakapasok uli dito. Because I knew it would hurt me. I would remember him. I would remember what happened.
"Nag-alala ako! Akala ko kung ano nang nangyaring masama sa 'yo."
I looked at him. He really looked so worried. I looked down. Kasabay ng muling pagpatak na naman ng mga luha ko.
"Andrea..." Sinubukan niyang iangat ang baba ko para magkatinginan kami but I stayed looking down. "Naguguluhan pa ako. Nagpunta siya doon sa amin at sinabi niyang siya ang tatay ko. Na nawala ako—"
"It's true, Tisoy." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He shook his head.
"Nakilala kita sa ipinakitang picture mo sa akin ni Tita—"
"Kaya ka umalis na lang bigla? Nang walang paalam?" may hinanakit niyang sabi.
Muli akong nag-iwas ng tingin. Patuloy ang pagtulo ng luha. "What do you expect me to do? I just found out that my boyfriend is also my brother... Crazy, right?" Tumingin ako sa kanya.
Sinubukan niyang punasan ang mga luha sa pisngi ko pero iniiwas ko na ang mukha ko sa kanya.
"Do you understand?" Hindi siya nagsalita. "Magkapatid tayo—"
"Hindi—" Umiling siya. "Mahal kita, Andrea—"
"Don't say that!" Napapikit ako. Umiling. "Tisoy, please, don't make this hard..." I almost begged. Tiningnan ko siya sa mga mata. "Kalimutan na lang natin 'yong mga nangyari sa atin sa isla—"
Halos magmura siya kaya natigilan ako. "Gano'n na lang 'yon—"
"Akala mo ba madali para sa 'kin 'to? I... I love you..." I think it was the first time I told him those three words. But I shook my head. "Pero hindi, eh... Mali... Maling-mali dahil magkapatid tayo—"
Tinalikuran niya ako at napahilamos siya sa mukha gamit ang mga palad.
Nang muli niya akong hinarap ay namumula na ang mga mata niya sa nagbabadyang luha. And it broke my heart even more. Lalo akong napaluha.
Hinawakan niya ako. "Andrea, umalis na lang tayo. Magpakalayo, sumama ka sa 'kin. Hindi kita pababayaan—"
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Sunod-sunod ang pag-iling ko. "Naririnig mo ba ang sarili mo—"
"Oo," halos frustrated niyang putol sa akin. "At sigurado ako. Kaya umalis na tayo dito—"
Umiiling pa rin ako at tinanggal ang hawak niya sa akin. Napatingin siya sa ginawa ko. I saw hurt in his eyes as he looked at me. Para nang kinakatay ang puso ko sa sakit.
Pero kung ganito siya mag-isip, dapat ako iyong mas mag-isip para sa aming dalawa. I knew what was right... Alam ko ang mas makabubuti para sa amin... Para sa lahat. "Tisoy, listen. Sinasabi mo lang 'yan dahil wala ka pang naaalala. But trust me when your memories come back, sasabihin mo rin na tama itong sasabihin ko sa 'yo." Umiling ako. Mabilis ko na ring pinunasan ang mga luha ko. I needed to be brave. Tama na ang mga luha. "We need to stop this. Magkapatid tayo. Naiintindihan mo? Magkapatid tayo kaya hindi puwede 'yang gusto mo. Mali, mali 'to. Kaya itigil na natin habang maaga pa—"
Natigilan ako nang makitang pumatak ang isang butil ng luha niya habang umiiling siya.
My lips parted. Muli na namang bumuhos ang luha ko. Hindi ko yata kaya... "Tisoy..." I tried to wipe his tear. He let me. "Tama na..." Umiling ako. "Please..."
Hindi siya nagsalita.
Unti-unti kong ibinaba ang mga palad ko sa kanyang pisngi. "I'm sorry..." Umiling ako.
And with that I left his room.
Muli akong nagkulong sa kuwarto at doon na naman umiyak. Alam kong tama lang ang ginawa ko. Hindi kami puwede. It was wrong for us to love each other that way because we were siblings. Alam kong mandidiri ang sinumang makakaalam.
Masaya si Mommy at maraming kuwento habang kumakain kaming apat ng dinner. Unti-unti na siyang bumabalik sa dati. At alam kong gaya ko ay masaya rin si Daddy. Nasabi niya sa akin dati na hindi lang si Kuya ang nawala sa kanya, pati na rin si Mommy. Because when we thought we lost my brother, parang nawala rin sa amin si Mommy.
Sinubukan pa niyang mag-commit ng suicide noon, mabuti at naabutan siya ni Daddy sa kuwarto nila bago pa man siya may magawang masama sa sarili. I saw Dad cried that time. Sobra ang pakiusap niya kay Mommy na huwag naman siyang iwan nito. And I was also there crying on the side.
Parang natauhan si Mommy sa nakitang ayos ni Daddy noon. Kaya nangako rin siyang hindi iiwan si Daddy. Although after that ay nagkukulong pa rin siya sa kuwarto nila.
Pero sapat na kay Daddy na buhay ang asawa niya. Hinahayaan niya si Mommy. He never forced her to anything na ayaw ni Mommy. Because Dad said he knew who he married. Ganoon daw talaga si Mommy. No one could force her. Even him. Kusa niyang gagawin kung gusto niya.
And right now we just wanted her to fully heal. "Nagustuhan mo ba ang niluto ko, anak?" Mom smilingly asked.
Tisoy nodded and returned our mother's smile.
Mukhang natuwa naman lalo si Mommy. She actually cooked our dinner tonight. Tinulungan lang nina Manang.
Pagkatapos ng hapunan ay nag-usap pa sina Tisoy at Dad. Tungkol yata sa pag-aaral niya. I could see na hindi naman nahihirapan si Tisoy na mag-adjust dito sa bahay at sa mga magulang namin. I think it just came out naturally dahil sila naman talaga ang mga magulang niya. Kami ang pamilya niya. And I was happy for him. I was happy for my mom. I was happy for our family...
"Lia."
I halted on my steps when I heard who called my name. Paakyat na sana ako sa kuwarto. Unti-unti akong humarap at hindi pa ako halos makapaniwala na si Mommy nga ang tumawag sa akin.
"Anak," sabi niya.
Agad namuo ang luha sa mga mata ko. My heart warmed. "M-Mommy..."
Pinalapit niya ako sa kanya. Unti-unti akong lumapit sa kanya at sinalubong niya ako ng yakap.
Doon na ako umiyak. I think my mommy's finally back after so many years. Pakiramdam ko pa ay nananaginip ako.
"Mommy..." I cried in her arms.
"Sshh," she soothed me. "I'm sorry, anak... I'm sorry I blamed you..."
I cried more. Humigit din ang yakap ko sa kanya. "Mommy..." I sobbed. Patuloy lang niya akong inalo. "It's okay, Mommy. I understand..." I said as I was still hugging her and I felt like I didn't want to let go of her. I missed her so much.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top